Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of City Schools
DON GREGORIO EVANGELISTA MEMORIAL SCHOOL
Tetuan District
Zamboanga City

DATE: NOVEMBER 25, 2019 3RD QUARTER

BANGHAY SA ARALIN
SA
FLIPINO 6

I. LAYUNIN
a. Nasasabi kung ano ang pang-abay
b. Natutukoy ang pang-abay sa pangungusap
c. Nauuri ang pang-abay

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pang-abay
Sanggunian:
Curriculum Guide, Filipino 6 (F6WG-IIIa-c-6)
LM , Filipino 6, module 4
Landas sa Wika p. 161-166
Kagamitan: manila paper, pilot pen, visual aids

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda
2. Pagbati
3. Balik-aral
- Tungkol saan ang ating aralin kahapon?
- Pag ang kahulugan ng ilaw ng tahanan ay ang ilaw ng kisame sa
bahay, ano iyon? Denotasyon o Konotasyon?
- Ano naman ito sa Konotasyon?

B. Paglinang ng Gawain:
1. Pagganyak:
- Sino sa klase ang may alam kung ano ang bugtong?
- Sino-sino ang mahilig sa bugtong?
Sagutin ang sumusunod sa bugtong:

1. Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumalakad ay patihaya.


(Bangka)
2. Nagsaing si Insiong, sa ilalim ng gatong. (Bibingka)
3. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap. (Parol)
2. Paglalahad
Itanong:
- Sa unang bugtong, papaano lumalakad ang tinutukoy na bagay?
- Sa ikalawang bugtong, saan daw nagsaing si Insiong?
- Sa ikatlong bugtong, kalian naman kumikislap ang bituing buto’t
balat?

Ipasuri ang mga sumusunod na pangungusap:

 Patihayang lumakad ang Bangka.


 Nagsaing si Insiong sa ibabaw ng gatong.
 Tuwing pasko kumikislap ang bituing buto’t balat.
Itanong:
- Ano ang bahagi ng pananalita ang binilugan?(pandiwa)
- Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng pang-abay?

3. Pagtatalakay

- Ano ang pang-abay?

Pang-abay
 Naglalarawan sa pang-uri, pandiwa o kapwa pang-abay.
Iba pang halimbawa:
Magaling sumayaw ng tinikling si Anna.
Ang buong pamilya ay nagsisimba tuwing linggo.
Kumain sila ng cake sa bakery.
Tatlong Uri ng Pang-abay:
 Pang-abay na Pamaraan – ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi ng
ng paraan kung paano ginagawa ang kilos o galaw.
-sumasagot sa tanong na paano.
 Pang-abay na Pamanahon – ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi
kung kailan ginagawa ang kilos o galaw.
-sumasagot sa tanong na kailan.
 Pang-abay na Panlunan – ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi kung
saan ginawa ang kilos ng pandiwa.
-sumasagot sa tanong na saan.

Subukan Natin:
Salungguhitan ang pang-abay o mga pang-abay sa pangungusap.
1. Ang kalapati ay malayang lumipad sa himpapawid.
2. Ang mga tanod ay maagap na tumugon sa paghingi ng saklolo ng mga mamamayan.
3. Walang-humpay na bumuhos ang malakas na ulan kahapon.
4. Masigla niyang ibinalita ang tungkol sa kanyang bagong trabaho.
5. Matiyagang itinapos ni Nena ang kanyang proyekto sa Araling Panlipunan.

4. Paglalapat
Gumawa ng limang pangkat at gawin ang sumusunod na gawain.

Unang Pangkat
Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap.
1. Mahirap magtahi sa lugar na madilim.
2. Si Mang Teodoro ay maingat magmaneho ng dyip.
3. Pumasok sa paaralan ang kambal.
4. Nagbakasyon si Marco sa kanilang probinsya.
5. Bukas gaganapin ang patimpalak na sinalihan ni Anna.

Pangalawang Pangkat
Isulat kung ang sugnay na pang-abay ay nasa pamaraan, panlunan o pamanahon.

_______1. Nagmamadaling pumunta ang guro sa paaralan upang darating siya nang maaga
roon.
_______2. Gustong mag-ihaw ng spare ribs ni Gng.Llanos kaya lang naubusan siya sa
tindahan ng kanyang suki.
________3. Kung sasama ka sa probinsya, ngayon pa lamang magsanay ka na sa simpleng
buhay.
________4. Lumakad ang bata sa simbahan na parang isang anghel.
________5. Ang mga tao ay nanonood sa palabas kahit malakas ang ulan dalawang araw na
ang nakaraan.

Ikatlong Pangkat
Gumuhit ng sa patlang kung sugnay na pang-abay
na pamanahon, kung sugnay na pang-abay na pamaraan at
kung sugnay na pang-abay na panlunan ang nakapaloob sa bawat sugnay na pangungusap.

______1. Namasyal ang mag-aaral sa Marikina dahil may malawak na palaruan doon.

______2. Humingi ng saklolo ang babae kaya sumigaw siya nang malakas.

______3. May dala siyang pagkain na gulay dahil galing siya sa bukid kahapon.

______4. Habang natulog ang bata kagabi, umalis si Nita.

______5. Pumalakpak ang mga bata habang magaling na nagtanghal ang mga mananayaw.

Ikaapat na pangkat
Kahonan ang sugnay na pang-abay. Isulat sa patlang ang PU kung panlunan,
PM kung pamaraan, at PH kung pamanahon

_____1. Nagpepenitensya ng tatlumpong araw ang mga Muslim kung dumarating ang
panahon ng Ramadan.
_____2. Ang Ramadan ay isang tungkuling pangrelihiyon ng mga Muslim na
ipinagdiriwang nila taun-taon.
_____3. Dahil pinag-aaralan nila ang Koran nang buong puso at isipan, tumitibay ang
kanilang pananampalataya.
_____4. Kapag nasa mosque sila taimtim nilang pinasasalamatan ang mga biyayang
bigay ni Allah.
_____5. Ipinakita ang tumpak na kabanalan ng Ramadan sa pamamagitan ng pag-awit
at pagdarasal sa araw at gabi.
Ikalimang pangkat
Basahin ang pangungusap na nasa tsart. Kilalanin ang mga sugnay na pang-
abay na ginamit sa pangungusap. Lagyan ng tsek() ang angkop sa uri nito.
Pangungusap Pang-abay na Pang-abay na Pang-abay na
Pamanahon Pamaraan panlunan
1. Dadalo ako sa parti
mo kahit malayo ang
bahay ninyo.
2. Natapos niya
kaagad ang proyekto
dahil puspusang
atensyon ang
kanyang ginawa
3.Kung magaaral ka
arawaraw, makakuha
ka ng mataas na
marka.
4. Sasali ako kung
pupunta ka sa bahay.
5. Nanalo sila dahil sa
malaanghel nilang
pag-awit.

5.Pagbubuo
- Ano ang pang-abay?
- Ano-ano ang tatlong uri ng pang-abay?
-Uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na paano.
-Uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na saan.
-Uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na kailan.

IV. Pagtataya
Tukuyin ang pang-abay sa pangungusap. Ilagay ang salitang pang-abay sa tamang
hanay.
1. Nagbakasyon ang mag-anak sa Tagaytay.
2. Babalik na sila sa isang linggo.
3. Magkikita kame sa ng aking pinsan sa parke.
4. Masayang ikinuwento ni Lisa ang kanyang pinsan ang kanyang nagging mga
karanasan.
5. Tahimik naman akong nakikinig sa kanyang mga kuwento.
Pang-abay na Pamaraan Pang-abay na Pang-abay na Panlunan
Pamanahon

V. Kasunduan
Magsalaysay ng isang karanasan sa isang pagdiriwang na hindi malilimutan tulad
ng pasko, pista, kaarawan at iba pa. Gumamit ng pang-abay sa pagsasalaysay.

Inihanda ni:

Jeanruse D. Ebal
Teacher I

You might also like