Sektor NG Industriya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SEKTOR NG INDUSTRIYA

Ang sektor ng industriya ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-


unlad ng ekonomiya ng bansa dahil ito ay lumilikha ng produkto at
paglilingkod na kailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng
mamamayan. Pinagkukunan din ito ng buwis ng pamahalaan na ginagamit
upang matustusan ang mga gastusin, programa, at proyekto para na din sa
ikabubuti ng bansa.

May 4 na sektor ng industriya:


Pagawaan/Manupaktyur
Utilidad/Serbisyo
Konstruksyon
Pagmimina

MANUPAKTYUR/PAGAWAAN
Noong 2004, ang pagmamanupaktyur sa bansa (Pilipinas) ay mayroong
kontribusyon na 24% sa GDP ng Pilipinas. Mas malaki ang bahagi ng sektor
ng pagmamanupaktyur kaysa sa iba tulad ng agrikultura at pangingisda. Ang
tradisyunal na tungkulin ng pagmamanupaktyur sa Pilipinas ay ang proseso
ng pagkain. Ang makina na ginagawa ay upang magproseso ng bigas, mais,
asukal at iba pang mga pangunahing sangkap sa pagkain.

SERBISYO/UTILIDAD
May tatlong pangunahing oportunidad para mapalawak ang sektor ng
serbisyo. Una, pagpapalawak sa laki at saklaw ng pang-export para sa
modernong serbisyo. Ikalawa, pagpapalawak ng turismo para sa pagunlad ng
ekonomiya ng bansa. Ikatlo, pinapaunlad nito ang mga gawain upang ang
mga Pilipino ay hindi na magtrabaho sa ibang bansa at manatili na lamang
dito. Malaki rin ang kontribusyon nito s bansa dahil natutugunan nito ang
pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan tulad na lamang ng
tubig, pagkain, elektrisidad, at pangangailangan sa kalusugan.

KONTRUKSYON
Ayon sa isang artikulo, naging 46% ang bahagi ng konstruksyon sa bansang
Pilipinas dahil sa pagdami ng mga malalaking gusali, planta at pabrika.
Malaking tulong ito para sa mga mamamayan na ngangailangan ng trabaho.
Tulong din ito sa ekonomiya ng bansa anupat darami ang magtatrabaho sa
loob mismo ng bansa at hindi na kailangan ng mga Pilipino na dumayo pa sa
kabilang mga bansa para lamang makahanap ng pagkakabuhayan.
Nasusukat na ngayon ang estado ng bansa sa pamamagitan ng dami ng mga
gusali o konstruksyon. Kung patuloy na darami ito ay tiyak na uunlad ang
bansa natin sa sektor ng industriya.
PAGMIMINA
Bagaman marami tayong makukuha na yamang-mineral sa mga kabundukan
at kagubatan sa bansa, napakalaki pa rin ng pinsala nito sa ating kalikasan.
Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit umuunlad ang ating bansang
Pilipinas ngunit dumarami ang kalamidad katulad ng landslide na maaaring
ikapahamak ng taong bayan. Maituturing na ilegal ang gawaing pagmimina
dahil buhay ng tao at kalikasan ang sangkot dito.
Ang apat na sektor ng industriya na ito ay malaki ang maitutulong upang
mapaunlad ang ating bansang Pilipinas. May kaniya-kaniya itong tungkulin at
paraan ngunit ang lahat ng ito ay tungo sa pagpapalago ng ekonomiya ng
bansa.

KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA


Bukod sa mga trabahong ibinibigay sa mga mamamayan, ito ay nakakatulong
sa pagtaas ng antas ng produksyon ng isang bansa. Dito maiaangat ang
antas ng ekonomiya ng isang bansa.

You might also like