Research Paper-Pagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

1

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A. Introduksyon

Ang pelikula ay isa sa mga anyo ng sining na higit na nakapagdudulot ng

malaking impluwensiya sa mga mamamayan. Nagbibigay ito ng mga mensaheng

nakapagpapabago sa pananaw ng mga manonood. Gayundin, nagiging daluyan ito ng

mga makabagong kaaalaman at aral na maaaring magamit sa pamumuhay ng bawat

indibidwal. Nagsisilbi itong repleksyon ng pamumuhay ng bawat indibidwal sapagkat dito

mahihinuha ang iba’t-ibang mga karanasan kung saan mas nahuhubog ang

personalidad at katatagan ng mga manonood sa paglalagay ng kanilang sarili sa mga

eksenang kanilang natutunghayan.

Ito ay may ugnayan sa lipunang ating ginagalawan sapagkat ito ay nagbibigay

aral at nagbibigay ng kamalayan sa mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran.

Nagbibigay ito ng katugunan sa mga katanungang pilit na hinahanapan ng kasagutan at

nililingap ng pag-unawa. Ang mga pelikulang itinatanghal ay nakapagdudulot ng

paghubog sa pang-unawa ng bawat indibidwal kung saan nagkakaroon ng kaliwanagan

ang mga bagay na ninanais o nararapat na maabot ng pag-unawa. Ang mga kaalamang

napulot sa pagtangkilik sa sining na ito ay nagsisilbing sandata laban sa

pakikipagsapalaran sa buhay.

Sa Pilipinas, dalawang klase ng pelikula ang tinatangkilik na panoorin ng mga

Pilipino – ang pelikulang Pilipino at pelikulang banyaga. Sa usapin sa paglinang ng

kamalayang panlipunan ng mga mamamayan, may mga taong mas nais panoorin ang

mga pelikulang gawa mula sa ibang bansa kaysa sa mga pelikulang gawa ng ating

kapwa Pilipino at vice versa. Ito ang pagtutuunan ng pansin ng pag-aaral na ito.
2

B. Layunin ng Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na pinamagatang “Ang Paghahambing at

Pagkokontrast sa Pelikulang Pilipino at Banyaga: Usapin sa Paglinang ng Kamalayang

Panlipunan” na:

1. matukoy ang kabuuang pananaw ng mga mag-aaral na lalaki at babae sa

unang antas na kumukuha ng kursong AB Communication sa De La Salle

Lipa patungkol sa usapin sa pelikulang mas nakakalinang ng kamalayang

panlipunan;

2. mabigyang kahulugan ang pelikula bilang isang sining na nakakaapekto sa

iba’t ibang aspeto ng isang indibidwal; at

3. makapag-ambag ng pag-aaral patungkol sa pelikulang mas nakakapukaw ng

atensyon sa mga manonood.

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Napakahalaga ng isinagawang pag-aaral na ito sapagkat ito’y magbibigay tulong

sa bawat indibidwal na matuklasan ang naiiba at mas malalim na kahalagahan ng

pelikula. Gayundin ay mabibigyang linaw ang pagkakaiba ng katangian ng isang

pelikulang Pilipino at banyaga kaugnay ang pagsusuri sa nilalaman nito. Ang pag-aaral

na ito ay mahalaga sa pagpukaw ng interes ng mga manonood sa pag-aaral ng

industriya ng pelikula.

Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa paglinang ng kamalayan ng mga

mag-aaral sa mga pangyayari sa kanilang kapaligiran. Makakatulong ito sa kanila sa

pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa epekto ng pelikula sa pamumuhay ng

bawat isa.
3

Naghahambing ito ng buhay ng bawat mamamayan na nagsisilbing salamin ng

mga karanasan at aral na natutunan sa patuloy na pakikipagsapalaran at pakikitungo sa

kanilang mga kapwa.

Inaasahan na matutukoy ang pagkakaiba ng kayarian, sinematograpiya, tema o

paksa at paraan ng paglikha sa pelikulang Pilipino at banyaga na nakakaimpluwensya

sa pananaw ng mga manonood. Magiging daan ito upang mabigyan ng pansin ang pag-

unawa sa mga elemento ng pelikulang nakakaapekto sa epektibong pagpili ng

pelikulang nararapat panoorin.

D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Tatalakayin ng pag-aaral na ito ang patungkol sa kahalagahan ng pelikula.

Kaugnay nito ang kasaysayan ng pelikulang Pilipino at banyaga. Napapaloob din dito

ang iba’t-ibang uri at elemento ng pelikula. Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw din

sa paghahambing ng pelikulang Pilipino at banyaga at ang pagtukoy sa pelikulang mas

tinatangkilik ng madla na may kaugnayan sa tema patungkol sa kamalayang panlipunan.

Ang pananaliksik na ito ay delimitado sa pagkuha ng sarbey sa mga mag-aaral

sa unang antas ng kolehiyo ng De La Salle Lipa patungkol sa pagpili ng pelikulang mas

nakakalinang ng kanilang kamalayan. Nakapaloob dito ang pag-aaral sa epekto ng

pelikula sa kanilang pagkatao. Delimitado rin ito sa pagtukoy ng mga salik na

nakakaapekto sa mga nasabing respondente sa pagpili ng pelikulang kanilang

pinapanood.

Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay kinapapalooban ng mga konseptong

maaaring maiugnay sa pelikulang Pilipino at banyaga. Ang sining, kultura, edad,

pananaw, populasyong kinabibilangan at estado sa buhay ng isang manonood ay

nakakaapekto sa kanyang pananaw sa pagpili ng pelikulang tinatangkilik.


4

Ang panitikan ng pelikula, gayundin ang industriya, kasaysayan, pag-aaral at

paglikha sa media ay kabilang din sa mga limitasyon na nakakaapekto sa delimitasyon

ng pananaliksik.
5

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

A. Depinisyon ng Pelikula

Ayon kay Canto ([online], 2009):

Ang pelikula ay kinikilalang sining ng pagpipinta, eskultura,

musika at arkitektura na siyang nagbibigay ng yaman sa ating

pamumuhay. Kasalukuyang malaki ang nagiging impluwensya ng pelikula

sa publiko dahil sa kakayahan nitong magpakita ng damdamin at

sitwasyon na nauunawaan ng mga manonood. Nagsisilbi itong salamin

ng buhay ng publiko sapagkat dito naiisalarawan ang kanilang mga

pangarap, hangarin at paniniwala.

B. Mga Elemento ng Pelikula

Ayon kay Jamera ([online], 2014), ang mga elemento ng pelikula ay binubuo ng

sequence skrip, sinematograpiya, tunog at musika, pananaliksik o riserts, disenyong

pamproduksyon, pagdidirehe at pag-eedit. Ang unang elemento ay ang sequence skrip

na kung saan inilalahad ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikula at ang

tunay at malinaw na layunin nito. Ang ikalawa naman ay ang sinematograpiya, ito ay

ang pagkuha ng angkop na anggulo ng mga pangyayari upang maipakita sa mga

manonood ang tunay na mga pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng pag-

iilaw at lente ng kamera. Ang ikatlo ay ang tunog at musika, ito ang pumupukaw sa

interes ng mga manonood at siyang nagpapahayag ng damdaming nais ipakita ng

pelikula. Ito ang pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhing ugnayan ng tunog at

linya ng mga diyalogo. Ang ikaapat ay ang pananaliksik o riserts, ito ay mahalagang
6

sangkap sa pagbuo ng dokumentaryo sapagkat sa pamamagitan nito ay maipapakita ng

mahusay at makatotohanan ang detalye ng palabas. Ang ikalima ay ang disenyong

pamproduksyon, nagpapanatili ito ng kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit, at

sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. Ang ikaanim ay

ang pagdididrehe, ginagamitan ito ng diskarte at istilo ng direktor kung paano

patatakbuhin ang kuwento sa pelikula. At ang huli ay ang pag-eedit, ito ang pagpuputol,

pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa paksang nakunan na. Ito ay ang

muling pagsusuri ng mga eksenang nakunan upang tukuyin kung alin ang hindi

nararapat isama sa pagpapalabas ng pelikula nang hindi nakakaapekto sa buong

kuwento dahil may laang oras o panahon ang isang pelikula.

C. Uri ng Pelikula

Ayon kay Novasil ([online], 2013), ang mga uri ng pelikula ay binubuo ng aksyon,

animasyon, bomba, dokyu, drama, pantasya, historikal, katatakutan, komedy at musikal.

Ang aksyon ay ang isang uri ng pelikulang nakapokus sa bakbakang pisikal. Maaari

itong hango sa tunay na tao o pangyayari at maari din na isang kathang isip lamang.

Ang animasyon naman ay isang uri ng pelikulang gumagamit ng mga larawang walang

buhay na binigyang buhay. Ang bomba ay isang uri ng pelikulang nagpapakita ng mga

hubad at gawaing sekswal. Ang dokyu ay isang uri ng pelikulang nag-uulat ng mga

balitang mahalaga at may kaugnayan sa kasaysayan, pulitika, at lipunan. Ang drama ay

isang uri ng pelikulang nagbibigay-diin sa mga personal na problema o suliranin. Ito ang

nagpapaigting sa damdamin ng mga manonood at nilikha upang paiyakin ang mga

manonood. Ang pantasya ay isang uri ng pelikulang nagdadala sa mga manonood sa

lugar na punong-puno ng imahinasyon at bunga ng pagkatuklas sa mga bagay na may

kaugnayan sa siyensya. Ang historikal ay isang uri ng pelikulang hango sa mga

kaganapang tunay na nangyari sa kasaysayan. Ang katatakutan ay isang uri ng


7

pelikulang nagbibigay sindak at takot sa mga manonoood sa pamamagitan ng mga

multo, bangkay o kakaibang nilalang. Ang komedy ay isang uri ng pelikulang

nagpapakita ng katatawanan kung saan inilalagay ang mga tauhan sa hindi maisip na

sitwasyon. At ang huli ay ang musikal, ito ay isang uri ng pelikulang may temang

romansa at punong-puno ng musika at kantahan.

D. Pagsusuri ng Pelikula

Ayon kay Santos ([online], 2002):

Mabuting mabigyan ng impormasyon ang mambabasa ukol sa pelikulang

susuriin. Makatutulong kung ibigay sa nagbabasa ang buod ng kwento, ang mga tauhan,

gumanap na artista, direktor at ang manunulat. Ang dami ng impormasyon na dapat

ibigay naman ay nakasalalay sa napili mong mambabasa – kung ano ang alam nila sa

pelikula at mga pangangailangan nila upang maintindihan ang iyong rebyu (p.223).

Ayon din sa nasabing awtor, pwede ring suriin ng mga mambabasa ang ilang

elemento ng pelikula gaya ng banghay (ang nangyari sa pelikula), tema (ang nais

ipahayag ng pelikula), tauhan (ang paglinang sa tauhan), pagganap (ang pagkakaganap

ng mga artista), special effects (mga teknik upang makalikha ng mga ilusyon) at musika

(ang paggamit at ginamit na musika) (p.223).

Ayon din sa kanya, pwede ring magsagawa ang mga mambabasa ng isang

kritikal na pagsusuri. Ang ilan sa mga katanungan na pwedeng gamitin ay ang mga

sumusunod:

1. Maihahambing ko ba ang pelikulang sinusuri sa ibang pelikulang

nagpahayag din ng katulad na tema?

2. Halaw lang ba ito sa isang nobela o maikling kwento?

3. Magkatulad ba ang aking reaksyon sa reaksyon ng ibang manonood?


8

4. Maaari ko bang suriin ang pelikula mula sa isang perspektiba –

halimbawa, panlipunan o pulitikal na pananaw? (p.223)

E. Pelikulang Pilipino

Ayon kay Kho ([online], 2009), ang pelikulang Pilipino ay may mahigit isang

daang taon na ang kasaysayan. Sa paniniyak, ang industriya ng pelikulang Pilipino ay

nagsimula noong 1897. Ang pelikula pa noong araw ay hinahalaw sa mga paniniwala at

pang-araw-araw na pamumuhay at paniniwala ng mga Pilipino. Bilang pagpapatunay

dito ay ang pagpapalabas ng pinaka-unang may tunog na pelikulang “Ang Aswang.”

Ang ebolusyon ng pelikulang Pilipino ay nahahati sa anim na yugto; ang bago

magdigmaan, panahon ng digmaan, dekada 50’, dekada 60’, dekada 80’, dekda 90’ at

ang kasalukuyang panahon. Bawat yugto ng ebolusyon ng industriya ng pelikulang

Pilipino ay may kinalaman sa panahon. Ayon sa mga eksperto sa industriya, sinasabing

ang dekada 50’ ang pinakaunang ginintuang panahon ng pelikulang Pilipino kung saan

umabot ng tatlong daan at limampu (350) ang pelikulang naipalabas sa mga sinehan sa

Pilipinas.

F. Pelikulang Banyaga

Ayon kay Adachi ([online], 2012), “A foreign language film is defined as a feature-

length motion picture produced outside the United States of America with a

predominantly non-English dialogue track (p.40).”


9

G. Independent Film

Ayon sa SD Publications ([online], 2013), ang indie film ay tumutukoy sa bagong

kalayaan ng paggawa ng pelikula. Ang salitang “indie” ay nagmula sa pinaikling salita na

”independent” na ang ibig sabihin ay malaya. Ito ay unang ginamit sa Estados Unidos

bilang pantapat sa Hollywood.

Ayon naman kay Chan ([online], 2013), ang mga indie films ay naging isang

kilalang klase ng pelikula sa Pilipinas. Ang mga pelikulang ito ay gawa ng mga tunay na

direktor at filmmakers, pero walang kompanyang nag-aasikaso ng mga produksyon nila.

Ang proseso ng paglikha ng mga indie films ay mura at hindi magastos, hindi tulad ng

mga pelikulang gawa ng mga major film studios (p.1).

Ayon din kay Kho ([online], 2009), ang mga indie films ay gawa sa imahinasyon

ng mga manunulat kung saan ang limitasyon ay ang kanilang imahinasyon. Dahil dito,

nagkakaroon ng lamang ang mga ginagawang indie films kung ikukumpara sa mga

gawa ng mga production companies na limitado lamang ang tema. Dahil nga sa walang

limitasyon sa kung saan ang pwede nilang isapelikula, madami sa mga indie films ay

namumulat sa kamalayan ng mga Pilipino at sa mga simpleng bagay lamang na

kapupulutan natin ng aral.

Maliban pa sa nabanggit, mas pinagtutuunan din ng mga indie films ang mga

isyu sa lipunan sa mas alternatibo at simpleng paraan.

Ayon muli kay Chan ([online], 2013), sa Pilipinas, may isang organisasyong

nagsusulong sa mga indie films – ang Cinemalaya. Maaaring ipakahulugan ang

pangalang ito bilang dalawang salitang pinagsama. Ang “cinema” na tumutukoy sa

pelikula at ang “malaya” naman dahil independent ang mga produksyong isinusulong

nila at hindi limitado sa mga pamantayan ng mga major film studios (p.1).
10

Ayon sa Cinemalaya ([online], n.d.), nilalayon ng Cinemalaya na mapalaganap

ang mga indie films na gawa sa Pilipinas, hindi lamang sa ating bansa ngunit ganoon din

sa ibang panig ng mundo. Nagsisilbing isang paraan ang Cinemalaya upang malinang

ang husay ng mga Pilipino pagdating sa larangan ng pelikula, kasama na rito ang

pagsusulat, pagdidirehe at pag-arte. Binibigyan din ng Cinemalaya ng pagkakataon ang

mga baguhang direktor na maipamalas ang kanilang galing sa sining ng pelikula sa

pamamagitan ng Cinemalaya Film Festival. Nilalayon din ng Cinemalaya na

maipalaganap ang sining ng pelikula sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga seminar at

patimpalak.

H. Kamalayang Panlipunan

Ayon sa Genyo ([online], 2013), “Ang kamalayang panlipunan ay isang uri ng

kamalayang nagtutulak sa mga tao na umisip at kumilos para sa kabutihan ng

nakararami. Ito rin ang kamalayang nag-uudyok sa mga tao na isipin kung paano sila

makatutulong sa kanilang kapwa at kung paano makapagsasagawa ng mga proyekto

tungo sa ikagiginhawa ng bawat miyembro ng lipunan (p.211).”


11

Kabanata III

METODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng deskriptib na paraan ng pananaliksik gamit

ang proseso ng pagsasarbey upang masuri ng mabuti ang mga pananaw at kaisipan ng

mga estudyante sa unang antas ng kolehiyo sa DLSL na kumukuha ng kursong AB

Communication ukol sa pagkakaiba ng pelikulang Pilipino at banyaga sa konsepto ng

paglinang sa kamalayang panlipunan. Ang ginamit na instrumentong pampananaliksik

sa pag-aaral na ito ay isang kwestyoner o talatanungan kung saan ang mga napiling

respondente ay binigyan ng mga papel na naglalaman ng mga katanungang kailangang

mabigyang linaw para sa isinasagawang pag-aaral.

B. Mga Respondente

Ang sarbey na ginamit sa pag-aaral na ito ay ipanamahagi sa mga estudyante sa

unang antas ng kolehiyo sa DLSL na kumukuha ng kursong AB Communication gamit

ang probabilidad na paraan ng simple random sampling. Nangangahulugan ito na lahat

ng mga estudyante sa unang antas ng kolehiyo sa DLSL na kumukuha ng kursong AB

Communication ay mayroong pantay-pantay na pagkakataon upang mapili na maging

respondente ng nasabing sarbey.

Ang mga estudyante sa unang antas ng kolehiyo sa DLSL na kumukuha ng

kursong AB Communication ay nahahati sa dalawang (2) seksyon. Ito ay ang U1A at

U1B. Ang U1A ay binubuo ng tatlumpu’t limang (35) mga estudyante samantalang ang

U1B naman ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) mga estudyante. Ang kabuuang

populasyon ng mga estudyante sa unang antas ng kolehiyo sa DLSL na kumukuha ng

kursong AB Communication ay animnapu’t tatlo (63) ngunit tatlumpu (30) lamang ang
12

random na napili upang maging respondente ng nasabing sarbey. Dalawampu (20) rito

ay mga babae at sampu (10) naman ay mga lalaki.

C. Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng deskribtib na paraan ng pananaliksik gamit

ang proseso ng pagsasarbey sa anyong kwestyoner o talatanungan para makalikom ng

mga datos at impormasyon ukol sa pagkakaiba ng pelikulang Pilipino at banyaga sa

konsepto ng paglinang sa kamalayang panlipunan.

Ang kwestyoner o talatanungan na ginamit sa pag-aaral ay sariling akda ng mga

mananaliksik na iniugnay sa paghihinuha kung paano tinatangkilik ng mga manonood

ang mga pelikulang Pilipino at banyaga. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang

bahagi ay binubuo ng mga salik na demograpiko tulad ng edad at kasarian. Ang

ikalawang bahagi naman ay binubuo ng limang katanungan ukol sa mga pananaw at

kaisipan ng mga estudyante sa unang antas ng kolehiyo sa DLSL na kumukuha ng

kursong AB Communication sa pagkakaiba ng pelikulang Pilipino at banyaga sa

konsepto ng paglinang sa kamalayang panlipunan.

D. Tritment ng mga Datos

Upang maging malinaw ang presentasyon ng mga datos at impormasyon na

nakalap, ang istatistikal na pamamaraan na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang weighted

mean. Ang ginamit na pormula ay ang:

W = Ʃ(Fxr)

N
13

Kung saan:

W = weighted mean

F = frequency o bilang ng sagot

Ʃ = summation

R = range option

N = kabuuang bilang ng respondente

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng iskeyl na nasa ibaba para matukoy at

masuri ang sagot ng mga respondente sa bawat aytem.

Berbal na deskripsyon Saklaw

Matinding sumasang-ayon 3.51 – 4.00

Sumasang-ayon 2.51 – 3.50

Hindi sumasang-ayon 1.51 – 2.50

Matinding hindi sumasang-ayon 1.00 – 1.50


14

Kabanata IV

PAGTALAKAY SA RESULTA

Sa kabanatang ito, ipinapakita ang pagsusuri at pagbibigyang-kahulugan ng mga

datos na nakuha batay sa instrumentong ginamit sa pag-aaral. Ang mga datos ay

inilarawan sa pamamagitan ng mga talahanayan.

A. Katangian ng mga Respondente ayon sa Kasarian

Talahanayan Blg. 1.1 Katangian ng mga respondente ayon sa Kasarian

KASARIAN FREQUENCY PERCENTAGE


FREQUENCY
Lalaki 8 26.67

Babae 22 73.33

KABUUAN 30 100.0

Ipinapakita sa talahanayan na ito ang bilang ng mga respondenteng lalaki at

babae na naging bahagi ng pagsasarbey sa pagtukoy ng pelikulang mas nakalilinang ng

kamalayan ng mga mamamayan. Gayundin, ipinapakita rin ditto na karamihan sa mga

respondenteng sumagot sa talatanungan ay mga kababaihan.

B. Kabuuang Pananaw ng mga Respondente sa Pelikulang Pilipino at Banyaga

ayon sa Kasarian.

Talahanayan Blg. 1.2 Pananaw ng Respondente ayon sa Kasarian


15

NILALAMAN NG KURSO LALAKI BABAE TOTAL AVERAGE


1. Ang pelikulang Pilipino ay
mas nagdudulot ng 2.63 2.55 5.16 2.58
pagkatuto kaysa sa mga
pelikulang banyaga.
2. Ang direksyon at
pagganap ng mga actor sa 2.50 2.23 4.73 2.37
pelikulang Pilipino ay higit
na makatotohanan kaysa
sa pelikulang banyaga.
3. Ang mga indie films na
ginawa sa Pilipinas ay 3.00 2.50 5.50 2.75
tanyag na sa buong
mundo.
4. Ang mga Pilipino ay higit
na malikhain sa paggawa 2.50 2.09 4.59 2.30
ng pelikula kaysa sa mga
banyaga.
5. Ang pelikulang banyaga ay
mas higit na nakapupukaw 3.38 3.09 6.47 3.24
sa aking atensyon.
6. Ang sinematograpiya ng
mga pelikulang Pilipino ay 2.50 2.09 4.59 2.30
higit na nakakahikayat sa
akin upang ito ay panoorin
kaysa sa mga pelikulang
banyaga.
7. Ang tema ng mga
pelikulang Pilipino ay mas 3.13 2.32 5.45 2.73
nakatuon sa moralidad at
realidad ng buhay kaysa sa
mga pelikulang banyaga.
8. Ang sequence ng mga
kaganapan sa mga 3.50 2.50 6 3
pelikulang Pilipino ay higit
na malinaw at madaling
unawain kaysa sa mga
pelikulang banyaga.
9. Ang mga pelikulang
Pilipino ay mas malikhain 2.50 2.00 4.50 2.25
at makabuluhan kaysa sa
mga pelikulang banyaga.
10. Ang uri ng pelikulang mas
pinipili kong panoorin ay 2.50 2.05 4.55 2.28
drama at aksyon na likha
ng mga Pilipino.

Total 28.31 23.41 51.56 25.78

AVERAGE 2.81 2.34 5.16 2.58


16

Ipinapakita na sa talahanayan blg. 1 na ito na nakakuha ng mataas na

kamalayan ang nilalaman na nagsasabing ang pelikulang banyaga ay mas higit na

nakapupukaw ng atensyon sa mga manonood kaysa sa pelikulang Pilipino na may

weighted mean na 3.24. Pinakamababa naman ang nilalaman na nagsasabing ang mga

pelikulang Pilipino ay mas malikhain at makabuluhan kaysa sa mga pelikulang banyaga

na may weighted mean na 2.25.

Kapansin-pansin sa talahanayan na ito na nakakuha ng mas mataas na

kamalayan sa mga nilalaman ang mga lalaki kaysa sa mga babae na may weighted

mean na 2.81. Nangangahulugan na ang mga lalaki ay mas pabor na ang mga

pelikulang Pilipino ay mas nakalilinang ng kamalayang panlipunan sa mga manonoood

kaysa sa mga pelikulang banyaga.


17

C. Pelikulang higit na nakakaapekto sa aspeto ng bawat indibidwal.

Talahanayan Blg. 1.3 Paghahambing at Pagkokontrast sa Pelikulang Pilipino at

Pelikulang Banyaga

NILALAMAN NG KURSO MEAN BERBAL NA


INTERPRETASYON
1. Ang pelikulang Pilipino ay mas
nagdudulot ng pagkatuto kaysa sa mga Sumasang-ayon
pelikulang banyaga. 2.57
2. Ang direksyon at pagganap ng mga aktor
sa pelikulang Pilipino ay higit na Hindi sumasang-ayon
makatotohanan kaysa sa pelikulang
banyaga. 2.30
3. Ang mga indie films na ginawa sa
Pilipinas ay tanyag na sa buong mundo. 2.63 Sumasang-ayon
4. Ang mga Pilipino ay higit na malikhain sa
paggawa ng pelikula kaysa sa mga Hindi sumasang-ayon
banyaga. 2.20
5. Ang pelikulang banyaga ay mas higit na
nakapupukaw sa aking atensyon. 3.17 Sumasang-ayon
6. Ang sinematograpiya ng mga pelikulang
Pilipino ay higit na nakakahikayat sa akin Hindi sumasang-ayon
upang ito ay panoorin kaysa sa mga
pelikulang banyaga. 2.20
7. Ang tema ng mga pelikulang Pilipino ay
mas nakatuon sa moralidad at realidad
ng buhay kaysa sa mga pelikulang Sumasang-ayon
banyaga. 2.53
8. Ang sequence ng mga kaganapan sa
mga pelikulang Pilipino ay higit na Sumasang-ayon
malinaw at madaling unawain kaysa sa
mga pelikulang banyaga. 2.77
9. Ang mga pelikulang Pilipino ay mas
malikhain at makabuluhan kaysa sa mga Hindi sumasang-ayon
pelikulang banyaga. 2.13
10. Ang uri ng pelikulang mas pinipili kong
panoorin ay drama at aksyon na likha ng Hindi sumasang-ayon
mga Pilipino. 2.17
HINDI SUMASANG-
GENERAL WEIGHTED MEAN 2.47 AYON
18

Ipinapakita na sa talahanayan blg. 2 na ito na nakakuha ng mataas na

kamalayan ang nilalaman na nagsasabing ang pelikulang banyaga ay mas higit na

nakapupukaw ng atensyon sa mga manonood kaysa sa pelikulang Pilipino na may

weighted mean na 3.17 at deskripsyong sumasang-ayon.

Pinakamababa naman ang nilalaman na nagsasabing ang mga pelikulang Pilipino ay

mas malikhain at makabuluhan kaysa sa mga pelikulang banyaga na may weighted

mean na 2.13 at deskripsyong hindi sumasang-ayon.

Kapansin-pansin sa talahanayan sa itaas na pantay ang bilang ng nakakuha ng

deskripsyong sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon subalit ang nakuhang kabuuang

resulta ay nakakuha ng deskripsyong hindi sumasang-ayon na may weighted mean na

2.47.
19

Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

A. Lagom

Base sa mga resultang ipinakita ng pag-aaral na ito patungkol sa paghahambing

at pagkokontrast sa pelikulang Pilipino at banyaga, natuklasan ang uri ng pelikulang

mas tinatangkilik ng mga respondente mula sa unang antas ng mga estudyanteng

kumukuha ng kursong AB Communication sa De La Salle Lipa.

Mula sa mga datos na nakalap at matapos ang masidhing pag-aanalisa ay

nabigyang linaw na ang mga pelikulang banyaga ay higit na tinatangkilik at mas may

kakayahang makapagbigay impluwensya sa mga manonood. Ito ay base sa paghinuha

na nagmula sa talatanungang inihanda ng mga mananaliksik na naglalaman ng mga

positibong pahayag patungkol sa pelikulang Pilipino. Ang pelikulang Pilipino ay

nakatanggap ng weighted mean na 2.47 na nangangahulugang ang mga napiling

respondente ay hindi sumasang-ayon sa mga positibong pahayag sa pelikulang Pilipino

na may kaugnayan sa paglinang ng kamalayang panlipunan.

Gayundin, napag-alaman na ang mga lalaking respondente ay sumasang-ayon

sa mga positibong pahayag sa pelikulang Pilipino na may kaugnayan sa kamalayang

panlipunan samantalang ang mga babae na respondente ay hindi sumasang-ayon sa

mga pahayag. Ito ay binigyang linaw ng resulta ng weighted mean na nagtataglay ng

2.81 para sa mga lalaki at 2.34 para sa mga babae.


20

B. Konklusyon

Mula sa mga datos at resultang nakalap ay nabuo ang mga sumusunod na

konklusyon:

1. Ang antas ng pagtangkilik ng mga babaeng respondente sa pelikulang

Pilipino ay mas mababa kumpara sa pagtangkilik ng mga lalaking respondente.

Idagdag pa dito na mas nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga pelikulang

nilikha sa ibang bansa kaysa sa sariling pelikula base sa ipinakitang

pangkalahatang resulta ng sarbey. Nabigyang- diin at katotohanan ito sa resulta

ng weighted mean na 2.81 para sa mga lalaki at 2.34 para sa mga babae.

2. Ang pelikula bilang isang sining ay nakakaimpluwensya sa mga

manonood sa paraan ng pagpapalabas nito. Lumabas sa sarbey na pagdating sa

kayarian o pagkakagawa ng pelikula ay mas umaangat ang pelikulang banyaga

sa hindi pagsang-ayon ng mga respondente sa mga pahayag na may kaugnayan

sa uri ng pelikula, direksyon, sinematograpiya at pagganap ng mga aktor sa

pelikulang Pilipino. Lumabas sa resulta ng weighted mean ng mga ito ang 2.30,

2.20, 2.13, at 2.17 Sa isang banda ay sinasang-ayunan ng mga respondente ang

dulot ng mga pelikulang Pilipino sa pagkatuto at malinaw na pagpapakita ng

sequence nito.

3. Ang antas kung saan ipinapakita ang pelikulang mas nakakapukaw ng

atensyon ng mga manonood ay ang pelikulang banyaga sa resulta ng weighted

mean ng sarbey na 2.47 na nangangahulugan ng hindi pagsang-ayon ng mga

respondente sa pelikulang Pilipino bilang pelikulang mas tinatangkilik at

nakapupukaw sa atensyon ng mga manonood. Higit na nabibigyang-pansin ang

pelikulang banyaga dahil sa taglay nitong kakaibang sinematograpiya at mas

malikhaing paraan kung saan napapaunlad pa ito sa pagtagal ng panahon at

pagkadiskubre ng mga bagong bagay.


21

C. Rekomendasyon

Batay sa mga inilatag na konklusyon, narito ang mga rekomendasyon :

1. Lumabas sa resulta ng sarbey ang magkaibang pananaw ng mga

respondenteng babae at lalaki pagdating sa pagtangkilik sa pelikulang Pilipino at

banyaga. Iminumungkahi na mas paunlarin pa ang kayarian ng mga pelikulang

nililikha dito sa Pilipinas sa paraang kanais-nais at mas kapupulutan ng aral

upang makamit ang pantay na pagtangkilik ng mga babae at lalaki sa pelikulang

Pilipino. Idagdag pa rito ang pangangailangan ng mga manonood sa mas

malawak na kaalaman patungkol sa pelikula.

2. Ang mga pelikulang banyaga ay may taglay na modernong

kapamaraanan sa paglalahad ng pangyayari gayundin sa sinematograpiya nito.

Iminumungkahi na bigyang linaw ang pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino

sa kapamaraanang magiging katanggap tanggap ito sa pangkalahatang lipunan.

Ang pag-uugnay ng teknolohiya at modernong proseso ay isa sa mga salik na

maaaring makatulong dito.

3. Bilang pangkalahatang resulta sa paghahambing sa pelikulang Pilipino at

banyaga, lumabas sa resulta ng mga nakalap na datos ang pagtanggap ng mga

respondente sa pelikulang banyaga bilang instrumento sa pagpapalawak ng

kaalaman kaysa sa pelikulang Pilipino. Bilang mungkahi, ang mga direktor at

mga aktor ay nararapat na may sapat na kaalaman sa paraan ng pagdidirehe at

pagganap ng makatotohanan. Gayundin, ang mga manonood ay nararapat na

maging isang matalinong tagapanuri sa isang pelikula. Dapat din na isaalang-

alang ang mga kagamitan o instrumento para sa malinaw na pagpapahayag ng

mensahe sa ganitong uri ng media.


22

TALASANGGUNIAN

Adachi R. 2012. A study of Japanese animation as translation: a descriptive analysis of


Hayao Miyazaki and other anime dubbed into English. Boca Raton, Florida, USA.
p.40.

Banaag, F.B. Abril 2003. Pagbasa sa hindi nakikita: ang panitikan ng pelikula. Talas.
Volume 2. Number 1. p.8

Canto, R. et. al. Isang pananaliksik tungkol sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa pelikulang
banyaga. Pebrero 08, 2009. Unibersidad ng Sto. Tomas. Kolehiyo ng Komersiyo.

Chan, S. Indie films para sa kalayaan: sining at kabaklaan sa Pilipinas. Nobyembre 26,
2014. Available at: http://www.wattpad.com/11680960-indie-films-para-sa-
kalayaan-sining-at-kabaklaan

Jamera M. Aralin 3.3: dokumentaryong pampelikula: midyum sa pagbabagong


panlipunan. Nobyembre 26, 2014. Available at:
http://solingj.wikispaces.com/file/view/aralin+3.3.pdf

Kho, L. et. al. Epekto ng independent films sa industriya ng pelikulang Pilipino. Marso
19, 2009.

n.a. Cinemalaya. Nobyembre 26, 2014. Available at: http://www.cinemalaya.org/about

n.a. Indie film: salamin ng wika at kultura. Nobyembre 27, 2014. Available at:
http://www.sdmags.net/indie-film-salamin-ng-wika-at-kultura/

n.a. Kamalayang panlipunan. Nobyembre 26, 2014. Available at: http://www.santonino-


lcandijay-bohol.org/orain/francis/filipino/f4/f4_kabanata4_page211.html

Novasil, R. Uri ng pelikula. Nobyembre 26, 2014. Available at:


http://www.scribd.com/doc/106913573/uri-ng-pelikula

Reyes, E. 1996. Malikhaing pelikula: mga sanaysay tungkol sa pelikulang Pilipino.


Makati City. Media Plus. p.IX.
23

Santos B. et. al. 2002. Aklat sa paglinang ng kasanayan sa wika at literatura. 84-86 P.
Florentino Sta. Mesa Heights, Lungsod ng Quezon. Rex Printing Company Inc.
p.223.

You might also like