Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pasig Catholic College

Junior High School

S.Y. 2019-2020

PCC@107: “Animating the Youth as Beloved, Gifted and Empowered in

Christ’s Mission.”

Pagsusuri ng
Noli Me Tangere

9- Diyosesis ng Romblon
Buod
Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng pitong
taong pag-aaral niya sa Europa. Naghandog ng piging si Kapitan Tiyago sa dahilang ito na
kung saan inanyayahan niya ang ilang sikat na tao sa kanilang lugar. Nahamak si Ibarra
ni Padre Damaso sa piging ngunit nagpaalam ng magalang niya ang pari dahil may
mahalaga siyang lakarin. May magandang kasintahan si Ibarra na si Maria Clara na anak-
anakan ni Kapitan Tiyago at ang dahilan kung bakit dalawin niya pagkatapos ng piging.
Muling binasa ni Maria ang mga lumang liham ni Ibarra bago siya mag-aral sa Europa
habang inalala nila ang kanilang pagmamahalan. Bago umuwi si Ibarra ay nakita niya si
Tinyente Guevarra na nagpahayag na namatay na noong isang taon ang ama ni Ibarra na
si Don Rafael Ibarra. Sabi ng Tinyente na inakusahan ang don ni Padre Damaso na erehe
(taong hindi sumunod sa utos ng Simbahan) at pilibustero (taong sumasalungat sa utos
ng pamahalaan) dahil hindi umano nagsisimba at nangunumpisal. Ngunit ayon sa
Tinyente, nagsimula ito nang ipagtangoll ng don ang isang bata sa kamay ng isang
maniningil na hindi sinadyang nabagok ang ulo kaya namatay. Nakakulong umanoy si
Don Rafael habang may imbestigasyon ukol sa insidente ngunit ang mga kaaway niya ay
gumawa nga mga kung anuano para ipahiya ang Don. Nagkasakit ang Don at namatay
dahil sa naapektuhan siya sa mga pangyayari. Ang padre ay hindi nakuntento at
ipinahukay ang labi ng don upang ipalipat sa libingan ng mga Intsik ngutin nang dahil sa
ulan ay itinapon ang kanyang labi sa lawa. Imbes na nagtangkang ipaghiganti ang
yumaong ama, ipagpatuloy ni Ibarra ang nasimulan ng Don kaya nagpatayo siya ng
paaralan sa tulong ni Nol Juan. Muntik nang mapatay si Ibarra kung hindi iniligtas ni Elias
noong babasbasam na ang itinayong paaralan. Namatay ang taong binayaran ng lihim
na kaaway Si Padre Damaso ay muling nag-aasar kay Ibarra. Nang saglit nang inihamak
ng padra ang ama niya ay nagalit at nagtangkang isaksak ang pari pero pinigilan siya ni
Maria. Dahil doon ay natiwalag si Ibarra ng Arsobispo sa simbahan. Nasamantala ni
Padre Damaso nito upang iutos sa Kapitan na hindi na ipagpatuloy ang kasal kay Maria
Clara at ipakasal sa binatang Kastila na si Linares. Pero dahil sa tulong ng Kapitan
Heneral ay nabalik si Ibarra sa simbangan. Pero hindi inasaang hinuli si Ibarra nang dahil
umonay nanguna siya sa pagsalakay sa kuwartel. Tumakas si Ibarra sa kulungan sa
tulong ni Elias. Pumunta si Ibarra sa kay Maria bago siya tumakas. Itinanggi ng dalaga
ang liham na ginamit laban sa kanya nang dahil sa inagaw ang liham kapalit sa liham ng
ina niya na nagsasabi na si Damaso ang tunay niyang ama. Pagkatapos nito ay tumakas
na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila sa bangka patungo Ilog Pasig hanggang sa
Lawa ng Bay at tinabunan si Ibarra ng mga damo. Naabutan sila ng mga tumutugis sa
kanila. Para makaligtas si Ibarra, naging pampalito si Elias at tumalon sa tubig. Akala ng
mga tumutugis na ang tumalon ay si Ibarra kaya nila binaril si Elias hanggang nagkulay
ng dugo. Naabutan ang balita kay Maria na namatay si Ibarra. Natunton ni Elias ang
gubat ng mga Ibarra at doon niya natuklasan si Basillo at ang namatay niyang inang si
Sisa. Bago namatay si Elias ay sinugo niya ang bata na kung hindi man daw niya makita
ang bukang-liwayway sa sariling bayan, sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin
nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi.
Banghay

Simula - Pag-Uulayaw sa Asotea (Kabanata 7)

Maagang nagsimba sina Tiya Isabel at Maria Clara. Bahagya pang nakaalis ang pari sa
misa, nagyaya na agad ang dalaga na makauwi sa kanilang bahay. Alam niyang darating
si Ibarra upang siya’y dalawin. Bawat ingay ng sasakyang humihinto ay nagpapasikdo sa
kanyang puso. Sinabi ni kapitan Tiyago na kailangang magbakasyon ni Maria Clara sa San
Diego at huwag nang bumalik sa beateryo.Nang may tumigil na sasakyan sa tapat
ng kanilang bahay ay namutla si Maria Clara. Alam niyang iyon si Ibarra. Tumakbo sa
kanyang silidupang magtago. Putlang-putla ang dalaga at kinuyom ang kanyang dibdib.
Nakinig siya sa usapan ng Tiya Isabel niya at si Ibarra. Humanap siya ngbutas upang
silipin at mapagmasdan ang binata. Nang tawagin siya ng tiya ay halos maglambitin ito
dahil sa kagalakan.Masiglang nag-uusap din si Kapitan Tiyago at Ibarra nang lumabas
ang dalaga. Ang magsing-irog ay lumabas upang Malaya silangmakapag-ulayaw sa lihim
ng maliit na bahagi ng Asotea. Ang mga unang sandal i ng pag-uusap ay mga walang
kawawaang usapan. Itinanong ni Maria Clara kung lagi siyang naaalala ng binata at kung
siya’ y di nalimot sa maraming paglalakbay. Sinagot ng binata na hindikailanman at
di siya tumalikod sa naging sumpaan nila kahit kailan. Ginugunita ang kanilang
masayang kabataan at nagdaan. Binuksan ni Ibarra angkanyang kalupi at doon ay
may inilabas na munting ballot na papel na kinalalamnan ng isang dahong nangingitim,
tuyo at mabango. Iyon ang dahon ng sambong na ibinigay ni Maria Clara minsang sila’y
namasyal at nilagay sa loob ng sombrero upang di sumakit ang ulo. Agad namang
dumukot si Maria Clara sa kanyang sinapupunan ng isang munti’t putting lukbutang
sutla. Iyon ang sulat ni Ibarra bago siya umalis patungong ibang bansa. Binasa ni Maria
Clara ang nilalaman ng liham.Naalala ni Ibarra na bukas ay araw ng mga patay at
may tungkulin siya sa kanyang amang namatay. Ngayon din ay tutungo siya sa SanDiego
upang asikasuhin ang mga bagay-bagay. Nagpaalaman ang dalawa at sinabi ng dalaga na
sa ilang araw lamang ay susunod din siya. Sinabi nikapitan Tiyago kay Maria Clara na
magtulos ng kandila sa poon ng San Roque at San Rafael na pintakasi ng mga
manlalakbay.
Tumitinding Galaw – Ang Pananghalian (Kabanata 34)

Nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang dahilan ng paghihirap ng kanyang ama.


Nagtipon ang mgatao sa isang piging. Habang kumakain ang lahat ay dumating ang
taong nag-abot ng telegrama kay KapitanTiyago. Isinasaad doon na darating ang
Kapitan-Heneral at sa bahay ni Kapitan Tiyago tutuloy. Nagpatuloyang kasayahan at
masiglang usapan. Dumating si Padre Damaso. Masayang binati ng madla si Padre
Damaso maliban si Ibarra. Sa pag-uusap ng lahat ay sumabat si Padre Damaso at nilait si
Ibarra pati angkanyang ama. Si Ibarra ay putlang-putla noon, hindi nag-aalis sa kanya ng
tingin at pagkarinig ng banggit sa kanyang ama ay tumindig at pinalagpak ang kanyang
kamay sa ulo ng prayle. Ito’y biglang nabuwal nang patihaya. Sinuma’y di namagitan
dahil sa pagkabigla at pagkatakot. Galit na galit si Ibarra. Si Padre Damaso ay nagpipilit
bumangon ngunit siya’y sinasakal ng binata. Ang mga taong nakapaligid kay Ibarra ay
umakalang papatayin nito ang prayle ngunit siya ay pinigilan ni Maria Clara. Tinitigan
siya ni Ibarra at ito’y umalis na.

Kasukdulan – Ang lahat ng lihim ay nagbubunyag (Kabanata 34)

Nagmamadaling pumunta ang kura sa bahay ng alperes at tinawag ito. Lumabas agad
ang alperes.Sinabi ng pari na mayroong magaganap na pag-aalsa. Nalaman niya ito dahil
sa pangungumpisal ng isangbabae. Dahil dito, nagkasundo silang paghandaan ang
magaganap na paglusob. May apat na sibil nanakabantay sa kumbento. Sa kuwartel
naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nangbuhay ang mga lulusob.
Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob.Sa kabilang dako, mabilis namang nagtungo
si Elias sa bahay ni Ibarra. Pagkakita nito kay Ibarra,ipinagtapat niya agad ang
nakatakdang paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan
nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng
sinumangmahuhuli ng mga sibil.Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan.
Doon, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia. Nagimbal si Elias nang
sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno. Natagpuan na niyaang lahing lumikha ng
kasawian sa kanilang angkan. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip
niyanggamitin iyon kay Ibarra. Ngunit bigla siyang natauhan. Binitiwan niya ang hawak
na balaraw at saka mabilis napumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang
pagsunog sa mga mahahalagang papeles at dokumento.
Kakalasan – Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso (Kabanata 62)

Nakita ni Maria Clara ang diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay ni Ibarra. Maya-
maya ay dumating si Padre Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang
kasunduan ng kanyang kasal kayLinares. Sinabi niya na ngayong patay na si Ibarra
walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawangbagay na lamang ang
mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento. Alam ni Padre Damaso
napinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi. Naiyak siya ngunit wala siyang nagawa
kundi pahintulutan napumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin ang kamatayan.

Wakas – Noche Buena (Kabanata 63)

Nagpaalam si Basilio sa mga taong kumupkop sa kanya na babalik lamang siya sa San
Diego upangpuntahan ang kanyang ina. Samantala, lungkot na lungkot ang buong bayan
ng San Diego. Nakauwi na siBasilio sa kanilang tahanan pero wala dun ang kanyang ina.
Nakita niya ito ngunit ito ay tumakbo. Hinabol siya ni Basilio. Nakarating sila sa gubat.
Nang maabutan niya si Sisa, niyakap agad siya ni Basilio. Nang makita niSisa ang
duguang ulo si Basilio, unti-unti siyang nagbalik sa katinuan. Nang magising si Basilio ay
dinatnanniyang wala nang buhay ang kanyang ina. Habang umiiyak, nakita niya ang
isang taong nagmamasid.Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng
namatay.Hinang-hina ang si Elias. Pinagbilinan niya si Basilio na sunugin ang katawan
niya sa oras na siya'y pumanaw. Ipinagbilin rin niya ang malaking kayamanan na
nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio naraw ito kung walang ibang dumating na
tao upang gamitin niya sa pag-aaral. At lumakad na si Basilio upangmanguha ng
panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan, nagwikang higit pa sa
isangdalangin at unti-unting nabuwal sa lupa. Nang magmamadaling-araw, namalas ng
buong bayan ng San Diego ang isang malaking sigwa na nagmumula sa may lugar na
kinamatayan ni Sisa at Elias.
Bisa ng Panitikan

Isip - nagbigay kaalaman sa mga mambabasa kung paano nagkaroon ng katiwalian at


kalupitan ang mga Espanyol noon sa mga Pilipino.

Damdamin- pagkakaroon ng ilang mga Pilipino ng paghihimagsik sa kanilang puso at


pagtataguyod ng mga karapatan.

Asal- pagpapairal ng pagiging matapang, magiting, mabuti at mapagmahal sa bayan at


sa kapakanan ng iba at matatag sa lahat ng pagsubok na dumadating sa ating buhay.

You might also like