Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Biography

Parang kailan lang, isa lang akong batang walang kamuwang- muwang. Tanging problema lang ay ang
grade sa eskwelahan. Masaya na sa simpleng laruan. Naaalala ko dati, lagi akong pinapatulog ng lolo ko ng tanghali
kahit hindi naman ako inaantok. Kapag nakahanap ng tiyempo ay tatakas ako. Paguwi ko ng bahay, isang malakas
na palo ng tsinelas ang dadampi sa puwet ko. Pagdating ng hapon inaabangan na namin ng mga kapatid ko ang
paborito naming cartoons na si Doraemon at Voltes 5. Nagmamaktol kami kapag inilipat na ni lolo sa balita ang
palabas. Pero wala kaming magawa dahil isa lamang kaming bata.

Kapag walang pasok ay maghapon ako sa galaan. Kasama ang aking mga kaibigan. Maglalaro kami ng
walang kapaguran. Daig pa namin ang mga nakawalang kabayo sa kulungan sa tuwing naglalaro kami ng mataya-
taya at langit lupa. O kaya naman ay ang mga naglulundagang tipaklong kapag nagteten- twenty at chinese garter
kami. Kanya kanya rin kaming hanap ng bato kapag nagpipiko kami at step no. At kahit pagod na sa kakailag ay
nagbabatuhang bola pa rin kami hanggang hating gabi. Madalas din kaming maligo sa ulan, at lalo na mas Masaya
kapag baha dahil nagswiswimming kami minsan nga sumisisid pa kami sa baha hahahaha, umakyat sa puno ng
Aratilis at manghuli ng tutubi. Araw- araw ay puno ng ingay namin ang palaruan.Tawanan, kulitan, kantyawan,
kwentuhan at walang sawang asaran.

Dati masaya na ako sa limang piso. Mabibili ko na naman ang paborito kong pompoms at cherry balls.
Nangangaroling din kami kapag malapit na ang Pasko. Gamit ang tambol at mga pinitpit na tansan. Sa gitna pa nga
ng palaruan kami nagbibilangan ng aming napangarolingan. Tuwing Bagong Taon naman ay pinupukpok namin ang
mga kaldero at planggana kapag alas dose na.Tapos ay sabay sabay kaming magkakapatid na magsisindi ng lusis at
isusulat ang pangalan namin sa semento. Kaya naman excited ako sa tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon.

Noon akala ko alam ko na ang lahat. Mahilig akong makisali sa usapan ng mga matatanda. Naiinis ako
kapag pinapaalis nila ako. Dahil nga bata lang daw ako at walang alam sa mundo. Kaya nga gusto ko na agad lumaki
eh.

Mabilis na lumipas ang mga taon. Hindi ko namalayan malaki na ako ngayon. Napapangiti na lang ako sa
tuwing maalala ko ang mga sandali ng minsan ako’y naging isang bata. Mga ala- alang hindi ko malilimutan
kailanman. Narealize ko ring kay sarap palang maging isang bata. Kung maibabalik ko lang ang oras at panahon.
Pero ang lahat ay alaala na lamang ng nagdaang kahapon.

Autobiography

1. ANNA PATRICIA RELOCANO


-DON’T ASK. LET ME HUG YOU! MISS YOU PAT.

2. HAZELMARIE HELARDINO
-You make me happy 

3. GENINA TAN
-I’m much more educated in lending because of you.

4. Prinsezaj
-You are always there when I need you. You even makes me smile when I’m sad and
put’s me up when I’m down that is why you are my friend.

5. CELENE JOY ANCHETA


-You made me feel that even your face the hardship it is not the end of the world …Even
fate can’t break the wall of friendship we made. And you always remember me that if
everything goes wrong there’s always you that will make me feel that somehow there’s
right thing in very wrong thing happened.

6. Joy ENCARNACION
-You are so intelligent and hardworking I miss you pat.

7. Sheryl Sol Tagle


-You make me happy and strong when im down, And also you always there for me.

8. ROSELILY SIMANGAN
-You always there to help me in my works you’re so very patience to me.

9. Jessie Boy Botero


-You’re so very helpful person to other’s.

10. Jannette Aquino


-You always there when I need a lending application.

11. Alex Dizon


-You are not a Back Fighter ..You are true person

12. Lord Aclado


-You’re so kind sir pat and you also brave.

13. Melisa Tamblique


-a good brother to me and hardworking for our family even when our mother was pass
way you’re so very strong.
14. Carmina Tamblique
-You’re so kind to my daughter

15. Rhizalina Pineda


-your so kind cousin to me/us .

You might also like