Ang Walong Kaibigan Ni Erika

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 36

Ang Walong

Kaibigan
ni Erika

Isinulat ni Mary Karyn C. Sagot


Iginuhit ni Albert D. Eñano
Treasury of Storybooks
This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2017 (Division Level)
of the Department of Education.

Pursuant of the Intellectual Property Code of the Philippines, No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for
the use of any purpose of statutes, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and
dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in
deliberative assemblies and in meetings of public character.
For the purpose of citation, the following is recommended:
Surname, First Name Middle Initial, Title of the Storybook, DepEd – BLR, 2018

DEVELOPMENT TEAM
Writer: Mary Karyn C. Sagot
Illustrator: Albert D. Eñano
Layout Artist: Albert D. Eñano, Mary Karyn C. Sagot

Learning Resource Team: NEIL EDWARD D. DIAZ – Project Development Officer II


CHARLINE V. UDANI – Librarian II
REBECCA C. SAGOT - LRMDS Supervisor, DepEd Davao del Norte

DR. JANETTE G. VELOSO - CLMD Chief, Region XI

LRMDS - DAVAO DEL NORTE


REGION XI
ANG WALONG KAIBIGAN NI ERIKA
Ako si Erika.
Mayroon akong walong kaibigan.
Magkaiba sila ng kinahihiligan.
Ngunit masaya silang kasama.
Siya ay si Celia,
mahilig sa kulay pula.
Pula lahat ng damit niya.
Pati sapatos niya ay kulay pula.
Ito naman si Arnold.
Gusto niya’y kulay asul.
Pangarap niya’y maging piloto.
Eroplano’y papaliparin ng mataas
patungong asul na kalangitan.
Itong si Danica naman,
pagkaing dilaw laging dala.
Sorbetes, lollipop, mangga’t saging!
Kahit ano mang pagkain,
matamis man o maasim.
Berde naman ang gusto ni Berny.
Berdeng gulay laging kinakain.
Ampalaya, malunggay at petsay,
gustong-gusto niyang lamunin.
Si Karen naman ang gusto ay kahel.
Tuwing malakas ang ulan,
Kahel na kapote’t payong
ay hinahanda niya agad suotin.
Ito naman si Umboy,
kulay ube ang gusto.
Sa kanyang damagang paglalaro,
Kulay ube na bola
ay kanyang palaging sinasalo.
Ito namang si Tessy,
tsokolate ang paborito niya.
Anumang inumin at pagkain,
basta kulay nito’y tsokolate,
Kanyang dali-daling pinipili.
Heto na’t may paparating.
Andito na si Inting!
Kaibigang mahilig sa itim.
Gitara niya na napakaitim,
handa na niyang patugtugin.
Madalas pag kami’y nagsasama,
ako ay napapaisip:
Para yatang crayons kami.
Oh napaka tuwang isipin,
sa kahon magsisiksikan kami!
Sa tuwing kami’y magkakasama,
Gumagawa kami ng sining.
Guhit dito, kulay doon,
gupit dito, disenyo doon.
Kaming lahat ay magkakaiba.
Mga kulay’ng hindi magkakasintulad.
Ngunit kahit magkaiba man,
kaming lahat nananatiling magkakaibigan.
Palaging matatag ang samahan.
Sa aking pag-uwi,
ngiti ay baon lagi.
Walo kong mga kaibigan
nagpapakulay sa buhay ko palagi.
DEVELOPMENTAL DOMAIN: SINING (AESTHETIC DEVELOPMENT)

LEARNING DOMAIN: PAGPAPAHALAGA SA KAGANDAHAN (APPRECIATION)

LEARNING COMPETENCY:
Nabibigyang-pansin ang linya, kulay, hugis at tekstura ng magagandang bagay na:
Makikita sa kapaligiran tulad ng sanga ng puno, dibuho sa ugat, dahon, kahoy;
bulaklak, halaman, bundok, ulap, bato, kabibe, at iba pa.
Gawa ng tao tulad ng mga sariling gamit, laruan, bote, sasakyan, gusali.

CODE: SKPK-00-2

Mga gabay na katanungan:

Meron ka bang mga kaibigan?


Magkakaiba ba o magkakaparehas ba ang inyong mga gusto?
Magkatulad ba kayo ng mga paboritong kulay o hindi?
Anong paboritong kulay mo? Bakit?
Sa iyong palagay, kaaya-aya bang tignan ang buong paligid kung kasing kulay nito
ang iyong paboritong kulay? Bakit?
Gabay na Gawain: Mag disenyo ng t-shirt.

Gamit ang iyong paboritong kulay, kulayan ang t-shirt at lagyan ito ng mga disenyo na
ayon sa gusto mo.
ANG MAY-AKDA

Si Mary Karyn C. Sagot ay ipinanganak


noong Hulyo 23, 1993 at lumaki sa bayan ng
Sto. Tomas, Davao del Norte.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of


Elementary Education – Special Education noong
2014 sa Holy Cross of Davao College, Inc.
at kumuha ng Master of Arts in Education
- Special Education sa nasabi pa ring institusyon.

Mahilig siyang magbasa, gumuhit at


higit na nawiwili sa musika.

Napasama ang kanyang isinulat na kuwento sa


Top 5 ng story writing contest ng
DepEd—Davao del Norte noong 2017.

Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya bilang


guro sa Kindergarten sa mababang paaralan
ng Salvacion, Salvacion, Sto. Tomas, Davao
del Norte.

ANG ILUSTRADOR

Si Albert D. Eñano ay ipinanganak noong


Enero 7, 1981 sa Tagum City, Davao del Norte.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of


Elementary Education sa University of
Southeastern Philippines - Tagum City
Campus at ng Masters Degree in Educational
Management sa University of Southern
Philippines Foundation, Cebu City.

Nanalo na rin siya bilang coach at mismong


kalahok sa mga poster making contests na
umabot pa ng national levels.

Nasungkit din niya ang Division Outstanding


Teacher Award noong 2015 kung saan kinilala
ang galing niya bilang isang guro at bilang
isang alagad ng sining.

Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya


bilang Master teacher sa mababang
paaralan ng Esperanza, Esperanza,
Sto. Tomas, Davao del Norte.
Meron ka din bang mga
kaibigan?
Makulay din ba ang
inyong pagsasamahan?

Ang kuwentong ito ay tungkol


sa makulay na pagkakaibigan
nila Erika at ng kanyang
walong mga kaibigan.

Halina’t sabay-sabay nating


tunghayan ang kanilang
makulay na kuwento.

You might also like