Alamat NG Baboy

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Alamat ng baboy

NOONG UNANG panahon, walang baboy.

Naglipana na noon ang iba’t-ibang klase ng hayop sa balat ng lupa, pero wala ni isang umaatungal ng
“oink-oink!”

Nagsimula ang kuwento ng mga baboy sa buhay ng isang taong nagngangalang “Boy”.

Si Boy ay hitik sa talento, iba’t-ibang kakayahan at galing sa negosyo. Bukod dito, nabiyayaan din siya ng
kagandahang lalaki—matangkad, matipuno at tisoy. Ang mga ito ang ningas ng mabilis niyang pagyaman.

Idolo rin siya ng kanyang mga kababayan. Kung may magandang kaganapan, ito’y dahil kay Boy. Kung
may magandang balita, ito’y galing kay Boy. Kung may magandang pagkakakitaan, ito’y bunsod ng mga
negosyo ni Boy. Siya ang nagbibigay ng saya, galak at buhay sa kanilang bayan.

Ngunit isang gabi, isang bangungot ang nagbukas sa masaklap na kabanata ng buhay ni Boy.

Sa kanyang panaginip, nakita niya ang kanyang sarili na nakatali sa isang kawayan habang siya’y iniihaw.
Nagtatawanan ang mga tao habang pinapahiran nila ng sarsa ang kanyang katawan. Makaraan ang ilang
sandali, bigla siyang dinaluhong. Pinagkakagat ang kanyang mukha, tiyan at maging ang kanyang mga
hita.

Sarili niyang hiyaw ang gumising kay Boy na noo’y halos maligo na sa pawis.

Dali-daling siyang pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Habang siya’y umiinom, nabuo sa kanyang
isip ang posibleng mensahe ng kanyang bangungot—sisirain at papatayin siya ng kanyang mga kababayan
dahil sa inggit.

Kailangang mag-ingat siya’t huwag nang basta-basta magtitiwala sa ibang tao.

Simula noon, nag-iba na ang ugali ni Boy.

Hindi na siya nakikisalamuha sa mga tao. Kung may lumapit sa kanya, pinagmumura niya’t agad na
itinataboy. Madalang na rin siyang lumabas. Pinalagyan pa nga niya ng mataas na bakod ang kanyang
bahay. Naging mabagsik na rin siya sa kanyang mga kasambahay. Konting pagkakamali lang nila,
sinasaktan na niya ang mga ito.

Ubod na rin ng damot si Boy. Wala na ang dating takbuhan ng taumbayan. Bagamat nag-uumapaw ang
pagkain sa kanyang bahay at hitik sa bunga ang mga punongkahoy sa kanyang bakuran, walang ibang
taong maaring makinabang. Mas nanaisin pa ni Boy na sumakit ang kanyang tiyan sa sobrang kabusugan
kaysa hatian ang kanyang mga kapitbahay. Naniniwala siyang kapag pinakain niya ang ibang tao, tila
binibigyan niya ng lakas ang mga posibleng papatay sa kanya.

Sa bawat araw na magdaan, lalong tumitindi ang kasakiman ni Boy. Lalong umiitim ang kanyang puso. At
dahil ang pusong taglay ang hulmaan ng hitsura, tila nag-iiba na rin ang paningin ng mga tao sa kanya.

Kilabot na ang nararamdaman ng mga tao kay Boy. Tuwing natatanaw nila itong nakatayo sa kanyang
asotea, imbes na tao, isang pangit at matabang hayop ang kanilang nakikita. Bilugan ang mukha. Patulis
ang nguso. Mabalahibo. Palaging ngumunguya. Malimit humiyaw.

Ayaw na ng mga taong dumaan sa tapat ng bahay ni Boy. Pero hindi nila maiwasan dahil malapit ito sa
pangunahing kalsada ng bayan.
Isang araw, may kumatok sa pinto ni Boy.

Nagulantang siya dahil matagal na ring hindi siya tumatanggap ng bisita.

“Sino ‘yan? Anong kailangan mo?” sigaw ni Boy na noo’y nasa kanyang sala.

“Boy, si Pedro ‘to,” sagot ng kumatok. “Kararating ko lang mula sa lungsod.”

Si Pedro. Ang kanyang kababata. Ang kanyang matalik na kaibigan. Ang tapat niyang kasangga sa lahat
ng bagay. Mahigit limang taon na rin silang hindi nagkikita mula noong nagtrabaho si Pedro sa lungsod.
Kumislot sa kanyang puso ang pagkasabik sa isang kaibigan.

Tumakbo siya sa pintuan. Nabuhay ang ngiti sa kanyang mukha habang binubuksan niya ang pintuang
nabudburan ng kandado.

Ilang saglit pa, kaharap na niya si Pedro—ang kanyang tanging kaibigan.

Sa likod ni Pedro ay ilang kalalakihan. Mga pinuno ng kanilang bayan.

“Pe-Pedro,” halos pabulong na tinuran ni Boy. “Bakit mo sila kasama?”

“Boy,” nakangiting sumagot si Pedro. “Naparito kami upang patunayan sa kanila na mali ang mga tsismis.
Upang patunayan sa kanila na hindi ka naging halimaw. Na ikaw pa rin ang kaibigan kong magandang
lalaki!”

Hinarap ni Pedro ang mga kasama niya. “O ayan, mga kababayan! Napatunayan n’yong mali ang inyong
mga paratang.”

Nagbulungan ang mga kalalakihan. Hindi sila sang-ayon sa mga sinasabi ni Pedro. Sa katunayan,
nahihiwagaan sila kay Pedro. Bulag ba si Pedro? O nagkukunwari lang? Sa kanilang mga mata, isang
halimaw si Boy. Gumapang sa kanilang mukha ang takot.

“Pedro,” ani Boy. “Ano ba ang hitsura ko sa kanila? At ano ang hitsura ko sa’yo?”

Agad sumagot si Pedro. “Boy, ipinagpipilitan nila na nagbago na ang anyo mo. Isang halimaw daw ang
nakikita nila sa’yo. Pero hindi ko nakikita ‘yon. Ang nakikita ko sa’yo ay ang matalik kong kaibigan.”

Naguguluhan si Boy. Naalala niya ang kanyang bangungot. Tinitigan niya si Pedro. Nais niyang maniwala
sa kaibigan, subalit nanaig ang isang naglalagablab na poot sa kanyang puso.

“Pedro, isang kang traydor!” sigaw ni Boy. “Kasabwat ka nila! Ginamit mo lamang ang pagiging
magkaibigan natin para makapasok kayo dito sa bahay! Upang maisakatuparan ninyo ang pagpatay sa
akin! Upang maagaw ninyo ang aking mga kayamanan!”

Nanlilisik na ang mga mata ni Boy.

“Traydor!” Paulit-ulit itong isinisigaw ni Boy. Dumagundong ang kanyang boses.

Laking gulat ni Pedro sa mga sinabi ni Boy. Wala siyang alam na dahilan kung bakit ganito ang tawag sa
kanya ng kanyang kaibigan. Ilang ulit niyang tinangkang magsalita subalit nangibabaw ang mabagsik na
boses ni Boy. Hanggang sa tumambad sa kanyang paningin ang isang nakakakilabot na pangyayari.
Nagsimulang magbago ang anyo ng kanyang kaibigan.

Ang mukha ni Boy, biglang bumilog. Ang kanyang mga mata, naningkit. Ang kanyang nguso, tumulis.
Humaba ang kanyang mga tainga. Tinubuan siya ng mga matitigas na balahibo.
Nanginig ang laman ni Pedro sa kanyang nakikita. Subalit lalo pang tumitindi ang kanyang takot nang may
makita siyang kakaibang tumutubo sa buong katawan ni Boy.

“Boy” usal ni Pedro. “Tinutubuan ka ng taba, Boy. Taba, Boy!”

Halos mabaliw na si Pedro sa nasasaksihan. “Mga taba, Boy. Tinutubuan ka ng taba! Taba, Boy! Taba,
Boy! Taba, Boy! Ta-ba, Boy!”

Nakikita na din ito ni Boy sa kanyang sarili. Nararamdaman din niya ang pagpulupot ng mga taba sa
kanyang katawan. Sa kanyang mga paa. Sa kanyang mga braso. Sa kanyang tyan. Sa kanyang dibdib. Sa
kanyang leeg. Sa kanyang mukha. Mahapdi. Tila nilulunod siya ng matinding sakit sa katawan. Sumigaw
siya ng paglakas-lakas. Ang kanyang sigaw, hindi na boses tao. Boses ng isang halimaw!

Bago pa man makakilos ang mga kalalakihan sa kanyang harapan, nagtatakbo si Boy. Mabilis. Walang
direksyon. Malayo. Sa lugar na matatakasan niya ang mga tao. Ang mga taong maaring papatay sa kanya.

Mula noon, hindi na nakita pa sa bayan si Boy. Pero sa tuwing ikwine-kwento ng mga pinuno ang huling
pagkakataong nakita nila si Boy, hindi nila makalimutan ang mga tinuran ng kaibigan niyang si Pedro.

“Taba, Boy...Taba, Boy...Ta-ba, Boy...Ba, Boy...”