Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BALITA

PANGKAT 1 – ALCARAZ

News Anchors: Soria & Ishikawa


Local News: Dela Torre
International News: Usaraga
Weather News: Abapo
Entertainment News: Mejares
Technical – Visual & Sound: Bongcaras
l e g e n d: (~); transition music, (+); intro music)

SORIA & ISHIKAWA: Sa ulo ng mga nagbabagang balita!


~
SORIA: *coughs* EXCUSE ME PO! #HandsOffSkimmers! UP community, mga netizen
dumepensa sa mga taga-UPV
~
ISHIKAWA: 51 kabataan, kritikal ang kondisyon pagkatapos ang isang chemical attack
sa China
~
SORIA: Bagyong Hagibis, hindi tuluyang maka-aabot sa lugar ng responsibilidad ng
Pilipinas
~
ISHIKAWA: at Gretchen at Marjorie Barreto, nag-away sa lamay ng kanilang ama
+
SORIA: Hello Philippines!
ISHIKAWA: Hello World!
SORIA: Live mula sa TSCI Network Center, ito ang
SORIA & ISHIKAWA: 24! Patrol~
ISHIKAWA: Kinundena ng mga organisasyon at konseho ng University of the
Philippines Visayas (UPV) ang “doxxing,” pangre-redtag, at pangha-harass.
SORIA: Ito ay natamo ng isang grupo na binatikos sa kanilang cheer ang mga polisiya
ng administrasyong Duterte. Nakatutok at nagpapatrol, Mark Precious Dela Torre.
~
DELA TORRE: Nag-viral sa Twitter ang parte ng cheer ng UPV Skimmers, isang
organisasyong pang-akademiko ng mga Communication and Media Studies major at
Literature major, sa taunang cheering competition sa pamantasan kung saan binatikos
ng grupo ang tila pagyuko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Dinibdib ng mga Diehard Duterte Supporter (DDS) ang pang-uuyam ng grupo na “Let’s
kill this President. Charot!”, kung kaya naglitawan ang pambabatikos at pagbabanta sa
mga ito.

Shinare din ni Mocha Uson ang video at tinanong sa caption ang “Let’s kill the President
daw? Yan na ba talaga ang tinuturo nila sa University of the Philippines ngayon?”

Agad namang dumepensa ang mga konseho at organisasyon ng UPV sa Skimmers.

**insert pic

“The University of the Philippines Visayas – University Student Council, along with the
Local College Councils and various student organizations in UP Visayas, strongly
condemn the blatant acts of doxxing and harassment targeting members of the
Skimmers academic organization, particularly its Governor and its Adviser,” saad sa
pahayag ng mga grupo sa Facebook.

“With the increased instances of redtagging by this oppressive state whenever the
University raises awareness and action on societal issues, we will not and will never
tolerate any kind of harassment or unjust behavior towards our constituents, whether we
are facing a single troll or the whole Duterte administration. We won’t let this go
unanswered,” giit pa nila.
Nabahala rin ang ilang grupo na na-take out of context ang isang linya sa higit 15-
minutong pagtatanghal ng UPV Skimmers.

Bukod dito, naging kampanya rin sa social media ang “#HandsOffSkimmers.”

**insert 2 tweets screenshots

Usisa ng iba, bakit ang UPV Skimmers tinitira, pero ayos lang marinig ang mga
pagbabanta ng Pangulo na patayin ang mga Pinoy.

Mark Precious Dela Torre nagbabalita, 24! Patrol~

SORIA: Mahigit sa 50 katao, karamihan sa mga bata, ang nasugatan.


ISHIKAWA: Ito ay dahilan sa pag-spray ng masamang kemikal na tinatawag na sodium
hydroxide sa isang kindergarten sa China. Nakatutok at nagpapatrol, Jyra Maria
Usaraga.
~
USARAGA: Ang suspek, isang 23 taong gulang na may apelyido na Kong, ay pumasok
sa kindergarten sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang pader bago mag-spray ng mga
biktima ng kemikal, sabi ng mga lokal na awtoridad sa Kaiyuan City, lalawigan ng
Yunnan.

Ang pag-atake ay naganap noong Lunes ng 3:35 ng hapon (0735 GMT), sinabi ng mga
awtoridad sa kanilang Twitter account.

Mayroong 51 mga bata at tatlong guro ang ipinasok sa ospital para sa pagpapagamot,
dalawa ang may "kritikal na kondisyon."

Inaresto ng pulisya si Kong ng wala pang isang oras pagkatapos ng pag-atake.

"Dahil diborsiyado ang kanyang mga magulang simula pa sa kanyang pagkabata, ang
kawalan ng pagmamahal galing sa pamilya ay nagresulta sa pagbaluktot ng sikolohikal
at mental na pag-iisip," sabi ng mga lokal na awtoridad, at idinagdag rin ang trabaho at
buhay ni Kong ay hindi rin kasiya-siya. Ang lahat ng ito ay lumikha ng isang
"pesimistikong pag-iisip at mga saloobin tungkol sa paghihiganti laban sa lipunan," sabi
nila.

Ang mga pulisya at gobyerno ay naglalayong iwasan ang mga ganitong pangyayari at
nagsumpang magpalahad ng iba't ibang mga programang magpapaunlad sa sikolohikal
at mental na pag-iisip ng tao. Jyra Maria Usaraga nagbabalita, 24! Patrol~
+

ADVERTISEMENT

+
ISHIKAWA: Ang bagyong Hagibis ay hindi malamang na makapasok sa lugar ng
responsibilidad (PAR) ng Pilipinas, sinabi ng state bureau PAGASA Miyerkules.
SORIA: Ang kaguluhan ng panahon, na kinakatawan ng Joint Typhoon Warning Center
(JTWC) bilang super typhoon, ay papunta sa Japan, pinipigilan ang Pilipinas mula sa
malakas na hangin at malakas na pag-ulan. Nakatutok at nagpapatrol, Ryan Angelo
Abapo.
~
ABAPO: Ang Hagibis ay humaharang sa buong hilagang-kanlurang Pasipiko at huling
nakita sa 2,020 (dalawang libo dalawampung)kilometro sa silangan ng hilagang Luzon,

Ito ay nag-iimpake ng pinakamataas na matagal na hangin na 200(dalawang daan)


kilometro bawat oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 245 (dalawang
daan apat naput limang kilometro bawat oras )kph.

Inaasahan si bagyong Hagibis ay pupunta sa hilagang-kanluran papalayo sa pilpinas


sa bilis na 20 (dalawampung kilometro bawat oras) kph, .

Nauna nang sinabi ng PAGASA na maaaring makapasok ang Hagibis sa PAR sa


Biyernes, sa puntong ito ay lokal na pinangalanan na "Perla."
Sa ibang usapan naman
Ang northeasterly na ibabaw ng daloy ng hangin ay kasalukuyang nananatili sa Luzon.

Makakaranas ang Bicol Region ng maulap na kalangitan na may kalat na mga pag-
ulan.

Samantala, ang Metro Manila at ang nalalabi sa bansa ay magkakaroon ng bahagyang


maulap na kalangitan na may mga nakahiwalay na pag-ulan dahil sa naisalokal na mga
bagyo.

Ryan Angelo Abapo nagbabalita, 24! Patrol~


SORIA: Sa balitang pang showbiz naman!
ISHIKAWA: Maaalalang nagkaengkuwentro ang Barretto sisters sa lamay ng kanilang
ama noong ika-15 ng Nobyembre, Martes ng gabi, na nataon pa sa oras kung kailan
dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte. Nakatutok at nagpapatrol, Haidee Mae
Mejares.
MEJARES: Napuno ng pagbati ang mag-asawa mula sa kani-kanilang pamilya, mga
kaibigan, mga katrabaho at maging sa mga fans para sa bagong malaking blessing at
hakbang sa buhay ng couple.
Matatandaang nagsalita si Gretchen na nagkaroon ng "nervous breakdown" ang
kaniyang kapatid na si Marjorie na siya namang agad na pinabulaan ni Marjorie at iginiit
na si Gretchen mismo ang nagkaroon ng "nervous breakdown" sa lamay ng kanilang
ama. Narito ang nangyari.

(live action)

Matapos ang usapan tungkol sa pag-aaway ng magkakapatid sa lamay ng ama, ika-2


ng Nobyembre ay agad din namang lumabas ang Instagram posts ni Claudine Barreto
patungkol sa sinasabing pagsubok na pananakit ni Marjorie sa kanilang ina na si
Estrella "Inday" Barreto kung saan ay agad din namang sinagot ni Marjorie matapos
mag-post sa kaniyang Instagram Story ang kanilang ina na si "Mommy Inday" na
nasaktan ito hinihinging huwag idamay ni Marjorie ang kaniyang pangalan.
Samantalang kamakailan din lamang, nakaraang linggo, Lunes, ika-4 ng Nobyembre ay
lumabas naman sa social media na kung saan ay ipinost ni Claudine Barreto sa
kanyang Instagram account ang isang litrato kasama ang kanyang kapatid na si
Gretchen at ang kanilang mommy Inday na nagmemerienda sa Via Mare na may
caption na "A beautiful afternoon".

Sa ngayon ay maraming mga netizens ang nag-aabang sa sinasabing "Tell All" ni


Marjorie Barreto kung saan ay doon niya isisiwalat ang lahat ng katotohanan laban sa
kanyang mga kapatid na si Gretchen at Claudine matapos niya itong sabihin sa isang
panayam.

Kung ano pa ang mga susunod na mangyayari ay aalamin natin sa mga susunod na
araw.

Haidz Mejares, nagbabalita para sa showbiz news updates. Ito ang Talk2 Lang Haha.
Balik sa inyo, Jai, Yume.

SORIA: At yan po ang mga balitang nakalap


sa mas malawak na pagpapatrol
ISHIKAWA: AT 42 DAYS NA LAMANG PO, PASKO NA!
SORIA: ITO ANG 24!
SORIA & ISHIKAWA: PATROL~
ISHIKAWA: WALANG KINIKILINGAN
SORIA: WALANG PINOPROTEKTAHAN
ISHIKAWA: WALANG KASINUNGALINGAN
SORIA: SERBISYONG TOTOO LAMANG.
SORIA & ISHIKAWA: MAGANDANG GABI, BAYAN!

(ADVERTISEMENT)

You might also like