Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

FILIPINO 10: SYMPOSIUM

ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA

IKA-ANIM NA PANGKAT

Alagon, Maryon Caleb P.

Alipio, John Rafael S.

Madrigal, Raphael Iñigo L.

Cam, Nhicole R.

Cosme, Agatha Jade S.

Escober, Trisha R.

Galupo, Jeraldine S.

Jervoso, Ezra Claire D.

FILIPINO 10

ALADIN SILVESTRE

Learning Facilitator
I. PAGPAPAKILALA NG AKDA

A. PANANAW

Bilang Mambabasa:

Bilang isang mambabasa, mahalaga para sa atin kapag tayo’y

nagbabasa ng isang kwento, ay ang magandang panimula katulad

nalamang sa kuwento ng “Ang Parabula ng Sampung Dalaga” sa

kuwentong ito, makukuha talaga ang atensyon ng mga mambabasa, dahil

nagbigay agad ng mga katotohanan tungkol sa ikinagawian ng mga tauhan

sa kuwento. Ang kuwentong ito ay naglalaman ng simple ngunit

makahulugang mensahe, na kakailanganin natin sa ating buhay. Isa sa mga

mensaheng nandito ay ang mga salita ng Diyos na kung saan, ginawang

instrumento ang parabulang ito para mas lalong maipahatid ng maayos ang

gustong iparating ng manunulat.

Sa karagdagan, ang akdang ito ay hindi tulad ng pang karaniwang

istorya na gaya ng nakakagisnan natin ngayon, kung hindi, akda na kung

saan kailangan natin pahalagahan at bigyang pansin lalo na ng nakararami.

Ito’y nagbibigay aral sa ating lahat, lalong lalo na sa impormasyon na

nangyari noong mga sinaunang panahon. Sa mga parabulang ito ay may

iba’t ibang uri o aral na kapupulutan na puwedeng gawing gabay sa ating

buhay, dahil ang mga parabulang ito ay kanila ng naranasan at gustong


ibahagi sa atin para ito’y makatulong sa atin sa darating na panahon.

Aminin natin na kung hindi dahil sa mga parabula o kuwentong ito ay hindi

natin malalaman o mabibigyan ng ideya kung ano o sino ba tayo noon. Kaya

napakahalaga sa atin ang ganitong impormasyon o parabula dahil dito din

makakakuha ng mga salita ng Diyos.

“Ang Parabula ng Sampung Dalaga” ay isang parabulang

kapupulutan ng aral at pagbabago sa tao. Hindi man naipagpatuloy ang

dating nakagisnan, bagamat nakakapag bigay alam pa ito sa atin kung ano

ba talaga dati ang ginagawa ng mga hudyo, kung ano ba ang nangyayari

dati na kung kaya’t ang ibang tao ngayo’y sinusunod pa din ito. Dahil ang

istoryang ito ay nagbibigay ng daan upang mapaintindi pa lalo sa atin ang

malalim na ipinahahatid ng Bibliya. Kaya’t katulad na lamang ng isang

parabulang ito ay talagang makakatulong para sa mga kabataang hindi

masyado lingid sa kanilang kaalaman ang mga ganitong kasaysayan. Ang

mga parabulang ito’y hindi dapat ikinawawalang bahala, kung hindi dahil ito

ang nakakapag-patunay kung ano ba talaga o kung saan ba talaga tayo

nagsimula.
Bilang Manunulat:

Mahalaga bilang isang manunulat para ika’y makagawa ng sariling

kwento ay ang pagkakagawa ng isang agaw-pansin na panimula. Hindi

madali ang paggawa ng isang kuwento lalo na kung ika’y bago pa lamang

sa karanasang ito, dahil dito malalaman kung paano mo maayos na

mailalahad ang iyong gustong iparating para sa iyong mambabasa.

Mahalaga din sa isang manunulat ang kung paano mo makukuha ang

atensyon ng iyong mambabasa, kailangan mong mag isip ng isang

magandang panimula para sa iyong kuwento para malaman ng iyong

mambabasa na ang iyong kuwento ay kapupulutan ng aral.

Base sa “Ang Parabula ng Sampung Dalaga” na hango sa

ebanghelyo na si Mateo 25: 1-15 sa bibliya. Karamihan sa mga tao ngayon

ay hindi na nagbabasa ng ganitong kuwento, maaring dahil mas

naeengganyo sila sa mga pocket books, o di kaya sa mga librong may

temang pantasya at marami pang iba. Na hindi tulad nang parabulang ito

na nagtataglay ng malalim na mensahe para sa ating mga mambabasa na

kung saan idinaan sa isang kuwento o parabula para mas lalo nating

maintindihang mabuti. Ang salita ng Diyos ay napakahalaga para sa ating

pang araw-araw na pamumuhay, hindi man natin ito minsang nabibigyan

ng pansin ngunit ito’y mahalaga, dahil dito natin malalaman kung ano ang

nangyari o aral na mapupulot natin sa Bibliya, kung paano gustong ipahatid


ng Diyos ang nais niyang sabihin sa atin, kung papaano niya mapapagbago

ang mga tao sa sanlibutan kahit siya ay nasa kaitaasan.

Kaya bilang isang manunulat ng parabulang ito, masasabi ko na ito

ay mahirap dahil iisipin dapat natin kung papaano mauunawaan ng

mambabasa ang ating ipinahahatid sa kanila. Kung papaano ang mga

prosesong ginagawa noong unang panahon sa ngayon, kung ano ang

kasaysayan noong mga panahon ng mga hudyo. Kaya para sa manunulat,

kailangan din nilang malaman ang mga kasaysayan o kailangan nilang pag

aralan upang ang kanilang ginagawa ay magiging maayos at

magkakatugma. Ang salita ng Diyos ay dapat nating pahalagahan,

pagyamanin, at higit sa lahat isa puso natin. Dahil hindi natin ito

mauunawaan kung hindi natin binubuksan ng buong puso ang ating isipan.
B. BACKGROUND AT KALAGAYAN NG MANUNULAT

Ang Parabula ng Sampung Dalaga ay isang parabula na nag mula

sa Bibliya. Ito ay matatagpuan sa libro ni Mateo, ika-25 na kabanata, ika-1

hanggang 13 berso. Ang parabulang ito ay maihahalintulad sa paghahari

ng Diyos sa mga araw na iyon. Mga araw na kung saan ay nag hihintay sila

sa kaniyang pag babalik. Mga araw na kanilang pinag hahandaan at

inaabangan.

Ayon sa Bibliya, Si Mateo ay isa sa mga 12 disipolo ni Hesus at

kabilang din sa apat na ebanghelyo. Siya rin ang unang manunulat ng

Panibagong Tipan ng Bibliya. Si Mateo ay ipinanganak sa Palestine noong

unang siglo. Bukod sa pagpapakalat ng salita ng Diyos, siya ay

nagtatrabaho bilang isang taga-singil ng buwis. Siya ang Santong Patron

ng pangongolekta ng buwis at mga tagapagturo. Ang pista ni Mateo ay

karaniwang idinaraos tuwing ika-21 ng Septyembre.

Ang layunin ng parabula’ng ito ay ang maipahayag ang mensahe ng

Diyos. Mensahe na nagsasabing “Kayo ay maghanda, sapagkat hindi niyo

alam ang araw o oras ng aking pag dating”. Ang limang hangal na dalaga

sa parabola ay may ihahalintulad sa mga taong hindi nag handa o hindi

sapat ang preperasyon para sa pag dating ng Diyos. Sa huli ang limang ito

ay luhaan dahil sa hindi sapat na paghahanda.


C. MAIKLING BUOD

Isang malaking kasalan ang nangyayari tulad ng nakagawian ng mga

Hudyo sa bayan ng Israel. Maringal at Malaki ang kasalan. Maraming

proseso at mahabang panahon ang paghahanda ng pamilya ng binata at

ng dalagang ikakasal. Kasunod ng pinag - usapan ang mga detalye ng

kasalan ay ang kasunduan ay lumayo muna ang binata upang maihanda

ang kanilang magiging tahanan ng dalaga. Halos isang taon ang

pagkakalayong ito na sumubok din sa katatagan ng pagmamahalan ng

binata at dalaga sa isat-isa. Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang

ginaganap sa gabi o madaling araw. Nang sumapit na ang gabing

pinanabikan ng lahat. Nagpunta muna ang lalaking ikakasal sa tahanan

ng kanyang kasintahan upang siya ay sunduin at saka sila tutuloy sa

tahanan ng lalaki upang idaos ang maringal na kasal.

Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay may sampung dalagang

may dala- dalang lampara ang itinalagang maghihintay sa pagdating ng

lalaking ikakasal. Ang lima sa mga dalagang ito ay maitatawag na

matatalino dahil inaasahan na nilang maaring maantala ang pagdating ng

ikakasal kaya’t nagdala sila ng sobrang langis para sa ganitong

pangyayari upang hindi sila maubusan kakahintay sa lalaking ikakasal.

Ang lima naman ay maitatawag na hangal sapagkat nagdala nga sila ng


lampara ay hindi naman sila nagbaon ng ekstrang langis. Naghintay nang

naghintay ang mga dalaga subalit gabi na ay wala parin ang lalaking

ikakasal kung kaya’t nakatulog sila kakahintay rito.

Pagkasapit ng madaling araw, narinig nila na parating na ang lalaking

ikakasal. Agad bumangon at inihanda nila ang kanilang lampara at

humilera upang maging handa sa paparating na ikakasal. Subalit

naubusan ng langis ang lampara ng mga hangal. Sinubukan nilang

humingi sa matatalino ngunit sila'y hindi nabigyan. Ang mga hangal ay

umalis upang bumili ng langis. Nang dumating ang ikakasal, wala sila.

Pagkadating ng lalaking ikakasal ay sumunod na ang matatalinong dalaga

at saka isinara ang pinto. Kaugalian na kasi noong tanging ang mga taong

nasa labas pagdating ng ikakasal ang papapasukin upang maiwasang

makapasok ang mga taong hindi namn imbitado at hindi kilala ng ikakasal.

Pagkadating ng mga dalaga ay nakita nila na ang pintuan ay sarado na.

Sila'y nagmaka-awa upang sila'y pagbuksan ngunit huli na ang lahat. Ang

kaharian ng langit ay maihahanlintulad sa parabulang ito. Kinakailangan

nating maghanda at magbantay, sapagkat hindi natin alam ang araw o

ang oras man ng kanyang muling pagparito.


D. MAIKLING PANIMULA NA MAKAKAKUHA NG ATENSYON NG

MAMBABASA

Ayon sa akda, may isang malaking kasalan ang pinaghandaan.

Tulad ng mga kagawian ng mga Hudyo sa isang bayan sa Israel. Ito ay

maringal at magarbo na kasalan. Mahaba ang panahon na ginugugol para

sa paghahanda. Sinasabing nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo

ng ama ng binata at ng dalagang ikakasal na sinundan ng pagtanggap ng

dalaga sa panunuyo ng kanyang mangingibig.

Kasunod nito ay ang paguusap tungkol sa mga detalye ng kasalan.

Kung saan ito maaaring ganapin, ano-ano ang mga paghahandang

maaaring idagdag para sa kasal, at kung magkano ang tinatawag nilang

dote o ang bigay-kayang ipagkakaloob sa dalaga. Nang matapos ang lahat

ng kasunduan sa pagitan ng binata at dalga, ang binata ay lumayo muna

upang maihanda ang kanilang magiging tahanan. Mahigit isang taon ang

pagkakalayong ito na isang pagsubok din sa katatagan ng pag-ibig ng

binata sa dalaga.

Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi.

Noong dumating na ang panahon na pinanabikan ng lahat, sila rin ay

naghanda na rin. Darating na kasi ang binata mula sa paghahanda ng

kanilang tahanan. Ngunit pumunta muna ang binata sa tahanan ng kanyang


kasintahan upang siya’y sunduin. At saka sila tutuloy sa tahanan ng binate

upang duon idaos ang malakingt kasalan.

PATUNAY:

Sa panahon ng Bibliya, ang mga tao ay kasal sa murang edad, at

ang mga pag-aasawa ay karaniwang kinontrata sa loob ng magkabilang

angkan ng pamilya. Hindi kanais-nais na pakasalan ang isang babae mula

sa isang dayuhang lipi, baka ipakilala niya ang mga paniniwala at

kasanayan sa mga dayuhan. Bilang isang patakaran, inayos ng mga ama

ng dalawa ang tugma. Kumonsulta ang dalaga ngunit ang “pagtawag ng

dalaga at pagtatanong sa kanyang bibig” pagkatapos ng lahat ng mga

negosasyon ay pormal lamang. Sa mga panahong iyon ang isang ama ay

higit na nag-aalala tungkol sa kasal ng kanyang mga anak na lalaki kaysa

sa pag-aasawa ng kanyang mga anak na babae. Walang gastos na

nasangkot sa pagpapakasal sa isang anak na babae. Ang ama ay

nakatanggap na isang ‘dote’ para sa kanyang anak na babae samantalang

kailangan niyang magbigay ng isang ‘dote’ sa inaasahang biyenan ng

kanyang anak na lalaki nang pakasalan siya.

Ang “Mohar” ay orihinal na presyo ng pagbili ng ikakasal , at sa

gayon nauunawaan kung bakit ito binayaran ng ama ng lalaki sa ama ng


dalaga . Sa mga sinaunang araw, ang pag-aasawa ay hindi isang

kasunduan sa pagitan ng dalawang indibidwal, ngunit sa pagitan ng

dalawang pamilya. Ang bagong kasal ay karaniwang hindi nakakahanap ng

isang bagong bahay para sa kanyang sarili, ngunit sinakop ang isang sulok

sa bahay ng kanyang ama. Nakuha ang pamilya ng ikakasal na lalaki, at

nawalan ang pamilya ng ikakasal na dalaga, isang mahalagang miyembro

ng tumutulong sa lahat ng mga gawain sa bahay. Ito ay makatuwiran,

samakatuwid, ang ama ng lalaki ay dapat magbayad sa ama ng ikakasal

na katumbas ng kanyang halaga bilang isang kapaki-pakinabang na

miyembro ng pamilya. Ngunit sa paglipas ng panahon nawala ang ‘Mohar’

ng orihinal na kahulugan nito bilang isang presyo ng pagbili na ibinayad sa

ama para sa kanyang anak sa babae at ipinagpalagay ang kabuluhan ng

isang regalo sa malapit na kamag-anak ng ikakasal.

Hanggang sa huli sa Middle Ages, ang kasal ay binubuo ng

dalawang seremonya na minarkahan ng mga pagdiriwang sa dalawang

magkahiwalay na oras, na may pagitan. Una ay dumating ang betrothal

(erusin); at paglaon, ang kasal (nissuin). Sa kasalan ay ang babae ay legal

na kasal, kahit na siya ay nanatili pa rin sa bahay ng kanyang ama. Hindi

siya maaring kabilang sa ibang lalaki maliban kung siya ay hiwalay sa

kanyang asawa. Ang kasalan na ito ay sinundan nang dalhin ang

kasintahang babae sa bahay ang kasintahang lalaki , na kumuha ng aktwal


na pagmamay-ari niya. Karaniwan sa mga pag-aasawa ng mga Hudyo na

ayusin ng mga magulang, sa tulong ng isang tagagawa ng tugma, na kilala

bilang isang Yenta, at ang ilang mga ultra-Orthodox na komunidad ay

sinusunod pa rin ang kasanayan sa ngayon.

Kahit na inayos ang unyon, kailangan pa ring tanungin ng lalaki ang

ama ng ikakasal na babae para sa kamay ng kanyang anak na babae, at

upang masiguro ang makikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagbabayad

ng isang ‘dote’. Ang mga ritwal na nauugnay sa mga kasal ng mga Judio ay

nagsisimula sa sandaling ang isang mag-asawa ay nakikibahagi, na may

isang seremonya na kilala bilang ‘tena'im’. Ito ay mayroong pagputol ng

isang plato upang sumisimbolo sa pagkawasak ng mga templo sa

Jerusalem, bilang paalala na kahit sa gitna ng pagdiriwang ang mga Hudyo

ay nakakaramdam ng kalungkutan sa kanilang pagkawala. Ito ay isang

tema na paulit-ulit sa seremonya ng kanyang sarili sa pagputol ng baso.

Ang seksyon ng estilo ng New York Times ay kamakailan ay

nakabuo ng isang kakaibang kamangha-mangha na hangganan sa

pagkahumaling sa mga kasalan sa mga Hudyo. Ito ay lampas sa pag-uulat

lamang sa mga kasal ng mga Hudyo kasama ang iba pang mga kasalan na

nangyari. Ang seksyon ng estilo noong ika-10 ng Disyembre, taong 2017

ay mayroong isang pinalawig na artikulo tungkol sa tatlong mag-asawa na


naglakbay mula sa Israel upang magpakasal sa Temple Emanu-El sa

Manhattan. Isa pang binagong tradisyon ng Hudyo; na humahampas sa

isang baso (karaniwang nakabalot sa tela), pagkatapos ng unang halik ng

mag-asawa bilang mag-asawa. Sa kasal na nagaganap sa tekstong ito,

ipinapakita na kahit sa modernong panahon ay parte o ginagawa parin ng

mga Hudyo ang mga sinaunang tradisyon at maipagpatuloy pa ito sa

hinaharap.
II. NILALAMAN NG AKDA

A. KAGANDAHANG TAGLAY NG AKDA

Una sa lahat, bago tayo tumugon o pumunta sa isang okasyon, ay

kailangan natin maghanda tulad ng ginawa ng limang matatalinong babae

sa parabula. Kaya sila ay naturingang matatalino ay dahil sila ay maayos at

handang-handa, kung titignan, sa pagsalubong nila sa binata. Isipin muna

natin ang mga kalalabasan sa bawat aksyon na ating gagawin tulad ng

pagiisip ng limang matatalinong babae. Ang paghahanda ay isa sa

napakahalagang Gawain, ito ay maaaring magligtas ng ating buhay tulad

ng paghahanda sa paparating na mga kalamidad. Pagiging responsible ang

pagiging handa sa mga mahahalagang okasyon o pagbabalik-aral para sa

mga pagsusulit.

Tulad sa parabula, ang kanilang paghahanda sa mahalagang okasyon

ay pagsisimbolo din ng pagrespeto sa mga ikakasal, sila ay naghanda ng

isang taon para sa kanilang mahalagang araw. Sabi nga sa huling linya ng

parabula, “Ang ating Hari ay hindi natin alam kung kalian Siya muling

magparito, kaya panatilihin nating maging handa.” Talaga ngang mahalaga

na maging handa dahil maraming kasabihan at mga teorya na anumang

oras ay maaaring magparito ang ating Panginoon. Sa bawat oras ay palagi

kang handa at mabilis ka dapat tumugon o maghagilap ng mga kailangan


mo di tulad ng limang ‘hangal’ na sila ay naghintay lamang sa pagdating ng

binate at hindi nila naisip na maaaring maubos ang kanilang langis sa

kanilang lampara o ilawan. Unahin ang mahahalagang bagay, tapusin ang

mga dapat gawin. Isipin muna lahat bago pumunta sa isang okasyon kung

ano ang mga kailangan gawin at dalhin. Palging isipin ang kalalabasan ng

iyong bawat pagkilos o pagdedesisyon kung ito ba ay makakabuti o hindi

sa paligid at sarili natin.

B. EPEKTO NG KALAGAYAN SA KABUUAN

Ang mga parabula ay kalamitang makikita sa Bibiliya. At ang Bibliya

ay naglalaman ng mga berso, kabanata, at mga libro ng mga Ebanghelyo

ni Hesus. At ito ay ang mga Salita ng Diyos, kung kaya’t masasabi natin na

may epekto ito sa mga mambabasa. Bilang isang grupo, masasabi namin

na kami ay naapektuhan sa parabulang ito. Ng dahil sa mga mensahe at

mga simbolo na pinaparating ng parabulang ito, kami ay napaisip at inalala

ang ilan sa mga nangyari sa buhay namin.

Sa parabulang ito, makikita nating may limang matatalino at limang

‘hangal’. Ang limang matatalino dito ay sinisimbolo ang mga nananalig sa

ating Panginoon. Masasabi namin na kami ay nananampalataya sa ating

Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, inalala naming ang mga ilan sa mga
pangyayari sa buhay namin na nanalig kami sa Kanyang kapangyarihan.

Sa kabilang dako, Nandito naman ang limang ‘hangal’, sinisimbolo naman

nito ang mga nananampalataya ngunit hindi pinapahalagahan. Maaari natin

itong sabihin na nandito lamang siya kapag may kailangan sa Kanya.

Marahil, ang iba sa atin ay maaaring maapektuhan ng dahil sa

parabulang ito. Pinaparating kasi sa atin na dapat tayo ay laging handa sa

bawat pagsubok na maaaring dumating sa ating buhay. Tayo dapat ay

handa paring manalig sa Kanya kahit tayo ay maubusan ng pagasa. Huwag

tayo maging gahaman sa mga bagay na hinihingi lamang natin mula sa

Diyos. Dapat tayo ay lumilingon sa ating pinanggalingan. Ang parabulang

ito ay masasabi naming may napakalaking epekto nito sa lahat ng tao na

naniniwala sa ating Diyos, sa pangaraw-araw na buhay at sa ating mga

sarili.

C. ELEMENTO NA NAGPAPATIBAY SA MENSAHE

Sa “Ang Parabula ng Sampung Dalaga”, ginagamit ang patuloy na

pagbantay sa isang metaporiko na kahulugan. Na masasabi na dapat laging

handa para sa mga pagsubok nab aka dumating at laging may

pananampalataya. Sa metaporiko na ito, masasabi natin na ang lalaking

ikakasal ay ang gumanap kay Hesus. Masasabi ring ang kasal niya ay
simbolismo ng pagtanggap sa pananampalataya ng buo. At ang pagdating

nya ay ang pagsubok kung saan, hindi alam ang oras na mangyayari ito,

ngunit dapat handa ka pa rin sa pagdating niya.

Maaari mo rin dagdagan ang sentimentong ito, dahil sa kadahilanan

ng Sampung Dalaga. Sa kanilang sampu, lima sa kanila ay matalino at ang

lima pa ay mangmang. Maaari rin nating sabihin na matatalinong dalaga na

mayroong reserbang langis ay parang pananampalataya. Na sa mga

pagsubok na mararanasan, dapat laging may katapatan at

pananampalataya sa Diyos. At ang mga mangmang na dalaga na hindi

naghanda, ay ang mga taong hindi nagging tapat sa Diyos at hindi

nagpakita ng matinding pananampalataya.


D. BANGHAY

SIMULA

PANIMULANG PANGYAYARI; Isang malaking kasalan ang

inihahanda ng mga Hudyo sa bayan ng Israel. Ito ay pinaghandaan sa

mahabang panahon, ito’y nag simula sa pagkakasundo ng ama ng binata

at dalagang ikakasal. Kasunod na pinagusapan ang mga detalye, kung

saan gaganapin, ano ang mga gagawin at kung magkano ang ipagkakaloob

sa dalaga. Lumayo muna ang binata upang ihanda ang tahanan nila ng

dalaga. Halos isang taon din ang itinagal nito at dito masusubok ang

katatagan at pagmamahalan ng dalawa.

PATAAS NA AKSYON; Ang kasalan ng mga hudyo ay kadalasang

ginaganap tuwing gabi, at ng sumapit na nga ang araw ng kasalan, unang

sinundo ng binata ang dalaga sa kanyang tahanan at nagpunta sa tahanan

ng binata upang ipagpatuloy ang kasalan. Mayroon namang sampung

dalaga na maghihintay sa mga ikakasal.

GITNA

KASUKDULAN; Ang lima sa mga ito ay matatalino na nagdala ng

sobrang langis para sa kanilang ilawan. Ang lima naman ay mga hangal na

nagdala lamang ng saktong langis. Naghintay ang sampung dalaga, ngunit


sa katagalan ay sila’y naka tulog. Maghahating gabi na ay may nagsabing

malapit na ang ikakasal. Bumangon ang sampung dalaga at humilera sa

magkabilang gilid.

PABABANG AKSYON; Subalit, ang ilaw ng limang hangalna hangal

na dalaga ay aandap andap na. Dahil kasi ito sa matagal na paghihintay

kaya naubos ang mga langis sa ilawan ng mga dalaga. Kaya’t nanghingi

sila ng langis sa limang matatalinong dalaga, ngunit sabi nila, sapat na daw

ang langis nila para sa kanilang ilawan. Kaya’t lumabas ang limang hangal

na dalaga upang bumili ng langis sa tindahan.

WAKAS

WAKAS AT KATAPUSAN; Ngunit habang bumibili ang limang

dalaga ng langis, ay siya namang pagdating ng ikakasal. Kaya naman sila

ay nasaraduhan na ng pinto at hindi na pinapasok muli. Kaya, walang

nagawa ang limang dalaga kundi pagsisihan ang hindi nila paghahanda sa

pangyayaring ito.
E. SULIRANIN

Ang sampung dalaga ay binubuo ng limang ‘hangal’ at limang

matatalino. Nagkaroon ng isang magarbong kasalan sa kanilang baryo.

Ang limang matatalino ay nagdala ng ekstrang langis dahil alam nilang

posibleng mahuli sa pagdating ang binate. Ngunit ang limang ‘hangal’ ay

hindi ito inisip kaya’t wala silang dalang karagdagang langis. Sila ay

naghintay sa labas ng simbahan dahil hindi sila makakapasok ng simbahan

pag wala pa ang ikakasal.

Sa tagal ng kanilang paghihintay, ang lampara nila ay napupundi o

aandap-andap na. Ang limang matatalinong dalaga ay hindi binigay ang

kanilang sobrang langis dahil ito ay sapat lamang daw para sa kanilang

lima. Kaya’t umalis at bumili ng langis ang limang hangal. Sa kanilang

pagbalik mula sa tindahan ay siyang pagsara na ng pintuan ng simbahan.

Sila ay kumakatok at nagmamakaawang pumasok ngunit ang sabi sa kanila

ng binatang ikakasal, “Hindi ko kayo nakikilala.” Ang limang hangal ay

biguan at nagii-iyak na lamang sa labas ng pintuan at walang magawang

paraan.
III. PAGLALAGOM/PAGKABUO NG KONGKLUSYON

Ang akda o ang parabula na ito ay may magandang daloy ng istorya

sa tingin ng mambabasa at manunulat. Isa itong parabula na may

mensahe na ipinaparating sa atin galing sa ating panginoon. Ang

Parabula ng Sampung Dalaga ay makikita sa Bibliya, Libro ni Mateo, ika-

25 na kabanata, ika-1 hanggang 15 berso. Isa ito sa parte ng salita ng

ating Panginoon. At ang istoryang ito ay umiikot sa sampung dalaga na

nahahati sa limang matatalinong dalaga at limang ‘hangal’ o mangmang

na dalaga.

Sa istorya na ito ay may kasalang nagaganap at sasalubungin nila ang

ipinagisang dibdib sa harap ng tahanan ng lalaking ikakasal. Sila ay may

mga lampara o ilawan na nilalagyan ng langis upang ito ay magkaroon ng

dingas. Ang limang matatalino ay may reserbang langis dahil isinaisip nila

na posibleng matatagalan ang pagdating ng bagong ikinasal at ang limang

mangmang ay wala. Nang umandap-andap na ang ilawan ng sampung

dalaga ang limang matatalinong dalaga na may reserba ay di na

kailangang umalis para bumili ng langis dahil sila ay may dala na. Ngunit

ang limang 'hangal' ay napilitang bumili sa isang tindahan, ngunit sa

kasamaang palad, sila ay hindi na nakapasok sa selebrasyon dahil sila ay

nasaraduhan ng pinto.
Ang parabula ay kalamitang may kagandahang aral na nakapaloob, at

ang parabulang ito ay may magandang aral na nais iparating sa mga

mambabasa. Isa na rito ang pagiging handa sa bawat oras, dapat tayo ay

handa sa mga maaaring mangyari sa ating buhay, pagsubok man ito o

biyaya. May malaki ngang epekto ito sa lahat ng makakabasa ng akdang

ito. Maaaring mabuksan ang isipan nila tungkol sa pananampalataya at

katapatan sa ating Diyos. Dapat pa rin nating malagpasan ang kahit

anumang suliranin ng ating buhay dahil di nagbibigay ng suliranin sa atin

ang Panginoon na hindi natin kayang malutasan. Pinapatibay tayo ng

ating problema at binibigyan tayo ng leksyon, kasama natin ang Diyos sa

bawat suliranin kung kaya’t malalagpasan natin ito.

Hindi lamang ang aming grupo ang nagagalak para sa akdang ito, pati

rin ang aming mga kamag-aral at mga guro, dahil ito ay isang parabula na

may kapupulutang aral, maganda at malinaw na mensahe para sa lahat.

Dapat tayo ay may matinding pananampalataya sa bawat oras. Paulit-ulit

nating naririnig na dapat di tayo mawalan ng pag-asa at katapatan sa

bawat pagsubok, dahil dito sa mga katangian na ito natin maipapakita

kung gaaano tayo katatag at gano kalaki ang tiwala natin sa kanya, sa

Panginoon. Isa itong parabulang nagsasabi na dapat tayo ay laging

handa, wag tayong umasa sa mga bagay na sa una’y alam na natin na


hindi ito makakatulong sa pagkatao natin. Dapat ang mga pagsubok ay

hinaharap natin ng may tapang at katatagan, kasama ang Diyos.

You might also like