Paglilimita NG Paksa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGPILI AT PAGLILIMITA NG PAKSA

Ayon kina Bernales, et al (2009), may mga parametron upang matulungan ang mananaliksik sa
paglilimita ng kanyang paksa sa pananaliksik:
o PANAHON- nakakatulong sa mananaliksik na ilapat ang kontekstong iniikutan ng kanyang
pananaliksik gamit ang tiyak na panahon
o EDAD- tinutukoy ang range o age group/gap ng mga respondent o subject sa pananaliksik
o KASARIAN- tinutukoy ang tiyak na function ng tiyak na kasarian sa paksa ng pananaliksik
o PERSPEKTIB- tinutukoy ang mas tiyak na pag-aangkop ng pananaw sa paksa ng
pananaliksik
o LUGAR- pagtukoy sa mas tiyak na locale ng pananaliksik
o PROPESYON- pagtukoy sa tiyak na grupo o propesyon at ang kanilang silbi sa paksa ng
pananaliksik
o ANYO O URI – tumutukoy sa tiyak na anyo ng paksang pinag-aaralan
o PARTIKULAR NA HALIMBAWA O KASO- pagbibigay ng isang tiyak na kaso o kalagayan
sa isang lugar
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA
o Kumbinsihin ang sarili kung bakit gustong saliksikin ang particular na paksang nasa isip.
o Itala ang mga dahilan kung bakit ito gustong pag-aralan.
o Gumawa ng T-chart na naglalaman ng mga positibo at negatibong aytem kung sakaling
itutuloy ang nasabing paksa.
o Nang hindi sinasabi sa mga kabahagi mo sa pananaliksik ang iyong sariling saloobin,
tanungin sila kung anong sa tingin nila ang kahalagahan o positibong epekto ng pag-aaral
sa napupusuang paksa.
o Balangkasin sa isip ang inaasahang bunga o awtput mula sa pag-aaral ng paksa ng
pananaliksik na ito.
o Subukang gumawa ng pansamantalang timeline at tingnan kung timebound o
makatotohanan bang saliksikin ang paksa batay sa nakalaang panahon, markahan o
semestre.
o May sapat bang sanggunian, kakapanayamin kaugnay na pag-aaral at literatura na
maaaring gamitin para sa inyong paksa?
o Marami o kaunti lamang ba ang mga nagsagawa ng pananaliksik sa nasabing paksa?
Kung marami na, ano-anong mga katangian ang nasa iyong pananaliksik na wala pa sa
mga nauna na?
o Batay sa iyong karanasan sa pagsulat ng pananaliksik, may sapat ka bang kawilihan,
kasanayan at kahandaan para isagawa ang pagsasaliksik sa pinipiling paksa?
o Ano –anong materyal na resources ang mayroon ka upang isakatuparan ang pagsasaliksik
sa iyong paksa?
o Valid pa bang pag-aralan ang nasabing paksa? O hindi na sapagkat mayroon nang mga
pagpapatunay, desisyon, dokumentasyon at implementasyon ang magpapawalang-saysay
sa gagawin mong pananaliksik?
PAGSULAT NG PAMAGAT BATAY SA PAKSA

1. Simulan sa iyong “Independent 2. Susundan ng iyong “Dependent


Variable” na siyang itinuturing na sanhi Variable” na siyang epekto o
ng pag-aaral. inaasahang bunga ng pag-aaral

3. At susundan pa ng iyong mga 4. Panghuli, ang iyong research locale o


participant sa pananaliksik kaugnay ng lunan ng iyong pananaliksik
iyong paksa
MGA PILING TELENOBELA SA BILANG AWTENTIKONG MATERYAL
PILIPINAS

SA PAGTUTURO NG KULTURA SA MGA SA PILING MGA KOLEHIYO SA METRO


MAG-AARAL MANILA

Panuto: Tukuyin ito kung malawak o mas tiyak ang bawat paksa at tukuyin din ang parametrong
kinabibilangan nito.
1. Parametro: ___________
 Panahon ng Digmaan
 World War II o Panahon ng Pananakop ng mg Hapon
Malawak: ____________________________________________
Mas Tiyak: ___________________________________________
2. Parametro: ___________
 Mga Mag-aaral
 Mga Mag-aaral sa Senior High School
Malawak: ____________________________________________
Mas Tiyak: ___________________________________________
3. Parametro: ___________
 Kabataang Lalaki
 Kabataang Lalaki Nahinto sa Pag-aaral bunsod ng iba’t ibang dahilan
Malawak: ____________________________________________
Mas Tiyak: ___________________________________________
4. Parametro: ___________
 Kristiyanismo sa Pilipinas
 Ang kahalagahan ng Kristiyanismo sa Kabila ng pag-iral ng iba pang mga relihiyon sa bansa at
sa Multikultural na Katangian ng Pilipinas
Malawak: ____________________________________________
Mas Tiyak: ___________________________________________
5. Parametro: ___________
 Kultura ng Street Art sa South Korea ng Metro Manila
 Ang pag-usbong ng Street Art sa iba’t ibang Komunidad sa Lungsod ng Pasay
Malawak: ____________________________________________
Mas Tiyak: ___________________________________________
6. Parametro: ___________
 Sentimyento at Panukala ng mga Guro sa Pilipinas
 Sentimyento at Panukala ng mga Guro na kasapi ng Alliance of Concerned Teachers
Philippines
Malawak: ____________________________________________
Mas Tiyak: ___________________________________________
7. Parametro: ___________
 Pagtanggap sa trend ng social media
 Pagpapahalaga sa Facebook, Twitter, Instagram at iba pang SNS na pumasok sa ating kultura
Malawak: ____________________________________________
Mas Tiyak: ___________________________________________
8. Parametro: ___________
 Edukasyon ng mga katutubo o IP
 Pagsupil sa Karapatan ng mga Katutubong Lumad sa Edukasyon: Kaso ng ALCADEV
Malawak: ____________________________________________
Mas Tiyak: ___________________________________________

You might also like