Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 47

William Shakespeare’s

PANGARAP SA ISANG GABI NG GITNANG TAG-


ARAW
Salin sa Filipino ni: Rolando S. Tinio
Halaw pangtanghalan ni: Mar Zeus M. Katigbak
Music Composition and Libretto: Mar Zeus M. Katigbak
TAUHAN:
TESEO – Don ng Hacienda
LOLO EGEO – Lolo ni Hermia
LISANDRO – irog ni Hermia
DEMETRIO – nanliligaw kay Hermia
HIPOLITA – reyna ng Hacienda, katipan ni Teseo
HERMIA – apo ni Egeo, nangingibig kay Lisandro
HELENA – nangingibig kay Demetrio
FILOSTRATA – pinuno ng mga manggagawa
PETER QUINCE – isang karpintero (Prologo sa intermedeo)
NICK BOTTON – isang magsasaka (Piramo sa palabas)
FRANCIS FLUTE – isang magsasaka (Tisbe sa palabas)
OBERON – Hari ng mga Ada
TITANIA – Reyna ng mga Ada
PUCK o ROBIN GODFELLOW – tagapagsalaysay
GISANTE
AGIW
GAMU-GAMO
MUSTASA
TAGPO:
Hacienda

UNANG YUGTO
Tagpo 1: Hacienda, Palasyo ni Teseo
(Papasok sina TESEO, HIPOLITA, FILOSTRATA, kasama ang iba pa.
Si Teseo at Hipolita ay uupo na magkalayo habang nagtetext)

(Teseo, haharap sa gitna at magpopose)

TES: Mahal…Mahal kong Hipolita, parang kay bilis ng panahon no? sa wakas at isang araw na lang ay ganap na tayong mag asawa. Ikakasal
na tayo..

(Hipolita, freeze ang mukha habang nag papabebe kay Teseo)

HIP: Wag kang mainip aking Teseo, madaling sakupin ng gabi ang isang araw, kagaya nalang ng bilis ng pagbihag mo sa aking puso at maging
ako’y nananabik na lubusang mapasayo. mahal ko.. Ako lang ang mahal mo ha? (malambing muna, tapos titingin kay Teseo na may
death glare)
TES: Oo naman, ikaw lang ang aking minamahal honeybunch!
(lalapit kay Hipolita) Ikaw pa din ang mamahalin ko ng buong buo TINA.
HIP: Sinong TINA? (galit na galit)
TES: ay nako nagalit na agad ang honey bunch lollipop ko! TINA, TinaMaan ako sayo!
HIP: (kikiligin ng sweet) Grabe ka naman.. talaga ba? (lalapitan si Teseo at yayakapin) ako’y nanabik na sa ating kasalan. Tawagin mo na si
Filostrata para maumpisahan na ang paghahanda sa ating kasal.

(mag aakapan, at bagyang maghahalikan ngunit darating si Filostrata)

FIL: (magugulat sa makikita) Don, tinatawag nyo po ako?


TES: Filostrata! Kontrabida din eh no? Bueno, pumarito ka.

(tatakbo si Filostrata sa harap at magfrefreeze)

FIL: Kamahalan... (yuyukod)


TES: Hindi. May nais lamang akong sabihin.
FIL: Ahhh. Ano po iyon kamahalan?

TES: Sabihan ang lahat ng naninirahan sa buong Hacienda na maging abala at humanda para sa nalalapit na pag-iisang dibdib namin ng mahal
kong si Hipolita ang magiging Donya ng buong hacienda .
AWIT 1 – Marangyang Kasalan
(Papasok Si Lolo EGEO kasama ang anak niyang si HERMIA at sina LISANDRO at DEMETRIO)

EGE: Isang pagbubunyi sa iyo Don Teseo!


TES: isa pang kontrabida din eh ( Stage whisper) Anong naparito mo Egeo at mukhang hindi maganda nakikita ko sa mukha mo?
EGE: Hindi mabuti ‘pagkat ang aking anak na si Hermia ay may kung anong engkantong namamahay sa utak at akong kanyang ama ay nais
suwayin.
TES: Ano’ng ibig mong sabihin?
EGE: Lapit Demetrio. Mahal na Don ng Hacienda ang binatang ito ang napili ko para maging kabiyak ng aking anak, ngunit... Lisandro!
Pumarito! ... ang lalaking iyan naman ang dahilan kung bakit ako’y susuwayin ng noo’y napakabuti kong anak. Hindi ko alam kung ano
ang kanyang ginawa at ayun na lamang ang kayang gawin sa akin ng aking Hermia! Nalalaman kong binilog lamang ng tusong lalaking
iyan ang isipan ni Hermia. Si Demetrio ang nababagay sa kanya at hindi ang isang tulad mo lamang (kay Lisandro). Butihing don,
ngayon sa inyong harapan kung hindi sasang-ayon si Hermia na pakasal kay Demetrio, nais ko lamang ipaalala ang matandang kaugalian
sa Hacienda, kung hindi siya susunod sa aking kagustuhan, ayon sa ating batas, marapat lamang na ipatapon siya sa ibang bansa.
LIS: Hindi maari!
TES: Ano’ng sagot Hermia?
HER: (hindi makasasagot agad sa sobrang pagkadismaya, ngunit ng saagot na nagsalitang muli si Tes)
TES: Maghinay-hinay lamang sa pagpili, iyong alalahanin na pag-aari ka ng iyong ama. Siya ang dahilan kung bakit ka naririto. Ang lahat ng
katangian mo ay mula lahat sa kanya at siya lamang din ang may kapangyarihang bawiin ito. At saka ano’ng masama kung pipiliin mo si
Demetrio, mukha naman siyang mabait, tapat na umiibig at magandang lalaki .
HER: Gano’n din si Lisandro.
TES: Gano’n? Siguro nga, marahil, ngunit, subalit, datapwat, sapagkat si Demetrio ang naka-aangat ‘pagkat siya ang napipisil ng iyong lolo
para sa iyo.
HER: Ang minamahal ko ay si Lisandro! Sana’y hiramin ng ama ko ang aking mga mata.
TES: Baka mabulag ka iha?
HER: Hindi ho iyon ang nais kong sabihin. Ang sa aki’y sana makita niya kung ano ang mga katangiang nakikita ko mula kay Lisandro ng sa
gayo’y na lamang...
TES: Kung gayo’y marahil dapat mong hiramin ang mata ng kanyang pasya upang matukoy ang dahilan kung bakit si Demetrio ang nais niya
para sa iyo.
HER: Patawarin mo ako kamahalan. Ako’y naguguluhan. Umiibig lamang ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko nais
suwayin ang aking ama subalit masaya ako sa piling ni Lisandro. Nais ko pong malaman, ano ang magiging hatol kung kay Demetrio
hindi pakakasal?
TES: (Paghihiwalayin si Hermia at Lisandro) Gaya ng nais ng iyong lolo, maaari kang ipatapon sa ibang bansa at doon na tumira.
(insert dun dun duuuuun)
Kung kaya’t Hermia, pag-isipang mabuti, timbangin ang sitwasyon. Suriin ang nilalaman ng isip at damdamin. Huwag magpadalos-dalos.
HER: Kung gayon, mas nanaisin ko pang mabuhay, tumanda at mamatay kaysa magpakasal at mabuhay ng miserable sa lalaking hindi ko
iniibig!
TES: Hindi ngayon Hermia, sa darating na pag-iisang dibdib namin ng minamahal kong si Hipolita, doon mo sabihin kung ano ang iyong nais.
Ang ipatapon sa ibang bansa dahil sa pagsuway sa iyong lola o ang pakasal sa lalaking inilaan niya para sa iyo.
LIS: (Haharangin si Demetrio)
DEM: (Hihilahin si Hermia at bibigyan ng masamang tingin si Lisandro, tas freeze)
Demetrio: Huminahon ka butihing Hermia. Lisandro, tigilan mo ang pagpapaikot sa isip ni Hermia pagkat ako ang may mas karapatan sa kanya.
LIS: (Itutulak si Demetrio) Sa iyo ang pagtingin ng ama, Demetrio. Sa akin ang kay Hermia. Bakit hindi kayo ang magpakasal?
DEM: Siraulo! (pasigaw)
HER: (Pipigilan si Lolo Egeo)
(Slow mo ang lahat, magsasapakan si Egeo at Lisandro)
EGE: Lapastangan! Kanya nga ang aking pagtingin, maging si Hermia ay sa akin rin kaya karapatan kong idikta kung sino ang sa tingin ko’y
makabubuti sa kanya at alam kong si Demetrio ang lalaking nababagay para sa kanya.
LIS: Ngunit pa – papa...
EGE: Hindi kita anak!
LIS: Sorry na agad! Marangal din naman po ang aking angkang pinagmulan at alam kong ako ang mas mahal ni Hermia kaysa kay Demetrio.
At isa pa hindi ako kasing sama ng lalaking iyan na kayang manakit ng damdamin ng babae! Isinusumpa ko, kahit ikamatay ko pa kaya
kong patunayan na nanliligaw si Demetrio sa anak ni Negar na si Helena. (kay Demetrio) napaibig mo ito at hanggang ngayon baliw na
baliw pa rin sa iyo, salawahan!
EGE at DEM: (Mapapaatras)
TES: Ipagpaumanhin ng lahat kung hindi ko masyadong nalinawan ang usapan. Huwag kayong mag-alala, hindi naman lahat ay nakaligtaan
ko. Masyado akong naging abala pero ‘wag kayong mag-alala alam kong si Demetrio ang pinag-uusapan, hindi ba? Bueno, Lolo,
Demetrio, sumama kayo sa akin at may sasabihin ako sa inyo. At ikaw Hermiang kay rikit, ihanda ang sarili para sa bibitawang desisyon
bukas sa itinakdang kasalan namin ni Hipolita.

EGE: Masusunod mahal na Duke,


(Lalabas sila, maiiwan sina LISANDRO at HERMIA)
AWIT 2 – Awit ng mga pusong pilit na pinaglalayo

LIS: (Nakaupo sa bato) Alam mo Hermia, ikaw ang pangalawa sa pinakamagandang babaeng nakilala ko.
HER: At sino naman ang pinakamagandang babae para sa’yo?
LIS: Ikaw, pag nakangiti.
HER: Ikaw talaga! (kikiligin)
LIS: Huwag ng malungkot! Alam mo, marami akong nababasa tungkol sa pag-ibig. Kung ito raw ay tunay at wagas kailangan itong dumaan
sa napakaraming pagsubok at...
HER: Bakit ba hindi maaaring magmahal ang mayaman sa tulad niyong mahirap?
LIS: Love moves in mysterious ways.

HER: Masaklap ang kahahantungan ng batang umiibig sa sobrang tanda!


LIS: sab inga sa kasabihan “age doesn’t matter.”
HER: Laking pagdurusa ang mainlove ng may mahal na iba. (Sasampalin si Lisandro)
LIS: Aray! Bakit mo ko sinampal? May nasabi ba akong masama?
HER: Love... hurts.
LIS: Love hurts! Naisahan mo ako dun ah! (Maghahabulan, yakapan at kilitian) Pero alam mo sabi nila, kung mahal mo daw talaga ang isang
tao, kahit daw mawala siya ngayon, kung talagang kayo ay babalik din sya sa tamang panahon.
HER: Hindi lahat ng umalis bumabalik, e pano kung mayroong gustong humadlang sa pagmamahalan nyo? Hahayaan mo na lang ba
ito? Tayo, tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana. Kaya kung mahal mo talaga ang isang tao, ipaglaban mo! Fight for it! At least
ginawa mo ang lahat para ipaglaban ang inyong pagmamahalan, di ba?
LIS: Tama! Hermia, bakit hindi tayo magtanan? Diba gusto mo yun?
HER: Tanan? Oo nga! Gusto ko yun!
LIS: Makinig kang mabuti. (tutugtog ang Mission Imposible)
Mayroon akong yumaong kamag-anak na may mga ari-ariang naiwan at wala ng iba pang maaaring umasikaso nun kundi ako na lamang.
Mga tatlong milya mula rito sa hacienda, doon Hermia! Doon hindi na tayo masasakop ng walang katarungan na batas ng bayan na ito!
Kung tunay mo kong mahal aking sinta, bukas ng gabi sa bayan kung saan tayo nagtagpo, doon hihintayin kita at magpapakalayo tayo.
HER: Oh Lisandro! Kahit saan pa ‘yan basta’t ikaw ang kasama wala akong pakialam pa. Bukas na bukas sa lugar na iyong itinakda, darating
ako! Umasa ka mahal ko.
LIS: Pangako iyan, tatandaan ko. (Kiss sa forehead, yakap tas tititigan lang si Hermia)
HER: May lason ba ang mga mata mo?
LIS: Ha? Bakit?
HER: Nakamamatay kasi ang mga titig mo.
LIS: HAHAHAHAHA! (kukurutin ang ilong ni Hermia)

Teka, (may titingnan) Aba’t si Helena nga ba ang natatanaw kong paparating?

(Papasok si Helena)
LIS: (Aakbayan si Hermia)
HER: Helena? Ano’ng ginagawa mo dito? Napakaganda mo talaga aking kaibigan. (beso beso)
HEL: Sino’ng maganda? ‘Wag mo na akong lokohin pa, alam naman nating ikaw ang higit na maganda pagkat ikaw ang higit na napupusuan ni
Demetriong aking ginigiliw. Sabihin mo nga Hermia, ano’ng maaari kong gawin para mabaling sa akin ang kanyang pagtingin? (kukuha
ng notepad at kunwaring magtatake down notes)
HER: Hindi ko rin alam Helena, aba’y kahit simangutan ko’y mahal pa rin ako!
HEL: Paano ka ba sumimangot Hermia? Ganito ba? (Sisimangot)
HER: Murahin ko man, pag-ibig ang kanyang tugon.
HEL: E paano ka ba magmura Hermia? Ganito ba? “Demetrio! Isa kang tooot toot tooot"
HER: Sigawan ko man ng sigawan, sunod pa rin ng sunod.
HEL: Paano ka ba sumigaw? “Demetrio di na kita mahal” (ala Nora Aunor)
HER: Kung nabihag man siya sa aking ganda, aba! Hindi ko na kasalanan iyon!
HEL: Sana sa akin na lamang ang kagandahang taglay mo.
HER: Huwag kang mag-alala Helena, simula bukas ay malaya ka na at ang pag-ibig mo kay Demetrio ‘pagkat magpapakalayo-layo na kami ng
aking Lisandro. Ayoko ng magtagal pa sa malaimpyernong lugar na ito! (Lalapit kay Lisandro, yayakap)
LIS: Helena, makinig ka. Sa iyo lang namin ipagkakatiwala ang lihim naming ito. Bukas ng gabi habang tulog ang buong hacienda ay tatakas
kami ni Hermia, magpapakalayo kami at bubuo ng sarili naming pamilya. Magiging masaya kami, Helena.
HER: Tama iyon kaibigang Helena, hahanapin namin ang kalayaan ng aming pag-ibig. Sa madalas naming puntahan noong mga bata pa tayo,
doon kami magtatagpo at tuluyang lilisanin ang hacienda. At ikaw gawin mo ang lahat upang mapaibig si Demetrio, maaari niyang
ibaling sa iyo ang kanyang pagtingin ng oras na malaman niyang wala na ako. Mag-iingat ka palagi aking kaibigan. Lisandro bukas ng
gabi, ang katuparan ng wagas nating paggmahahalan.
LIS: Nangangako ako, Hermia. Helena, paalam. Gawin mo sana ang lahat ng iyong makakaya upang mapasaiyo si Demetrio.
(Lalabas si LISANDRO at HERMIA)

HEL: Mahal na mahal kita Demetrio. Sasabihin ko kay Demetrio ang plano nilang magtanan. Katangahan mang ituring ang aking gagawin, wala
na akong pakialam. Alam kong ito ang makakapagpasaya kay Demetrio ito kaya gagawin ko ito kahit na ito ang magiging dahilan ng tuluyang
pagkamatay ng aking puso.

Tagpo 2: Hacienda, Bahay ni Quince


(Mag fa-fashion show ang magsasaka na si Bottom)
Habang nag fafashion show si bottom ay may maririnig na kaluskos sa gilid ng lamesa, at biglang lalabas si quince
Magkakagulatan ang dalawa at masasapak ni quince si bottom)

QUI: Narito na ba tayong lahat?


BOT: Parang wala pa si Flute. Pero hayaan mo na darating din yun. Mabuti pa tawagin mong isa-isa, sang-ayon sa iskrip.
QUI: Heto ang listahan ng lahat ng pangalan ng mga manggagawang inaakalang pinakabagay gumanap sa ating interludio para sa gabi ng kasal
ng Don at Donya.
BOT: Unang-una, sis Peter Quince, sabihin kung ano ang paksa ng dula; saka mo basahin ang pangalan ng mga artista, para maayos ang
usapan.
QUI: Aba, ipapalabas natin ngayon “Ang Pinakamalungkot na Komedya at Pinakamasayang Pagkamatay nina Piramo at Tisbe”
BOT: Napakainam ng piyesa, (uulitin ang paksa) masisiguro ko sa inyo nanapakasaya ng gagawin naten. Ngayon, butihing Peter Quince,
tawagin mo’ng mga artistang nasa listahan. Mga beks, tindig pagtawag sa inyo.
QUI: Sagot sa pagtawag ko. Nick Bottom na magsasaka.
BOT: Heto ‘ko, sabihin mo’ng papel ko at saka magpatuloy.
QUI: Ikaw, Nick Bottom, ang nakalista sa papel ni Piramo.
BOT: Ano si Piramo? Isa ba syang mangingibig parang ganito (papacute feeling ALDEN) o isang reyna (parang catriona gray)
QUI: Isa syang mangingibig, mangingibig na nagpatiwakal – sa ngalan ng pag-ibig.
BOT: Mangangailangan ‘yan ng luha sa pagtatanghal ‘pag palabas na talaga. Pag ako’y gumanap ng papel na ‘yan, ingatan ng mga manunuod
ang mga mata nila. Sigwa-sigwang luha ang paaagusin ko; at iipapakita ko ang tinatawag nilang sukdulang dalamhati. (kakanta ng
sinaktan mo ang puso ko english version) Ang husay kong umarte ano? Patikim pa lang ‘yan! If you want to see more of my acting skills,
why don't ya give me a big thumbs up and subscribe to my youtube channel (winks sa audience)
QUI: nasan na si flute?
(emotional background song pagpasok ng Flute).
FLU: Heto ko, Quince.
QUI: (madrama din) Flute, oh mahal kong Flute. (sampal) Late ka! ikaw ang gaganap sa papel ni Tisbe.

FLU: Tisbe? Ano si Tisbe tsaka Bakit ako? Aminin mo na, wala naman talaga akong papel sa buhay niya.

QUI: Huwag ka nangang magdrama, may papel ka naman sa buhay niya! Scratch nga lang. Si tisbe ang paralumang iniibig ni Piramo.

FLU: Naku! ‘Maryosep naman! Huwag babae ang ipaganap niyo sa’kin. Malapit nang tumubo ang balbas ko.
QUI: Hindi bale. Magsusuot ka naman ng maskara at pwede mong paliitin ang boses mo.
BOT: Kung pwede itago ang mukha ko, ako na rin ang gaganap na Tisbe. Paliliitin ko’ng boses ko ng maliit na maliit- “Tisbe, Tisbe! ‘Ay!
Piramo, mahal kong giliw! Ang iyong Tisbeng giliw, ang paraluman mong giliw!”
QUI: Hindi, hindi! Ikaw si Piramo at Flute ikaw si Tisbe.
BOT: Puwes, ituloy mo.
FLU: Nasulat na ba ang parte ng Leon? Sinong gaganap no’n?
BOT: Ako na rin ang gawin niyong Leon. Ang pag-aatungal ko, makabubuti sa dibdib ng sinumang lalaki. Sa ganda ng atungal ko, sasabihin ng
Don, “sabihin niyong umatungal muli, sabihin niyong umatungal muli.
FLU: Sige nga sample!
QUI: Kung masyado kang nakakasindak, matatakot sa’yo ang Don at ang mga binibini. Baka ‘yon magtilian at baka mabitay tayo ng wala sa
oras.
LAHAT: Bibitayin tayong lahat.
FLU: Ayoko ngang mamatay! Im scared! Nakakatakot! Ang dami ko pang plano sa buhay! Mga pangarap! Ayaw koooooo!!!

(babatukan ni Quince.

Quince: OA ha.

BOT: Totoo, mga kaibigan. ‘Pag tinakot niyo ang mga binibini, wala silang magagawa kundi bitayin tayo; pero bababaan ko ang boses ko para
malambing ang pang-atungal ko, parang bagong panganak na kalapati; aatungal ako na parang pusa.
QUI: Wala kang gaganapin kundi ang papel ni Piramo; dahil maamo ang mukha ni Piramo; kasing kisig ng sinumang lalaking nabilad sa tag-
araw, isang kagiliw-giliw na ginoong napaka-maginoo. Kaya ikaw ang kailangang lumabas na Piramo.
BOT: Bueno, ako na ang Piramo. Ano’ng balbas ang dapat kong gamitin?
QUI: Aba’y kahit ano.
BOT: Pwede kong lumabas nang nakabalbas na kulay-red, o kulay-green, o kulay violet, o kaya burgundy o kulay-ulo-ng-Pranses, o kulay-ginto-ng-
pera. Pwedeng kulot, straight, maikli, pang santa claus, ikaw ang bahalang pumili
QUI: Mga ulo ng Pranses na walang buhok; baka maging kalbo ang mukha mo. Pero mga ginoo, heto’ng mga parte niyo; at ipinakikiusap ko,
isinasamo ko at ipinag-uutos kong sauluhin niyo para bukas ng gabi at tagpuin niyo ako sa kakahuyan ng hacienda, isang milya mula sa
bayan, sa liwanag ng buwan. Doon tayo mag-eensayo dahil kung dito tayo sa siyudad, bibisitahin tayo ng ibang tao at malalaman nila
ang mga pakana natin. Samantala, gagawin ko na ang listahan ng kagamitang kailangan sa palabas. Ipinakikiusap kong huwag niyo
akong bibiguin. Umaasa ako sainiyo ah..
FLU: Ay huwag… sinasabi ko na sayo… mahirap umasa.
BOT: Nako flute tumigil ka na nga! (Kay quince) Tatagpuin ka namin at doon pwede tayo mag-ensayo ng bigay na bigay at kumpleto sa arte.
Mag-iingat kayong lahat. Magpakabuti! Adios
QUI: Sa kakahuyan ng Don, doon tayo magkita,

(may aayusin si flute)(Lalabas ang lahat at maiiwan si flute)

FLU: Lagi nalang ako ang iniiwanan, ang sakit sakit na talaga.

IKALAWANG YUGTO
Tagpo 1: Kakahuyang malapit sa Hacienda
(Papasok ang isang ADANG BAABE sa isang pinto at si ROBIN GOD FELLOW sa kabila)

ROB: Kamusta, engkantada? Saan ka pupunta?


ADA: Kahit saan, kailangan kong makahanap ng perlas na ilalagay sa tainga ng mahal na reynang Titania. O siya sige! Kailangan kong
magmadali at darating na ang reyna.
ROB: Hindi maaari. Dito maglilibang ngayon ang haring Oberon. Hindi sila maaaring magtagpo ‘pagkat abot langit ang galit ng hari sa reyna
dahil ayaw nito ibigay ang kanilang anak sa kanya.
ADA: Teka sandali, hindi ba’t ikaw ang adang sa gabi kung gumala at kung anong mga kapilyuhan ang ginagawa. Robin Godfellow, tama ba?
Minsan Puck ang tawag nila sa iyo, minsan naman maligno. (Kanta ako si PUCK)
ROB: Tama, ako nga. Ang nag-iisang kanang kamay ng haring Oberon, ang lagi niyang kasama saan man magpunta. O teka, tabi na’t hayan na
ang aking hari.
ADA: Heeep hep hep. Pasenya ‘pagkat hayan na ang aking reyna, mabuti pa ang amo mo na ang umalis dito.

(magtutulakan ang dalawa)

(Papasok si OBERON, ang Hari ng mga Ada, sa isang pinto, kasunod ang kanyang mga tauhan at si TITANIA, ang Reyna, sa kabila, kasunod
ang ang kanang mga tauhan)
OBE: (magugulat sa pagkita kay titania) Kung minamalas ka nga naman talaga, sa dinami-rami ng makakasalubong...

TITA: (bubulong sa sarili habang nakatingin ng masama kay Oberon) Aba, kita mo nga naman ang pagkakataon. Hala mga ada, sulong! Hindi ko na
kaya pang tagalan ang pagmumukha ng lalaking humaharang sa aking daan.

OBE: Teka nga babae! Alamin mo nga kung sino ang kausap mo! Hindi ba’t ako ang panginoon?
TITA: Tumahimik! Ikaw ba ang kausap ko? Natamaan ka ba sa sinabi ko? Paanong papanginoonin ang katulad mong iniwan ang ating mundo para
lamang pumunta sa kalaguyo mong Donya doon sa Hacienda?
OBE: Ako pa ngayon ang binabaliktad mo ha, babae? Mahiya ka nga sa mga ginagawa mong kwento! ‘wag mong bigyan ng malisya ang
pagiging malapit namin ni Hipolita. Tsaka sino kaya itong may lihim na pagtingin kay Teseo at balak pa ‘atang agawan si Hipolita sa
nalalapit nitong maging kabiyak?
TITA: Aba aba aba! ADA! Halika rito!
TITA: Hawakan mo ang paa at kamay ko!

(gagawin ni Ada)

(magpupumiglas si Titania)

TITA: Tama na! Hindi ko na nais makipag-away pa. Simula ng maghiwalay tayo, kada magkakasalubong ang ating landas puro iringan at

sigawan na lang ang nagaganap sa atin. Maging ang ating mga tauhan ay ganoon na rin ang ginagawa.

OBE: Ibig mong magbago? Nasa sa’yo ‘yan. Hindi naman ako ang nakikipag-away, ang gusto ko lang ay ibigay mo sa akin ang aking anak.
‘Yun lang, tapos!
TITA: Huwag kang mag-alala, kahit wala sa piling mo ang bata ay lagi siyang nasa maayos na kalagayan.
OBE: Hindi ka pa rin nagbabago. Bueno, gaano ka katagal mananatili sa kagubatang ito?
TITA: Baka hanggang maidaos ang kasal ni Teseo. Kung gusto mong sumama, halika pero kung ayaw mo, ikaw na ang bahalang umiwas sa
anino ko.
OBE: Sasama ako, kung ibibigay mo muna sa akin ang bata.
TITA: Kung gano’n hindi ka nga makakasama dahil hindi ko ibibigay sa’yo ang bata kahit kailan. MUHAHAHAHA! Toddles! (winks at oberon)
OBERON TITANIA SONG
TITA: Mga ada, sulong! Bago pa tuluyang masira ang araw ko dito. Hindi ko na kaya pang tagalan ang lugar na ito.
(Lalabas si TITANIA at kanyang mga tauhan)
OBE: ‘Wag kang mawawalan ng pag-asa Oberon. (Aawit si Oberon) Puck! Natatandaan mo pa nung umupo ako sa bato habang kumakanta?
PUC: Tanda ko pa.
(ang dalawa ay titingin sa itaas, maglilights off at magbabackground music na pang flashback)
(iaacting ang ikwekwento ni Oberon)

OBE: Noong araw na ‘yon, nakita ko si Kupido na may pinalasong puso ngunit sa malas ay hindi nasapul, pagkatapos ay sinundan ko ang
palasong iyon ni Kupido at nakita ko ang dat’y kulay puting bulaklak na naging kulay pula matapos matusok ng palaso. Gusto ko ikuha
mo ako ng katas ng bulaklak na iyon ngayon din.
PUC: Asahang sa loob ng apatnapung minuto, tatlumput limang segundo bago pa man magdilim n g tuluyan, ay narito na ako at dala ko na ang
nasabing katas ng bulaklak na iyon.
OBE: Sige, sige, alis na! Pagdating ng bulaklak ay hihintayin ko ang pagtulog ni Titania at ipapatak sa kanyang mga mata ang katas upang
umubig sa kung sinumang unang masilayan nito. Sa gayo’y mawala ang galit sa kanyang dibdib at tuluyan ko ng mabawi ang bata.
(Lalabas si OBERON at PUCK sa magkabilaan ng puno
(Papasok si DEMETRIO, kasunod si HELENA)
DEM: Pwede bang tigilan mo na ang pagsunod-sunod sa akin? Ilang beses ko ng sinabi sa iyo na hindi kita mahal! HINDI KITA MAHAL. I DO
NOT LOVE YOU. ICH LIEBE DICH NICHT. WATASHI WA ANATA O AISHITE INAI. LO NON TI AMO. NO TE AMO (hand gesture ang I DO NOT
LOVE YOU)

(habang sinabi ni Demetrio ito ay palapit siya ng palapit sa mukha ni helena)

(lalayo si Demetrio)
Asan na ba sina Hermia’t Lisandro? Sabi mo ay narito sila? Lumayas ka na nga lang at huwag na muling magpakita pa!

HEL: Huwag mo naman akong akitin aking Demetrio, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Hihihihi (kikiligin sa isang tabi, bubulong sa sarili)
Ang lapit ng mukha niya sakin kanina.
DEM: Inaakit ba kita? Hindi ba’t sinasabi ko na nang deretsahan na hindi kita mahal?
HEL: Yan! Yan ang dahilan kung bakit patuloy akong umiibig sa’yo Demetrio. Kahit anong tulak pa ang gawin mo sa akin, lalo lamang akong
napapalapit sa ‘yo.
(lalapit pa kay demetrio)
DEM: (tulak si Helena) Huwag mong piliting magalit ako sa’yo. Hindi biro ang lahat ng sinasabi mo. Makita pa lamang kita ay uyam na uyam
na ako. Ano pa kaya kung maging nobya kita? (masusuka)
HEL: At ako naman ay nauuyam ‘pag hindi kita nakikita. (mas grabe ang pagsusuka)
DEM: Wala ka na ba talagang respetong natitira para sa sarili mo? Muka kang katawatawa! Nagawa mo pang sumunod dito para sundan ang
lalaking hindi ka naman mahal. Mas mabuti pang layasan kita at magtago dito sa kakahuyan, at kainin ka sana ng mababangis na hayop.
HEL: Bakit ikaw Demetrio? Anong ginagawa mo dito at pilit mo ding sinusundan ang babaeng hindi ka naman mahal? Ano ha? Lahat naman
ng nagmamahal ay minsan naging tanga para sa pag ibig, dahil pag nagmamahal ka, puso at hindi isip ang nangingibabaw. Wala ng
babangis pa sa pusong patuloy mong sinasaktan.
DEM: Hindi kita pakikinggan. Layo na! At pag sumunod ka pa sa’kin ay ipapahamak na kita! Subukan mo talaga. Sigieeee
HEL: Matagal mo na kong ipinahamak, Demetrio! Sa pag-iwas mo aping-api na nag pagkababae ko. Alam mong hindi kami maaaring
manligaw sa lalaki, pero dahil mahal kita ginawa ko ‘yun.
(Lalabas si Demetrio)
(KANTA NI HELENA)
HEL: Demetrio, gaano ka ba kalalim? Kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makaahon sa pagkahulog ko sa’yo.
(papasok si Oberon)
Obe: Paalam, pansamantala.Hayaan mo, bago makalabas ng gubat, ikaw na ang mahal ng lalaking hinahabol mo. Puck! Dala mo na ang
bulaklak?
PUC: Aba’y narito.
OBE: Mabuti, akin na. Ngayon, maaari ko nang puntahan si Titania at patakan siya ng katas ng bulaklak na ‘yan. Pagkatapos isunod mong
patakan ang lalaking suplado. Makikilala mo siya sa bihis niya na pang Hacienda.
PUC: Umasa ka, panginoon, sa iyong lingkod. (Lalabas sa puno)

Tagpo 2: Ibang dako ng kakahuyan


(Papasok si TITANIA, ang reyna ng mga ada at ang kanyang mga tauhan)

TITA: Mga ada, halina’t lumapit sa akin. Awitan ako hanggang sa makatulog at pagkatapos ay umalis at iwan ako.
Ada 1: pagod kana agad mahal na reyna. Low energy?

Ada 2: matamlay?

Ada 3: Low focus pa?

Ada 4: Hala baka energy gap yan for 4 out of 5 kids have it.

All: Energize!!!

Adas: kakanta ng beat energy gap

TITA: TUMIGIL NGA KAYO INAANTOK NA AKO DALIAN NIYO NA AT KUMANTA NG MAAYOS AYOS

ADAS: sige po kamahalan ano po bang genre gusto niyo ngayon?

ADA 1: Pop

ADA 2: ROCK
ADA 3: Metal

ADA 4: Classical

TITA: KAHIT ANO BASTA MAKATULOG AKO!

(Aawit ang mga ada at sasayaw)


(Matutulog si TITANIA)
(Lalabas ang mga ADA)
(Papasok si OBERON at pipigaan ng bulaklak ang mga talukap ng mata ni TITANIA)
OBE: Ang makita ang iyong mukha sa tuwing ako’y gigising ay sapat na upang ibigin kita, kahit pa nga isa kang leon na kay hirap paamuhin.
Ngunit sa pagpatak ng katas mula sa bulaklak na ito, ang unang madadapuan ng tingin ng iyong mga mata, ang siyang tunay mong
iibigin
(lights off)

(Papasok sina LISANDRO at HERMIA)

LIS: Hermia, alam kong pagod ka na sa kakalakbay, mabuti pang dumito muna tayo at makapagpahinga muna.
HER: Mas maigi pa nga Lisandro. Maghanap ka muna ng mapagpapahingaan at doon ko ihihimlay ang pagod kong mga paa.
LIS: Sa ating dalawa, damo ang magiging unan. At ang ating kumot ay damo din.
HER: Huwag butihing Lisandro. Alang-alang sa akin, layo ng kaunti; huwag kang dumikit sa akin.
LIS: Naku! Huwag mo mamasamain Hermia, ang nais ko lamang sabihin ay iisa ang ating puso at damdamin, puso at damdamin, puso at
damdamin.
HER: Palusot ka pa! Sige na Lisandro, lumayo ka ng kaunti, iyon ang nararapat sa lalaking matino at dalagang mayumi.
LIS: Oo na, masusunod po. Diyan ka at dito naman ako, matulog ng mahimbing habang binabantayan kita.
HER: Salamat, sa sinabi mong ‘yan sana’y dalawin ka rin ng pagtulog. (Flying kiss)
(Matutulog sila)
(Papasok si Puck)
PUC: Nalibot ko na ang buong kakahuyan ngunit walang taga-Haciendang nasusumpungan upang pigaan ang mga mata gamit itong bulaklak
ng pagmamahal. Masyadong tahimik ang gabi( maririneg si Demetrio) May dumarating! Aba! Mga taong nakabihis pang Hacienda. Siya
na siguro ang tinutukoy ng panginoon, ang binatang nasusuklam sa kawawang dalaga roon. At ito ang dalagang hindi magawang suklian
ang pagmamamhal. Humanda ka binata, uubusin ko ang lahat ng katas nito sa mga mata mo. Hayan! Oras na para bumalik sa panginoong
Oberon.
(Papasok sina DEMETRIO at HELENA, tumatakbo)
HEL: Sandali Demetrio, hintayin mo ako.
DEM: Lumayas ka. Tigilan mo na nag kasusunod sa’kin.
HEL: Huwag mo akong taguan. Balak mo ba akong iwan sa madilim na kakahuyan?
DEM: Ay! Hindi, hindi! Kaya nga tumatakbo ‘di ba? Wala akong balak pagtaguan ka. (sarcastic) Teka! Si Lisandro ba itong nakikita ko?
Gisingin ko kaya sya para itanong kung nasan si Hermia? (dahan dahan lalapet at hahawakan si Lisandro) Huwag na lang baka
mahirapan pa ako itakas si Hermia sa kanya. (lalabas) Hermia! Hermia!
LIS: (magugulat) Maningning na Helena! Nasaan si Demetrio? Bagay na bagay sa gano’ng pangalan ang mamatay sa kamao ko.
HEL: Huwag mo ‘yang sabihin, Lisandro. Huwag kang magsalita ng ganyan! Ano kung ibigin niya si Hermia. Ikaw naman ang mahal niya
hindi ba?
LIS: Mahal ni Hermia? Maaring mahal nya ako , pero hindi ko na sya mahal ngayon,hindi! Naaksaya ang maraming sandaling ginugol ko sa
kanya, kasi’y…tingen ko ay ikaw na aking iniibig. Bakit ko ipagpapalit sa uwak ang kalapati?
HEL: Bakit ako nililito ng ganito? Ano’ng ginawa ko laruin mo? Hindi pa ba sapat ang pag iwas sa akin ni Demetrio at kailangan mo pang
ipamukha ang pagkakamali ko? Diyan ka na nga, akala ko pa naman maginoo ka talaga! (Lalabas)
LIS: Nasaan si Hermia? (kay Hermia) ‘Wag kang susunod sa akin. Si Helena na ang aking mahal. (Lalabas)
HER: Lisandro? Nasaan na si Lisandro? Baka kinain na siya ng mababangis na leon! Kailangan ko siyang makita! (Lalabas)
IKATLONG YUGTO
Tagpo 1: Kakahuyan
(Natutulog si TITANIA. Papasok ang mga Lukayo – sina QUNCE, BOTTOM at FLUTE)
BOT: Oh ano, narito na ba ng lahat? Liiiine Up!

(pipila na parang soldiers ang lahat)

(tititigan ng mabuti ni Bottom si Quince, pagkatapos ay si Flute)

QUI: Sir yes sir! Narito na ang lahat!

BOT: Anong tingin mo sa lugar na ito, Quince?

QUI: Aba! Maganda ang lugar na ito ah. Tamang tamang pag-ensayuhan ng gagawin nating palabras para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng
Don at Donya.
BOT: Peter Quince?
QUI: Ano ‘yon, katotong Botton?
BOT: May kaunti tayong problem, may mga parte sa komedyang ito ni Piramo at Tisbe na hindi magugustuhan ng mga tao. Una, kaillangang
magsaksak sa sarili ni Piramo, ng hindi mahalata ng mga kababaihan. Ano sa palagay mo?
FLU: Nanang ko po! Nakakatakot ‘ata ‘yon! Sa tingin ko, mas mabuti pang huwag nating isama ‘yon. Kagaya nalang ng hindi niya pagsama ng
presensiya ko sa buhay niya.

BOT: Hindi maaari! May naisip akong paraan para maganda ang kalabasan. Isulat mo ako ng isang babala(sound effect); at sasabihin mo sa
babala na hindi makakasakit ang itak natin, at hindi talagang mamamatay si Piramo; at para lalong mapanatag ang loob nila, kailangan
sabihin na hindi talaga si Piramo kundi si Bottom na magsasaka ang naroroon. Sa ganoong paraan, hindi na sila matatakot.
QUI: Bueno, maglalagay tayo ng babala, at isusulat ‘yon sa waluhan at animan.
BOT: Hindi, dagdagan mo. Parang kulang ‘yun e. Gawin otso at otso (sasayaw ng mabagal na otso otso)
(Babatukan ni quince ang dalawa)
FLU: Baka naman matakot ang mga babae sa leon? I’m sure, matatakot ang mga ‘yun!
BOT: Mga katoto, ano ba naman kayo? Natural! Sino ba namang nilalang ang hindi matatakot, e ang leon ang pinakamabangis na hayop sa balat
ng lupa! Kailangan makaisip tayo ng paraan upang hindi sila matakot. E di lagyan ullit natin ng babala!(sound effect) Ipapaliwanag natin
na hindi totoong leon ang lumabas kundi isa lamang itong artista. Hindi – kailangang sabihin ang pangalan ng artista at lumitaw ang leeg
niya sa kalahati ng leeg ng leon, at kailangang magsalita siya doon mismo sa butas nang tulad nito – “mga binibini” – o “marikit na
binibini – hiniling ko sa inyo” – o “ipinapakiusap ko sa inyo” – o “isinasamo ko sa inyo” – huwag kayong matakot. Itinataya ko ang
buhay ko! Kung akala niyo, talagang leon akong naririto, hindi! Hindi ako totoong hayop. Tao akong tulad ng ibang tao! At pagkatapos,
sabihin niya ang pangalan niya at ipaliwanag na siya si Flute na isang magsasaka.
QUI: Bueno, gano’n ang gagawin. Ngunit may dalawang problema; ang tinutukoy ko, ‘yung pagpapakita ng liwanag ng buwan sa kuwarto;
sapagkat sa liwanag ng buwan nagtagpo sina Piramo at Tisbe.
BOT: Kalendaryo.
FLU: May buwan ba sa gabi ng palabas natin?
QUI: Oo, may buwan sa gabing ‘yon.

BOT: Kung gano’n, maaaring buksan ang isang bahagi ng malaking bintana ng bulwagang pagpapalabasan natin para makapasok ang sikat ng
buwan.
QUI: Oo o kaya, maaaring may pumasok na artistang may dalang isang matinik na ilawan, at sabihing nando’n siya upang kumatawan, o
sumagisag sa katauhan ng buwan. At may isang bagay pa. Kailangan ng pader sa pagpapalabasan; dahil ayon sa istorya, nag-usap sina
Piramo at Tisbe sa isang siwang ng pader.
FLU: Hindi maaaring magpasok ng pader sa bulwagan. Ano sa palagay mo, Bottom?
BOT: (matatawa) Kailangan ng artistang lalabas na pader; at pagdalahin siya ng kaunting semento, o lupa, o graba, para masagisag ang
pader; at sabihin sa kanyang ganito ang mga daliri niya; at sa siwang na ‘yan magbulungan sina Piramo at Tisbe.
QUI: Kung magagawa ‘yon, ayos na’ng lahat. Sige, mag-upuan na kayong mga anak ng ina niyo at pasadahan na’ng mg papel niyo Piramo,
ikaw na mag-umpisa.
BOT: Tisbe, ganun din ang gawin mo pag parte mo na.
(Papasok si ROBIN GODFELLOW)

ROB: Aba! At sino ang mga vaklahng ito, na kay lapit sa tahanan ng Reynang Ada! Nag-eensayo ng dula?
Flute: Mageensayo? Tara!

BOT: Sige sali ako!

Flute: Simulaaaa 1,2,3,4,5,6,7,8 8,7,6,5,4,3,2,1

(mageexcersise and dalawa)

QUI: Ano yang ginagawa mo?!

FLU Nageensayo? May narinig ako eh.

(Magtatago si PUC)

QUI: Tsk, pwesto na. Mageensayo tayo sa dula, flute sa dulaaaaaa. Linya, Piramo. Tisbe, humanda ka.
PIR: Tisbe! Tisbe! O tisbe! ang mga bulaklak na kay bantot –
QUI: Kay bango! Kay bango!
PIR: - na kay bango;
Kagaya ng iyong hininga, Tisbeng mahal.
Ngunit naku, saglit! Subalit, datapwat, sapagkat naiihi ako!
QUI: Naiihi ako? Nasan yun? Nasan kna ba?!
PIR: naiihi talaga ako, saglit lang. (iihi sa puno)
ROB: Pinakanakakatawang Piramong nakita ko! (Lalabas)
QUI: Tisbe!
TIS: Ako na?
QUI: Oo, ‘susmarya! Ikaw na nga dahil aalalahanin mong lumabas lang siya para umihi at babalik din agad.
TIS: Tisbe! O tisbe! Piramo o Piramo, ang dami mong mga kamot!
Tatagpuin kita sa puntod nino?
QUI: Puntod ni Nino, ano ka ba?! Atsaka hindi pa ‘yan ang linya mo; ‘yan ang isasagot mo kay Piramo. Pinaghahalu-halo mo’ng mga linya mo,
pati ang entrada. Pasok, Piramo! Kanina pa’ng pasok mo, sa hindi sumusuko.
TIS: Teka – kasintapat ng kabayong hindi sumusuko.

(Papasok si ROBIN at si PIRAMO na may ulo ng buro)


ROB: Susundan kita kahit saan ka magpunta, paiikut-ikutin mag-aanyong kabayo ako kung minsan o asong matulin, baboy, pugot na aso o apoy
na makupad. (Lalabas)
BOT: Bakit sila nagtatakbuhan? Napakasama ng mga iyon ah…
(Papasok si Flute)
FLU: Ay, Bottom, nagbago ka! Ano’ng nakikita mo?
BOT: Ano’ng nagbago? Kung makatakbo naman kayo parang nakakita kayo ng kung ano sa mukha ko. Nakakatampo naman kayo. Parang hindi
kayo mga kaibigan… manong –
(Lalabas si FLUTE habang nagsasalita si BOTTON)
(Papasok si QUINCE)
QUI: Kahabagan ka ng Diyos, Bottom! Mahabag sa’yo! Ano at ganyan ang itsura mo. (Lalabas)
BOT: Nakikita ko’ng kasalbahihan nila. Inuuto ako para matakot nila ako, kung maaari. Ngunit hindi ako titinag sa lugar na ito anuman ang
gawin nila. Maglakad-lakad ako rito at kakanta, at maririnig nilang hindi ako natatakot. (Aawit)
TITA: Kay gandang tinig! Saan kaya ito nagmumula?
BOT: KANTA( MAESTRO)

(Makikita ni TITANIA an galing ni BOTTON)

TITA: Pakiusap, kuwag humito. Kay husay mong umawit, ang tainga ko’y nasasabik sa iyong tinig. Kalabisan mang sabihin sa iyo ako na’y
umiibig.
BOT: Sis, hindi tayo talo Sis! Sa palagay ko, senyora, wala kang dahilan para mag-isip g ganyan. Bagaman, ang totoo, bihirang magkasama ang
isip at pag-ibig sa mga panahong ito. Sayang nga, dahil may pagkakataong ayaw silang pagsamahin
TITA: Kay kisig-kisig na’y kay dunong-dunong pa!
BOT: Hindi naman, pero kung makakalabas ako sa kakahuyang ito, sapat na marahil ang dunong na iyon para bumuti ang buhay ko.
TITA: Huwag mong isiping lumabas sa kakayuhang ito. Dumito ka nilalang, akong may kapangyarihan. Ang lahat ng nakikita mo rito ay sakop
ng aking kaharian. Dahil iniibig kita, nais kong dumito ka. Marami akong mga ada na maaaring magsilbi sa’yo. Aawitan, papakainin at
aalagaan ka ng mga ito. Upang maging ganap ka na espirito. Tawagin natin an gating mga ada. Gisante, Agiw, Gamu-gamo, Mustasa!
(Papasok ang apat na mga ada sina GISANTE, AGIW, GAMU-GAMO at MUSTASA)
GIS: Heto ako!
AGI: Ako rin.
GAM:Ako rin.
MUS: Ako rin.
LAHAT: Ano’ng maipag-uutos reynang Ada?

TITA: Hagkan ang kanyang mga paa. Ibigay anuman ang naisin ‘pagkat siya’y aking giliw. Pakainin kung nagugutom, awitan kung nais
matulog. Yumukdo ang mga ada ko, magpugay sa ginoo.
GIS: Mabuhay, nilalang!
AGI: Mabuhay!
GAM:Mabuhay!
MUS: Mabuhay!
BOT: Maraming salamat, ano’ng inyong mga pangalan?
AGI: Agiw.
BOT: Hangad kong makita kang higit pa, butihing ginoong Agiw. Ikaw, marangal na ginoo?

GIS: Gisante.

BOT: Butihing Ginoong Gisante, hangad kong makilala ka pa. Anong pangalan mo kung maaari?

MUS: Mustasa.

BOT: Butihing Mustasa, hangad kong makilala ka pa.

TITA: O siya, siya dalhin niyo na siya sa aking silid at ibigay ano man ang maibigan.

(Lalabas silang lahat maliban kay GAMU-GAMO)

GAM: Aaa… Ako… Tekaaa ako paaa!! (Lalabas)

Boses: at si Gamu gamo, ang hindi nakapagpakilala kay Bottom

Tagpo 2: Ibang dako ng kakahuyan

OBE: Nagising na si Titaniang giliw, ano kaya ang unang nasilayan?


(Papasok si PUCK)
PUC: Panginoon.
OBE: Nariyan ka na pala! Puck, ano’ng nangyari?
PUC: Habang siya’y natutulog, may isang pangkat ng mga manggagawa mula sa hacienda ang nag-eensayo ng dula malapit sa kanyang
kanlungan. Ayon sa kanila, ang dula ay gaganapin sa kasal ni Teseo. May isang nilalang sa grupo na gaganap na Piramo; mangyaring
lumabas siya sa isang eksena at doon pinalitan ko ang ulo niya kaya paglabas niyang muli sa eksena, ayun! Takot na nagtatakbo ang mga
kasamahan niya sa iba’t ibang parte ng gubat, kung makikita mo lamang sila ng mga oras na iyon tiyak, hahagalpak ka rin sa kakatawa.
OBE: Mabuti at iyon ang nangyari. Ang binatang haciendero, naipatak mo ba ang katas ng pag-ibig sa kanyang mga mata?
PUC: Isinasagawa ko habang siya’y natutulog at katabi ang dalawang taga-Hacienda. Sigurado ako sa oras na magising ang lalaking iyon ang
dalaga ang agad niyang masisilayan at mababaling na ang pag-ibig.
(Papasok sina DEMETRIO at HERMIA)
OBE: Tignan mo,’ yan ang binatang sinasabi ko.
PUC: ‘Yan ang dalaga ngunit iba ang kasamang binata.
(tititigan ng dalawa sila Hermia at magtatago sa puno)
DEM: Bakit hindi ka maniwalang tapat akong nagmamahal sa’yo? Bakit hindi ka maniwalang wala akong ginawa kay Lisandrong kalaban ko sa
iyong pag-ibig.
HER: Hindi ako naniniwala sa iyo. Demetrio! Alam kong galit ka sa kanya! Siguro’y pinatay mo siya habang, habang natutulog. Hindi
magagawa ni Lisandrong umalis ng hindi nagpapalam sa akin.
DEM: Ako ang tunay na namatay Hermia. Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang ipagpalit mo ako sa Lisandrong ‘yon!
HER: Wow ha. Ipagpalit? Simula palang si Lisandro na ang irog ko. Ikaw lang ang sumingin sa pagmamahalan naming dalawa! Anong ipinagpalit? There
was never an us, Demetrio. And there will never be an us. Kaya pwede ba? Wag mo na akong landiin. Ano pa man ang sabihin mo, hindi ako
maniniwala sa’yo! Ilabas mo na si Lisandro. Bakit mo ba kailangan ipagpilitan ang sarili mo saken? Ibalik mo na siya kung saan mo man
siya dinala?
DEM: Masama bang magmahal Hermia? Kasalanan ba na mahalin kita?
HER: Hindi masamang magmahal Demetrio, pero kasalanan ko din ba kung ang mahal ko ay si Lisandro at hindi ikaw? At masamang mag mahal
kung nagbubulagbulagan ka dahil may nagmamahal sayo ng buong buo at di mo manlang mabigyan ng pagkakataon.
DEM: Pero baka maaari mo akong pagbigyan Hermia? Matututunan mo din akong mahalin.
HER: Minsan mas mabuti pang Itigil na lang kaysa ipagpatuloy pa,hindi dahil sa sumusuko ka na, baka lalo lang kasi masira pag pinilit mo pa,
ayokong masira ang ating pagkakaibigan Demetrio.
DEM: Hindi ko kayang maging magkaibigan lang tayo Hermia, kung yan ang yong pasya, hanapin mo na lang ang mga buto nya dito sa
kakahuyan
HER: Lumayas ka! Animal! Inuubos mo ang pasensya ko!
DEM: (Mag-uungoy) Nag-aaksaya ka ng pagod sa mali mong galit. Wala akong buhay na kinitil, at hindi patay si Lisandro, sa pagkakaalam ko.
HER: (Lalabas) Unggoy --- unggoy!
DEM: Hindi ko siya maaaring sundan ng ganoon ang sitwasyon niya. Sukdulan ang galit parang may dalaw. baka mamaya ay tuluyang lumayo
ang kanyang loob sa akin. Mabuti pang manatili dito at magpahinga. (Hihiga at matutulog)
OBE: Ano’ng ginawa mo? Mali ang napatakan mo ng katas! Napakalaking gulo ang nilikha mo. Naghalo ang tapat na pag-ibig at pag-ibig na ‘di
totoo.
PUC: Hamon ito para sa kanila kung gayon.
OBE: Lumakad muli, hanapin si Helena ng Hacienda at dalhin dito at lulunasan ko ang pagkakamaling nagawa mo.
PUC: Ngayon din panginoong Oberon, asahang itutuwid anumang pagkakamali. (Palabas makakasalubong sila HELENA)
PUC: Kapitan, masdan. Hayan at paparating si Helenang dalaga at ang binatang napagkamalan ko. Nais mo ba silang panoorin?
OBE: Tumabi ka muna. Masyado silang maingay baka magising naman ‘yung isa.
PUC: Nakakatuwa marahil, ‘pagkat dalawa na ang manliligaw sa kanya.
(Papasok sina LISANDRO at HELENA)
LIS: Bakit ba yaw mong maniwalang iniibig kita Helena? Tignan mo ko sa mga mata, mukha bang niloloko kita? (nakakaloko)
HEL: Tantanan mo nga ako Lisandro! Paanong ako ang mahal mo gayong si Hermia ang nais mong pakasalan? Lakas ng trip mo ah.
LIS: Marahil wala ako sa ulirat nang sumumpa ako sa kanya.
HEL: Maging hanggang ngayon wala ka pa rin sa ulirat! Meron ka pa ngang 'Magtatanan kami at bubuo ng sariling pamilya'
LIS: Maniwala ka Helena, si Demetrio (idiin ang pangalan) ang nagmamahal sa kanya na siya namang may ayaw sa’yo.
DEM: (Gigising) Helena? Ano’ng ganda ang namulat ng kariktan mo ang mamasdan! Kamusta ka aking sinta?

HEL: Ay, salot! Ay, impyerno! Ano’t nagkaganyan kayo? Pinagkakatuwaan ba ninyo ako? Di nakakatuwa yang laro niyo. Tigilan niyo na.
Pakiusap, kung ginagawa niyo lang ito para pagtawanan ako, mabuting tumigil na kayo sapagkat nasasaktan ako! Mga walang puso!
LIS: Malupit ka, Demetrio. Huwag kang ganyan! Alam kong si Hermia ang mahal mo, at ngayon sa harap ni Helena kong ginigiliw tuluyan ko
ng ipapaubaya sa iyo si Hermia!
DEM: Lisandro, sa’yo na si Hermia. Kung iniibig ko siya noon, ngayon hindi na. Si Helena na ang aking mahal at ganon din naman sya saken.
LIS: Ganoon nga ba Helena?
DEM: Huwag mo ng itanong pa at baka masaktan ka lang sa magiging sagot niya. (maririneg ang boses ni Hermia) Hayan, masdan mo at
paparating na ‘ata ang kasintahan mo.

(Papasok si HERMIA)
HER: (Tatakbo) Lisandro! Tunay ngang dalisay ang pag-ibig ko sa’yo. Natagpuan kita sa kabila ng kadilimang taglay ng gubat na ito. Alam mo
bang tinig mo lamang ang naging gabay ko. Ano bang dahilan bakit mo ako iniwan ng hindi man lamang nagpapaalam?
LIS: Bakit ba pinagsiksikan pa ang sarili kung ayaw naman sa iyo? Magpapaalam lang ako sa babaeng minamahal ko.
HER: Ha? Ano’ng ibig mong sabihin Lisandro? Bakit ka ba biglang nawala?
LIS: Bakit ba nawawala ang isang tao?
HER: Ha? Dahil hindi nya kabisado ang lugar? Dahil naihi? Nagutom? May sinundang gamu gamo?
LIS: Hindi… kaya sya nawawala, kasi may nahanap na syang iba, may mahal ng iba… at yoon si Helena.

HER: Hindi maaari ‘yan! Sabihin mong nagsisinugaling ka lang.


LIS: Nagsisinungaling ka lang! Oh ayan! Tapos na, okay na?
HEL: Pinaglalaruan niyo ba ako? Ano’t kay bilis nagbago ng ihip ng hangin? Hermia, ganyan ka na ba talaga kasama? Wala na bang halaga sa
iyo ang pagiging magkaibigan natin mula pagkabata na kulang na lang ay maging magkapatid tayo? Bakit b nagagawa mo ngayong
makipagsabwatan sa dalawang lalaking iyan para ako’y saktan? Hindi pa ba sapat sa iyo ang pang-aaping ginawa sa akin ni Demetrio?
HER: Hindi ko alam ang sinasabi mo. Masyado kang madrama! Paano mo nasabing ikaw ang naapi gayong ako itong tunay na api?
HEL: Hindi mo ba kinausap si Lisandro na kunyari puri-purihin ako? Si Demetrio, ano’t bigla na lang akong nasasaktan. Marahil, ako naman
ang may kasalanan kung bakit niyo ako ginaganito, siguro ako na lang ang lalayo para sa ikaaayos ng lahat.
HER: E di umalis ka! Walang pumipigil sayo!
DEM and LIS: MERON! Wawawawaiiiiit!

(hahawakan ni Demtrio ang kamay ni Helena at haharang sa daan si Lisandro)

LIS: Dumito ka lang Helena, hayaang ipaliwanag ang lahat mahal kong Helena!
HEL: Wow! Ang galing!
HER: Helena umayos ka. Irog ko yang kausap mo
DEM: Kung hindi ka kayang paibigin, baka naman maaari kitang pilitin.
LIS: Huwag mong pilitin ang ayaw Demetrio, bka pumayag!.. Helena, iniibig kita; isinusumpa ko! Isinusumpa kong nagsasabi ako ng totoo.
DEM: Natitiyak kong mas higit ang aking pag-ibig kaysa sa iyo.
LIS: Kung totoo ang sinasabi mo, patunayan mo.
DEM: Bilis, halika!

HER: Teka, teka teka.. Lisandro, ano’ng ibig sabihin nito?

LIS: Layo! (lalapitan ni Hermia para pigilan sya makipagaway)


Ako talaga ang nararapat kay Helena. Dahil wala kang ginawa sakanya kundi saktan siya!
DEM: Aba, Lisandro, huwag mo na akong libangin pa dahil ‘pag nahuli kita iwawasiwas kitang parang ahas.
HER: Bakit biglang nagiging marahas aking mahal?
LIS: Hindi kita mahal! Layas! At huwag ka ng babalik pa! tapos na tayo Hermia, walang FOREVER.
HER: Nagbibiro ka lamang, hindi ba?
HEL: Oo, at maging ikaw ay nagbibiro lang din! Lahat kayo laban sa akin?
LIS: Tikman mo ang sakit ng pinakamasakit (Matatapakan ang paa ni Hermia)
HER: Aray ko! Yung paa ko, naapakan mo Lisandro!
HEL: Walang sinabi yang sakit ng paa mo sa sakit ng nararamdaman ko, Hermia!
LIS: Ay naku naman yan! Anong masakit baby? Alin? Alin? Kuchi Kuchi!
DEM: Kay husay! Huwag siyang kampihan; dahil kung tangka mong magpakita ng gaano man kaliit na pag-ibig sa kanya baka magsisi ka.
LIS: Sundan mo ako kung kaya mong patibayan, kung sa’yo o sa’kin nararapat si Helena.
DEM: Sundan kita kung gusto mo sasabayan pa kita!

(Lalabas si LISANDRO at DEMETRIO)


HER: Ikaw, magaling na babae ang sanhi ng gulong ito.
HEL: Alam kong hindi na ko maaari pang magtiwala kahit kanino. (Lalabas)
HER: Nalilito ako! Ano’ng dapat kong gawin? (Lalabas)
( Hermia Spoken word, Helena Spoken Word)
OBE: Tingnan mo ang nangyari sa pagkakamali mo, sandali baka sinasadya
PUC: Naku! Hindi po panginoon Oberon, medyo nalito lang po siguro ako kasi ang sabi niyo.
OBE: Samantalahin mo ang pagkakataon habang naghahanap ang mapaglalaban sa dalawang iyon. Iligaw silang pareho upang hindi
magkakitaan at pagkatapos gayahin mo ang boses ng isa’t isa. Galitin mo ang bawat isa sa kanila hanggang sa mapagod at makatulog,
pagkatapos ay muli mong patakan ang mga mata nila ng nafpakahusay na dahon na ito nang sa kanilang pagmulat p0ay pumasok sa
kanilang mga mata ang tunay nilang mga iniibig. Kailangan mo nang magmadali. PUCK! (Lalabas)
PUC: Heto ang isa.
(Papasok si LISANDRO)
LIS: Nasaan ka, Demetriong mayabang?
PUC: Heto ako, tarantado, handa nang lumaban.
LIS: Hayan na ‘ko!
PUC: Sundan mo ako doon sa patag na lugar)
(Lalabas si LISANDRO)
(Papasok si DEMETRIO)
DEM: Lisadro, sumagot ka duwag! Tumatakas ka ba at tumatakbo? Saan ka naro’n? Pinagtataguan mo ba ako?
PUC: Ikaw ang duwag. Halika nga, ikaw ang lumitaw naman. Papaluin lang kita. Kawawa naman kung gagamitan ka pa ng espada)
DEM: Sundan ang tinig ko. Doon tayo magtagisan ng lakas.

(Papasok si LISANDRO)
(magpapatugtog ng background music yung parang sa Tom and Jerry pag naghahabulan sila)

LIS: Sinusundan ko at layo pa rin ng layo. Hindi ko mahuli kung saan nagtatago. Napakatulin ng tarantadong hinahabol ko. Mabilis na ako,
natalo pa rin ako. Magpahinga na nga lang muna ako rito. (Hihiga)
(Papasok sina PUCK at DEMETRIO)
PUC: Duwag, sa’n ka naro’n?
DEM: Hintayin mo ako. Nasaan ka ba ngayon? Ayaw mong pumirmi sa isang lugar. Bakit ba hindi mo ako maharap, nasaan ka?
PUC: Halika, heto ako.
DEM: Niloloko mo ako. Pagbabayaran moa ng lahat na ito sandaling makita kita. Sumuko ka na at nanghihina na ako at sabik nang maiunat ang
aking katawan sa malamig na higaan bukas na lang kita lalabanan. (Mahihiga at matutulog)
(Papasok si HELENA)
HER: Pagod na ako. Basa na sa hamog, maiming galos sa tinik. Higit sa lahat, nalulungkot ako ‘pagkat hindi na magawa ng paa ang ibig ng pag-
ibig. Mabuti pang magpahinga muna dito. (Mahihiga at matutulog)
PUC: Matulog kayo sa lupang madamo. Ipapatak ko ang katas ng bulaklak na ito at pagising nyo, magbabalik ang dati nyong pagibig.
(iwawagayway ang bulaklak at tutunog ang kantang tadhana)
Yugto 4

(Oberon, titania, puc at mga ada)

TITA: Ginoo, halikat matulog sa aking himlayng puno ng bulaklak, lalagyan ng rosas ang makinis mong mukha at hahagkan ang iyong
maninipis na tenga.

BOT: Salamat aking giliw, pero nasan na nga ba si gisante.

Gisante: heto po!

BOT: Maari mo bang kamutin ang aking ulo, napakakkati. Si agiw?

AGIW: Heto po.

BOT: Maari mo ba akong ikuha ng napakatamis na pulot pukyutan.

Agiw; Masusunod po.

BOT: Ahhh, mustasa. Halika rito. Pakitulungan si gisante na kamutin ang aking ulo.

TITA: May nais ka bang awitin aking giliw?

BOT: Kung naitatanong mo aking giliw, ay napakahusay ng aking tenga sa awitan? Sino baa ng mga kakanta?

TITA: Ang aking mga ada! Ano bang nais mong awitin?
BOT: Gusto kong awitin nila ay yung U ANG?

TITA: U ang? Mga ada! Awitin ang U ANG

(Aaawitin ng mga ada ang o ang)

BOT: Ayoko na ! inaantok na ako. Tutulog na kami

TITA: mga ada!

(Pasok si Puc at Oberon)

OBE: Kamusta butihing robin? Nakikita mo ba? nahahabag na ako sa kanyang paggiliw, kanina ay nakasalubong kot namimitas ng bulaklak para
sa gago ay nagkita at nagkasagutan at nag away kami. Ngayon puc, nais kong tanggalin ang ulo ng bakulaw na iyan ngayon din! Ngunit, sandal,
hayaan mo akong hamuin ko ang reynang ada. Puc nasaan ang bulaklak? Bilisan mo

(papatkan ang bulaklak)

OBE: Magbalik sa dating isip, sa dating pag ibig. Bulaklak ng pagibig ni Dayana magkabisa na! Gumising ka ngayon na!

(gigisng si titaniya)

TITA: Oberon ko! Ano yan aking nakikita, anot sa kabayo ako nabighani!

OBE: Yan ang iyong giliw!

TITA: Ano? Anong nangyari? Kinasusuklaman ko ang itsura nya!

OBE: PUC! Nais kong tanggalin mo na ang ulo ng bakulaw na iyan!


PUC: Masusunod po aking panginoon!

OBE: Ngayon aking giliw gusto nang magsaya atayo at magdiwang! Papasukin ang mga ada

(Preset Lovers, Pasok Teseo, Hip, Lolo Egeo)

TES: Ahh, mahal mamasyal muna tayo sa kakahuyan.

EGE: Kumpadre, bakit narito ang aking anak? Si Lisandro, demetrio si Helena? Pano sila nagkatipon tipon dito?

Teseo: Ahh egeo, maari nyo bang gisingin na sila para sa aming kasal? Ngunit lolo, ngayon ang tamang panahon para sa desisyon ng iyong
apong si hermia.

EGE: Dumating na rin ang tamang panahon! (gising)

LIS: Paumanhin aking----

TES: Alam kong magkaribal kayong dalawang binata pero anong nangyari?

LIS: Hindi ko rin po alam, ang naalala ko ay uamlis kami ni hermia para takas an-----

EGE: Sapat na!!! sapat na! hinihiling kong ipatapon na sya sa ibang bansa!!! (emotional)

(Kanta Egeo)

DEM: Ang pagibig ko kay Hermia ay natunaw na parang yelo, at ngayon ang tunay na iniibig ay si Helena.

TES: saka na ako makikinig sa inyo. Egeo, pangingibabawan mo ang loob mo dahil tingin ko ay kasama ko ang dalawang mangingibig sa aking
kasal. Tayo sa hacienda at nasasayang ang oras..
(Lalabas na ang lahat, hahatakin ni Demetrio si Helena kakanta )

DEM: dahil dyan Helena gusto ko na tuloy maging super hero.

HEL: Sinong superhero naman? Superman, batman, spiderman?

DEM: hindi, your man..

(exit..lights off)

BOT: (gigising) haaaaiiiiiiii! Quince, flute!! Asan na kayo? Haii, iniwanan ako ng mga loko! (Flashback adlib)

(Isasalaysay ni Bottom ang mga naging karanasan nya sa mga Ada at kay Titania)

(papasok si Quince at flute)

Quince: ano bang nangyari kay bottom?

Flute: Nakita mo naman diba? Nagging wild animal sya!

Quince: pano na lang ang iterludyo?

Flute: oo nga bro, sya pa naman ang may pinakamatabang utak sa atin.

(Pasok si bottom)
Bottom: mga bro! bakit nyo na lang ako iniwan?

Flute: hindi ka naming iiwan bro, hindi kami katulad ng iba nan ang iiwan.

Quince: (babatuka si flute) huhugot ka na naman!

Bueno, malapit na ang kasalan ng don at Donya tayo nang mag handa!

Exit

Interludyo

(Papasok ang mga bagong kasal at manunuod ng Interludyo ng mga mangagawa)

TES: Pilostrata! Asan na ang mga magtatanghal?

PIL: heto po ang mga magpapalabas Don Teseo. (ipapakita kay Don teseo ang papel at mamimili ang Don)

TES: Eto ang gusto ko! Ang tanghalang walang kapintasan!

PIL: Ahhh! Don teseo, ipapalabas nila ang pinakamalaungkot na komedya at pinaka masayang pagkamatay nina Tisbe at Piramo!

TES: Yan na nga ang gusto kong ipalabas, tawagin na sila ngayon din!

PIL: Sigurado po ba kayo Don Teseo? E napanuod ko na ang dula nila at siguradong…

TES: Tumahimik na Pilostrata, tawagin mo na ang Tanghalang Walang kapintasan!

PIL: Opo masusunod po Don Teseo

(Papasok si Peter Quince)


QUI: Magandang gabi!.. masuya man kayo, tandaan mabuti an aming hangad, ang hangad namin ay mabuti, mabuti talaga. Tadaan kayo’y hindi
namin balak azarin, azarin tandaan hindi namin balak, kaya alam kong kayo ay sabik na, sabik na alam kung kayo. Kaya heto na ang mga nag
gagalingang artista, ang mga nag gagalingang artista heto na! hayyyy..(napagod dahil tuloy tuloy ang pagsasalita)

(Lalabas si Peter Quince)

TES: paulit – ulit ang sinasabi nya bakit ganon?

HIP: oo nga! Mukang hindi nya ata kabisado ang mga linya nya?

TES: pag pasensyahan nyo na! panuorin na lang naten (sasabihin sa apat na kasama)

(Papasok ulet si Peter Quince may dalang costume na pang pader)

QUI: Ako ang Pader! Ang Pader ay ako! Dito sa biyak na ito, hindi yan.. dito sa butas sa kamay ko! maguusap ang mag sing irog na si Piramo at
Tisbe! Ako ang pader! Ang pader ay ako! Ang pader na may biyak!

(Papasok si Bottom bilang PIRAMO)

PIR: Ohh gabi!... Oh Gabi.. Gabing mapanghi!

QUI: mapanglaw hindi mapanghi!

PIR: Ay oo nga, este mapanglaw! Gabing kay itim kahit hindi na araw!Oh gabi, gabi-gabi sa iyong tabi!

Ay, may nakikita akong pader, may biyak! Lalapet ako sa pader na may biyak para hanapin si Tisbeng giliw!

Oh pader ibuka ng bonnga ang biyak mo ng masilip si tisbeng mahal ko!(sisilip sa biyak) Mukang wala ata si Tisbe?
Nakalimutan nya ata ang itinakda naming paguusap dito. Asan na si Tisbe? Tisbe pasok

QUI: Tisbe, ikaw na, dalian mo! Pasok!!

(Papasok si Flute sa papel ni Tisbe)

TIS: Tisbe! Tisbe! Tisbe! Piramo? Nandito na ako!

PIR: May naririneg akong tinig sa may biyak! Lalapet ako para mas marineg ko! (sisilip ulet)

TIS: Piramo? Asan ka na?

PIR: Ti..ti.ti.. Tisbe!

TIS: Pi..pi..pi. ramo!

(maguusap ang dalawa ng parang walang harang na pader)

QUI: magusap kayo sa biyak ko wag dyan!

(maguusap sa baba ng binti ni Quince)

QUI: hindi yang biyak na yan! Dito sa butas ng daliri ko!

PIR: ay dito nga pala ang biyak!

TIS: oo nga! Eto pala ang biyak two, hindi sa biyak one. Hindi mo naman kasi sinabi kung one or two!

QUI: sa biyak two!

TIS: tagpuin mo ako sa puntod nino?


PIR: Puntod nino?

QUI: pangalan yun!

TIS: Pangalan pala yun ni Nino!

PIR: Ahhhh. Sige magkita tayo sa puntod ni Nino!

(Lalabas na si tisbe at Piramo sa palabas at matitira si Quince ang pader)

QUI: Ako ang pader, ang pader ay ako, tapos na ang papel ko bilang pader, kaya lalabas na ako at ang aking papel, Ako ang pader, ang pader ay
ako, ang pader na may biyak!

(Lalabas na si Quince ngunit papasok ulet at sa papel nya bilang Buwan)

QUI: Ako ang buwan! Ang buwan ay ako (background song flashlight)(Ibibigay ni Snug yung flashlight) Ang flashlight na ito ang sasagisag sa
liwanag ng buwan! Ako ang buwan, ang buwan ay ako!

(Papasok ang LEON na si PIRAMO)

LEON: oh mga binibini! Na madaling matakot, huwag magalala dahil hindi naman talaga totoong Leon ang nandito kung hindi isang
napakagwapong magsasaka lamang na nagpapangap na LEON. Kaya manatiling kalmado wala naman akong pangil at naglinis din ako ng aking
mga kuko. Miyaw! Miyaw! (aarte na parang pusa)

(Papasok si Tisbe)

TIS: Nandito na ako sa puntod ni NINO Piramo! Nasan ka na?

(aatakihin sya ng Leon ng slow motion at mahuhubaran ito at maiiwan nya ang kanyang balabal)

(Lalabas na si Tisbe at Leon at papasok naman si Piramo para hanapin si Tisbe)


PIR: Tisbe! Nandito na si Piramo! Aking giliw! Nasan ka na? (makikita ang balabal ni Tisbe na may dugo) Tisbe? Ang balabal ni Tisbe? Anong
nangyare?

(Papasok bigla si Tisbe dahil akala nya ay sya na ang gaganap)

TIS: Ui Piramo? Bakit mo ako tinatawag? Andun lang ako sa likod! Bakit ang lungkot mo dyan uy..

PIR: mamaya ka pa! bakit ka lumabas!

QUI: oo nga! Mamaya ka pa! Balik! (Hahatakin pabalik sa likod si Tisbe)

PIR: Tisbe! Ang iyong balabal! Pinatay sya ng mabangis na Leon, wala na si Tisbe, ang aking mga mata ay umaagos ng luha, agos na luha! kaya
tingen ko ay wla ng saysay ang buhay ko, dahil wala na si Tisbe!(dramatic)

(Papasok ulet si Tisbe)

PIR: sinabing mamaya ka pa e! sinisira mo yung moment ko!

QUI: Balik!

TIS: Sorry, tinawag kasi ako e. (lalabas ulet ng entablado)

PIR: Dahil wala na si tisbe ay magsasaksak na ako! Itak? Nasan na yung itak? (binigay ni Quince lapis)

Ano to? Bakit lapis?

QUI: Ok na yan! Walang itak e! saka baka matakot ang mga binibini!

PIR: magsasaksak ako ng lapis sa utong! Sa kanang utong na may pusong karugtong! Paalam! (isasaksak sa sa kang utong ang lapis) labas na
buwan!
QUI: teka lang! Ako ang buwan ang buwan ay ako! Tapos na ang papel ko bilang buwan kaya lalabas na ako! BYE!

(lalabas na ang Buwan at si Snug at papsok na si Tisbe)

PIR: Tisbe! Pasok!

TIS: (matatawa) ako na pala? Hehehe. Anong nangyare? Bakit ka natutulog piramo?

PIR: Hindi ako natutulog!

TIS: E ano? E bakit ka nakahiga?

PIR: patay ako Tisbe, ano ka ba naman!

TIS: bakit ka patay?

PIR: nagsaksak ako ng lapis sa kanang utong dahil ang akala ko ay namatay ka gawa ng mabangis na Leon! Kaya dahil namatay ako ay
malungkot ka! Wala naming masayang namatayan di ba?

TIS: (aarte ng malungkot) Piramo! Sino gumawa sayo neto? May lapis sa utong mo! (magagalit at hahanapin kung sino ang may ari ng lapis sa
mga ikinasal na nanunuod) ikaw ba ang sumaksak ng lapis sa kasama ko? Sino? Umamin kayo kung sino?!

PIR: Walang sumaksak sa akin Tisbe! Parang awa mo na, nakakahiya na sa kanila! Mag sorry ka sa kanila! Nagsaksak ako magisa! Kaya dahil
nagsaksak ako ay magsasak ka na din!

TIS: sorry! Sorry po, kala ko sa inyo etong lapis! Dahil nagsaksak ang aking irog na si Tisbe…

PIR: Piramo!

TIS: este piramo, ay magsasaksak na din ako! Sa utong din, sa kaliwa naman! Na may atay na kadugtong. Paalam! (magsasaksak ng lapis sa
kaliwang utong)
PIR: napakaganda ng pagtatanghal namen Don Teseo no? Gusto nyo ba ulitin namen para mas lalo nyong maintindihan?

TES: Tama na! Huwag nyo na ulit uulitin yon! Mga kasama tara na. (Aalis na ang mga bagong kasal at matitira ang mga mangagawa)

QUI: anong sabe ng Don? Nagandahan ba?

BOT: ay oo naman! Outstanding ovation nga e! napakahusay talaga ng utak naten!

FLU: Tara na! at nagugutom na ako, matindi yung ginawa naten.

QUI: oo nga! Tara na nga ng makatulog na din tayo pagtapos kumaen.

(pasok si PUC)

PUC: at iyon na nga! Napakhiwaga ng pagmamahal, kahit harangan man ng mahika ay magbabalik pa rin sa nakatadhana. Tandaan na hindi
masama ang umibig, basta tama at sigurado sa iniibig. Ngunit paano naman ako? Alam ko na! Sasayaw na lang ako! :D

TELON

You might also like