Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lugan Central Elementary School

Mahabang Pagsususlit sa Filipino IV

I. Panuto: Sa bawat bilang, isulat sa patlang ang salitang pang-uri kung ang salitang may salungguhit ay
ginagamit sa pangungusap bilang pang-uri. Isulat ang salitang pang-abay kung ito ay ginagamit bilang pang-
abay.
__________1. Magaling ang mang-aawit.
__________2. Natulog nang matagal ang sanggol.
__________3. Matabang siya magtimpla ng kape.
__________4. Lumipad nang mataas ang ibon.
__________5. Mahusay ang trabaho ni Daniel.
__________6. Maingat si Joaquin habang nagmamaneho.
__________7. Masayang naglalaro ang magkakapatid.
__________8. Madaling natutong maglangoy si Mike.
__________9. Malakas ang sigaw ng pulis.
_________10. Tumakbo nang mabilis ang itim na aso.
II. Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraan,
PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na panlunan.
___1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.
___2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
___3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
___4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
___5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
___6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
___7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
___8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
___9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
___10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay.
Panuto: Isulat sa patlang ang pang-abay na panlunan na bubuo sa pangungusap. Pumili ng sagot sa loob ng
kahon.
sa loob ng garahe sa hardin sa ilalim ng kama sa palengke sa tabi ng dagay
sa sala sa kabukiran sa kusina sa ospital sa bangko
1. Ang magsasaka ay nakatira ______________.
2. Ang mga mangingisda ay nagpapahinga________________.
3. Tayo ay makakabili ng mga sariwang gulay___________________.
4. Nagdidilig ng mga halaman si Ate Carla__________________.
5. Ang kotse ay nakaparada_____________________ .
6. Nanonood ng telebisyon ang mga bata________________.
7. Dinala si Lolo_______________ dahil siya ay may sakit.
8. Nagluluto ng merienda si Nanay ____________.
9. Natutulog ang pusa____________________.
10. Pupunta si Tatay_______________ para magdeposito ng pera.

You might also like