Professional Documents
Culture Documents
Tatlong Kwento Ni Lola Basyang Reaction Paper
Tatlong Kwento Ni Lola Basyang Reaction Paper
PAGLALARAWAN
S.N.______Pangngalan_____________________________Seksyon_________Marka_______
Panuto: Sagutan sa panibagong papel and mga katanungang nakalahad sa mga sumusunod na
bilang. Ipasa ito nang kompyuterisado kasama ang talatanungan. Sundin ang pormat na ito ng
questionnaire.
I. Isalaysay ang karanasan sa pagpunta sa pook ng tanghalan hanggang sa marating ito. Kung
mayroon, banggitin ang mga naranasang suliranin at ang mga naging kalutasan nito.
Maaga kami nakapagbihis at nakapaghanda para umalis mula sa aming bahay. Ngunit
nadala ang aking ina at kapatid sa palabas sa telebisyon at dahil dito, kami’y na-late sa pag-alis.
Medyo nalate kami sa pagpunta sa pook dahil na rin nagka-traffic sa gitna ng daan at pinabagal
ang aming paglakbay.
II. Ilarawan ang tanghalan; ang kapaligiran o background, ayos, ilaw, bentilasyon, at ang
pangkalahatang anyo nito.
Nang makarating kami sa tanghalan, nakita kong maayos at sobra sa lamig ang
kapaligiran. Maraming tao ang nanunuod at malaki ang lugar. Maraming taong nakatayo sa tabi
ng audience na naka-distract sa ibang tao. Madilim noon at sa istage lamang nagmumula ang
ilaw.
III. Ilarawan ang pisikal na aspekto ng pagtatanghal tulad ng kasuotan ng mga nagsiganap, ang
musika, kilos, pananalita, kagamitan o props, ugnayan ng nagtanghal at ng kanilang mga
manonood, at iba pa.
Magaling talaga ang nag-design ng stage. Nakakakuha ng atensyon kaagad sa mga tao.
Talagang pinaghirapan ito. Nakikita mo talaga na ang tema ng palabas ay naipakita sa
dekorasyon ng istage. Maganda rin ang kasuotan ng mga nagsiganap. Napaka-malikhain ng mga
nakaisip ng mga desyn na iyon. Ang masasabi ko lang ay napakagaling ng mga dekorasyon at
kasuotan ng mga nagsiganap at wala akong masasabing masama sa mga ito.
IV. Isalaysay sa paraang pabuod ang nasaksihang pagtatanghal at ilahad ang sariling
interpretasyon nito.
May mag-asawa na naninirahan sa isang pook. Gusto ng isa na gumanda ang kanilang
buhay. Pinutol niya ang puno at siya ay binigyan ng parusa. Kinuha ang kanyang tatlong mga
babaeng anak. Nagka-anak nanaman sila at ito ay lalaki. Noong malapit na mamatay ng tatay,
sinabi niya sa kanyang lalaking anak na hanapin ang tatlong marya. Binigyan siya ng tatlong
panyo na galing sa tatlong marya. Hinanap ng hinanap ng lalaking anak ang mga kapatid nito.
Nahanap niya sila at nakitang naninirahan na ang mga ito bilang mga prinsesa sa iba’t ibang
lugar. Ipinakita niya ang mga panyo sa mga dalaga at natandaan nila ang kanilang pamilya.
Binisita nila ang kanilang ina at namuhay ng masaya ang lahat.
Mahiwagang Biyulin
Sa kultura, makikitang binabahagi kung paano namumuhay ang mga pinoy. Dahil sa di-
berbal na pagsisigawa ng mga nagsiganap, nakukuha mo talaga ang mensahe na ipinapadala nila
dahil sa galaw nilang mala-pilipino.
____________________________ __________________