Professional Documents
Culture Documents
Report Dox
Report Dox
Report Dox
PANIMULA:
Ang aming paksang tatalakayin ngayon ay tungkol sa Developing
Instructional Materials in Language Teaching o Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo sa
Wika. Tatalakayin namin ang mga pananaw ng pagtuturo ng wika ayon sa mga Behaviorist at
sa mga makabagong pananaw , mga modelo ng pagtuturo ng wika. ang kahalagahan ng
Kagamitang Pampagtuturo, mga salik sa paghahanda ng kagamitan , mga modelong disenyo
ng kagamitang pampagtuturo ng wika, at mga isyu tungkol sa paghahanda ng kagamitang
pampagtuturo.
Sa mga nakaraang dekada, nagsimulang nagkaroon ng ibayong pansin sa
pangangailangan ng mga kagamitang panturo bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng
mga mag-aaral at upang magkaroon ng makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto.
Sa punto ng mga tradisyunal na pag-iisip, ang kagamitang panturo ay binubuo ayon sa
paniniwala na sa pagtuturo dapat magsimula sa malinaw na layunin at
pagtataya upang mataya kung balido ang layunin, nilalaman, at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Samakatuwid, ang pagtuturo noon ay nakatuon lamang sa ANO ang ituturo at PAANO ituturo.
Nakatuon pa rin ang pagtuturo sa mga tuntuning pangwika. Ito ay umaayon sa teorya ng mga
“Behaviorist Psychology of Learning,” na ang paniniwala sa pagtuturo at pagkatuto ng wika ay
“habit formation” na binubuo ng stimulus at response.
Sa bagong pananaw sa pagtuturo ng wika, nakatuong higit ang pansin sa
pagkalinang ng kakayahang komunikatibo kaysa sa kabatiran tungkol sa wika.
Ang kakayahang komunikatibo ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa
mga tiyak na pagkakataon.
Sa puntong ito, hindi natin makalilimutan ang ipinaliwanag ni Chomsky na
pagkakaiba ng COMPETENCE at PERFORMANCE. Ayon sa kanya, ang COMPETENCE ay
nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao, samantalang ang PERFORMANCE ay
ang kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan.
Samantala, pinaunlad naman nina Canale at Swain (1980) ang kakayahang
komunikatibo ni Chomsky. Para raw masabi na ang isang tao ay may kakayahang
komunikatibo sa isang wika kailangang tinataglay niya ang apat na elemento; linguistic o
grammatical competence, socio-linguistic competence, discourse competence, at strategic
competence. Ang linguistic competence ay kakayahang umunawa at makabuo ng mga
istruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Sa batayang ito, ipinakikita ng isang
tao ang kanyang kahusayan sa paglalapat ng tuntunin ng wika. Ikalawa, ang sociolinguistic
competence ay isang batayang interdisciplinary. Isinasaalang-alang ng isang tao ang ugnayan
ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-
uusapan. Isinasaalang-alang dito ang kontekstong sosyal ng isang wika. Ang ikatlo,
ang discourse competence ay kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng mga
napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang kahulugan. Ang
tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang taglay kapwa ng nag-
uusap, “world knowledge” ng mga nag-uusap at maging ng kaalamang lingwistika, istruktura at
diskurso, at kaalaman sa social setting. Ang panghuling elemento na strategic competence ay
tumutukoy sa mga estratehiya na ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga
imperpektong kaalaman natin sa wika.
Ipinakita rin ni Dell Hymes (Sining ng
Komunikasyong Filipino:Ikatlong Edisyon,2010) sa binuo niyang akronim na
SPEAKING ang kakayahang komunikatibo at ang mahalagang salik na sosyokultural at iba’t
ibang sangkap na dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng epektibong pagpapahayag.