Ang Wikang Filipino Ay Nauuri Sa Napakaraming Barayti Dahil Sa Pagkakaroon NG Pagkakapangkat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang wikang Filipino ay nauuri sa napakaraming barayti dahil sa pagkakaroon ng pagkakapangkat-pangkat

ng bawat indibidwal ayon sa antas ng edukasyon na natapos, lugar kung saan nakatira, okupasyon, uri
ng lipunan na ginagalawan, kasarian, edad at kapaligirang etniko.

Dahil dito ay nagkaroon pa ng iba’t-ibang barayti ang wika. May homogeneous at heterogeneous na uri
ng wika.

Isa sa mga uri ng barayti ng wika ay ang Idyolek. Ito ay isang uri ng pormal na salita na karaniwang
ginagamit ng isang indibidwal sa isang natatangi o yunik na pamamaraan. Ang bawat tao ay may kanya-
kanyang istilo ng pananalita.

Maaring ang pagkakaiba ay dulot ng pagbigkas o di kaya naman ng naiibang pagbigay diin sa mga salita o
mga parirala. Ang iba naman ay gumagamit ng yunik na tono o ritmo sa pagbigkas o pamamahayag ng
mga partikular na linya ng pangungusap. Dahil dito ang bawat indibidwal ay nagkakaroon ng sariling
tatak o namumukod-tanging pamamahayag ng saloobin.

Halimbawa nito ay ang mga susunod:

1.) Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng mga katagang, “Magandang Gabi Bayan!”

2.) Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang programang Maalala Mo Kaya.

3.) Ang paos na boses ni Inday Badiday sa pagsasabi ng katagang “Promise!”

4.) Ang maton at maangas na pagbabalita ng mga Tulfo brothers.

iba't ibang halimbawa ng idyolek5.) Ang maharot na istilo ng pag-iinterbyu ni Arnold Clavio.

6.) Ang pag ubo at pagsasabi ni Mike Enriquez ng “Excuse me po!” at “Di namin kayo ka tatantanan!”

7.) Ang makapal at malamig na boses ni Rey Langit.

8.) Ang paggamit ng mga matatalinhagang salita ni Jimmy Licauco.

9.) Ang masayahin na pananalita ni Mark Logan sa mga Kwento ni Marc Logan.
10.) Ang magkahalong Ingles at Tagalog na lengwahe ni Kris Aquino

Sila ay mga halimbawa lamang ng mga prominenteng tao sa ating lipunan na may sariling tatak na
susimbolo sa kanilang pagkatao. Nakabibilib kung tutuosin na walang dalawang indibidwal ang
magpareho sa aspetong pananalita.

kanila ang nagsasalita nang magkatulad. Maaaring ang dahilan sa pagkakaiba ay edad, seks, kalagayang
pangkalusugan, laki, personalidad, kakayahang emosyunal, at tanging ugali. Ang bukod-tanging wika ng
indibidwal ay tinatawag na idyolek. Malikhain at natatangi ang idyolek.

Iba pang kahulugan ng Idyolek

May pekulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal.

Ang varayti ng wika sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita, ang varayting ginagamit ng indibidwal.

Idyosintrikong katangian na istatistikal tulad ng tendesyang gumagamit ng partikular na bokabularyo


nang napakadalas.

Madaling magbago depende sa lenggwahe na ginagamit sa bahay.

Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang varayti ng wikang ginagamit batay sa
dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa
sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangin ng bawat tao ay
nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang
indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan sa paggamit ng wika.

You might also like