Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANTAS NG WIKA

1. PORMAL – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na
akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo,
eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa
ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na
binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal.

a. PAMBANSA - mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarilasa lahat ng mga
paaralan.
Halimbawa: asawa, anak, tahanan
b. PAMAPANITIKAN: ang pinakamataas na antas ng wika at ginagamit ng mga dalubhasa.
Karaniwang ginagamitan ito ng matalinghagang pananalita o idiyoma.
Halimbawa: kahati sa buhay
bunga ng pag-ibig
pusod ng pagmamahalan
2. DI-PORMAL – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga
pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga
panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp.
Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang
gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.
Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na
karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito
upang maiakma sa paggamit.

a. LALAWIGANIN- mga salita/pariralang ginagamit sa ilang probinsiya o lalawigan kung saan


Nakasanayan na nang gamitin ng mga mamamayan dito sa kanilang
pakikipagtalasatasan.
Halimbawa: Poon-Maykapal
naglalako-nagtitinda
b. KOLOKYAL- mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal ang
usapan.
Halimbawa: nasa’n –nasaan
sa’kin – sa akin
kelan – kalian
c. PABALBAL – ito ay mga Salitang lansangan at ginagamit kadalasan ng mga walang pinag-aralan kaya
sinasabing ito ang pinakamababang antas ng wika.
Halimbawa: paslit-bata
tsibugan-kainan

You might also like