Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BUOD

SA
NOLI ME TANGERE
KABANATA 51: Mga Pagbabago

Si Linares ay balisa nang matanggap niya ang liham galing kay Donya Victorina na nagsasabi na sa loob ng
tatlong araw ay kailangan niyang malaman kung napatay na ba niya ang alperes o namatay na siya.
Dinagdagan ng donya na kapag hindi niya ginagawa ang hamon sa palugit niyang oras ay sasabihin niya
kay Kapitan Tiyago at Maria Clara na nagsisinungaling ang binata sa pagpunta nito sa kasiyahan ni
Heneral Arsenio Martinez gayon din na hindi sa bibigyan ng pera at kung matutupad niya ito ay gagawin
ng donya ang lahat ng hinihiling ng binata. Hindi rin tumatanggap ng dahilan, paumanhin at paliwanag
ang donya. Naaalala ni Linares noong siya ay mag-isang mamamasyal at marami ang gumugulo sa
kanyang isipan dahil kung hahamakin niya ang alperes ay hindi rin niya magiging amahin ang kura at si
Kapitan Tiyago. Pinagsisihan ni Linares ang paggagawa ng kasinungalingan dahil sa donya gayon din ang
pakikinig sa payo niya. Si Linares ay malungkot nang dumating si Padre Salvi ngunit ito’y ngumiti parin at
hanap ng kura si Kapitan Tiyago na sakto naman dumating kaya nagmano ang kapitan. Magkasunod na
pumasok sa silid ang tatlo at masaya nitong ibinalita ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol
sa pag-alis ng ekskomunyon kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpuri sa binata na ito’y kalugod-lugod
ngunit may kaunting kapusukan. Si Padre Damaso na lamang ang sagabal sa pagpapatawad ka Ibarra
ngunit kung si Maria Clara ang kakausap dito ay hindi makatatanggi ang pari. Narinig ni Maria Clara ang
pag-uusap na ito at nagtungo siya sa silid kasama si Victoria. Maya-maya’y dumating si Ibarra kasama si
Tiya Isabel habang nag-uusap sina Padre Salvi at Kapitan Tiyago. Binati niya ang Kapitan samantalang
yumukod naman kay Linares. Buong lugod naman na kumamay si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing
katatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpasalamat naman ang binata sa mga narinig. Ilang sandali
pa’y lumapit ito kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria Clara. Ayon kay Sinang ay
ipinasasabi raw ni Maria na limutin na lamang siya nito ngunit nais ni Ibarra na makausap ng sarilinan
ang kasintahan. Di nagtagal ay nagpaalam na at umalis na rin si Ibarra.

KABANATA 52 : Ang Mga Tao sa Libingan

Ang buwan na natatakapn ng ulap at malamig na simoy ng hangin na tumataboy sa mga alikabok at mga dahon
ang senyas na buwan na ng Disyembre na patungo sa libingan. Sa daan papunta sa pinto ng libingan ay may
tatlong anino na nakikipagusap tungkol kay Elias at Ibarra., Itinananong ng isa kung nakausap si Ibarra at ito’y
marahil na hindi itinanggi na si Ibarra ang nagpadala sa kanyang asawa upang ipagamot kay hindi nakatanggi sa
kilusan. May plano silang lusubin ang kumbento at gayon narin sa kuwartel. Dumating ang isang anino at
sumalubong ito na may wikang maghiwalay sila dahil may sumusunod sa kanya, sila rin ay tatanggap ng
sandata kinabukasan at sisigaw ng ‘Viva Don Crisostomo’. Umalis ang tatlong aninong magkakasama at
naiwan ang unang anino na naghihintay kung sinong sumusunod sa kanya sa pamamagitan ng pagtago sa
pintuan, dumating ang ikalawang anino at dahil umaambon noon ay nagtago rin ito sa uka ng pintuan kaya
nagkita ang dalawang anino. Nagwika ang unang anino na gusto niyang magkaroon ng pera at maglaro ng
baraha ng mga patay. Sumangyon ang ikalawang anino na tumugon na marami itong dalang baraha. Sila ay
pumusta sa sugal at kung sino ang matalo sa kanila ay aalis, kaya sila ay pumasok sa mga libingan upang
maglaro at humanap ng nitso. Ang isa ay kinuha ang baraha sa kanyang salakot at ang isa ay nagsindi ng
posporo. Nagkita si Elias at Lucas sa liwanag ng posporo. Sila ay sila ay naglaro hanggang sa natalo si Elias sa
alas ni Lucas. Umalis si Elias na hindi na walang salita. Tumunog ang simbahan makalipas ang ika-walo na
gabi na oras ng mga kaluluwa, Si Lucas ay hindi na nagsugal at nagdasal na lamang.
KABANATA 53: Ang Pagsulong ng isang Magandang Umaga

Mabilis ang impormasyon na kumalat tungkol sa maraming nasinding kandila sa libingan kagabi sa San Diego
na ibinalita ng mga manang sa San Francisco, Si Hermana Sepa na kasama sa grupong Cofradia ng Santisimo
Rosario na malayo ang tahanan ngunit narinig parin ang paghikbi at pagdadalamhati sa nasabing lugar.

Noong umaga, nagsermon ang kura tungkol sa purgatoryo. Sa kabilang banda, Si Pilosopo Tasyo ay nanghihina
at patuloy na lumalala ang sakit. Dinalaw siya ni Don Filipo, ngunit hindi alam ni Tasyo kung matutuwa ba siya
sa pagbibitiw ni Don Filipo sa tungkulin sa bayan at hindi rin dapat nakikipagtunggali sa mga guwardiya sibil.
Nagpaliwanag naman siya sa kataksilan ng Kapitan Heneral dahil pinakawalan niya kinabukasan ang mga sibil
na nahuli kahit walang pahintulot sa puno. Nagsalita naman si Pilosopo Tasyo na may magagawa siya kung
gugustuhin at kapag kumampi sa kanya ang taongbayan ay matutupad ang nais na balak na dapat niyang
samantalahin. Si Don Filipo naman ay walang lakas para ditto dahil sila ay isang grupo ng matatakutin. Si
Pilosopo Tasyo naman ay nagpaliwanag sa pagkakaiba ni Don Filipo kay Ibarra dahil si Ibarra ay kailangan
magtanim upang makisama at matuto sa tao, samantalang si Don Filipo ay tungkulin na magpakilos kaya
kailangan niya ng lakas at pagtulak para dito. Sa halip na ang kapitan ang kalabanin ay dapat ang mga taong
nagmamalabis sa kapangyarihan, nanggugulo sa bayan at di nagagampanan ang tungkulin, ang mga tao ay unti-
unting kakampi sa kanya dahil hindi na sila bulag tulad ng dati. Inisa-isa rin ni Pilosopo Tasyo kung papaano
gagawin ang pagsulong, sa unahan na siyang magtataguyod, ang nasa tagiliran na siyang napapadala at sa
hulihan ang napapahila. Nagsabi rin si Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-unlad ng Pilipinas na nasa hakbang ng
pakikipaglaban lalo na ang mga kabataan na walang inisip kundu manligaw at magsaya. Ang mga babae na
laging nasa simbahan kahit maraming tungkulin sa pamamamahay na dapat gawin at mga lalaki naman na
nagsisipag lang kapag ito ay nasusunod sa kagustuhan sa katawan, kaya ito ay nakakaapekto sa mga musmos pa
lamang at baka sila ay gayahin.

Si Don Filipo ay nagtanong kay Pilosopo Tasyo kung gusto niya ng gamot ngunit ito ay tumanggi dahil
mamamatay na daw siya kaya hindi niya kailangan ng gamot at ang maiiwang buhay ay kailangan. Sinabihan
din ng matanda si Don Filipo na dalawin siya dahil may mahalaga siya sasabihin sa binata.

KABANATA 54: Anumang Lihim ay Nabubunyag

Ang tunog ng kampana ay hudyat ng oras ng orasyon kaya tumitigil ang mga tao sa paglalakad at nagtatanggal
ng sombrero ang mga kalalakihan. Si Padre Salvi ay nakasumbrero nang tumungo sa alperes at nang makita siya
ng mga tao na nagdadasal, sila ay lumapit sa kanya upang humalik ngunit si Padre Salvi ay wala sa kaisipan at
hindi pinansin ang mga ito. Nang itoy ay makapunta ipinaalam ni Padre Salvi ang tungkol sa malaking panganib
dahil magkakaroon ng pag-aalsa na mangyayari ngayong gabi. Hindi naman makakalma ang alperes dahil sa
sinabi ng kura ay kumuha ng sableng, pinakalma siya ng kura at sinabi na mayroong babae na nagsabi sa kanya
tungkol sa nangyari. Ikwinento ni Padre Salvi ang pagsalaysay ng babae sa kumpisalan sa gagawin ng mga
rebelde sa ikawalo ng gabi, Si alperes ay nagsabi sa kura kung bakit ito hindi hulihin, ngunit ito ay tumanggi
dahil ito ay luklukan ng Diyos. Sa halip, nagbigay ng suhestyon ang kura na magpadala ng sibil sa kumbento na
hindi nakauniporme at sa palwa. Si alperes ay nagsabi na nawala ang patrolya sa palwa ngunit ito ay
manghihingi ng tulong sa ibang pangkat. Nagpaalala naman ang kura na kailangan maging maingat upang hindi
sila mahalata sa binabalak. Samantala, si Elias ay pumunta sa bahay ni Ibarra upang makapaghatid ng mensahe,
ito ay ang pagtakas ni Ibarra dahil sa isang pag-aalsa ni binayaran upang lumusob at si Ibarra ang pinapakay na
lider ng mga ito. Iniutos ni Elias na sunugin ang mga papeles at bagay na makapagpapahamak kay Ibarra at wag
ng mag-aksaya ng panahon at tumakas agad dahil gagawin ang pag-aalsa ngayong araw. Naguguluhang
nagtanong si Ibarra kung saan siya tatakas at isa pa ay naghihintay rin si Maria Clara ngayong gabi. Ngunit
sinabi lang ni Elias na tumakas na ito sa ibang malalayong lugar tulad ng Maynila. Gusto sana ni Ibarra na siya
mismo ang magrereklamo sa pag-aalsa subalit ito ay pinag-aalanganan ni Elias dahil masasabihang taksil si
Ibarra. Si Elias ay unti-unting nagtimpi at nagiisip kung ano ang gagawin, Si Ibarra naman ay nagutos na
magpatungkol tungkol sa kanyang mga papeles at basahin ang lahat ng lagda upang maibukod sa mga sulat ng
kanyang ama. Habang naghahalungkat, Nagulantang si Elias dahil sa nakitang sulat at itinanong niya kung
nakilala ba ng pamilya ni Ibarra si “Don Pedro Eibarramendia” at kung ito ay Baskongado o Kastila galing sa
Alowa, Siya ay sumang-ayon at sinabi na ito ay nuno niya sa tuhod. Nagpasuntok nalang ni Elias ang kanyang
kamay sa ulo, sa galit ni Elias ay kinuwelyuhan niya si Ibarra na puno ng poot at ipinaliwanag na si Don Pedro
ang umapi sa ninunong lalaki ni Elias dahilan ng kanilang pagkamatay nito. Nagsalita din si Ibarra tungkol sa
mabuting kalagayan ni Ibarra na nabubuhay ng maayos at umiibig samantalang siya ay nagtitiis. Si Elias ay
nawalan ng kabaitan nang uamlis sa tahanan ni Ibarra.

KABANATA 64: Katapusan

Pumasok si Maria Clara sa kumbento at lumisan na si Padre Damaso sa San Diego papuntang Maynila upang
doon na tumira. Si Padre Salvi rin ay nasa Maynila na upang maging Obispo. Hindi nagtagal sa Maynila si
Padre Damaso dahil pinatawag siya ng Padre Provincial upang maging kura sa malayong lugar. Ito’y
idinamdam ni Padre Damaso kaya kinabukasan ay natagpuan itong patay sa kanyang kwarto. Si Kapitan Tiyago
naman ay namayat nang ipadala si Maria Clara sa mongha sa kumbento at ang Kapitan ay naging malungkutin
at laging may iniisip. Ipinadala rin ni Kapitan Tiyago si Tiya Isabel sa Malabon o sa San Diego dahil gusto
niyang mamuhay mag-isa. Siya ay walang inatupag kundi maglaro lang ng liam-po at magsabong ng walang
tigil. Kapg dapithapon siya ay maabutan sa tindahan ng Instik. Siya ay naninilaw, payat at malalim ang mata sa
bahay hithitan ng apyan. Si Donya Victorina naman ay may bagong ginagawa, ang pangungutsero sa karwahe at
hindi niya pinatrabaho si Tiburcio, lagi rin silang nag-aaway kaya laging kinukuha kay Tibucio ang pustiso
niya. Si Linares naman ay matagal nang namaalam at inilibing sa sementeryo ng Paco dahil sa sakit sa iti at
masamang pakikisama ng kanyang hipag na si Donya Victorina.Ang alperes ay lumisin na rin papuntang
espanya at iniwan si Donya Consolacion na laging naglalasing at nahihithit ng sigarilyo. Wala namang
nabalitaan kay Maria Clara at inakala ng iba ay namatay na siya at ang ilan ay sinabing nasa kumbento siya.

You might also like