Editoryal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

namumunaa

EDITORYAL - Huwag sirain ang Inang Kalikasan


() - April 22, 2006 - 12:00am
NGAYON ay Araw ng Daigdig (Earth Day). Ang iba marahil ay magtataka sapagkat
mayroon palang Araw ng Daigdig. Ginugunita rin pala ito. At nakapagtataka namang kapag
sumasapit ang ganitong araw saka lamang napagtutuunan ng pansin ang pagmamahal sa daigdig
at sa likas na kayamanan nito. Ngayon lamang nakikita ang kalagayan ng Inang Kalikasan na
sinisira mismo ng mga taong nakatira rito.

Nagbabago na ang klima ng mundo at ang sabi ng mga eksperto ito ay dahil sa pagsira ng tao sa
kalikasan. Nakapagtatakang kahit sa panahon ng tag-init ay may mga pagbahang nagaganap at
pagguho ng lupa. May mga bagyong nagaganap na sumisira ng mga ari-arian at pumapatay sa
maraming tao.

Kamakailan ay naguho ang lupa sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte. Ang walang
tigil na pag-ulan ang itinuturong dahilan kaya nabiyak ang bundok. Pero mas marami ang
nagsabi at kami man ay naniniwalang ang talamak na pagsira sa kabundukan doon ang dahilan.
Walang tigil ang pagputol ng mga kahoy at dahil wala nang mga kahoy, humina ang lupa na
naging dahilan para gumuho. Hindi lamang sa Bgy. Guinsaugon nangyari ang landslide kundi
pati sa Quezon at Aurora na ang tinuturong dahilan ng trahedya ay illegal logging operations.

Hindi lamang illegal logging ang sumisira sa Inang Kalikasan kundi pati na rin ang grabeng air
pollution. Ang Metro Manila ay itinuturing na pinaka-polluted na lugar sa Asia. Sa kabila na
may batas – ang Clean Air Act of 1999, hindi pa rin malutas ang problema sapagkat walang
ngipin ang batas na ito. Hindi maipatupad ng gobyerno ang batas na matagal ding
pinagdebatehan at pinagkagastusan.

Mahigpit na ipinagbabawal sa Clean Air Act ang paggamit ng incinerators, mga lumang motor
ng sasakyan, pagsusunog ng basura at paggamit ng leaded gas. Sa mga ito, ang paggamit ng
leaded gas lamang ang naipahinto. Patuloy ang paggamit ng incinerators, pagsusunog ng basura
at ang pagyaot ng mga sasakyang nagbubunga ng nakalalasong usok.

Nasisira ang kalikasan dahil sa kasakiman mismo ng tao. Dito sa Pilipinas, may batas pero hindi
maipatupad. Hindi nakapagtataka na masira ang likas na yaman ng bansa dahil sa walang
kakayahang pagpapatupad ng batas. Kawawa naman ang mga susunod na lahi na maaaring wala
nang mundong titirahan.

Nang hihikayat
EDITORYAL - Magandang buhay

MARAMING Pinoy ang naniniwala na mas magi-ging maganda ang kanilang buhay ngayong 2018.
Kumpara noong nakaraang taon, mas malaki ang paniniwala ng mga nakararami na magkakaroon sila
nang magandang kapalaran ngayong taon na ito at matutupad ang lahat nang mga pangarap nila sa
buhay. Positibo sila na magiging maganda at matatag ang kanilang buhay.

Sa pinaka-latest survey ng Social Weather Stations (SWS), 47 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na mag-
iimprove ang kanilang buhay ngayong taon. Positibo rin sila na magiging mas maganda ang ekonomiya
ng bansa ngayong taon at ito ang magi-ging daan para lalong umunlad ang kanilang buhay. Ito umano
ang pinakamataas na expectations (+ 40 pataas) na naitala mula noong Disyembre 2015.

Taun-taon ay ganito ang lumalabas sa survey pero nakagugulat na mas marami ngayon ang positibo na
mas magiging maganda pa ang uri ng kanilang pamumuhay ngayong taon. Nakagugulat na 4 percent
lamang ang nagpahayag na hindi raw uunlad ang buhay nila ngayong taon. Wala rin daw silang
nakikitang pagbabago.

Marahil ang isang dahilan kaya tumaas ang expectations nang maraming Pinoy na magkakaroon sila
nang magandang buhay ay dahil sa mga programang isasagawa ng pamahalaan ngayong taon. Una na
rito ang pagkakapasa ng TRAIN bill kung saan madagdagan ang take home pay ng mga manggagawa na
kumikita ng P150,000 bawat taon dahil wala na silang babayarang income tax. Mae-enjoy ng mga
karaniwang manggagawa ang kanilang suweldo.

Isa pa rin sa maaaring dahilan kaya positibo ang pananaw nang nakararaming Pinoy ngayong 2018 ay
dahil sa ginagawa ng pamahalaan na pagtugis sa mga corrupt na opisyal na lumulustay sa pondo ng
bayan. Kung malilipol ang mga corrupt sa pamaha-laan, wala nang magnanakaw sa perang mula sa
buwis at makikinabang na sila sa hatid na serbisyo nito.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/01/01/1773406/editoryal-


magandang-buhay#eplmmP86xACWHRIe.99
nanlilibang

You might also like