Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

“Pag-uugaling “Bahala na” sa paggawa ng mga Gawain ng mga mag-aaral sa 11-


STEM ng Commonwealth High School”

Mga miyembro:
Sullano,Arjohn Daniel Y.
Bobier,Ronariza
Taloza,Claire Anne
Cunanan,Angeline

Baitang at Seksyon:
11-STEM (Aryabhata)

Pebrero 2020
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL
Kabanata 1

Introduksyon

“Handing hamakin ang lahat para sa inaasam na pangarap, kaya BAHALA NA ang
diyos ang magtakda”. Ang pag-uugaling “Bahala na” ay isang ugaling umaasa nalang sa
isang bagay tulad ng tadhana, sitwasyon at isang bagay na hindi tiyak at walang
kasiguraduhan.
Karamihan na problema ng mga estudyante sa panahon ngayon ay ang kasanayan
na pagmamadali sa mga takdang aralin at proyekto sa loob at labas ng eskwelahan.
Maaaring ito rin ang tinatawag na ugaling "bahala na", ito ay ang pagpapaliban nila sa mga
mahalagang gawain at ipinagpapalit sa hindi mas mahalaga kaya’t bilang resulta nito ay
ang tambak na gawain at ang mga gawain na dapat ipasa sa takdang oras ay hindi
nasusunod ngunit ang paguugaling ito ay maaring makapagdudulot ng mabuti sa isang
estudyante kagaya ng pagiging positibo at pagiging determinado na gawin ang isang
gawain ng walang pagaalinlangan at pagiging pursigido kahit mahirap at posibleng
mangyari sa ginawang aksyon.
Nagmula ang katagang bahala na sa "bathala na" na nangangahulugan na "Ang
diyos na ang magtatadhana".Madalas na naipapakita ang bahala na bilang isang masamang
bagay,ngunit pwede itong tawaging fatalismo sa pamamaraang pagiging determinado at
ang pananaw na ang bawat pangyayari ay may dahilan at ang lahat ng mga bagay sa buong
kalawakan ay lubusang nakasalalay at pinamamahalaan ng batas ng kadahilanan. Dahil
pinaniniwalaan ng mga naniniwala sa determinismo na ang lahat ng pangyayari, kasama
ang mga aksyon ng tao ay nakatakda na, tipikal na ipinalalagay na hindi ito sang-ayon sa
malayang pagpapasya ng tao.
Ang Pananaliksik na “Pag-uugaling “Bahala na” sa paggawa ng mga gawain ng
mga mag-aaral sa 11-STEM ng Commonwealth High School”ay naglalayon na magbigay
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL
ng kaalaman sa mga estudyante na ang pag-uugaling “Bahala na” ay isang positibong
pananaw.
Layunin ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito ay matutukoy ang positibong pananaw ng pag-uugaling “bahala


na” na nangangahulugang pagsasawalang bahala sa isang bagay o pagsuko, kaya’t layunin
nito ay magbigay ng kaliwanagan sa mga estudyante tungkol sa tunay na ibig sabihin ng
“bahala na” at magtala ng payo kung bakit ang bahala na ay dapat gamitin bilang positibong
pananaw.
Layunin ng mananaliksik na magtala ng mga negatibong pagamit sa salitang bahala
na at kung bakit ang paggamit ng bahala na bilang negatibo ay mali at kung paano
nakakaapekto ang pagamit at pagkakakilala ng mga estudyante ng 11 STEM sa salitang
bahala na sa kanilang pag-aaral, pang araw-araw at sa kompyansa.
Layunin ng pananaliksik na ito na makatulong hindi lang sa estudyante pati na rin
sa mga magulang at guro na ang “bahala na” ay hindi pagsuko sa isang gawain bagkus ito
ay pagtanggap at pagiging responsable sa mga gawain at paggawa nang lahat na makakaya
para lang matapos ang isang gawain.
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

Kahalagahan Ng pag aaral

Ang naturang pananaliksik ay magiging gabay sa mga sumusunod:


 Mga mag-aaral
 Sa tulong ng pag-aaral na ito ay matutulungan ang mga mag-aaral na malaman na
ang kaugaliang ito ay hindi lang naipapakita na sa negatibong paraan at malaki ang
magiging tulong nito para sa kanilang pagaaral sa pamamagitan ng paggamit nito
bilang positibong pananaw.

 Mga guro
 Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay matutulungan ang mga guro na malaman
ang sanhi ng pagkahuli at pagmamadali sa paggawa ng mga takdang aralin at
proyekto sa klase ng mga mag-aaral.

 Mga magulang
 Sa tulong ng pag-aaral na ito ay malalalaman ng mga magulang ang pangunahing
dahilan ng pagiging positibo ng kanilang mga anak kahit na maraming ginagawa sa
paaralan at malalaman ang mga sanhi at bunga ng pag-aaral na ito.
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na mapaunlad ang kaalaman ng mga estudyante


sa 11-STEM (Alhazen at Aryabhata) ng Commonwealth High School na ang pag-uugaling
“Bahala na” bilang isang positibong pananaw.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng respondante mula sa
paksang “Pag-uugaling “Bahala na” sa paggawa ng mga Gawain ng mga mag-aaral sa 11-
STEM ng Commonwealth High School” na ang saklaw ay ang mga estudyanteng sasagot
sa survey na inihanda ng mga mananaliksik upang malaman kung anong reaksyon at
kasagutan ang maaaring maging resulta na nakapaloob sa paksa.
Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang mas malalim na pag-aaral at obserbasyon na
maaaring makatulong sa estudyante sa kanilang pag-aaral sa positibong pananaw ng pag-
uugaling “Bahala na”.
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

Depinisyon ng mga Terminolohiya

 Bahala na- isang pag-uugali na umaasa nalang sa tadhana at sitwasyon na walang

kasiguraduhan.

 Tadhana- Ang tadhana o kapalaran ay laging pinapakahuluganan na isang

nakatakdang pangyayari na hindi kayang kontrolin ng tao.

 Determinado- pagiging masipag at pursigido sa isang bagay.

 Tipikal- ayon sa inaasahang asal, ugali, at iba pa.

 Responsible- pagkakaroon ng obligasyon na gawin ang isang bagay, o

pagkakaroon ng kontrol o pangangalaga sa isang tao, bilang bahagi ng trabaho o

tungkulin ng bawat tao.

 Pananaw- nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang

bagay suliranin.

 Kumpiyansa- nangangahulugang tiwala sa sarili

 Respondante-inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap

ng mga datos kliping.

 Kaugalian-isang tradisyon, paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong

naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.

 Positibo-Ang nagagawa ng tao dahil sa pag ibig ay ang kaniyang nagustuhan ay

gagawin niyang inspirasyon sa kanyang buhay.


COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

You might also like