Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ULAT AT REKOMENDASYON NG LUPON SA KAPAYAPAAN, KAAYUSAN AT

PAMPUBLIKONG KALIGTASAN

Petsa : Agosto 28, 2019

Ulat Blg. : 2019 – 32

Paksa : Batas sa pagsusuot ng helmet para sa kaligtasan ng mga


motorist at riders sa bayan ng Doña Remedios Trinidad

Reomendasyon : Matapos ang naging talakayan at masusing pag-aaral ng


Lupon sa kapayapaan, kaayusan at pampublikong kaligtasan sa sulat ng
butihing Punong Bayan, Igg. Marita L. Flores, petsa Hulyo 29, 2019 na
hinihiling na makalikha ng batas na nagtatada ng “No Helmet, No Ride
Policy” na kung saan ang kaukulang parusa ay mapababa at mapalawig
pa ang saklaw nito.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ay nagpatibay ng Panlalawigang Kautusan


Blg. 03- T’09. Nasasaad sa Seksiyon 6 na:

SEKSYON 6. – ANG MGA KAPARUSAHAN. Ang sinumang mahuli sa paglabag


ay papatawan ng kaparusahan batay sa paraang ipinahahayag sa ibaba ayon
sa ganitong pagkakasunod-sunod:

Sa Unang Paglabag Ipinapataw ang pagbabayad ng multang


Isang Libong Piso(P1,000.00) at pagtatala
ng paglabag sa takdang listahang
Ihahanda na babatayan sa muling
paglabag

Sa sumunod na paglabag Ipinapataw ang pagbabayad ng Dalawang


Libong Piso (P2,000.00) kasama ang pag
“impound” ng motorsiklo At pagkakabi-
langgo ng isang buwan o pareho ayon sa
Pagpapasiya ng Hukuman

Dito sa Seksiyon 6 makikita natin na mabigat ang kaparusahan subalit ayon


naman sa Seksiyon 7 nasasaad ang ganito:

SESIYON 7. Ang mag- iingat ng pondo mula sa multa na ipinapataw


ng batas dahil sa paglabag ng takdang Panlalawigang
Kautusan.

Ipinapahayag na ang lahat ng bayad sa multa ayon sa takda ng Panlalawigang Kautusan ay


isusumite sa mga lokal na ingat-yaman at sa panahong itatakda ng Kodigong batayan sa pagpapatupad at
paghahatian ayon sa ganitong paraan ng paghahati-hati.

a. Ang lalawigan ay may kahating (20%) bahagdan na ipagkakaloob


sa Panlalawigang Tanggapan ng Kalusugan.

b. Ang mga bayan at lungsod ay may kahating (45%) bahagdan na


ipagkakaloob sa Pambayang Tanggapan ng Kalusugan.

k. Ang mga barangay ay may kahating (35%) bahagdan na ipagkaka-


loob sa kapakanan at protesyon ng mga bata.

Ito ay mula sa lagum na (100%) ng kabuuang makakalap sa pagpapatupad ng takdang


Panlalawigang Kautusan.

Batay sa Sesiyon 7 may dereksiyon naman ang pondong mult nito na buod
sa makakatulong sa tanggapang ng pambayang kalusugan , sa barangay
naman ay ipagkakaloob sa kapakanan at proteksyon ng mga bata at higit
sa lahat maiiwasan ang paglobo ng sakuna at matututong sumunod sa
itinatadhana ng batas ang mga motorist at angkas nito.

Batay sa mga nabanggit na kadahilanan, magalang pong hinihiling sa


butihing Punong Bayan na pagkalooban ng tarpaulin ang walong barangay na
nakasulat ang Titulo ng Panlalawigang Kautusan, Bilang, Sesiyon 6 at Seksiyon
7 upang ipaskil sa mga hayag na lugar, gayundin, inaatasan ang Kalihim ng
Sangguniang Bayan na bigyan ng sipi ng nasabing Panlalawigang Kautusan ang
mga barangay na nasasakop ng ating bayan upang maging reperensiya o
batayan sa pagpapatupad nito.

Lupon sa kapayapaan, kaayusan at pampublikong kaligtasan

ROMEO SG. SANTIAGO


Tagapangulo

FELIZARDO C. ESQUIVEL LORETO C. d Leon


Kasap Kasapi

You might also like