Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Malingin, Ronibe B.

HUMSS 1220

Noong ika-11 ng Marso taong 2018, ako’y nakasakay sa isang puting van habang

nakaupo sa pinakadulo nito malapit sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang bukang liwayway

habang nakangiting pinagmamasdan ito. Subalit, ako’y natigilan nang marininig ko ang

mga tawanan ng aking pamilya na masayang-masaya nag-uusap at halatang nasasabik

sa lugar na aming pupuntahan. Habang sila’y nagtatawanan binaling ko ang aking

atensiyon sa paglagay ng pang-ulong hatinig sa aking tenga hanggang sa tuluyan akong

nakatulog. Maya-maya naramdaman kong may tumatapik sa kanang bahagi ng aking

braso at naririnig ko ang boses ng aking tiyahin na kanina pa akong ginigising sapagkat

ako na lamamg pala ang kanilang hinihintay na lumabas sa van.

Sa aking paglabas, may nakita akong isang karatulang nagsasabing “welcome to

Eden Nature Park” pinagmasdan kong maigi ang paligid at ako’y namangha dahil sa

maraming mga matatayog na puno ang makikita pati na rin ang ibat ibang uri at

pamilyadong mga bulaklak kagaya ng gumamela,daisy, sunflower at iba pa. Naglibot-

libot kami hanggang sa napadpad kami sa isang malawak at patag na lupain.

Nararamadaman ko ang malamig na simoy ng hangin kahit sa maiinit nitong panahon.

Naka agaw ng aking pansin ang mga sigawan ng mga tao at unti-unting kaming lumapit.

Itinaas ko ang aking ulo at nakita ko ang mga taong nakalambitin at inuugoy sa itaas

gamit ang maitim na kable suot ang kanilang “body harness at safety gear”. Ito ang

tinatawag nilang “sky rider” at “sky swing” na tampok sa mga taong naghahanap o mahilig

sa mga buhis buhay na “adventure”. Ako’y namangha sapagkat sa telebesiyon ko lamang


ito nakikita at ibang klase pala kapag ikaw mismo ang makakakita nito dahil

makakaramdam ka ng kaba.

Habang ako’y nakatitig, tinawag ako ng aking tiyahin at tinanong kung gusto ko ba

ito subukan. Unang-una ako’y nag-aalinlangan sapagkat nakakatakot baka ako’y

mahulog o hindi kaya ma “stranded” sa itaas. Pangalawa, takot ako sa mga matataas

dahil tandang - tanda ko pa noong ako’y bata pa ay muntik na akong mahulog sa puno

ng Sinequelas. Buti na lang ay nakapitan ko ang kamay ng aking pinsan kaya mula noon

hindi na ako nagtangkang umakyat ulit sa mataas na bahagi. Lalong-lao na kapag

pumupunta kami ng peryahan at sasakay ng ferris wheel o di kaya roller coaster

nagpapaiwan talaga ako dahil hindi ko kayang subukan kasi tinitingnan ko ang nasa

ibaba at nakakaranas ako ng matinding pagpapawis, panginginig at pagbilis ng tibok ng

puso na para bang hindi ko na kayang gumalaw sa aking kinatatayuan.

Lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang nararamadan na takot sa isang bagay,

sitwasyon, hayop, lugarI at iba pa. Ito ang tinatawag na pobya at may ibat ibang uri ito

depende sa isang tao. Ang pobya ay isang seryoso at walang basehan na takot sa isang

bagay o sitwasyon na hindi naman talaga delikado ngunit para sa may pobya ito ay

nakakapagdulot ng sobrang pagkabalisa at pag-iwas sa naturang bagay. Isa sa uri ng

pobya ang tawag sa mga taong takot sa matataas na lugar ay tinatawag na acrophobia.

Ayon kay Dr. Berger (2005), ang acrophobia ay isnag uri ng pobya na kung saan ang

sentro ng matinding takot ay nagmumula sa pagkalagay sa isang indibidwal na

nakararanas ng panic attacks na pwede maging dahilan upang mahirapan siyang umalis

sa kinatatayuan. Ito’y nakakaranas ng matinding pagpapawis, panginginig, pagbilis ng

tibok ng puso, pagkabalisa at pagkakapos ng hininga. Tinatayang nasa humigit


kumulang nasa 75% ayon sa National Institute of Mental Health ang mga taong

nakakaranas nito.

Ang tanging sagot ko sa tanong ng aking tiyahin ay oo habang pinagmamasdan

ko ang mga taong nasa itaas. Sa palagay ko, hindi naman masama kung susubukan ko

ang ganitong pagkakataon at napakasayang sapagkat minsan lang ito mararanasan sa

buhay ng isang tao at nandito na kami kaya hindi ko ito pagpapalampansin. Kasi

kailangan ko ring patunayan sa sarili ko na kakayanin ko ito dahil alam ko sa sarili ko na

hindi mawawala ang isang takot kung wala kang tiwala sa iyong sarili hanggang sa

mamuhay ka nalang sa iyong takot. Tiningnan ko ulit ang mga taong nasa itaas,

binubuhos nila ang kanilang takot kapag sila ay sisigaw ng malakas. Hanggang sa

tinawag ulit ako ng aking tiyahin upang mag register at lagyan na ng “body harness at

safety gear” hindi ko maiwasan ang pagbilis ng pagtibok ng puso dahil sa kaba

sapagkaytito pinakauna-unay lalagyan ako ng ganito kasi hindi ko akalain na

makakasuot ako ng ganito sapagkat sa telebisyon ko lang ito makikita. Nang matapos na

ang paglagay, ay tinawag na kami ng lalaki dahil kami na pala ang susunod at kasama

ko ang tiyahin ko dahil dalawa dapat ang nasa “sky swing”. Kinalabitan na ng maiigi ang

maitim na kable nito at kami ay nakaupo na sa mismong upuan nito. Dahan-dahang

hinihila kami paitaas gamit ang maitim na kable habang hinihila ito tinitingnan ko ang

nasa ibaba habang napahawak na lamang sa aking kinauupuan. Tanaw tanaw ko ang

mga taong nanood nasa ibaba pati rin ang mga puno, sasakyan at estraktura tinatayang

nasa 80 feet ang taas na dapat hilain pa itaas. Nang nakatungtung na sa itaas ay

bumibilis na ang tibok ng aking puso at ako’y nanginginig dahil sa lamig ng simoy ng

hangin kahit sa mainit nitong panahon. Narinig kong pumito ang lalaki sa ibaba at
binitawan na ang tali hanggang sa mabilis ang pag-uugoy nito na mahahalintulad sa

peryahan na “Vikings” tanging pagsigaw ang ginawa ko na kung saan binubuhos ko ang

takot at kaba na nararamdaman ko. Habang kami ay dinuduyan, dahan dahan kong itaas

ang aking kamay at ninamnam ang hangin habang tumatawa dahil sa tuwa ng aking

nararamdaman. Unti-unting humihina na ang pagkaduyan at ako’y naghinayang dahil

gusto ko pa ulit subukan hanggang sa natapos na. Tinanggal na mga taling naka kalabit

sa amin sabay nakangiti kinukwento ang aking karanasan habang dinuduyan.

Ngunit naputol ang aming pagkukuwento ng sinabihan ako ng aking tiyuhin kung

gusto ba naming subukan ang “sky rider” at hindi na ako nag alinlangan ay napasabi na

ako agad ng oo. Umakyat na kami sa isang lugar na kung saan doon makikita ang “sky

rider”. Pag-akyat palang sa itaas kay lakas na nang hangin at makikita mo sa baba nito

ang mga puno. Nang matapos na ang na una sa amin, ay kami nan g kinalibtan na nang

tali pero mas na una ang aking tiyahan kasunod naman ako. Nong ako na ang kinalibitan,

napatingin ako ulit sa ibaba makikita mo talaga ang “view” ang nasa ibaba at tanaw na

tanaw ang mga building kahit hindi naman kalro. Nang matapos na ay tinulak na ako ng

lalaki habang ako’y nakalambitin itaas ko ang aking isang kamay at sumigaw hanggang

sa napunta na ako sa ending point.

Bandang hapon na kami natapos sa paglilibot sa buong Eden Nature Park at

hindi lang puro mga extreme adventure pwede rin angpag horse back riding, kumain,

mag fishing, Indiana jones at iba pang mga tampok nilang mga akitibidad na talaga

masasaya ka. Binuksan na ng aking tiyohin ang van, tiningnan ko ang buong paligid bago

pumasok at sinabi ko sa sarili ko na babalik ako ulit dito, Nang naka pasok na ako, umupo

na ako sa pinakadulo nito malapit sa bintana. Inalagay ko ang pang-ulong hatinig sa aking
tenga habang pumipli ng kanta sa aking selpon. Nakangiting pinagmamsadan ko ang

sunset at inalala ang mga alalang hindi ko makaklimutan na nagpasubok sa aking sarili.

You might also like