Professional Documents
Culture Documents
Ap10modyul2mgaisyungpangekonomiyaaralin1and2 170918043418 PDF
Ap10modyul2mgaisyungpangekonomiyaaralin1and2 170918043418 PDF
Ap10modyul2mgaisyungpangekonomiyaaralin1and2 170918043418 PDF
ARALIN 1:
Globalisasyon :
Konsepto at ARALIN 2:
Anyo Mga Isyu sa
Paggawa
ARALIN 3:
Migrasyon
Sa modyul na ito ay inaasahang
matututuhan mo ang mga
sumusunod:
12. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang
obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa
Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians
bilang managers ng mga industriyang nabanggit.
A. Globalisasyon ng migrasyon
B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon
C. Peminisasyon ng globalisasyon
D. Migration transition
13. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga
“perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na
aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang
mga malalaking industriya
20. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Nearshoring
B. Offshoring
C. Onshoring
D. Inshoring
ARALIN 1: Globalisasyon:
Konsepto at Perspektibo
Mahalagang maunawaan na hindi lamang ang kapaligiran ang patuloy na
nagbabago kundi maging ang takbo ng lipunan na kinabibilangan ng bawat
isa. At isa sa mga pagbabagong ito ay tinatawag na globalisasyon.
Matutunghayan sa araling ito ang paksang globalisasyon. Halina’t suriin at
unawain ang mga kaugnay na konsepto nito. Makatutulong sa iyo ang mga
gawain upang lubusang maunawaan ang mga esensyal na kaisipan
patungkol sa globalisasyon. Halina at simulan ang pagsusuri nito.
Gawain 2. D&D (Dyad Dapat)
Pumili ng kapareha at basahin ang katanungan sa ibaba. Sagutin ang kahong
itinakda sa inyo bago pagsamahin ang mga ideya. Samantala, ang dalawang
kahong nasa gawing ibaba ay sasagutan sa ibang bahagi ng aralin.
Binabati kita! Nagawa mong makapagbahagi ng mga
paunang kaisipan tungkol sa globalisasyon. Panahon na
upang paunlarin ang iyong kaalaman tungkol sa paksang
ito. Sa puntong ito ay nagtatapos ang bahagi ng Alamin.
Makatutulong ang paggamit ng iyong dating kaalaman sa
pagsasagawa ng mga gawain sa bahagi ng PAUNLARIN.
Thomas Friedman
ay higit na ‘malawak, mabilis, mura, at
malalim’. ‘The World is Flat (2006)
• ‘Any job- blue or white collar- that can be
broken down into a routine and
transformed into bits and bytes can now
be exported to other countries where
there is a rapidly increasing number of
highly educated knowledge workers who
will work for a small fraction of the salary
of a comparable American worker.’
• Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa
ekonomiya ng mga bansa. Matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, partikular sa nagdaang dalawang dekada, marami sa mga
bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya
na nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at
pamumuhunan.
Gamit ang kahulugan ng globalisasyon ay maaari tayong magbigay
ng karagdagang mga tanong na makatutulong sa atin upang higit na
maunawaan ito.
Batay sa talahanayan, ano kaya ang implikasyon nito sa mga bansa kung
saan sila matatagpuan?
Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino firms building Asean
empires ng Philippine Daily Inquirer na nailathala noong Pebrero 9, 2017, ilan sa
mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino
tulad ng Jollibee, URC, Unilab, International Container Terminal Services Inc. at San
Miguel Corporation. Binigyang pansin dito ang halaga ng mga nasabing
korporasyon sa pamilihan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Ang mga penomenong ito ay nakabubuo ng mga bagong ideyang kultural na mabilis namang
naipalalaganap sa iba’t ibang panig ng mundo.
GLOBALISASYONG POLITIKAL
Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyokultural ay
ang paglakas ng globalisasyong politikal. Globalisasyong politikal na maituturing
ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging
ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
Tulad ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang mga kasunduang
bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa ay nagbigay daan sa epektibo at
episyenteng ugnayan ng mga bansa na nagdulot naman ng mabilis na palitan ng
mga produkto, ideya, kahusayang teknikal at maging ng migrasyon ng kani-
kanilang mamamayan.
Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South
Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga oportunidad pang-
ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig. Halimbawa nito ang economic
and technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas. Nariyan ang JICA Project
ng Japan, BEST Project ng Australia, military assistance ng US, at mga tulad nito.
Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga bansang
miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas maigting na
ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay daan sa mabilis na pag-angat ng
ekonomiya ng rehiyon. Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang kaanib nito ang
ASEAN Integration sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng
bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at
pagtutulungang politikal.
Kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga pandaigdigang
institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Ayon sa artikulo ni Prof. Randy David na
pinamagatang, ‘The Reality of Global pandaigdigang organisasyon tulad ng United
Nations, European Union, Amnesty International at mga tulad nito sa mga polisiya at
programang kinahaharap ng isang bansa.
May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang layunin nito ay
tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at
proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit maaari rin
itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang kanilang interes ang
bibigyang pansin.
Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal,
politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay na
nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa
buong mundo.
PAGHARAP SA HAMON NG GLOBALISASYON
May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang layunin nito
ay tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at
proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit maaari
rin itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang kanilang interes
ang bibigyang pansin.
Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal,
politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay na
nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa
buong mundo.
A. Sektor ng Agrikultura
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na
pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa
ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang
naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga
lokal na high class product na saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin na
nakalaan lamang para sa ibang bansa.
• Ang pagpasok ng bansa at ng mga nakalipas na administrasyon sa mga usapin at
kasunduan sa GATT, WTO, IMF-WB, at iba pang pandaigdigang institusyong
pinansyal ay lalong nagpalumpo sa mga lokal na magsasaka bunsod ng
pagpasok ng mga lokal na produkto na naibebenta sa lokal na pamilihan ng mas
mura kumpara sa mga lokal na produktong agricultural. Batay sa ulat ng DOLE
(2016), mahigit 60% ng mga dayuhang produktong agrikultural sa loob ng
sampung taon (20062016) ay malayang nagiging bahagi sa mga lokal na
pamilihan.
• Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga lokal na magsasaka ay ang
kakulangan para sa mga patubig, suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na
ayuda lalo na kapag may mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng
pagbagyo, tagtuyot, at iba pa. Bunsod ng globalisasyon ang pamahalaan ay
nagbigay pahintulot sa pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng
mga subdibisyon, malls, at iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga
pabrika, pagawaan, at bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs.
• Ang paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa simula dekada 80’s at sa
pagpapalit-palit ng administrasyon hanggang kasalukuyan, nagpatuloy rin ang
paglaganap ng iba’t ibang industriya sa bansa. Kasabay nito ang patuloy na
pagliit ng lupaing agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan.
telecommunikasyon,
B. Sektor ng Industriya
Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs at iba pang
dayuhang kompanya ay setor ng industriya bunsod din ng mga naging kasunduan
ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansyal. Katulad ng mga
imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa mga kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa.
Pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import liberalizations, tax incentives sa mga
TNCs, deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at pagsasapribado ng mga
pampublikong serbisyo.
• Isa sa mga halimbawa ng industriya na naapektuhan ng globalisasyon ay ang
malayang pagpapasok ng mga kompanya at mamumuhunan sa industriya ng
konstruksiyon, telekomunikasyon, beverages, mining, at enerhiya na kung saan
karamihan sa mga kaugnay na industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa.
Bunsod nito ang mga pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili,
pagtanggap, at pasahod sa mga manggagawa ay naayon sa kanilang mga
pamantayan at polisiya.
telecommunikasyon,
C. Sektor ng Serbisyo
Ang sektor ng serbisyo ay masasabing may pinakamalaking bahagdan na
maraming naempleyong manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon
(DOLE, 20062016). Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawa sa
sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino. Saklaw ng sektor
na ito ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang pakyawan at
pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo,
business processing outsourcing (BPO), at edukasyon.
• Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak
nito na makakarating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Bunga ng
isinagawang patataya ng APEC (2016) ay kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa
“emerging and developing countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng
serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi nito ay ang mababang pasahod sa mga
manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga mamumuhunan, tax
incentives.
• Ngunit kaakibat nito ang samu’t saring suliranin tulad ng over-worked, mga
sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa
sa BPO dahil na rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho.
Iskemang Subcontracting
Bunsod din ng globalisasyon mas naging mabilis ang pagdating ng mga
dayuhang namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kumpetisyon sa hanay ng
mga dayuhan at lokal na kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas
nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa at hindi na naiwasang
mapalaganap ang iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa na naging
malaking hamon sa pagpapaangat ng antas ng pamumuhay ng uring manggagawa.
• Ito ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal)
ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin
ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. May dalawang umiiral
na anyo ng subcontracting ito ay ang:
Ang Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang
sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok
niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng
kompaya;
Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan
para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang
ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain
ng kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil
naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho.
Unemployment and Underemployment