Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Noong unang panahon sa malayong reyno ng Berbanya,

mapayapa at masayang namumuhay ang mga mamamayan nito


na di nakakakilala ng ligalig. Ito ay utang ng lahat sa mabuting
pamamalakad ng mabait na Haring Fernando at ng kanyang
butihing maybahay na si Reyna Veleriana.
Tatlong makikisig na binata ang kanilang mga anak na kapwa
lugod ang mga kanilang puso. Isa sa kanila ang nakatadhanang
magmana ng setro at korona ng kaharian ng Berbanya.
Si Don Pedro ang panganay sa tatlo, at siya ay naniniguro na siya
ang magiging tagapagmana ng korona. Malakas siya, matikas at
kinagugulatan ng lahat sa paghawak ng espada. Sumunod sa
panganay ay si Don Diego, ang binatang taring kung turingan,
malilikot ang mga mata at tunay na mabilis sa mga dalaga. Siya’y
mahusay din sa espada. At ang bunso ay si Don Juan na
bagama’y mahiyain at may katangiang mababang-loob ay tunay
na kaakit-akit at itinitibok ng puso ng mga kadalagahan sa buong
sakop ng kaharian.

Nang makita nilang wala ng lakas at halos hindi na humihinga si


Don Juan, kinuha nila ang Ibong Adarna. Iniwan ng dalawa ang
inaasahan nilang mamamatay na si Don Juan at matulin silang
nagbalik sa kaharian ng Berbanya.
Isang mabunying pagsalubong ang
inukol ng mamamayan ng reyno ng Berbanya sa dalawang
animo’y mga bayaning nagbalik. Ngunit pagdating nila doon ay
lulugo-lugo na ang ibon at ayaw nitong umawit. Sinabi ng Ibong
Adarna na aawit lamang siya sa harap ng tunay na nakahuli sa
kanya, at ito ay si Don Juan na binugbog ng dalawang kapatid na
prinsipe.

Si Don Juan naman ang sumubok magpatihulog sa


balon. Narating niya ang pinakamababang bahagi ng balon at
kinalag niya ang tali upang siya ay maglakad. Namangha siya sa
pook na kanyang nakita at nabighani nang makita niya si Donya
Juana. Iniligtas niya ito mula sa kamay ng higanteng
nagbabantay dito. Hinikayat niyang umalis na si Donya Juana,
ngunit nag-atubili itong umalis sa dahilan na hindi niya maiiwan
ang kanyang bunsong kapatid na si Donya Leonora na hawak
naman ng isang serpiyenteng mabagsik na may pitong ulo. Sa
palasyo nagpunta sina Don Juan at Donya Juana. Namangha din
si Don Juan sa kagandahan ni Donya Leonora. Natalo ni
Don Juan ang serpiyente. Dahil sa pagmamadali ay naiwan ni
Donya Leonora ang kanyang singsing na diyamante at ang nadala
lang niya ay ang kanyang alagang hayop na lobo.
Agad tinalian ni Don Juan sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora
para mai-akyat palabas ng balon. Hinila naman nina Don Pedro at
Don Diego ang lubid pataas. Nagkagusto kaagad si Don Pedro
kay Donya Leonora sa una pa lamang pagkakita dito. Paalis na
sila nang maalala ni Donya Leonora ang naiwan niyang singsing
na diyamante. Nagkusang-loob si Don Juan na kunin ang
singsing. Muli siyang bumababa sa balon, ngunit sampung dipa
pa lamang siyang nakakababa ay agad nang pinutol ni Don Pedro
ang lubid.
Nalungkot ng labis si Donya Leonora sa nangyari kay
Don Juan. Nang sila ay aalis na, pinagbilinan niya ang kanyang
alagang hayop na lobo na tulungan nito si
Don Juan. Nakarating ng maayos sina Don Pedro, Don Diego,
Donya Juana at Donya Leonora sa kaharian ng Berbanya. Ikinasal
si Don Diego kay Donya Juana samantalang si Don Pedro naman
ay nabigo ang pag-ibig kay Donya Leonora.
Nakarating ang lobo sa kinaroroonan ni Don Juan at ginamot nito
si Don Juan. Kinuha ni Don Juan ang singsing ni Donya Leonora
at umuwi na ito pabalik ng Berbanya. Sa paglalakad ni Don Juan,
siya ay napagod. Nagpahinga siya sa isang punongkahoy at
nakatulog. Siya namang pagdating ng Ibong Adarna, dumapo sa
puno at nagsimulang kumanta.
Ayon sa kanyang kanta, si Juan ay naaalala ni Donya
Leonora. Ngunit, mayroon pang mas maganda kay Donya
Leonora. Ito ay si Donya Maria Blanca na anak ni Haring
Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Si Donya Maria ay
maipagkakapuri ni Don Juan sa kanyang amang Haring Fernando,
sabi pa ng awit ng Ibong Adarna.

a kaharian naman ng Berbanya ay nagdadalamhati si


Donya Leonora sa tila patay na si Don Juan dahil sa tagal ng
pagkakawala nito.
Samantala, si Don Juan ay limang buwan nang naglalakbay. Sa
kanyang paglalakbay ay nakita niya ang isang ermitanyo na
hanggang baywang ang balbas. Binigyan ni Don Juan ang
matanda ng kapirasong damit. Nagulat ang ermitanyo pagkakita sa
damit, sabay sinabi nitong, Hesus na Panginoon ko, isang galak
ko na itong pagkakita sa baro Mo.
Ipinaliwanag ni Don Juan sa ermitanyo kung anong dahilan at siya
naparoon sa lugar na iyon. Ayon sa kanya, hinahanap niya ang
kaharian ng Delos Cristal, ngunit wala naman nakakaalam kung
saan ito. Sinabi ng ermitanyo na magpunta siya sa ikapitong
bundok na kinaroroonan ng isang matandang ermitanyo at doo'y
magtanong.
Nang makarating na siya sa matandang ermitanyo, tinanong niya
kung saan makikita ang kaharian ng
Delos Cristal. Ngunit hindi din alam nito kung saan matatagpuan
iyon. Kaya’t tinanong ng ermitanyo ang kanyang mga alagang
ibon at isang agila. Sinabi ng agila kung saan matatagpuan ang
kaharian. Laking tuwa ni Don Juan dahil makikita na niya ang
kaharian ng Delos Cristal at higit sa lahat si Donya Maria Blanca
na may higit na kagandahan.

You might also like