Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

V.

Inobasyon, Interbensyon at Istratehiya

Ang epektibong pagkatuto sa asignaturang Filipino ay hindi nakukuha sa


isang upuan lamang, nangangailangan ito ng epektibong istratehiya. Ang mga
mananaliksik ay may napakalaking papel na dapat gampanan pagdating sa
pagpapaunlad ng kasalukuyang estado ng suliranin sa pamamagitan ng
inobasyon, interbensyon at istratehiya na may layuning mapataas ang kalidad
ng edukasyon na matatamasa ng mga magaaral mula baitang pito hanggang
siyam sa Mataas na paaralang nasyonal ng Alitagtag sa asignaturang Filipino.
Ang pagiging mananaliksik ay hindi nagtatapos sa pagtaya lamang ng mga
salik na nakakaapekto sa epektibng pagkatuto sa asignaturang Filipino at
pagbuo ng mga ideya na pawang mga epektibong istratehiya, kundi sa
pagsasakatuparan ng mga ideya na makakatulong upang masolusyunan ang
suliranin. Sa kabilang banda, ang mga mananaliksik ay naninindigang sa mga
guro marapat na magsimula ang inobasyon. Bilang mga guro kina kailangang
hikayatin nila ang mga magaaral sa talakayan sa pamamagitan ng ibat-ubang
mga istratehiya gaya na lamang ng paggamit ng modernong teknolohiya.
Upang mabawasan pa ang mga salik na nakaaapekto sa epektibong
pagkatuto ng mga mag-aaral, sa guro pa rin nakaatang ang respnsibilidad na
tutukan ang mga magaaral na hindi nakakasabay sa talakayan sa
pamamagitan ng interbensyon kung saan maayos na maipapaliwanag ng guro
ang mga gawain sa pinakapayak nitong anyo.

You might also like