Professional Documents
Culture Documents
Mga Simulain Metodo Sa Pagtuturo NG Filipino PDF
Mga Simulain Metodo Sa Pagtuturo NG Filipino PDF
Mga Konsepto:
Metodo. Ito and tawag sa pnalahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong pagtuturo
ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan.
Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng
pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika.
Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad wika at batay sa
isang dulog.
Metodolohiya – ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga paniniwalang
teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng
tanong na “paano ang pagtuturo”.
5. Simulaing Sosyo-kultural
Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Mahalagang magkaroon ng
mga kaalamang Kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang sinasabi ng kausap.
Tungkuling ng guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga karanasang
pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapag-yaman ito sa kultura ng mga taong gumagamit
ng target na wika.
6. Simulain ng kamalayan
Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na maunawaan ang
ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at
kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang madama ang lakas ng
wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng iba’t-ibang taong gumagamit ng target na wika.
7. Simulain ng Pagtataya
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging pampasigla para sa ibayo pang
pagkatuto. Kaya’t mahalaga na palagiang may pidbak ang mag-aaral hinggil sa kanilang pagsulong sa
pagkatuto at kailangan itong maging realistiko.
8. Simulain ng Pananagutan
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling pananagutan anuman ang
maging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.
Isa sa mga iskema ng pag-uuri ng mga layuning pampagtuturo ay ang mga sumusunot na
tatlong batayang kategorya.
Hal. – sa pagpasok ng dekada ’90, naging pukos ng mga pagpaplano sa edukasyon ang pagpapataas ng
kalidad ng mga paaralan bilang paghahanda sa bagong milenyum.
Ang mga mithiing ito’y naglalarawan ng set ng mga pambansang prayoridad para sa mga program pang-
edukasyon at pampaaralan.
Ang mga Tunguhin (Aims)
Ang mga tunguhin ay mas tiyak at may pukos kaysa sa mga mithiin. Ang mga ito’y nagbibigay ng
direksyon para sa isang tiyak na aralin.
Hal.
1. Filipino:
Natutukoy ang may kinikilingang pahayag sa isang balita,
2. Matematika:
Nauunawaan ang mga datos na nakalahad sa mga tsart at grap.
1. Sa Edukasyong Elementarya
Sa paaralang elementarya ang araling Filipino ay tinatawag na Sining ng Komunikasyon sa Filipino mula
kinder hanggang Baitang VI. Sa araling ito magkakaugnay na itinuturo ang mga makrong kasanayang
nauukol sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat. Makikita sa Elementary Learning Competencies
(ELC) na ipinamahagi ng kawanihan ng
Edukasyong Elementarya ng DECS ang mga batayang kasanayan sa dapat matamo ng mga mag-aaral
sa bawat taon ng kanilang pag-aaral sa elementarya.
Pakikinig – nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang kasanayan sa pakikinig.
Pag-unawa – Ganap na mapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa kung nakakamit ang
kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa, nagkakaroon ng kasanayan sa mapanuring pag-unawa sa binasa,
natatamo ang mga kasanayan sa pagpapahalaga, at nagkakaroon ng higit na maunlad na kasanayang
pang-aklatan.
Deskripsyon: Ang asignaturan ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
pagsulat at pag-iisip sa Filipino.
Pagsulat – napagaganda ang ayos ng sulat-kamay, naiaangat ang kasiglahan sa antas ng pagkatha at
kasiya-siyang kaayusang pansulatin.
Para sa mabisang pagtuturo, ang mga tiyak na kasanayan ay malilinang sa pamamagitan nga mga
sitwasyon at iba’t-ibang kagamitan tungo sa lubusang pagkatuto. Ang mga bata ay tuturuan ng angkop ng
kagamitang pangliteratura tulad ng ingles, tugma, tula, diyologo at iba pa.
Konsepto ng Sibika at Kultura ang nilalaman ng Filipino sa Una hanggang Ikatlong Baitang. Inaasahang
ang mga batayang kasanayan sa pagbasa ay matutuhan ng lubusan sa tatlong unang baitang.
Pagkatapos ng Unang Baitang, ang mag-aaral ay inaasahang makabibigkas ng mga alpabeto at mga
simpleng salita. Nagagamit ang magalang na pagbati at nakasusunod sa maikling panuto at direksiyon.
Nakababasa ng bagong salita sa tulong ng bagay, larawan, hugis o anyo, naisusulat ang sariling
pangalan at nakasusulat ng mga payak na pangungusap.
Ito ay isang praktikal na lagom ng mga talakay hinggil sa mga katangian ng isan nahusay na layuning
pampagtuturo. Tinatawag din itong layuning pangkagawian o “pupil performance objective.” (Armstrong at
Savage. 1994)
1. A o Audience
Ito’y tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung sino ang gagawa ng mga task o gawain.
2. B o Behavior
Ito’y paglalarawan ng mga nakikta o namamasid na gawi o kilos na inaasahang maipakikita ng mga mag-
aaral bilang bunga o resulta ng kanilang pagkakahantad sa isang pagtuturo.
3. C o Condition
Ito’y paglalarawan ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin upang makatiyak kung may masteri sa
itinakdang kilos o gawi sa pagkatuto.
4. D o Degree
Ito’y paglilinaw hinggil sa pinakamababang sukat o antas ng pagganap sa gawain bilang ebidensiya ng
masteri.
ABC
Hal. Ang bawat pangkat ay nakasusulat ng isang sanaysay na naglalahad ng hindi
D
kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Rizal.
Mithiin (Goals)
Ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung sann ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran (walang
pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang kosepto na
madaling maunawaan ng mag-aaral.
Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng mga
pananaw sa wika at isang konsepto na madaling maintindihan.
Mga katangian:
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo ng mga parilala, at paulit-ulit
na pagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning balarila ay itinuturo
ng mga modelo.
5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language labs at mga
pagsasanay na pares minimal.
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.
9. Sinisikap ng furo na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang kamalian.
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin. Ang
pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran na nagbibigay-diin
sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang komunidad na binibigyan
ng kaukulang pagpapayo.
1. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y isinasagawa ang
mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at relaks ang
kanilang isipan.
Mga katangian:
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging panatag
ang kalooban
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may maririnig na mahinang
tugtugin.
c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang komprehensibo.
d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.
e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious) kung saan
nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan ang
musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na pagsubok ang
ibinibigay.
Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga mag-aaral ang
kanilang pagkatuto.
Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro kaya ang
katawagan Silent Way.
Ang pamamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsasabi na ang
pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.
Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser na isinasagawa ng mga mag-
aaral.
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga
ma-aaral sa pamamatnubay ng guro.
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura ng mga katutubong
tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng mga kilos.
e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga kamaliang global
lamang ang iniwawasto.
Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung saan
mahalaga ang mga “comprehensive input” upang mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon ng Natural
approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting
wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo at
iba pa.
Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t-iba at mga kawili-wiling gawaing pangklasrum
gaya ng laro, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.
Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga impormasyon na laging
naroon ang pagtulungan sa isa’t-isa.
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang (collaborative)
pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin s ideya
ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na lagging may
nauunawaan sa isang konteksto.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktuwal na paggamit ng wika
sa “labas”
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyan-diin:
a) Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit nitong elemento gaya ng
ponema, morpema at sintaks.
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang
pagsulat (pagbasa at pagsulat); at
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas na umuunlad, na katulad din ng alituntuning
pasalita.
Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language ay isang lebel na
ginagamit upang mailarawan ang:
a) Tulong-tulong na pagkatuto
b) Pagkatutong partisipasyon
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
d) Integrasyon ng “apat na kasanayan”
e) Paggamit ng awtentiko ant natural na wika
1. Content-Centered Education
Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang integrasyon ng mga
pagkatuto ng mga nilalalman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y ang magkasabay na pag-aaral
ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta ng
nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ang itinuturo
nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggamitan nito
1. Ang Pagkatutong Task-Based
Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na may
tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo nga mga magsasagawa ng task. Ang
task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit man “malaki” ang saklaw nit kaysa sa teknik. Ang
pagkatutong task-based ay bagong pamaraan. Binibigyang pokus lamang nito ang task sa pagtuturo.
Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga
layuning pangkagawian at ang mga hangaring nito’y lagpas na nakagawiang pagsasanay ng wika.
1. Awtentikong Kagamitan
Ayon kay Wilkins (1976-78) ang mga awtentikong kagamitan ay iyong mga isinulat sa mga katutubong
tagapagsalita at hindi espisyal para sa mga mag-aaral na di katutubong tagapagsalita ng wikang pinag-
aaralan.
Ilan sa mga awtentikong kagamitan na ginagamit sa pagtuturo ng wika ay ang mga sumusunod:
2. Mga Visual
Ang kagamitan ng mga awtentikong kagamitan ay maibibilang sa mga visual o mga bagay na nakikita.
Kabilang din sa pangkat na ito ang mga larawan, mga tunay na bagay, pelikula, slides atbp.
Maaring magtipon ang guro ng mga visual na napapangkat sa ganitong kategorya: mga tao, hanapbuhay,
pang araw-araw na gawain, tahanan, pagkain, inumin, isport, libangan, mga hayop, mga tanawin at iba
pang bagay.
3. Role Play
Ang role play sa pamamagitan ng dayalog ay isang mahalagang istratehiya sa paglinang ng kakayahang
komunikatibo. Sa istratehiyang ito inilalagay ang mag-aaral sa isang sitwasyon na maaring mangyari sa
tunay na buhay.
Halimbawa, ay ang pagpapahayag ng paghanga o papuri, paghingi ng pahintulot, pakikipagtalo,
pakikipanayam, pakikidalamhati at iba pa.
Uri ng role play na magagamit ng guro:
Ito ay nakatuon sa pangkatang gawain. Halimbawa, magkakaroon ng talakayan ang mga mag-aaral
hinggil sa gagawin nilang pananaliksik. Anong pangkat ang magtitipon ng mga datos, ang magsasagawa
ng survey, ang pangkat na mag-iinterpret ng datos, ang mga pangkat na mananaliksik ng mga Gawain
hinggil sa gagawing pananaliksik. Tulad sa ibang uri ng role-play, maaaring bigyan ng cues ang mga
mag-aaral upang maipakita ang pagtatalu-talo sa pagbuo ng solusyon sa suliranin.
Ang mga larong pangwika ay mahalaga ring kasangkapan sa paglinang ng mga kasanayang pangwika.
Maaring pumili ang guro ng pinaaangkop na laro kaugnay ng paksang kanyang tatalakayin upang maging
madali para sa mga mag-aaral na matutuhan ang paksang pinag-aaralan.
Ito ay batay sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa ating silabus. Ang pagsusulit na ito ay isang
pasusulit na pangwakas. Nilalagom ng ganitongf pagsusulit na malalaman ang hangganan ng
pagkatutong natamo ng mga mag-aaral, sa mga layuning itinakda para sa isang tiyak na panahon.
Ito’y ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang ng isang kasanayan upang matiyak kung taglay na
ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan (pre-requisite skills). Ang pagsusulit sa natamong
kabatiran sa isang baiting ay maaaring magsilbing panuring pagsusulit sa kasunod na baiting.
Ito’y pasusulit na naglalayong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang wika na hindi isinasaalang-
alang ang anumang kasanayan na taglay niya sa wikang ito. Ang nilalaman ng ganitong mga pagsusulit
ay hindi ibinabatay sa nilalaman na ng taong kukuha ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay batay sa isang
espisipikasyon ng mga gawaing dapat na maisagawa ng isang kukuha ng pagsusulit para sabihing may
kakayahan siya sa wika.
Ito ay nagsasabi kung kakayaning matutuhan ng isang mag-aaral ang isang wika. Sinusukat nito ang
kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak.
1. Pagsusulit na “discrete point”. Sinusubok nito ang isa lamang kakayahan sa bawat aytem.
Hal. “Karen, bakit para kang lumuluha?”
“Paano’y napuwing ang aking kanang ”
a) mata b) paa c) kamay d) tainga
b. Pagsusulit na idinikta o Dictation Test – Sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa talasalitaan,
sa kayarian, at maari rin sa pagbaybay at wastong paggamit ng malaking titik at ng bantas. Ang dalawang
uri ng pagsusulit ng pagsusulit na idinikta ay ang “standard dictation” at “partial dictation”. Sa “standard
dictation”, isinusulat ng mga mag-aaral ang buong talatang ididikta. Sa “partial dictation”, ang mag-aaral
ay binigyan ng sipi ng talatang ididikta. Pero ito ay may kaltas na parirala o pangungusap. Pupunan
lamang ang mga puwang upang mabuo ang talata.
1. Pakikinig
a. pagkilala ng mga tunog
b. pag-unawa sa pinakinggang teksto
2. Pagsasalita
a. pagbigkas ng mga tunog
b. pakikipag-usap
3. Pagbasa
a. pagkilala at pag-unawa ng salita
b. pag-unawa sa seleksyon
c. kasanayan sa pag-aaral
4. Pagsusulit
a. pagsulat ng komposisyon
b. paggamit ng bantas, wastong baybay, malaking titik