Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang kasaysayan ng panitikan noong panahon ng
batas military, bagong lipunan at panahong kasalukuyan,
b. Napapahalagahan ang pag-aaral ng kasaysayan ng bagong
lipunan at panahong kasalukuyan, at,
c. Natatalakay ang kaibahan ng panahon ng bagong lipunan at
panahong kasalukuyan.
II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Panahon ng Batas Militar, Bagong Lipunan at Panahong kasalukuyan

Sanggunian: Internet

Kagamitan: Cartolina, Pandikit at Gunting

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban
B. Balik Aral
 Ano ang pinag-aralan natin kahapon?
 Magbigay ng halimbawa
C. Pagganyak
 Buuin ang mga ginulong salita
D. Paglalahad ng Paksa
Panahon ng Bagong Lipunan
- Ito ay nagsimula noong ika-21 ng Setyembre, 1972.
- Halos patungkol sa ikauunlad ng bayan ang karaniwang
paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon(Green
Revolution), pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain
(nutrition), drug addiction, polusyon at iba pa.
- Ibinalik ni Gng. Imelda Marcos sa pagpapanibagong buhay an
gating mga sinaunang dula tulad ng Senakulo, Embayoka ng
mga Muslim at iba pa.

Ang Panulaang Tagalog- ilang buwan ang nakalipas pagkatapos


ideklara ng Batas Militar mga sumusunod ang naging “islogan” ng
bagong lipunan ay nabasa at narinig ng mga mamamayan.

Hal. “Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina na ang kailangan”


Awitin- noong 1975 nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awiting
Pilipino ng ang “TL ako sa iyo” ay awitin ng pangkat Cinderella.

Dula- nabuhay muli ang mga sinunang dula tulad ng Sarsuela ng


mga tagalog, Senakulo at Embayoka ng mga Muslim. Itinangal din
ang “Tales of Manuvu” sa dulang Pilipino noong 1977.

Radyo at Telebisyon- patuloy paring tinatangkilik ng panahong ito.


Ang kanyang dugtungang “Si Matar”, “Dahlia”,”Ito ang palad ko” at
iba pa ang nagging pampalipas oras n gating mga kabataan.

Ang Pelikulang Pilipino- nagsilabasan sa panahong ito hanggang


1979 ang mga pelikulang walang romansa o seks. Subalit
tinangkilik dahil sa kakaibang kayarian nito.

Ang Pahayagan, Komiks, Magasin, at Iba pang babasahin- ang


mga balitang dati’y naglalahad ng karahasan tulad ng patayan,
nakawan, panggagahasa at iba pa ay napalitan ng mga balitang
pangkaunlaran, pang-ekonomiko, disiplina, pangkultura, turismo at
iba pa.

Panitikan sa Kasalukuyan

- Sa panahong ito isinilang ang bagong uring PILIPINO, ang mga


Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at
marunong magmahal sa sariling bansa s salita man o sa gawa.

Panulaan- ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos


walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga
makata.

Awiting Pilipino- ang pagkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at


E. dela Peña ang handog ng Pilipino sa mundo ni Jim Peredes ay
ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong
naganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan ng sandaigdig.

Sanaysay- maging sa mga sanaysay damang-dama ang labis na


katuwaan ng mga Pilipino sa nakamit na bagong kalayaan.

Maikling Kwento- ang katangian nito ngayon ay dala o buhat sa


nagging nakagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon
ng Hapon.
Radio o Telebisyon- nakapagpapahayag ng tunay na niloloob
nang walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radio o
telebisyon.

Pahayagan, Magasin at Iba pa- matapos wakasan ang Batas


Militar, tila hudyat na rin ito ng pagpanumbalik sa karapatan ng
lahat ng Pilipino hinggil sa pamamahayag.

Panitikan sa Computer Age- ang mabilis na pagbabagong


naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata ng
teknilohiya, ang kompyuter, cellphone at internet.

E. Paglalahat
-Ano ang kaibahan ng panahon ng bagong lipunan sa panahong
kasalukuyan?
- Bakit mahalagang pag-aralan ang mga ito?
F. Paglalapat
Pangkatin ang klase sa dalawa, bubunot ang bawat lider ng topiko na
tatalakayin at ibigay ang kaibahan nito. Kung bagong lipunan ang
nabunot, ibibigay ang kaibahan nito sa panahong kasalukuyan.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang panahon
sa pamamagitan ng Venn Diagram.

V. TAKDANG – ARALIN
Ipahayag ang sariling saloobin tungkol sa panahong kasalukuyan at
panahon ng bagong lipunan.

Inihanda ni:
Berjeneth Navales

You might also like