Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Korapsiyon

Pansin natin ang pagbabago ng ating lipunan,madalas na senaryo na iyong makikita sa ating bansa ay ang
kahirapan. Sa araw araw na pagbagtas ko sa mga kalye ng aming bayan at ibang lugar sa ating bansa
madalas na pumupukaw sa aking atensiyon ang mga batang yagit sa lansangan,mga tambay sa kanto na
nagiinuman,mga taong nakapila sa mga health center na kulang sa pasilidad at mga taong lugmok sa
kahirapan. Laganap ang modernisasyon at industriyalisasyon sa ating bansa, ngunit tila ba may mga lugar
pa ring napagiiwanan lalo na sa kasulok-sulokang bahagi ng bansa. Isa lang ang maaaring dahilan ng salot
sa lipunang ito kundi ang di matapos tapos na korapsiyon sa pamahalaan.

Hindi natin maikakaila na maraming programa at serbisyong ipinapatupad ang ating pamahalaan upang
tuluyang masibak ang kahirapan, ngunit bakit hindi pa rin tayo makaahon sa putik. Batay sa mga datos
kabilang pa rin ang Pilipinas sa mga bansang naghihirap sa buong mundo. Ang mga pondong nakalaan
para sa mga mamamayang Pilipino ay napupunta lamang sa mga buwayang politiko,na walang ginawa
kundi magnakaw sa kaban ng bayan.

Hindi malulutas ang problema ng ating bayan kung ang mga namumuno ay ganid at walang pakialam sa
kaniyang nasasakupan. Paano uunlad ang ating bansa kung mismong mga namumuno ang
nagmamanipula sa taong bayan. Ang kanilang mga gawain na lumalason sa mga mamamayan.Mga
politikong balat-kayo, na sumisira sa reputasyon nitong inang bayan.

Korapsiyon ang tanging dahilan kung bakit patuloy pa rin ang salot sa ating lipunan. Ang ating mga
aksiyong sinimulan ay walang patutunguhan kung ang mga nasa itaas ay ganid sa kayamanan at
kapangyarihan. Sana naman ay maisakatuparan pa natin ang mga sakripisyo ng ating mga bayani para sa
mahal nating bayan. Malamang ay pinagtatawanan na tayo ng ibang mga nasyon ukol sa sistema ng ating
pamahalaan. Ang problemang ito ng ating bansa ay patuloy pa rin ang pag-ikot sa mga susunod na
henerasyon. Ang pagbagsak ng ekonomiya ng ay kasabay rin ng pagkalugmok ng bansa.

Pilipinas,isang bansang maharlika "Perlas ng Sinilangan" kung tawagin ng mga dayuhan. Bansang
maharlikang walang maayos na pasilidad para sa edukasyon,kakulangan sa mga kagamitan para sa
kalusugan at kawalan ng trabaho para sa mahihirap na mamamayan. Patuloy pa rin ang pangangapa
natin sa dilim habang ang mga gahamang politiko ay nagpapakasasa sa kanilang mga nakaw na yaman sa
bayan. Kaya tayo bilang mga kabataan isapuso natin at isagawa ang mga gawi at aral ng ating mga bayani.
Huwag nating hayaang manaig ang kasakiman sa ating mga puso't isipan.Tayo ang pag-asa ng bayan,kaya
naman tayo ay maghanap ng solusyon at hindi maging parte ng korapsiyon. Ang ating boses ay gamitin sa
maling katuwiran ng nga opisyales ng pamahalaan. Ipaglaban natin ang ating mga karapatan ukol sa mga
problema ng bayan.At higit sa lahat gamitin ang ating utak at puso kung sino ang dapat iboto para hindi
na tayo maloko ng mga politikong abusado.

You might also like