Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADE 7
AGOSTO 27, 2018

NATIONAL
HEROES DAY

Gng. Cristy Lyn B. Tianchon


Guro
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
GRADE 7
AGOSTO 28, 2018

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong at awiting-bayan
(F7PN-IIa-b-7)
2. Naisasagawa ang dugtungang pagbuo ng bulong at/o awiting-bayan (F7PS-IIa-b-7)
II. MGA GAWAIN NG PAGKATUTO
Paksa: MGA AWITING-BAYAN AT BULONG NG KABISAYAAN
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7, pahina 142-148
Kagamitan: libro,laptap, kopya ng mga awiting-bayan
1. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtala ng liban
2.Balik-aral sa nakaraang aralin tungkol sa awiting-bayan ng kabisayaan at sa mga detalye ng pulong Visayas.

III. PAMAMARAAN/PROSESO

A. Activity (Gawain)
- Pangkatang gawain: hahatiin ang klase sa limang pangkat o mahigit. Mula sa pinag-aralang mga awiting-
bayan papipiliin ang mga mag-aaral ng awiting-bayang kakantahin ng kanilang pangkat.
B. Analysis (Pag-aanalisa)/ Katanungan
-Bakit kailangang panatilihin at palaganapin ang mga awiting-bayan maging sa kasalukuyang henerasyon?
-Ano ang magagawa ng isang kabataang tulad mo upang mapanatili ang mga pasalindilang panitikan sa
iyong henerasyon at maging sa susunod pang henerasyon?
C. Abstraction (Lesson Proper)
-pagtalakay at paghihimay-himay ng bulong ng kabisayaan, at pagpapakopya ng mga uri ng awiting-bayan.
IV. APPLICATION (Assessment)/PAGTATAYA
-Pagsagot sa “Sagutin Natin B” na nasa pahina 151 ng libro at pagbuo ng sariling awiting-bayan ng mga
mag-aaral gamit ang pangkat sa pangkatang gawain na nauna.
V. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN
- Alamin kung ano ang Barayti ng Wika.

Gng. Cristy Lyn B. Tianchon


Guro
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
GRADE 7
AGOSTO 29, 2018

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting-bayan (balbal,
kolokyal, lalawiganin, pormal) F7WG-IIa-b-7
II. MGA GAWAIN NG PAGKATUTO
Paksa: BARAYTI NG WIKA
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7, pahina 157-161
Kagamitan: libro,laptap,
1. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtala ng liban
2.Pangganyak- may dalawang kantang ipaparinig ang guro, maaring sabayan ng mga mag-aaral kapag alam nila
ang awitin. Habang pinatutugtog ang musika may mga salitang ipapansin ang guro.
III. PAMAMARAAN/PROSESO

A. Activity (Gawain)
- Pangkatang gawain: hahatiin ang klase sa limang pangkat o mahigit. Mula sa pangganyak na pag-aawit at
salitang pinapansin ng guro, aalamin ng mga mag-aaral ang kahulugan nito at gagamitin rin nila ito sa pagbuo
ng sarili nilang pangungusap
B. Analysis (Pag-aanalisa)/ Katanungan
-Bakit kailangang alamin ang Barayti ng Wika?
-Ano ang Kahalagahan ng Barayti ng Wika upang mapanatili ng kabataang tulad mo ang mga Awiting-bayan
at Bulong sa kasalukuyan mong henerasyon?
C. Abstraction (Lesson Proper)
-pagpapakopya ng Barayti ng Wika at paghihimay-himay ng bawat detalye nito sa mga mag-aaral.
IV. APPLICATION (Assessment)/PAGTATAYA
-Pagsagot sa “Madali Lang ‘Yan at Subukin Pa Natin” na nasa pahina 160-161 ng libro.
V. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN
- Bumuo ng Usapan gamit ang Barayti ng Wika. Salungguhitan ang mga barayti ng wikang ginamit at
tukuyin kung ito ba ay balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal.

Gng. Cristy Lyn B. Tianchon


Guro

You might also like