Gozum, Kency C. Lorenzo, Ralph Giane R. Pineda, Lalaine D. Olit, Lalaine T. Tambo, Kaycee Mae M. Tala, Johnnel M.
Isinumite kay:
Gng. Jane V. Enriquez
May-akda
Ang sumulat ng kantang Upuan ay Aristotle Pollisco o mas kilala bilang
Gloc-9. Siya ay isang Filipino rapper, singer at songwriter, siya rin ay kilala sa kanyang "fast-flowing vocal style" kaya hindi maipagkakaila na isa siya sa mga sikat na hiphop artist sa industriya ng musika sa Pilipinas. Bukod sa Upuan, ang kanyang mga iba pang sikat na kanta ay Bagsakan, Walang natira, Sirena, Dapat tama, Magda, Hari ng Tondo, at marami pang iba. Karamihan sa mga kanta ni Gloc-9 ay tumatalakay sa pangyayari sa ating lipunan, kahirapan at pagmamahal sa bayan. Sa kantang Upuan, kasama ni Gloc-9 na kumanta si Jeazell Grutas, miyembro ng grupong Zelle na isang Filipino alternative pop/rock band.
Tauhan
Ipinapakita dito sa kanta na ang mga tauhan ay mahirap at mga mayayaman
na may katungkulan o posisyon sa bansa. Hindi sinabi kung sino ba talaga ang tinutukoy sa gustong iparating ng kanta. Sinabi nga sa lyrics na "tamaan ay wag magalit" dahil walang eksaktong persona o wala talagang taong pinatatamaan, kahit sino pwedeng maging tauhan sa kantang "upuan". Pero sa lyrics ng kanta pinakita ang pagkakaiba ng mayaman sa mahirap lalo na ang mga ginagawa ng isang taong nunungkulan sa bawat organisasyon o bansa na walang ibang ginawa kundi magpayaman umupo na lamang na walang ginagawa para maging maunlad ang kanyang sinasakupan. Hindi nila binibigyan ng pansin ang mga nangyayari sa kani kanilang sinasakupan. Ang daming bagay na ikinumpara na talagang naipakita ang agwat ng bawat isa at napakalaki talaga ng pagkakaiba. Ang ama at ina sa kanta ng "upuan" napakita ang tunay na sitwasyon ng mahihirap sila ang binansagang "isang kahig isang tukha" dahil kung walang trabaho ang ama walang makakain na pagkain. Mga mayayaman na kahit na walang okasyon ay may hamon, yan lang ang nagsasabi na talagang mahirap at mayaman ang tauhan sa "upuan" ni Gloc 9.
Tagpuan
Maaaring ang tagpuan sa kanta ay ang malaking bahay kung saan
matatagpuan ang nagmamay-ari ng upuan at squatter area na inilarawan sa kanta. Ang malaking bahay ay napapaligiran ng mataas na pader, may malawak na bakuran at mayroon itong mga bantay, sinabi rin ang marangyang pamumuhay ng nakatira sa bahay na iyon, ito ay salungat sa mahirap na pamumuhay ng mahihirap, nakatira lamang sa bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping yero na mahahalintulad sa tirahan at pamumuhay sa squatter area
Simbolismo
Upuan -sumisimbulo ng mataas na posisyon, at pinararating ng kanta sa
pamamagitan ng simbulong ito na mayroong hindi tamang nangyayari sa bansang ito at dapat ito bigyan ng remedyo Teoryang Pampanitikan
1. Teoryang Sosyolohika
May layunin ito na ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan
ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Ang pangalawang saknong ay nagpapahayag ng kalagayan ng mga mayayaman o sumisimbolo mismo sa mga politiko o nanunungkulan at ang pang-anim na saknong naman ay nagpapahayag ng kalagayan ng mga mahihirap o ng buhay mismo ng nagsasalita. Sa kabuuan, pumapasok ang kantang "Upuan" sa teoryang ito dahil isinaad ang magkaibang kalagayan or estado ng buhay ng dalawang pangkat sa pamamagigan ng paglalarawan ng mga tirahan, pagkain at uri ng pamumuhay nila sa pang-araw-araw. Ipinapakita rin ang suliranin na kinakaharap ng bansa kung sususriing mabuti ang kanta at iyon ay ang korapsyon at kahirapan na kung saan parang humihingi ng tulong o nananawagan ang mga mahihirap sa mga taong nakaupo o nakatataas. Karagdagan, imbis na masolusyonan ang kahirapan, napupunta lang sa bulsa ng mga nanunungkulan, patuloy na nagpapayaman at nagbubulag- bulagan.
2. Teoryang Realismo
May layunin itong ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-
akda sa kanyang lipunan at iyon ay kahirapan at korapsyon na nangyayari sa totoong buhay ngunit hindi naman direktang isinaad kung ano ang nais niyang iparating o kung sino ang pinapatamaan niya dahil inisip ng may- akda ang kapakanan ng kanyang sinulat. Kung tutuusin, may ideya na tayo sa kung anong mensahe ng kanta ang nais niyang iparating base sa mga detalye at paglalarawan niya sa teksto.
3. Teoryang Imahismo
May mga ideya na nailarawan sa kanta na tumutukoy sa mga
mayayaman or mahihirap. Base sa mga imahe o detalye, mahihinuha mo ang inilalarawan. Halimbawa ay ang linyang "at kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon", ipinapakita nito na mayaman ka o may-kaya ka sa buhay dahil alam naman natin na mahal ang mga hamon at bihira lang tayo maghain ng ganito lalo na kapag pasko lamang. Kung sa bahagi naman ng mga mahihirap, pag-iipunan o magsisikap muna bago makabili nito at nang may maihapag man lang sa kapaskuhan. Isa pang halimbawa na linya ay "ulam na tuyo't asin". Kaagad na papasok sa isipan natin na tumutukoy sa mga mahihirap dahil doon lang aabot ang kanilang perang pinaghirapan sa buong maghapon upang may maibili pa hanggang matapos ang araw. Pagpapaliwanag sa awitin
Sa unang berso, mapapasin sa liriko ng linya 2 hanggang linyang 10 na
pinapakita ang paligid kung saan halos lahat ay mga simbolo ng mga mayaman sa dating panahon at sa linyang 11 hanggang sa dulo ng berso ay sumasalamin sa damdamin ng may-akda patungo sa taong “Nakaupo” na di pantay ang tingin nila sa madlang tao kung saan ang upuan ay sumisimbolo sa kapangyarihan at sa pagiging hambog ng mga taong naka angat sa buhay.
Sa koro naman ng kanta, wari'y nais iparating nga mang-aawit sa mga
politiko na subukan nilang sila mismo ang pumunta sa lugar ng mga taong pinanunungkulan nila. Karamihan sa mga nasa posisyon ngayon ay gumagawa ng mga hakbang na base lamang sa sinasabi ng mga nagtatrabaho sa kanila. Minsan pa nga'y may mga proyekto silang lingid sa kaalaman nila na may masamang epekto pala sa mga tao dahil hindi sila yung mismong nakakakita ng kalagayan nila. Sa bahaging ito ng kanta, tila nais sabihin ng mangaawit at ng sumulat ng kantang ito na subukan ng nanunungkulan na ilagay ang sarili nila sa posisyon o kalagayan ng pamumuhay ng mga tao upang magkaroon sila ng kaalaman sa kung ano talaga ang pangangailangan ng mga taong dapat ay pinaninilbihan nila.
Sa ikalawang berso ng kanta ipinakita dito kung ano ang kalagayan ng
mga taong mahihirap. Ang mga mahirap na lalung naghihirap dahil sa katiwalian ng mga taong nakalukluk o may posisyon sa pamahalaan. Sa bersong ito ng awit ay nanawagan ang mga mahihirap na buksan ang mata ng mga nasa politiko upang bigyang lunas ang lumalalang kahirapan ng mga mahihirap.
"Bato -bato sa langit,ang tamaan ay wag magalit." Ganito tinapos ni
Gloc-9 ang kantang pinamagatang "Upuan". Kung pakikinggan ang kanta, walang tiyak na tao o grupo ng tao ang tinutukoy niya. Ngunit,kung mapapansin nating mga taga-pakinig at bilang kilala si Gloc-9 sa mga kanta nyang may tema at mensahe na patungkol sa katotohanan at realidad na sitwasyon ng ating bansang Pilipinas at ng sarili nating gobyerno ay malamang sa malamang ay pinatatamaan nito ang gobyerno ng bansa. Hindi na bago sa Pilipinas ang problema sa korupsyon at mga tiwaling nasa pwesto at kapangyarihan. Sila'y binoto at pinagkatiwalaan ng mga mamamayang Pilipino. Ibinigay nating mga Pilipino ang ating tiwala sa mga kandidato ngunit tila nabaliwala ito at napako ang mga pangako ng mga nasa pwesto. Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin nasosolusyunan ang pinaka-malaking hinaing ng mga Pilipino, ang kahirapan. Ang mga nasa pwesto ay nagpapasasa lamang at nakalimot na ang mga nasa " upuan" kung kanino sila dapat na talagang magpasalamat at magserbisyo. UPUAN ni Gloc-9 Kayo po na naka upo Subukan nyo namang tumayo At baka matanaw, at baka matanaw na nyo Ang tunay na kalagayan ko Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At naka pilang mga mamahaling sasakyan Mga Patay na laging bulong ng bulong Wala namang kasal pero marami ang naka barong Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan Kaya naman hindi niya pinakakawalan Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan Kayo po na naka upo Subukan nyo namang tumayo At baka matanaw, at baka matanaw na nyo Ang tunay na kalagayan ko Mawalang galang na po Sa taong naka upo Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo Pero kulang na kulang parin Ulam na tuyo't asin Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin Di ko alam kung talagang maraming harang O mataas lang ang bakod O nagbubulag-bulagan lamang po kayo Kahit sa dami ng pera niyo Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo Kaya... Wag kang masyadong halata Bato-bato sa langit Ang matamaa'y wag magalit O bato-bato bato sa langit Ang matamaan ay Wag masyadong halata (ooh)(3x)