Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Documentary Film

(Dolores)
TRAILER:

(Camera shots of different creatures)

ANCHOR:

(FIRST CAMERA ANGLE)

Naniniwala ba kayo sa maligno? Sa mga nilalang na hindi kabilang

sa mundo? Kung hindi, mapapaniwala kayo kung malalaman niyo

ang pangyayari sa Dolores.

(SECOND CAMERA ANGLE)

Sa bayan ng Dolores may magkakaibigan na di umano’y nakaranas

ng makapanindig balahibong pangyayari. Ang magkakaibigang ito

ay nag ngangalang Susie,Rene,Lea at Karlo.

(ANOTHER TRAILER BEFORE INTERVIEW)

Video shot of Susie, Rene, Lea and Karlo that being terrified.
INTERVIEWS

ANCHOR:

Anong kadahilanan kung bakit kayo pumunta sa Dolores?

SUSIE:

Umuwi kami ng Dolores upang makahingi ng basbas ang aming

kaibigan na si Rene sa kanyang Lolo. Sa kadahilanang buntis ang

katipan nitong si Lea.

(PAGSASADULA)

Pag gagayak ng gamit at magkatabi ang mag asawa at hawak

sa tiyan.

ANCHOR:

Anong karanasan ang hindi mo makalimutan nung araw na

pumunta kayo sa Dolores?


SUSIE:

Nung kinagabihan po habang nakatulala at nag-iisip ako sa

kwarto meron akong narinig na sumitsit sa may bandang bintana,

kaya napaisip ako na puntahan kung saan nanggaling yung tunog.

At nang makalapit ako sa may bintana ay may biglang pumasok na

hindi ko mawari ang itsura, na tinatawag ng mga tao sa lugar na

iyon na bibit. Dahil na rin sa kaba ay napasigaw ako ng malakas at

sinabing “maligno” at humingi ng tulong sa kaibigan kong si Lea.

Mabilisan akong tumakbo at lumabas sa kwarto, tapos sa akin

pong paglabas napansin ko na nakasunod ito sakin.

(PAGSASADULA)

*Video ng nakatulala at nag iisip na titingin sa bintana, at

titingnan kung anong mayroon sa bintana

*Focus shot ng bibit

*Focus shot ng pagsigaw ng maligno


*Shots ng pagtakbo papalabas ng kwarto habang nakasunod

ang bibit kay Susie

ANCHOR:

Ano ang iyong naramdaman ng makita mo ang nilalang na iyon?

SUSIE:

Takot at gulat po, dahil doon ko lang po naranasan na makakita ng

ganoong nilalang.

(Shots na nag iiyak si Susie)

ANCHOR:

Kaninong bahay yung pinangyarihan?

TOMAS:

Sa aking bahay sa Dolores kung saan sinasabi ng mga

tao na maraming kakaibang nilalang.

(Stablishing shot ng bahay)


ANCHOR:

Ano ang ginawa niyo upang mawala ang maligno na nasabi?

TOMAS:

Dumating ako doon sa bahay na may dala dalang pangsuob na

aking gagamitin upang labanan ang bibit at bumigkas agad ako ng

orasyon bago pa ito makalapit sa iba pang kasamahan

ng aking apo.

ANCHOR:

Sa tingin mo anong dahilan kung bakit nagawa iyon ng engkanto o

ng maligno?

TOMAS:

Sa aking pagkakatanda ay Mahal na araw noon at pinaniniwalaan

ng mga tao na ang mga maligno ay naghahanap ng katawan

upang sila ay makaakyat sa langit.Pinaniniwalaan din na ang tawa

g ng mga maligno sa katawan ng tao ay Templo ng Diyos.


(PAGSASADULA)

*Shots ng kagamitan ni Tomas

*Shots kung paano nya orasyonan ang bibit.

ANCHOR:

Nahirapan po ba kayo na paalisin ang maligno?

TOMAS:

Hindi naman, dahil nung bata pa lamang ako ay pinasa o itinuro na

ng aming ninuno kung paano mangsuob.

Tradisyon na rin ito sa amin dito sa Dolores.

(PAGSASADULA)

*Shot nung bata pa si Tomas na tinuturuan

ANCHOR:

Marami na ho ba kayong karanasan gaya ng nangyari sa apo niyo

at mga kaibigan nito?


TOMAS:

Sa loob ng mahabang taon marami na rin akong nakita na maligno

at masasabi kong may mga mabubuti talaga at may mga

masasama. Mahal na araw kasi nung nagpunta ang aking apo at

mga kaibigan nito sa aming baryo.

(PAGSASADULA)

*Shot ng nadaan si Tomas sa gubat at may nadaanang

mabuting duwende

*Shot na natutulog si Tomas at pinaglaruan ng duwende

ANCHOR:

(Rule of third shot ni Anchor)

Marami pang nangyari na hindi nila maipaliwanag at hindi sila maka

paniwalang mangyayari sa kanila ang ganoon. Dahil na rin sa

nangyari ay tila hindi na nila ito makalimutan. Sa kanilang lahat, ay

si Lea ang pinakanaapektuhan sa nangyari, dahil hindi lang


buhay niya ang mapapahamak pati na rin ang bata sa kaniyang

sinapupunan nung mga panahon na iyon.

INTERVIEW

ANCHOR:

Lea sa mga nangyari sayo ano ang pinaka hindi mo

makakalimutan na pangyayari?

LEA:

Nang may isang engkanto po na tinatawag nilang “Dolores” ang

kumontrol sa akin. Mabuti na lang po at walang nangyaring

masama sa akin at sa aking anak.

(Shot ni Dolores)

(Nasasapiang si Lea)
ANCHOR:

Naramdaman mo ba ang pagkontrol sayo ng engkantong iyon?

LEA:

Hindi po, ngunit sabi sakin nila Tatay, ay tila

lumalaban daw ang aking katawan habang kinokontrol ako ng

engkanto. Kinwento lang po sakin lahat ng aking kasintahan, pati

yung pagtula niya sakin habang ako ay walang malay.

ANCHOR:

Rene sa nakita mo sa iyong mag-ina ano ang iyong naramdaman?

May tula ka rin daw na inialay kay Lea nung mga oras na siya ay

nag-aagaw buhay dahil sa pagsapi sakaniya.

RENE:

Natakot, dahil baka hindi makayanan ng aking asawa ang sapi at b

aka ito ay mamatay kasama ang aming magiging anak. Matagal k

o na ding gustong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.


ANCHOR:

Mang tomas,sino sa tingin niyo ang may kagagawan nito kay Lea?

MANG TOMAS:

Sa aking palagay ay ang engkantong si Dolores dahil sa

pagkakaalam ko ay parehong minahal ng aking ama at tiyuhin ang

nasabing engkanto ngunit ang napupusuan ng nasabing diwata ay

ang aking tiyuhin.

ANCHOR:

Mang Tomas sa inyo pong palagay bakit po kaya nagawa iyon ni

Dolores?

MANG TOMAS:

Saksi kasi ako sa pagpatay sa minamahal ni Dolores dahil na din

sa nagawa ng aking Itay ay kami ang nagdurusa. Walang habas na

sinaktan ng aking itay ang kaniyang pinsan na si Tiyo Oros kaya

ganun na lamang ang galit ni Dolores sa aming pamilya.Tila

pag ibig din ang sumira sakaniya kaya niya ito ginawa.
ANCHOR:

(Focus shot ng Anchor)

Dahil sa nangyari sa kanila napatunayang pag-ibig ang pinaka

makapangyarihan sa lahat ayon sa kanilang kwento pag-iibigang

sumira sakanila ngunit pag-ibig din ang nagligtas at bumuo

sa kanila.

You might also like