Kabanata 30

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil

narurumihan sa tubig at hindi nag aantada. Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay
Basilio. Naghihiganti raw lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli na anak ng
tulisang si Tales. Nanghiram ang dalaga sa mga kaanak ngunit ito ay di naging sapat.Nagtungo siya sa
isang kawani dahil ito ay nirekomenda ni Hermana bali. Sinabe ng Kawani na siya ay magpunta sa
Hukom-Pamayapa dahil higit na siyay matutulungan nito. Pagkadating sa Hukom ay ipinayo nitong
humingi ng tulong kay Padre Camorra. At may kung anong nagbulong sa kanya na mag patulong kay
Padre Camorra, ang nakapagpalaya kay Tandang Selo. Kung sabagay, nang pasalamatan niya ang kura ay
di ito nasiyahan. Humingi ito ng “ pagpapasakit”. Mula noo’y iniwasan na ito ni Huli.

Mula noo’y naging malungkutin si Huli. Minsa’y naitanong kay Hermana Bali kung nahuhulog sa
impiyerno ang nagpapakamatay. Di natuloy ang balak niya. Natakot siyang mapunta sa impiyerno.

Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal. Kaunting pabagsak lang daw at papayuhan na sila
nito. Ngunit ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo kundi patunguhin ang dalawang babae sa hukom
pamayapa o juez de paz. Sa wakas ay nagpayo ang hukom: “ Ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si
Padre Camorra – kung iibigin niya”, sabay turo kay Huli.

Hindi kumibo si Huli. Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang payo. Ayaw ni Huli na magtuloy sila sa
kumbento. Batid ni Hermana Bali ang dahilan. Si Padre Camorra ay tinaguriang Si Kabayo – sadyang
malikot sa babae.

Nakiusap si Huli na ang manang na lamang sana pumasakumbento. Wika ng hukom ay higit na mabisa
ang pamanhikin ng isang dalagang may mukhang sariwa kaysa mukha ng isang matanda. Nanaog ang
dalawa. Nang nasa daan na’y ayaw na naman ni Huli. Ang pagpapakasakit na hinihingi ni Padre Camorra
ay pinagbingihan ni Huli mangahulugan ng di kapatawaran ng sariling ama. Ngayon ba’y gagawin niya
iyon dahil kay Basilio? Magiging isa siyang lusak. Maging si Basilio’y mandidiri sa kanya. May ilang
nagparunggit na di siya papatulan ng kura. Maraming dalaga sa bayan. Aanhin nito ang isang taganayon
lamang. At babarilin si Basilio!

Binangungot si Huli nang gabing iyon. Dugo! Sindak! Mga putok. Nakita ang ama. Si Basilio’y
naghihingalo.

Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may mga binaril na sa mga estudyante.
Ipinasiya ni Huli na kinabukasan uli ay magsasadya na siya sa kumbento, mangyari na ang mangyari.
Ngunit nang mag-uumaga na’y di rin siya nagtungo sa kumbento. Dumaan ang mga araw. Umasa si Huli
sa isang himala. Gabi-gabi’y di siya pinatulog ng mga pangamba.

Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si Basilio na lamang ang nabibilanggo. Nakalaya ng
lahat ang kasamahan. Ipatatapon na raw sa Carolinas si Basilio. Ito ang nag-udyok kay Huli na hanapin si
Hermana Bali. Nagbihis ng pinakamahusay na damit.

Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon. Pinagsamantalahan ni
Padre Camorra si Juli. Dahil sa pangyayari, si Huli ay tumalon sa bintana ng kumbento at patay na
dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento
at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento.

You might also like