Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Republika ng Pilipinas

MINDANAO STATE UNIVERSITY


Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Departamento ng Filipino
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos

Ang mga Igorot

Isang Kultural na Pananaliksik Bilang Pagtupad sa Pangangailangan ng

Kursong Filipino 101 Wika at Kultura Tungo sa Mapayapang Lipunan

MGA MANANALIKSIK

Adan, Rotte

Cuerpo, Graciela Jane

Dayag, Ella Andrea

Gomez, Angelou Shenn

Matumadi, Farhanna

Tiangson, Kim

Unos, Aljie

DISYEMBRE 2019
TALAAN NG MGA NILALAMAN

KABANATA Pahina

I. KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Introduksyon ……………………………………………………………

Layunin ng Pag-aaral …………………………………………………..

Kahalagahan ng Pag-aaral ……………………………………………

Depinisyon ng mga Terminolohiya ……………………………………...

II. PAGLALAHAD

Ang mga Igorot …………………………………….…………………..

Heyograpiya …………………………………………….…….

Wika ……………………………………………………….…..

Sining ………………………………………………..…………

III. KULTURA

Panitikan ………………………………………..……………..….…….

Materyal …………………………………………………….……..

Di- Materyal ……………………………………………….………

IV. BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Buod ………………………………………………………………..….

Konklusyon …………………………………………………………….

Rekomendasyon ………………………………………….…………....

BIBLIYOGRAPI
APENDIKS

KABANATA I
KALIGIRAN NG PAG-AARAL

INTRODUKSYON

Sino ang mga Igorot? Ano ang kanilang itsura? Saan sila nakatira? Paano sila namumuhay? Bakit nila

piniling manirahan sa bundok? Ilan lang ito sa mga katanungang madalas sumagi sa mga taong hindi lubusang

kilala ang mga Igorot. Kung ikaw ang aking tatanungin, masasagot mo ba ito? Halina’t ating tuklasin kung ano

at sino nga ba ang mga Igorot.

Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko na naninirahan sa kabundukan ng Pilipinas. Kadalasan silang

matatagpuan sa bandang hilaga ng Luzon, sa Rehiyon ng Cordillera. Sila ay karaniwang makikilala sa kanilang

pananamit, pisikal na kaanyuan, kultura at tradisyon. Ang salitang “Igorot” ay nangangahulugang taong

naninirahan sa bundok. Bakit nga ba sila tinawag na ganito at bakit sila sa bundok naninirahan? Kung

natatandaan niyo ang ating napagaralan sa kasaysayan ng Pilipinas, noong panahaon ng Kastila sinakop nila

ang halos buong kapuluan ng Pilipinas maliban sa mga etnikong naninirahan sa kabundukan. Binalak ng mga

Kastila na sakupin ang mga Igorot ngunit sila ay nabigo sapagkat matatapang ang mga Igorot at malakas ang

kanilang depensa laban sa mga kaaway kaya naman nanatiling matatag at buhay na buhay ang kanilang

kultura’t tradisyon hanggang ngayon.


LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga kultura at paniniwala ng mga kapatid nating Igorot

na matatagpuan sa rehiyon ng Cordillera. Ito ay para nang sa ganun ay maunawaan at malaman ng karamihan

ang mga natatanging kultura at paniniwala ng mga Igorot. Sa pag-aaral na ito ay nilalayon ng mga

mananaliksik na malaman at maibahagi ang mga impormasyon patungkol sa mga Igorot.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makapag-ambag ng malaking kapakinabangan sa mga mag-aaral,

mga guro, mananaliksik, at pangkat-etniko lalo na sa larangan ng kulturang Pilipino.

Sa mga Guro - Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga guro na madagdagan ang kanilang kaalaman at

magkaroon ng karagdagang impormasyong na magagamit nila sa kanilang pagtuturo.

Sa mga Mag-aaral - Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang lalong mapalawak ang

kanilang mga kaalaman tungkol sa tribong Igorot. Ito ay magsisilbing gabay upang lubos na maunawaan ang

mga kultura at paniniwala ng mga Igorot. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki para

sa mga mag-aaral na ninanais na magkroon ng impormasyon tungkol sa mga Igorot

Sa mga Mananaliksik – Nakatulong ang pag-aaral na ito kahit na sa mga mananaliksik sapagkat sa paggawa

nang pananaliksik na ito ay nalaman din ng mga mananaliksik ang mga bagay at kaalaman tungkol sa mga

Igorot na hindi din nila alam bago pa man nila simulan ang pag-aaral. Maaari din itong magamit ng mga

susunod na mananaliksik na pag-aaralan ang tungkol sa mga Igorot na ninanais na ipagpatuloy o dagdagan

ng impormasyon ang pag-aaral na ito sa mga susunod pa na taon.


DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang mga salitang ginagamit sa Pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon sa istandard na

depinisyon o konsepto at operasyonal upang madaling maintindihan.

Igorot- ay isang pangkat etniko na naninirahan sa kabundukan ng Pilipinas.

Cordillera-bandang hilaga ng Luzon, na isang rehiyon na kadalasang matatagpuan ang mga igorot.

Kabundukan-ay isa sa mga yamang lupa. Ito ang pinakamataas na anyong lupa, Dito makikita ang

kagubatan at isa rin itong tahanan ng mga igorot.

Ritwal- Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa

pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang gamit nito. Maari din itong gawin sa mga

nakakalungkot na pangyayari gaya ng paglalamay.

Lumawig- ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ng mga ‘diwata. Itinuro ni Lumawig sa Bantoc ang kanilang

mga sining at kasanayan, kabilang ang irigasyon ng kanilang lupain.

Bontok

Ibaloi

Ifugao

Isneg o Apayao

Kalinga

Kankanaey
KABANATA II

PAGLALAHAD

A. ANG MGA IGOROT

Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas. Ang salitang Igorot ay ipinangalan ng mga

Espanyol sa grupong ito bilang tawag sa mga tribong hindi nila nakolonisa sa Luzon. Ito ay mula sa salitang

Golot na ang ibig sabihin ay bulubundukin, at dinagdagan ng unlaping I na nangangahulugang Nakatira sa

bundok o taong bundok. Matatagpuan ang mga Igorot sa hilagang bahagi ng bansa, partikular sa lugar ng

Cordillera sa isla ng Luzon. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR). Ito ay ang

Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. May anim na etnolinggwistikong grupo sa

parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot, ang Bontok, Ibaloi, Ifugao, Isneg o Apayao, Kalinga, at

Kankanaey.

Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga

ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan.

Mayaman sila sa kultura at paniniwala na hanggang sa ngayon ay naisasagawa. Lubos din nilang

pinahahalagahan ang kanilang mga lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Sa katunayan

naging pangunahing atraksyon sa mga turista ang hagdan-hagdang Palayan ng Banaue na matatagpuan sa

Ifugao. Nabuo ang mga hagdan-hagdang Palayan sa mga bundok na walang tulong ng makina na nagbigay ng

mga hagdan para sa mga katutubo upang makapagtanim ng palay. Noong 1995, ipinahayag ng UNESCO ang

lugar bilang Pananang Lugar sa Mundo o World Heritage Site. Ang kultura at tradisyon ng mga Igorot ay

popular dahil sa kanilang mga kasuotan ng bahag, pamumuhay sa pamamagitan ng mga root crops at sa

maraming dasal para sa pag-aasawa, paglalakbay at pagsasaka.


Mahalaga din sa kanila ang pagkakaroon ng ‘Tattoo’ sa katawan dahil ito’y nagsisimbolo sa katapangan at

reputasyon ng isa sa kanilang lipunan. Sila ay maingat sa pagpili ng makabagong mga pananamit. Yamang sila

ay pinalaki na mahalin ang kanilang kostumbre. Marahil ang iba ay pamilyar sa pananamit ng Igorot. Sa

kanilang kasuotan, ang mga babae ay nagsusuot ng mga makukulay na patadyong o mahahabang palda,

nagsusuot din ang mga babae ng kwintas at palayok sa ulo. Ang mga lalaki naman ay nakabahag.

Katulad ng iba pang mga etnikong grupo, ang mga Igorot ay mayaman din sa mga ritwal. Marami sa

kanilang mga dasal ay patungkol sa pagliligawan, pag-aasawa at pag-aanak. Mayroong mga bahagi dito ang

mga espiritu na pinaniniwalaan nilang nagliligtas sa isa. Maliban doon, ang pakikidigma, debosyon sa

pagsamba, pagpili ng karera o paglalakbay ay mayroong listadong mga dasal o orasyon na kailangang gawin

sa pangunguna ng kanilang lider.

Bagaman ang Pilipinas ay nasakop ng Espanyol sa napakahabang panahon, napanatili ng Igorot na

malaya sa kanilang impluwensya. Ang dahilan ay ang pagiging bulubundukin ng kanilang lugar. Nahadlangan

na sakupin sila o hikayatin sila.

B. HEYOGRAPIYA

Ang bulubunduking Cordillera, tinatawag din na Cordillera Central o Gran Cordillera, ang

pinakamataas at pinakamalawak na kabundukan sa Pilipinas. Matatagpuan sa gitnang hilagang bahagi ng

Luzon, may lawak itong 18,300 kilometro kuwadrado at sinasakop ang 1/6 ng buong isla. Naghahari ang

kabundukan sa kasulukuyang Cordillera Administrative Region (CAR) na binubuo ng anim na lalawigan ito ay

ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province at isang chartered city, ang lungsod ng
Baguio. Nagkikita ang Cordillera at Bulubunduking Sierra Madre sa Bulubunduking Caraballo. Higit isang

milyong katao ang naninirahan sa rehiyon. Ilan sa mga pangkat etnolinggwistiko na matatagpuan dito ay ang

mga Bontok, Ibaloi, Ifugao, Isneg o Apayao, Kalinga, Kankanaey. Tinatawag ang mga pangkat na ito sa

kabuuan bilang Igorot.

C. WIKA

Ang mga Igorot ay mayroong kani-kanilang wika na ginagamit. Kagaya na lang ng Bontok sinasalita

nila ang lenggwaheng Bontok, ang Ibaloi ay sinasalita ang lenggwaheng Ibaloi na may pagkakahawig sa

lenggwahe ng Pampanga, ang Ifugao ay sinasalita ang lenggwaheng Ifugao, ang Isneg ay sinasalita ang

lenggwaheng Isneg, ang Kalinga ay sinasalita ang lenggwaheng kalinga at ang Kankanaey ay sinasalita ang

lenggwaheng Kankanaey. Bukod sa kani-kanilang wika na ginagamit, laganap din ang paggamit ng mga Igorot

sa wikang Iloko, Filipino, at Ingles.

D. SINING

Ang mga Igorot ay mayroon maipagmamalaki na mga talento na nagsisimbolo na rin ng kanilang

kultura. Ito ay ang mga sumusunod:

Kalinga Tattoo: Kalinga tattoo o batok kung kanilay tawagin ay isang tradisyunal na klase ng pagta-tattoo na

mahigit isang libong taon nang ginagawa. Ito ay mas masakit kumpara sa modernisadong klase ng pagta-

tattoo. Ang tinta na ginagamit sa pagta-tattoo ay gawa sa mga indigenous na mga materyales. Pinaghalo ang

uling at tubig upang makagawa nang tinta, bao o buto ng buko naman ang kanilang nagsisilbing lalagyan
nang tinta. Matulis na sanga naman ng puno ng calamansi at bamboo stick ang gamit pangtinta sa balat.

Mambabatok ang tawag sa nagta-tattoo artist. Sa katunayan mayroong 101 taong gulang na mambabatok

na hanggang ngayon ay nagta-tattoo pa rin, siya ay si Apo Whang-od.

Sangi o Pasiking: Ito ay isang uri ng bag na gawa sa rattan at bamboo. Tradisyunal itong tinatawag na pasiking

na gawa ng mga Igorot Tribe. Ang pasiking ay kilala sa pagiging pulido lalo na sa tuwing umuulan dahil ang

rattan kahit nababasa ay hindi napupunit. Mayroong iba’t ibang klase ng tradisyunal na pasiking. Mayroong

iba na ginagamit ang balat ng hayop kagaya na lamang sa balat ng kambing o balat ng baboy sa paggawa ng

pasiking, depende ito sa kung saang rehiyon o anong tribo ang gumagawa.

Ang mga Igorot ay mayroong iba’t ibang klase ng pagtatahi o paghahabi. Ito ay ang mga sumusunod:

Ifugao Ikat Weaving- Ang paghahabi ng Ifugao Ikat ay isang istilo ng paghabi na gumagamit ng isang

resistensya sa proseso ng pagtitina sa alinman sa warp o weft bago ang mga thread ay pinagtagpi upang

lumikha ng isang pattern o disenyo. Ang resulta ng prosesong ito ay isang motif na malabo sa hitsura. Ang

malabo na hitsura na ito ay nagmula sa bahagyang pagdurugo ng mga tina sa mga lugar ng resistensya. Ang

Ifugao Ikat ay nailalarawan na mala brilyanteng guhitan ng mga puti at pulang guhitan. Kilala ito para sa mga

kulay at kapansin-pansin na mga pattern ng disenyo.

Kalinga Hand woven fabrics- Ang paghahabi ng Kalinga ay nailalarawan sa pamamagitan ng nangingibabaw

na pulang guhitan at motif ng mga pattern ng geometric na may mga simbolo ng kalikasan na pinagsama sa

puti, dilaw at itim na mga hibla. Orihinal na pinagtagpi sa Lubuagan, ang "ka-in" (balot sa paligid ng palda) ay

mas kilala ngayon bilang Kalinga. Ang iba't ibang uri ng "ka-in" ay gilamat, silugwid, pilakpak, gililing, lilaktob

at ilaglis. Para sa mga g-strings ng kalalakihan, mayroong pilagpagen, kilayao at sillayuti. Ito ay ayon sa

kaugalian sa mga ritwal at mga espesyal na okasyon tulad ng mga kasalan, pista, at iba pang mahahalagang

okasyon.

Sa simbolikong paghabi ng Kalinga, ang langit at lupa ay kinakatawan ng mga kulay na indigo at pula ayon sa

pagkakabanggit. Ang mga bundok ay kinakatawan ng dilaw at may burda sa tela. Ang dilaw ay sumisimbolo
ng kayamanan at tumutukoy sa paglaki at pagkamayabong. Ang beading o ang paglalagay ng beads ay isa

pang natatanging katangian ng damit na Kalinga.

Bontok Hand woven fabrics- Ang paghahabi ng Bontoc ay nailalarawan sa mga motif na may kasamang

geometric na mga hugis ng mga bagay sa paligid nila tulad ng tao, butiki, bundok, pag-ulan at bulaklak. Ang

Siniwsiwan ay tawag sa kumot at damit ng mga Bontoc. Ang tela na ito ay ginagamit para sa pang-takip o G-

string (bahag) ng kalalakihan at getup o Lufid (Tapis) sa mga kababaihan. Ang mga babaeng may-asawa sa

Bontoc at Kankanaey ay nagsusuot ng isang uri ng

sinturon na tinatawag na ginaspala ay mayroong inawin na ang ibig sabihin ay isang tuluy-tuloy na pattern

ng zigzag.

Ang pagsasayaw ay isang komon na ritwal at tradisyun sa iba’t ibang tribo. Para sa mga Igorot ito ay

paraan para mamarkahan ang bawat pangyayari sa kanilang buhay. Mayroong mga sayaw na

maipagmamalaki ang mga Igorot. Ito ay ang mga sumusunod:

Idaw - Ang tradisyunal na sayaw na tinawag na Idaw ay pinangalan galling sa isang malakas na ibon. Ang mga

Igorot mula sa lugar ng Bontoc ay itinuturing ang Idaw bilang isang alegorya para sa giyera. Ang sayaw na ito

ay sumisimbolo sa simula ng digmaan. Ang mga mandirigma mula sa iba't ibang tribo ay nakikilahok sa sayaw

na ito. Kung ang mga mandirigma ay matagumpay sa kanilang labanan, isang seremonya ang isinasagawa.

Ang ritwal na ito ay madalas na marahas, na may mga chieftain o lider ng iba't ibang mga tribo na pinugutan

ng ulo. Ang mga paggalaw ng sayaw na ito ay nagpapakita ng walang takot at katapangan.

Apayao Courtship Dance - Ito ay isang seremonyal na sayaw na isinagawa ng mag-pares o mag-nobyo. Ang

babaeng mananayaw ay nakabalot sa isang maraming kulay na seremonyal na kumot. Habang ang lalaking

mananayaw ay nagdadala sa paligid ng isang malaking pulang tela. Matapang at malaki ang galaw na
pinapakta ng lalaki. Ang lalaki ay pumupunta sa lahat ng direksyon ng entablado. Humihiga pa ang lalaki sa

sahig. Maraming galaw na ginagawa sa sahig ang nauugnay sa sayaw na ito. Ang lalaking mananayaw ay

sinasabing pinapakita ang isang labanan ng tandang.

Salip - Ang mga tribo sa mga lalawigan ng bundok ng Luzon ay nagpapanatili ng kanilang pagkakakilanlan,

kaugalian at gawi. Ipinagdiriwang ng kanilang mga sayaw ang mga mahahalagang kaganapan sa buhay tulad

ng kapanganakan, kasal, tagumpay sa digmaan at pasasalamat. Isang sayaw sa kasal ng Kalinga ay isang

mahalagang pagdiriwang. Nag-aalok ang ikakasal na lalaki sa ikakasal na babae ng proteksyon at ginhawa

gamit ang kanyang kumot. Ginagaya niya ang paggalaw ng isang tandang sa pagpapakita ng pag-ibig,

nagnanais na maakit at sakupin ang kanyang pagmamahal. Ang mga kaibigan ng ikakasal na babae ay handa

na tulungan ang paghahanda ng ikakasal sa pamamagitan ng pag-alok ng bangas (mga kaldero na gawa sa

putik) na puno ng sariwang tubig mula sa bundok.

Tarektek - Dalawang tareketek woodpeckers ay tumutuon para makuha ang atensyon ng tatlong babae. Ang

Isang Lalaki na woodpeckers ay maingay na hinahampas na mayroong tono ang isang gong upang kumatawan

o maglabas ng isang mahusay na tinig, habang ang iba ay kumikilos na may tunog at gumagalaw hawak ang

isang makulay na kumot na

kumakatawan sa magagandang balahibo ng ibon.


KABANATA III

KULTURA

PANITIKAN

ALAMAT NG MGA UNANG PILIPINO: Ancient Legends and Myths of the Philippines
Nilikha Ni Lumawig Ang Mga Tao
Creation Myth of the Igorots

Si Lumawig ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ng mga ‘diwata.’ Sa langit siya nakatira ngayon, subalit

may isang panahon nuong nakaraan nang tumira siya sa Bontoc, isang nayon ng Igorot, at nag-asawa ng isang

dalagang Bontoc. Ang mga bato ng kanilang bahay ay nakikita sa nayon hanggang ngayon.

Si Lumawig ang lumikha sa Igorot, at mula nuon, lagi na niyang inalagaan ang mga ito, tinuruan kung paano

malabanan ang mga panganib sa kalikasan, kung paano magtanim, mag-ani at, katunayan, lahat ng alam ng

mga Igorot ngayon. Buwan-buwan, pinaparangalan siya sa isang pagdiriwang sa banal(sagrado, holy) na

kumpol ng mga puno. Sa paniwala ng mga Bontoc, ang mga puno ay tumubo sa ibabaw ng mga libingan ng

mga anak ni Lumawig. Sa buwanang pagdiriwang, nagdarasal ang mga tao na maligtas sa sakit, mag-ani ng

maraming pagkain, at magtagumpay sa bakbakan.

Halos magkatulad ang Lumawig ng mga Igorot at ang Kaboniyan, tinawag ding Kambun’yan, na ‘diwata’ ng

mga Tinguian (bigkas: ting-YAN, ibig sabihin ay ‘taga-tinggi’ o ‘taga-bundok’) sa hilagang(norte, northern)

dulo ng bulubunduking Cordillera... -- Mabel Cook Cole, Philippine Folk Tales, 1916

NUONG simula, walang tao sa daigdig. Si Lumawig, ang pinaka-makapangyarihang diwa (espiritu, god ), ay

bumaba mula sa langit at pumutol ng maraming yantok(cañas, reeds). Pinaghiwa-hiwalay niya ang mga ito

nang tig-2 bago ikinalat sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Tapos, inutusan niya ang mga ito.

“Magsalita kayong lahat!”


Walang kaabog-abog, ang mga yantok ay naging mga tao, - naging isang babae at isang lalaki ang bawat tig-

2 ikinalat sa daigdig. At lahat sila ay nagsimulang magsalita subalit magka-kaiba ang kanilang mga wika.

Mag-asawa kayong lahat!”

Ito ang sunod na utos ni Lumawig. Sumunod ang mga bagong tao at pagkaraan ng panahon, maraming

mga anak ang isinilang. Pagtagal pa, nag-asawa-asawa rin ang mga anak kaya lalong dumami ang

mga tao sa daigdig. Lahat ay nagsalita ng wika ng kanilang mga magulang kaya magka-kaiba ang usap-usapan

sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Napansin ni Lumawig na may mga kailangan ang mga tao, at lumapag siya muli sa lupa upang magbigay ng

biyaya. Nilikha niya ang asin, at inutos sa mga tao sa isang puok na pakuluan ito hanggang matuyo at tumigas,

at ipagbili sa mga kalapit-pangkat. Hindi naunawaan ng mga tao duon kung paano sumunod sa utos kaya

nuong pagbalik ni Lumawig, nakita niyang ni hindi hinipo ang asin. Dinala niya ang asin sa puok na tinawag

na Mayinit at ang mga tagaruon ang inutusan. Sinunod siya ng mga tagaruon at, dahil dito, ipinahayag

ni Lumawig na sila ang laging mag-aari sa asin habang panahon, at sa kanila bibili ng asin ang ibang mga tao.

Tapos, nagpunta naman si Lumawig sa Bontoc at inutusan ang mga tagaruon na kumuha ng luwad (arcilla,

clay) at gumawa ng mga palayok (ollas, pots) at banga (tinajas, jars). Nag-ipon ng luwadang mga tagaruon

subalit hindi nila alam kung paano maghugis kaya tabi-tabingiang ginawang mga banga. Dahil dito, inutos

ni Lumawig na lagi na silang kailangang bumili ng banga mula sa ibang tao. Sa puok ng Samoki nagtuloy

si Lumawig at ang mga tagaruon ang pinagawa ng mga banga at palayok. Mainam at maganda ang natapos

ng mga taga-Samoki kaya inutos ni Lumawig na sila na ang magiging may-ari ng pagpa-paso (alfareria,

pottery), na dapat silang gumawa ng maraming palayok at bangana ipagbibili sa ibang tao.

Sa ganitong paraan, naturuan ni Lumawig ang mga tao ay naibigay sa kanila ang kanilang mga kailangan at

gamit pa hanggang ngayon.

Mga Pasintabi ni Mabel Cook Cole nuong 1916:


May kahawig na alamat ang mga Bukidnon sa Mindanao. Minsang nagtag-tuyot (sequia, drought) daw nuong

nakaraan, walang tanim na mapatubo si Mampolompon sa kanyang kaingin (swidden farm) maliban sa isang

puno ng kawayan (caña, bamboo). Nang tamaan ito ng malakas na hangin isang araw, nabiyak ang kawayan

at mula sa luob nito, lumabas ang isang aso (perro, dog) at isang babae. Sila daw, ayon sa mga Bukidnon, ang

naging ninuno (ancestors) ng mga Moro.

Tungkol sa Asinan sa Mayinit:

Sa hilagang dulo ng nayon ng Mayinit, may mga bukal ng kumukulong tubig (hotsprings) na maalat. Dito

kumukuha ang mga tao ng asin kaya kilalang-kilala itong nayon sa mga nakatira sa paligid. Naglalagay ng mga

bato ang mga taga-Mayinit sa mga sapa (arroyos, streams) na umaagos mula sa mga bukal. Nababalot ng

asin ang mga bato pagkaraan ng isang buwan. Hinuhugasan nila ang mga bato upang makuha ang asin. Tapos,

pinakukulo ang tubig upang matuyo ang asin na parang putik. Sa wakas, tumpok-tumpok nito ay ‘niluluto’ sa

luob ng horno (clay ovens) nang kalahating oras upang tumigas, maipagbili at magamit.

Ito lamang ang nakukunan ng asin sa bahaging iyon ng Cordillera kaya mabili. Kahit na ang mga kaaway na

Igorot ay nagpupunta ruon. Mula sa labas ng Mayinit, sisigaw sila, iiwan ang anumang dala nilang pambayad

sa asin, bago lalayo upang maghintay. Dadalhin duon ng mga taga-Mayinit ang asin at iiwan pagkapulot sa

pambayad.

Ang Pagpa-paso sa Samoki:

Bantog ang mga babae sa Samoki sa husay nilang mag-paso (alfareria, pottery). Kinukuha nila ang pulang

luwad mula sa isang gulod sa hilaga sa labas ng Samoki, at hinahalo sa bughaw (azul, blue) na luwad mula sa

kaibang gulod. Tumpok-tumpok nito ang hinuhugis nang buong tiyaga ng mga magpa-paso ( potters) bago

ibibinalad sa araw upang matuyo. Pagkaraan ng 2 o 3 araw, pinagpapatong-patong sa lupa ang mga bagong

gawa, tinatakpan ng bigkis-bigkis na damo at talahib. Sisindihan ang mga ito, at pira-pirasong kahoy sa
paligid, upang ‘maluto’ at tumigas ang mga palayok at banga pagkaraan ng isang oras. Pinapahiran muna ang

mga ito ng dagta (resin) upang gumanda bago ipagbili.

PAGLIBING

Ang paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay. Nagtatawag sila

ng mambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na dito ang paghingi ng tawad para sa mga

kasalanan ng namatay at pagbebendisyon sa pamilyang naiwan. Para sa mga mayayaman, nagkakaroon ng

kanyao na nagtatagal ng di kukulanging isang lingo, minsan ay umaabot pa ng dalawang buwan.

Ang namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay na naging mahalaga

sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang pagtawid sa kabilang buhay. Inaasahan din nila

ang pagpaparamdam ng kanyang kaluluwa sa ikatlong araw, lalo na sa mga kapamilya at kaibigan.

Sinasabing ito ang panahon ng pag-ahon ng kaluluwa sa pook ng mga kagalang-galangang ninuno.

Sa mga Ibaloi naman, pumapaslang sila dati ng isang kabayo upang maging sakayan ng kaluluwa sa

kanyang paglalakbay. Dati pa, marunong ang mga katutubong magmummify. Ito ay natatangi sa istilo ng

mga Egyptian at Aztecs sa pagkat kasamang napre-preserba ang balat habang ang bangkay ay naka-

posisyong paupo na para bang giniginaw. Kaya lamang, nakalimutan na din kung paano ito ginagawa.

Mayroon pang natuklasan na isang mummy dito na sinasabing mahigit apat dantaong gulang na.

RITUALS

Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba sa bawat

lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-

aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang gamit nito. Maari din itong

gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang

pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa mga dapat na gawin ng isang bayan. Marami din talagang iba’t-ibang

mga kaugaliang napapaloob sa kanyao.

Ang pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit sa kadangyan. Doon sasabihin ng kadangyan (isang uri

ng pari) kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na nagpapakatay ng sampung baka o baboy, depende sa

kahilingan umano ng mga diwata. May mga biro na depende lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o

sa dami ng mga pakakaining manonood. Ang mga pinaslang na hayop ay nagsisilbing paghahandog sa

mga diwata (anito, ninuno) at mga bathala.

Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, pagsasayaw, kantahan, at iba pa. Kung ano

man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling ang uri ng sayaw, o tayaw. Madalas na ginagamit ang

mga gongs na gawa sa makapal na bakal. Sinasaliwan naman ito ng iba pang mga tambol gaya

ng solibao habang ang mga tao ay nagkakantahan, nagtatawanan, at pinagsasaluhan

ang watwat (pinakuluang karne ng baboy). Para sa kanyao ng pasasalamat, ang laman ng kanta ay ukol sa
mga masasaganang ani at iba pang mga dapat ipagyamang bagay. Sinasaloob din ang mga matatalinhagang

sabi ng mga ninuno.

Ngayon, ang kanyao ay hindi na masyadong isinasagawa o kung oo man ay hindi na gaya nang dati na

magarbo at detalyado. Noong panahong nakalipas, ito din ang nakakapagsabi sa kayamanan ng tao, o yung

sinasabi nating status quo.

MATERYAL

DI-MATERYAL

Talahanayan 1.1

Materyal Deskripsyon Gamit Kahalagahan


Asin Ginagamit sa Mahalaga ito sa
pagtugtog sa mga pangkat ng mga
mahahalagang Maguindanaoan
okasyon gaya ng bilang
kasal… nagpapahiwatig
ng kanilang
panlipunang
istatus ng
pangkat…
Puno
Palayok
gongs

Talahanayan 1.2

Di- Materyal Deskripsyon Gamit Kahalagahan


Libing Ang namatay ay Ginagawa ang Mahalaga ito sa
binabalutan ng paglilibing sa isang pangkat ng mga
espesyal na tapis tao na depende sa
o tela at Maguindanaoan
kanyang estado sa
dinadagdagan ng buhay. Nagtatawag bilang tugon sa
mga bagay na sila paniniwalang
naging mahalaga ng mambonong upang
sa kanya. Ito ay
islam na dapat
magsabi ng huling
sinasabing dasal. Isinasama na
mailibing ang
makakapagpadali dito ang paghingi ng isang patay sa
sa kanyang tawad para sa mga loob ng 24 oras…
pagtawid sa kasalanan ng namatay
kabilang buhay. at pagbebendisyon sa
pamilyang naiwan.
kanyao (Canao) isang ritwal na
ginagawa sa
isang pagtitipon.
Madaming
pagkakaiba-iba
sa bawat lupain,
sa bawat angkan.
Ito ay ginagawa
para sa mga
masasayang
selebrasyon gaya
ng masidhing
pag-aani,
pasasalamat sa
pagkakagamot,
at iba pa.
KABANATA IV

BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

BUOD

Ang mga Igorot ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng bansa, partikular sa lugar ng Cordillera sa isla

ng Luzon. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR). Ito ay ang Abra, Apayao,

Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook

na tinitirhan ng mga Igorot, ang Bontok, Ibaloi, Ifugao, Isneg o Apayao, Kalinga, at Kankanaey. Ang salitang

Igorot ay ipinangalan ng mga Espanyol sa grupong ito bilang tawag sa mga tribong hindi nila nakolonisa sa

Luzon. Ito ay mula sa salitang Golot na ang ibig sabihin ay bulubundukin, at dinagdagan ng unlaping I na

nangangahulugang Nakatira sa bundok o taong bundok. Kilala ang mga Igorot sa pagiging masipag at

matatag. Hindi sila nasakop ng mga Espanyol kung kayat napanatili nila ang kanilang kultura at mga

paniniwala. Ang mga wikang gingamit ng Igorot ay nakadepende sa kung anong tribo o lugar sila nabibilang.

Bukod sa kani-kanilang wika na ginagamit, laganap din ang paggamit ng mga Igorot sa wikang Iloko, Filipino,

at Ingles. Mayroon silang mga natatanging talento sa paghahabi at sa pagsasayaw na nagpapakita sa kultura

at kanilang mga paniniwala.


KONKLUSYON

Samakatuwid ang pag-aaral na ito ay nais lamang ipakita o ipahayag ang kultura at paniniwala ng mga

Igorot. Napag-alaman na dahil sa kanilang pagiging masipag at matatag ay napanatili nila ang kanilang mga

yaman lalo na sa larangan ng pagpapalay. Hindi rin maipagkakaila na lubos na nakakamangha ang kanilang

pagpapanatili sa kanilang kultura kahit pa nagiging moderno na ang panahon.


REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mananaliksik ang mga

rekomendasyong ito.

1.Sana ay tuluyan ng mawala ang diskriminasyong nakalakip sa salitang “Igorot”. Hindi maitatangging

marami sa atin ang mababa ang pagtingin sa mga taong ito. Sana ay isipin natin na tayo ay pantay-

pantay lamang. Ang pagkakaiba lamang nila ay iba ang kanilang uri ng pamumuhay sapagkat pinili

nilang ipagpatuloy ang kultura at tradisyon na mula pa sa kanilang mga ninuno. Alisin na natin sa

ating isipan na mas mababang uri sila sapagkat iisa lamang ang ating lahing pinagmulan.

2. Kilalanin muna natin sila bago tuluyang husgahan. Tulad natin sila rin ay taong pinagkalooban ng

talento at abilidad. Pinagtataasan man sila ng kilay, ang mga Igorot ay hindi maitatangging pride ng

ating bayan. Sa kabilang dako, sana ay maintindihan rin ng iba na hindi nagtatapos ang mga ito bilang

isang “artifact ng nakalipas” o “mga subject ng eksibisyon”. Marami tayong iba pang pwedeng

ipagmalaki. Sana lang ay tuluyan nating yakapin ang sariling atin sapagkat sa pagtanggi natin ng ating

sariling kultura hindi natin namamalayan na naisasantabi na natin ang ating sarili, ang ating

kasaysayan at ating mga ninuno.


BIBLIYOGRAPI

Lico, I. (n.d.). Ang Mga Igorot Ay Isang Pangkat Etniko Sa Pilipinas. Retrieved November 29, 2019, from
https://www.scribd.com/doc/299383616/Ang-Mga-Igorot-Ay-Isang-Pangkat-Etniko-Sa-Pilipinas.

NCCA Official Bulubunduking Coldillera. (2015, June 3). Retrieved November 30, 2019, from
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18410231636.

The IGOROT People – Bontoc, Ibaloi, Isneg (or Apayao), Kalinga, and Kankanaey. (2003, January 26).
Retrieved November 30, 2019, from http://mandirigma.org/?p=1312.

Kalinga tattoo meanings: Buscalan Travel Guide to Apo whang-do. (2018, December 5). Retrieved
December 1, 2019, from http://followyouroad.com/kalinga-tattoo/.

Mountain Hunter Backpack. (n.d.). Retrieved December 1, 2019, from


https://www.nativeprovince.com/products/pasiking.

Philippines Bontoc Igorot Basket Backpack "Pasiking" "Sangi" #2 $100.00. (n.d.). Retrieved December 1,
2019, from http://www.collectorsdeck.com/index.php?main_page=product_info&products_id=309.

Cordilleran weaving culture -- Narda's. (n.d.). Retrieved December 1, 2019, from


https://www.nardas.com/cordilleran-weaving-culture/.

The Role of Dance. (n.d.). Retrieved December 4, 2019, from


https://www.mtholyoke.edu/~lopez26a/classweb/World politics website/dance.html

Cordillera. (n.d.). Retrieved December 4, 2019, from


http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Cynthia/philippine_dances_cordillera.htm.

Alip, J. (2011, March 15). Mga Kaugaliang Igorot


APENDIKS

Kalinga Tattoo

Apo Wang-od

Ifugao Ikat Weaving


Bontok backpack (PASIKING)

Kalinga Hand woven fabrics Bontok Hand wove fabrics


Idaw (bontok dance)

Apayao Courtship dance (Apayao dance)

Salip (Kalinga dance)

Tarektek (Benguet dance)

You might also like