Pagtatalik Bago Ang Kasal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital sex)

Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit
hindi pa kasal

May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang kabataan ay pumapasok
sa maagang pakikikapagtalik. Ito ay ang sumusunod:

1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at matugunan
ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan
ng kaniyang buhay.

2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga
gumagawa nito ay may pagsang-ayon. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito.

3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng kasiyahan.

4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.

Ang pananaw na kailangan ang pagtatalik upang mabuhay ay isang mahinang pagkilala sa pagkatao ng
tao dahil ipinagwawalang-bahala niya ang kakayahan ng taong ipahayag ang kaniyang tunay na
pagkatao. Mayroon o walang pagtatalik, mananatiling buhay ang tao. Maraming mga taong nagpasiyang
mabuhay nang walang asawa tulad ng mga pari, mga madre, at mga kasapi ng 3rd orders, ang patuloy
na nabubuhay nang maayos, malusog, at masaya. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang-
galang at nagpapababa sa dignidad at integridad ng pagkatao ng mga taong kasangkot sa gawaing ito.
Hindi nagiging kapaki-pakinabang ang pagtatalik sa pagtungo sa kaganapan ng buhay na isa sa mga
halaga ng seksuwalidad.

You might also like