Professional Documents
Culture Documents
4th Quarter REVIEWER (V)
4th Quarter REVIEWER (V)
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
______12. Ano ang mahalagang gampanin ng mga Ilustrado sa paggising ng diwang makabayan ng mga Pilipino?
A. Binigyan nila ng ilaw ang mga daan
B. Sila ang nagmulat sa atin ng mga tunay na karapatan ng mga Pilipino
C. Sila ang nangalakal mula sa Maynila hanggang Acapulco
D. Sila ang nagturo sa atin ng salitang Mandarin
______13. Nagbukas ng daungan ng Maynila at nabuo ang Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at_________.
A. Seville Spain B. Tokyo, Japan
C. Acapulco, Mexico D. New York
______21. Siya ay galing sa mayaman pamilya na sumuporta sa mga katipunero at nagbigay ng 18,000 kay Jose
Rizal sa Hongkong.
A. Gregoria De Jesus B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Patrocinio Gamboa D. Melchora Aquino
______23. Ano tawag sa tiket para makakuha ng puwesto sa loob ng galyon para sa kanilang mga kalakal?
A. Boleta B. Tael
C. Ginto at Pilak D. Pundahan
______24. Ito ang dalawang bansa na nakipagkalakal ang Pilipinas sa panahon ng kalakalang Galyon.
A. Mexico at Tsina B. Japan at Amerika
C. Espanya at Mexico D. Malaysia at Saudi Arabia
______26. Ito ay kaugalian ng mga Pilipino na naging dahilan ng pagka-alipin ng mga Pilipino sa mahabang
panahon.
A. Mapagtimpi at matiisin B. Masipag at mapagpasensya
C. Tahimik at masipag D. Malinis at masipag
_______27. Bakit nabigo ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop?
A. Wala silang pagkakaisa B. Wala silang sapat na dahilan
C. Wala silang armas D. Wala silang pinuno
______29. Ito ay magpapaunlad sa ating lokal na industriya, magdudulot ito ng pagdami ng mamumuhanan sa sa
ating bansa.
A. Pakikipagkapwa-tao B. Pagtangkilik sa sariling produkto
C. Tamang saloobin sa paggawa D. Paggamit ng wasto sa taing likas na yaman
______30. Ito ay ang tungkulin nating mapaunlad sapagkat ito ay nabibigay-buhay sa ating bansa at isa ito sa
nagiging batayan ng kaunlaran.
A. Pakikipagkapwa-tao B. Pagtangkilik sa sariling produkto
C. Pahalagahan at pagyamanin ang kultura ng mga Pilipino
D. Paggamit ng wasto sa taing likas na yaman
______31. Ano ang kabutihang dulot ng monopolya ng tabako?
A. Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong mamamayan.
B. Inabuso ng mga pinunong namahala rito ang kanilang tungkulin.
C. Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta kundi binawian pa ng lupa.
D. Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal.
_______32. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopoly ng tabako sa ating bansa?
A. Dahil mahilig manigarilyo ang mga Espanyol.
B. Naniniwala si Gob. Hen. Basco na mas tatatag ang ekonomiya dahil mataas ang demand ng tabako
sa kalakalan.
C. Mahilig magtanim ng tabako ang mga Ilocano.
D. Para maging sikat ang tabako sa bansa.
______37. Ano ang kaugnayan ng sistemang merkantilismo sa pagsakop ng Espanya sa ating bansa?
A. Dahil sa merkantilismo, natuto tayong maghukay ng ginto.
B. Dahil sa merkantilismo, natuto tayong magpasakop sa mga espanyol.
C. Dahil gusto ng Espanya na maging makapangyarihan, naghanap sila ng ginto na matatagpuan sa
Pilipinas.
D. Dahil sa ginto, nais ng mga Pilipino na lumaya at mabuhay nang mapayapa
______38. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit karamihan sa mga pag-aalsa ng mga Pilipino ay di
nagtagumpay ?
A. Hindi makabago ang kanilang armas B. Hindi mahusay ang mga pinuno
C. Hindi nagsasanay ang mga sundalong Pilipino D. Hindi nila nais lumaya
______40. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado ng Sta. Barbara?
A. Gregoria De Jesus B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Teresa Magbanua D. Patrocinio Gamboa
______41. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi ditto ang kaniyang 2 kapatid na lalaki at namuno sa isang maliit
na pangkat.
A. Gregoria De Jesus B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Teresa Magbanua D. Patrocinio Gamboa
______43. Ang mga sumusunod ay ang dulot ng pagbubukas ng Suez Canal maliban sa isa. Ano ito?
A. Natuto ang mga Pilipino na lumangoy
B. Nakarating ng mas mabilis ang mga Pilipino sa Europa.
C. Mas bumilis ang biyahe mula Pilipinas hanggang Europa
D. Mas dumami ang kalakal na napupunta sa Pilipinas mula Europa.
_______44. Alin sa sumusunod ang mga dahilan ng pagkakabigo ng mga isinasagawang pag-aalsa sa Pilipinas?
1. Kakulangan ng Armas 3. Kakulangan ng Edukasyon
2. Kakulangan ng Pagkakaisa 4. Kakulangan ng Pagpaplano
A. 1,2,3 B. 1,3,4
C. 2,3,4 D. 1,2,4
______45. Ang mga sumusunod ay nagbunsod ng pagkakaroon ng Nasyonalismo ng mga Pilipino. Maliban sa:
A. Pagbubukas ng Suez Canal B. Ang pagdating o pagdami ng nabibilang sa Middle Class
C. Ang isyu ng Sekularisasyon D. Ang pagdating ng mga Amerikano
______48. Ano ang dahilan kung bakit hindi naimpluwensyahan ng kulturang kastila ang mga nasa Mindanao?
A. Hindi tinanggap ng mga Muslim ang mga Espanyol
B. Hindi narrating ng mga Espanyol ang Mindanao
C. Maraming Muslim ang nagpunta sa Luzon
D. Mahihirap ang mga Muslim kaya di nagkainteres sa kanila ang mga espanyol