Sanaysay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Sanaysay tungkol sa Filipino ang wika ng karunungan

Bakit nga ba ginagamit natin ang Wikang Filipino? Bakit nga ba ito ang ugat ng
karunungan nating mga Pilipino ? Sa sanaysay na ito malalaman natin ang gamit at
importansya nito sa ating mga Pilipino.

Ang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas, ginagamit natin ito sa pagkakaroon
ng mabisang komunikasyon sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Napakahalaga ng wikang
ito sapagkat ito ang pinakapangunahing instrumento nating mga Pilipino na
maipahayag ang ating damdamin, saloobin, kaisipan, opinyon at iba pa. Ang pagkatuto
ng Wikang Filipino ay isa rin sa instrumento upang tayo ay magkaintindihan at
makakalap ng mga impormasyon tungo sa maunlad na pagkakaisa.

Hindi lahat ng Pilipino ay may kakayahang gamitin ito sa mas malalim na paraan
pero maaari pa rin nating makasalamuha ang ating kapwa Pilipino dahil tayo ay nasa
modernong panahon, marami nang teknolohiya tulad ng telebisyon, radyo at mga social
networking sites na maaaring maging instrumento para sa mas madaliang pag-unawa sa
wikang ito.

Hindi tayo makakatuklas at makakagamit ng ibang wika hanggang sa hindi


natin lubusang tatanggapin ang sariling wika natin. Ang pagiging marunong sa Wikang
Filipino ay hindi lamang para sa ating komunikasyon kundi para rin sa ating ekonomiya.
Alam nating lahat na maraming turista sa ibang bansa ang pumupunta sa
Pilipinas para makita kung gaano kaganda ang ating bansa. Marami tayong
nakukuhang kaalaman sa kanila lalong-lalo na sa kanilang wika. Gayundin tayo,
natuturuan rin natin sila ng mga salita na isinalin sa Wikang Filipino at dahil dito mas
pinapatibay pa natin ang ating komunikasyon at relasyon sa kanila at higit sa lahat
naibabahagi natin ang ating kaalaman na nagbigay naman sa kanila ng karunungan sa
paggamit nito para sa mabisang komunikasyon.

Higit sa lahat, ginagamit natin ang wikang ito upang maipakita natin sa iba na
tayo ay Pillipino at tayo ay taas noo'ng pinagsisigawan na tayo ay mamamayan ng
bansang sinilangan. Ito ang nagpapaalala sa atin na sa kabila ng imperyalismo ng ibang
bansa sa panahon ng kanilang pananakop ay nanatili tayong tapat sa ating bansa
hanggang sa nakamit natin ang ating kalayaan. Ito rin ang nagpapaalala sa atin na dapat
nating respetuhin ang mga bayani ng bansa noong unang panahon na nag buwis ng
kanilang buhay para sa kalayaan natin. Ang kalayaang gawin ang nararapat sa ating
bansa at ang makamit ang karapatang pantao. Wikang naging instrumento sa
pagkakaroon ng magandang edukasyon at mabisang komunikasyon. Wikang
sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino. Wikang nagpapaunlad sa ating ekonomiya. Ang
Wikang Pambansa. Ito ang Wikang Filipino.
Ipinasa nila: Ricalyn Bitancor
Allana Marie Galeos
Trisha Amor Canadalla
Jessel Mae Hortel
Narel Bonotan
Apple Jane Anta
Justin Eleda
Almie Jane Romanillos

You might also like