Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
National Capital Region
Sangay ng Lungsod ng Quezon

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa MTB II

Pangalan: ______________________________ Petsa: ___________________


Baitang/Pangkat: _______________________ Iskor: ____________________

I. Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga sumusunod na pangungusap at


sagutan ang mga tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ang mga bata ay nagpipiknik sa tabing ilog, may nakita silang babala.
“Bawal magtapon ng basura sa ilog”. Ano kaya ang gagawin ng mga
bata?
O A.Itatapon ng mga bata ang kanilang basura sa ilog.
O B. Ililigpit ng mga bata ang kanilang basura at ilalagay sa tamang
lalagyan.
O C.Babalewalain ang nakasulat at iiwan ang basura sa ilog.
O D.Hindi pakikialaman.

2. Ang Pasko ang _______________ pagdiriwang sa ating bansa. Alin ang


salitang angkop sa pangungusap?
O A.pinakamasayang O B. pinakamabilis
O C. pinakamalungkot O D. bansa

3. Si Lita ay nangangamba na sumama sa kaharian ng mga Paru-paro.


O A. Nasasabik O B. Natutuwa
O C. Natatakot O D. Sumama

4. Nagulantang si Sally at biglang napasigaw.


O A. Nagulat O B. Natakot
O C. Napaiyak O D. Napatawa

Ang Batang Batangueño


Akda ni Marites P. Espelita

Si Jedrique ay kaibigan ko. Jed ang tawag ko sa kanya. Siya ay taga-


Batangas . Kasama ko siya sa paglalaro.Tuwing umaga, libangan na ni Jed ang
magpunta sa tabing dagat at magtampisaw sa tubig.Tumatakbo rin siya sa
buhanginan kasama ang kanyang alagang aso.
Sa tanghali, natutulog naman si Jed katabi ang kanyang aso.Pagkagising ni
Jed ay kumakain naman siya ng paborito niyang lumpiyang gulay. Pagdating ng
hapon naglilinis na si Jed ng kanyang sarili.

5. Sino ang kaibigan ng nagsasalaysay?


O A. Jose O C. Matthew
O B. Raxle O D. Jedrique
6. Taga- saan ang kaibigan ng nagsasalaysay?
A. taga- Laguna C. taga- Rizal
B. taga- Batangas D.taga- Cavite
7. Ano ang libangan ng kaibigan ng nagsasalaysay, bukod sa
pagkuha ng kabibe?
O A. pagkukuwento O C. paglalangoy
O B. panonood ng TV O D. pagtakbo sa tabing dagat

8.Piliin ang angkop na ngalan ng larawang may kambal-katinig at diptonggo.

O A. plato O B. gripo O C. blusa O D. dyaryo

9. O A. araw O B. kahoy O C. kalabaw O D. sisiw

10. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa ilalaim ng . Alin ang wastong
ngalan ng larawan.
O A. buwan O B. bituin O C. araw O D. ulap

11. Sina Jun, Jomar at Joy ay ang magkakapatid sa kwentong nabanggit sa kwento.
Ang salitang may salungguhit ay ____?
O A. Tauhan sa kwento O B. Tagpuan sa kwento O C. Pangyayari O D. Kwento

12. Mabilis na nilisan ng mga bata ang paaralan pagkatapos ng kanilang klase. Ang
salitang may salungguhit ay _____?
O A. Tauhan O B. Tagpuan O C. Pangyayari O D. Kwento

13.May kausap ka sa telepono nang biglang tinawag ka ni nanay upang hugasan ang
mga gulay na lulutuin niya.Paano ka magpapaalam sa iyong kausap?

O A.Sige,pwede po bang mamaya kana ulit tumawag?


O B.Bukas na ulit tayo mag-usap.
O C.Tama na ang usapan natin
O D.Tapos na tayo.

14. _____ sa magkabilang panig ng daan bago tumawid.Anong pautos na salita ang
angkop sa patlang?
O A.Lumakad O B.Tumakbo O C.Tumingin O D.Tumalon

15.Payapa ang kalooban ng naninirahan sa komunidad na may pagkakaisa at


pagtutulungan.Alin sa sumusunod ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
O A. tahimik O B.magulo O C.madumi O D.maligaya

16.Ang batang marunong ay kinatutuwaan ng kanyang guro at magulang.Alin ang


kahulugan ng salitang may salungguhit?
O A.maalam O B.walang-alam O C.mayabang O D.malilimutin

17.”Huwag ninyong itapon ang basura kung saan saan, ilagay ninyo sa tamang
basurahan!”wika ni Althea. Anong katangian mayroon si Althea?
O A.mapagmalasakit sa kalikasan O C.matulungin
O B.masayahin O D.maalalahanin
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon, suriin kung ang anong bahagi ngkwento
ang tinatalakay. Piliin ang titik ng tamang sagot.

18. Tuwang – tuwa ang kanilang guro na nagpasalamat sa dalawa. Masaya at


magaan ang loob na umuwi sina Kiko at Roma dahil nakagawa sila ng isang
magandang bagay.

O A. gitna O B. wakas O C. simula O D. unahan

19. Hindi nag atubili ang dalawana pulutin ito at lumakad patungo sa bahay ng
kanilang guro. Pagdating nila ay nakita nilang papasok pa lamang si Bb. Soner sa
kanilang bahay. Magalang na bumati ang dalawa at isinalaysay ang pangyayari.

O A. simula O B. wakas O C.gitna O D. hulihan

20.Isang hapon masayang naglalakad ang magkaibigang Kiko at Roma sa tabi ng


kalsada. Pauwi silas akanilang bahay mula sa paaralan .Sa di kalayuan, may nakita
sila ng isang bagay na nasa gilid ng kalsada. Dali – daling lumapit ang magkaibigan sa
kanilang nakita. Laking gulat ng dalawa nang Makita nila na iyon ay ang bag ng
kanilang gurona si Bb. Soner.

O A. simula O B. wakas O C. gitna O D.hulihan

Basahin ang maikling kwento. Piliin ang angkop na wakas o huling bahagi ng kwento.

Ang kaharian ng mga Gulay

Abala sa kaharian ang lahat ng mga gulay sa pagdating ng kanilang


kapistahan. Ipinatawag ni Reyna Kalabasa kay Ampalaya sina Singkamas at Talong.
Sinundo ni Ampalaya si Singkamas at Talong. Umisip ng paraan sina Singkamas at
Talong kung papaano mapapakain ng gulay si Amy. Dumating sa tahanan nina Amy
ang magkaibigan.

21. Ano ang angkop na wakas o huling bahagi ng kwento.

O A. Hihimukin si Amy ng magkaibigan na mabuti ang hindi kumakain ng gulay

O B. Kukumbinsihin ng magkaibigan si Amy na mas mabuti ang kumakain ng gulay.

O C. Bibigyan ng gulay na talong at kalabasa si Amy

O D. Pagbabawal ang kumain ng gulay si Amy

Ang Malikot na si Buboy Bubuyog


Si Buboy ay isang batang Bubuyog.Hilig niya ang mapagala-gala at
magpaikot-ikot. Isang araw umalis ang kanyang ina, ipinagbilin niya na wag
masyadong malilikot at lalayo sa kanilang munting tahanan .Nainip si
bubuyog at lumabas ito ng bahay. Lumipad siya ng lumipad habang wiling
wili sa mga halaman at bulaklak na kanyang nakikita. Hindi niya namalayan
na napalayo na siya.
22. Ano ang angkop na wakas o huling bahagi ng kwento.

O a. hindi na nakabalik ng bahay ang batang bubuyog at tuluyan ng napahamak

O b. nagging masunuring anak ang batang bubuyog

O c. nagkaroon ng magandang buhay ang batang bubuyog

O d. maging mabuti ang hindi sumusunod sa magulang

23.-30.Isulat nang maayos ang liham paumanhin sa ibaba.Ayusin ito batay sa wastong
pormat ng pagsulat ng liham. (8PTS)

Ipagpaumanhin mo ang hindi ko pagdalo sa pagsasanay ng sabayang awit noong


Lunes dahil sa matinding sakit ng aking tiyan.Nanghihinayang ako sa pagkakataong
nawala sa akin.Asahan mo na dadalo ako sa susunod na pagsasanay.Inaasahan ko
ang iyong pang-unawa.

Umaasa
Honesto

Malarayat Homes,
Sta.Rita,Batangas
Enero 10,2013

Mahalkong Juan

You might also like