Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANG-UGNAY - Ang Pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng

kaniyang pangalan ito ay nag-uugnay sa mga salita, sugnay, parirala o pangungusap


Ang Pang-ugnay ay tumutukoy sa mga salita na nagpapakita ng kaugnayan ng
dalawang yunit o bahagi sa isang pangungusap. Ito ay may tatlong uri gaya ng:

Pangatnig
Pang-angkop
Pang-ukol
Pangatnig
Ito ay ang mga salita na nag-uugnay sa dalawa o mga salita, parirala o sugnay sa
isang pangungusap.

Halimbawa ng mga pangatnig:

At pati nang bago habang upang sakali kaya kung


gayon
Halimbawang pangungusap (naka-italiko ang pangatnig):

Magbanat ka ng buto upang umunulad ang buhay ng pamilya mo.


Pumunta sila sa mall at namili ng mga ihahanda sa kaniyang blow out.
Pang-angkop
Ito ay ang mga kataga na nag-uugnay sa panuring at sa salitang tinuturingan nito.

Dalawang halimbawa ng pang-angkop:

Na Ng
Halimbawang pangungusap:

Isa siyang mapagmahal na ama.


Lagi siyang pumipili ng masarap na kainan dito.
Iyan lahat ang kaniyang maruruming damit.
Hindi ka na makakakita ng masunuring bata sa ngayon.

Pang-ukol
Ito ay ang mga salitang nag- uugnay sa isang pangangalan at sa iba pang salita sa
pangungusap.

Halimbawa:
Ng ni/nina kay/kina laban sa/kay ayon sa/kay para sa/kay

alinsunod sa/kay hinggil sa/kay tungkol sa/kay

Halimbawang pangungusap:

Alinsunod sa batas, hindi mo na siya puwedeng kasuhan dahil tapos na ang 10 taon.
Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa aking pamilya.

You might also like