2019-2020 Kom - at Pananaliksik TQ

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ATTY. ROQUE A.

MARCOS MEMORIAL SCHOOL

LA PAZ, LEYTE

UNANG MARKAHAN SA KOM. AT PANANALIKSIK

Test I.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa .
a. Monolinguwalismo c. Multillingguwalismo
b. Billingguwalismo d. Unang wika
2. Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
a. Unang wika c. Ikatlong wika
b. Pangalawang wika d. Ikaapat na wika
3. Ito ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos na
nagagamit sa pantaong komunikasyon.
a. Komunikasyon c. Pananaliksik
b. Wika d. sarbey
4. Ang kategoryang ito ay isinasaad ang tungkulin ng wika sa pagbuo at pagpapanatili ng
ugnayang panlipunan sa pagitan ng mga tao.
a. Interaksyunal c. impormatibo
b. Pang-imahinasyon d. heuristik
5. Ayon dito ang wika ay maari ring gamitin sa pagkalap ng datos o impormasyon na makikita sa
pag-uulat,pagtuturo,pagsulat ng aklat at iba pa.
a. Impormatib c. Regulatori
b. Personal d. Instrumental
6. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.
a. Personal c. Regulatory
b. Impormatibo d. Instrumental
7. Ito ang paraan ng pagbabahagi ng wikang lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay komento sa isang kodigo o batas.
a. Conative c. metalingual
b. Emotive d. referential
8. Ito ay gamit ng wika upang makaahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag
uutos at pakiusap.
a. Conative c. poetic
b. Referential d. emotive
9. Saklaw nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magpaarating ng mensahe at impormasyon.
a. Emotive c. metalingual
b. Poetic d. referential
10. Tumutukoy ito sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon may kinalaman sa paksang pinag-
aralan.
a. Instrumental c. impormatibo
b. Heuristic d. personal
11. Ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
a. Wikang opisyal c. unang wika
b. Wikang panturo d. Pangalawang wika
12. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng particular na pangkat ng mga tao mula sa isang
particular na pangkat ng tao mula sa isang particular na lugar tulad ng lalawigan ,rehiyon o
bayan.
a. Sosyolek c. Idyolek
b. Etnolek d. Dayalek
13. Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyiyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika.
a. Sosyolek c. idyolek
b. Etnolek d. dayalek
14. Siya ay isang bantog na iskolar mula sa Inglatera at ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang
pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon.
a. Romam Jacobson c. Jacob Schurman
b. Almerante Dewey d. Michael Alexander Kirkwood Halliday
15. ____________ ay ang itinadhana na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
a. wikang panturo c. wikang pambansa
b. wikang opisyal d. pampanitikan
16. Kailan pinalitan ang tawag sa wikang pambansa mula Tagalog ito ay naging Pilipino?
a. Agosto 16,1959 c. Agosto 14,1959
b. Agosto 15,1995 d. Agosto 13,1959
17. Ang mga sumusunod ay ang mga Barayti ng wika maliban sa isa.
a. Dayalek c. Idyolek
b. Pananaliksik d. Sosyolek

18. Siya ang Ama ng wikang Pambansa.


a. Andres Bonifacio c. Jose P. Laurel
b. Jose Rizal d. Manuel L. Quezon
19. Sistema ng pagpapaikli ng mga salita.
a. Balbal c. Kolokyal
b. Lalawiganin d. Pambansa
20. Bahagi ng antas na ito sa mga tekstong kilala sa uring malikhaing pagsulat.
a. Pampanitikan c. Pambansa
b. Kolokyal d. Lalawiganin
Test II

Panuto: Tukuyin ang mga halimbawa ng antas kung ito ay Lalawiganin,Pambansa,Kolokyal, o Balbal.
1. Ilaw ng tahanan 6. penge
2. Dedo 7. todas
3. Sumakabilang buhay 8. chaka
4. ala eh 9. Balat sibuyas
5. meron 10. Werpa
Test III

Pagtatala: Itala ang hinihingi ng mga sumusunod:


1-3. Mga Barayti ng wika
4-9. Anim na tungkulin ng wika ayon kay Roman Jakobson
10-20. Mga Teorya ng pinagmulan ng wika

Grades will never define who you are.


Grades will not measure who you are.
Grades will never give you richness.
Grades will never be a key towards success.
From now on,stop cheating.
Pursue to become learned!
-UNKNOWN

Inihanda ni:
JOANNE B.ALERE
TEACHER

You might also like