Christian Fernandez Suring Basa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PANSANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD

HIGHWAY HILLS INTEGRATED SCHOOL


Kalye ng Calbayog, Lungsod ng Mandaluyong

“ANG MUNTING PRINSIPE”

SURING BASA

Ang Pananaliksik Ay Iprinisinta Kay

BB. JONALYN D. ILUMIN

Bilang Pagtupad Sa Isa Sa Mga Pangangailangan ng Asignaturang

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

IPRINISINTA NI:

Christian L. Fernandez
11-STEM A

PEBRERO 2020

1
TALAAN NG NILALAMAN

I. BUOD NG TEKSTO ………………………………………………………….... 3

II. PAGSUSURI SA PAMAGAT NG TEKSTO………………………………...... 4

III. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA……………………………………………. 4

IV. TEORYANG PAMPANITIKAN …………………………………………….... 5

V. PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TEKSTO …………………………….... 6

A. MGA TAUHAN …………………………………………………….............. 6


B. PAGSUSURI SA TAGPUAN………………………………………………. 6
C. DALOY NG PANGYAYARI………………………………………………. 7
D. MGA TAYUTAY O IDYOMA ……………………………………………. 8
E. PAKSA O TEMA ………………………………………………………....... 8
F. SIMBOLISMO…………………………………………………………….... 8

VI. BISANG PAMPANITIKAN………………………………………………….... 9

A. BISA SA ISIP ……………………………………………………........... 9


B. BISA SA DAMDAMIN …………………………………………........... 9
C. BISA SA KAASALAN ……………………………………………….... 9
D. BISA SA LIPUNAN……………………………………………............. 9

VII. PUNA AT REAKSYON……………………………………………………… 10

2
I. BUOD NG TEKSTO

Isang lalaki ang nangarap na maging isang sikat na pintor. Subalit ito ay napalitan ng isang

pangarap sa kadahilanang pinatigil siyang gumuhit at pinagsabihang magtuon na lamang sa

Heograpiya, Matematika, kasaysayan at wika. Siya ay naging isang piloto ng sasakyang

panghimpapawid. Nasira ang kanyang sasakyan sa isang disyerto sa Sahara. Sa kanyang

pagkukumpuni ng eroplano, kanyang nakita ang isang batang lalaki at may suot na prinsipe. Isang

bata na naligaw sa gitna ng disyerto. Marami itong naikwento tungkol sa kanyang buhay, sa

planetang kanyang tinitirahan, at sa planetang siya lamang ang nakatira. Maliit lamang ito. Halos

maiikot mo lamang ng isang minuto. Naikwento rin niya ang iba’t ibang taong kanyang

nakasalamuha nang siya’y maglakbay. Iba’t iba ang mga ito: may pag-uugaling kung minsan ay

masama o mabuti, may pag-uugaling nakasanayan nang gawin, ang iba ay seryoso, nakakalungkot

at nakawiwili. Naransan rin niyang mainggit sa ibang taong kanyang nakakasalamuha. Hanggang

isang araw na pag bisita sa isang planetang kakaiba sa kanya at sa iba pang planeta. Natagpuan

niya dito ang isang Heograpo. Isang Heograpo ngunit kakaiba ang gawain. Tinuro sa kanya ang

kagandahan ng buhay at paligid. Sa kanilang paglalakbay, napag-isipan ng piloto na bumalik sa

eroplano at ayusin ito. Habang nakaupo ang prinsipe sa ibabaw ng nakatayong pader, may isang

ahas ang dumating. Kinakaibigan niya ito subalit bigla itong tinuklaw. Sa kagustuhan man ng

piloto na iligtas ang kaibigang prinsipe, hindi naging madali ito. Namatay ang prinsipe subalit

itinatak ng piloto sa kanyang puso’t isipan na nagkaroon siya ng kaibigan na naging isang

tagapagpayo at maaalalahanin na nariyan lang at nakaalalay sa kanya kahit kailan.

3
II. PAGSUSURI SA PAMAGAT NG TEKSTO

Ang pamagat na “ang munting prinsipe” ay tumutukoy isang batang prinsipe nagmula

sa maliit na planeta. Karamihan ng ganitong bata ay matatagpuan sa panahon ng

monarkiya. Ang salitang “munting prinsipe” ay lalaking anak ng pamilya ng mga

maharlika, dugong bughaw at hari/reyna.

III. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA

Ang kumatha ng akda ay si Ginoong Antoine de Saint- Exupéry. Siya ay isang pranses

piloto at lumaban din noong ikalawang digmaang pandaigdig. Bukod sa kaniyang pagiging piloto

siya rin ay isang manunulat o awtor, isa na nga sa kaniyang naikathang akda ay ang The Little

Prince noong 1943. Sinasabing ang akdang ito ay inspired base sa kaniyang "plane crash" sa

disiyerto ng Sahara. Ang kaniya ring mga akda ay higit na naimpluwensiyahan ng kaniyang

pagpapalipad ng eroplano at ang mga karanasan niya rito. Ipinanganak si Antoine noong ika-19

ng Hunyo, 1900 sa Lyon, France. Nakapagtapos ng pag-aaral sa Sainte-Croix-du-Mans at sumubok

sumali sa Navy sa Switzerland. Siya’y nahirang bilang pambangsang bayani ng Pransya. Naging

isang piloto kasabay ng kanyang hilig sa pagsulat.

Si Antoine de Saint-Exupéry ay ipinanganak sa Lyon, France noong Hunyo 29, 1900.

Ipinanganak sa isang aristokratikong katolikong pamilya. Nauna siyang magpalipad ng eroplano

sa edad na labindalawa, natanggap niya ang kaniyang Pilot's Wings noong taong 1922, panahon

kung kailan din siyang magumpisang magsulat. Siya ay isang manunulat, manunula at piloto. Nag-

aral siya sa Villa St. Jean International School. Ang mga sumusunod ay kaniyang mga parangal na

nakamit: Légion d'honneur (1930,1939), Prix Femina (1929). Grand Prix du roman de l'Académie

française (1939), U.S. National Book Award (1940), Croix de guerre (1940), Prix des

Ambassadeurs (posthumous) at Croix de guerre avec palme (1944) (posthumous)

4
IV. TEORYANG PAMPANITIKAN

1. Romantisismo

Mailalapat ang teoryang romantisismo sa istorya. Makikita sa istorya ang

romantisismo dahil sa ugnayan at sa nararamdaman ng munting prinsipe para sa kanyang

rosas. Maaari din ito sa ugnayan ng alamid at ng munting prinsipe dahil gusto ng alamid

na mapaamo siya ng prinsipe.

2. Humanismo

Maiuugnay ang istorya sa teoryang humanismo. Makikita sa istorya ang humanismo dahil

tao ang sentro na ipinapakita at binibigyan tuon nito ang katangian, talino at kalakasan ng

pangunahing tauhan.

3. Sosyolohikal

Naipapakita ang kalagayan at suliraning panlipunan na kinabibilangan ng may-

akda.Nagkaroon ng suliraning panlipunan sa pagsabi ni Alamid na may mga baril at

nangangaso ang mga tao at sobra raw silang nakaliligalig kaya nagiging sanhi ito ng

kaguluhan sa kanilang lugar.

4. Saykolohikal/Sikolohikal

Naipapakita sa akda na ang tao ay nagbabago at nagkaroon ng panibagong behavior dahil

may udyok na mabago o mabuo ito.Ipinakita sa nobela na noong una ay ang akala niya na

magkakaparehas lang ang mga rosas na nakita niya sa hardin at ang rosas na pagmamay-

ari ng prinsipe ngunit sa huli ay nadiskubre niya na bukod-tangi ang kanyang rosas dahil

mas mahalaga ito sa kanya sapagkat siya ang dumilig sa kaniyang rosas,tinakpan ng

garapon,ikinulong sa pantabing,pinatay niya ang higad sa kanya,sapagkat pinapakinggan

niya ito lagi at dahil rosas niya ito.

5
V. PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TEKSTO

A. MGA TAUHAN

1. Ang munting prinsipe – ang pangunahing tauhan sa akda

2. Rosas – ang alaga ng munting prinsipe sa kanilang planeta

3. Alamid – ang hayop sa planetang earth na kinaibigan ng munting prinsipe at

nagturo sa kanya ng magandang aral

4. Piloto – Isang lalaki ang nangarap na maging isang sikat na pintor. Subalit ito

ay napalitan ng isang pangarap sa kadahilanang pinatigil siyang gumuhit at

pinagsabihang magtuon na lamang sa Heograpiya, Matematika, kasaysayan at

wika.

B. PAGSUSURI SA TAGPUAN

1. Sahara

“Nasira ang kanyang sasakyan sa isang disyerto sa Sahara”

2. Mundo/Planeta ng munting prinsipe

“Marami itong naikwento tungkol sa kanyang buhay, sa planetang kanyang

tinitirahan, at sa planetang siya lamang ang nakatira”

3. Ang hardin

“Siya ay naglakad sa isang daan hanggang siya ay makarating sa isang hardin.

Nagulat siya sa kaniyang nakita dahil akala niya na siya lamang ang may

ganoong uri ng bulaklak na rosas”

4. Bundok

“Ang munting prinsipe ay umakyat sa isang bundok na may bulkang abot

lamang sa kaniyang tuhod.”

6
C. DALOY NG PANGYAYARI

SIMULA

Ang simula ng kuwento ay nang magkakilala ang piloto at ang munting

prinsipe. Ang munting prinsipe ay naglakbay upang maghanap ng tupa para

mailigtas ang kanyang planeta, sa kanyang paglalakbay ay madami siyang

nakasalubong na nilalang.

GITNA

Natagpuan niya ang planeta na maraming tao at natuwa siya dahil

mahahanap niya na ang kailangan nya. Habang naglalakabay siya sa bundok

ay napunta siya sa hardin na mayroong maraming rosas na nagging sanhi

ng kanyang pagtataka dahil akala niya ay iisa lamang ang rosas sa buong

mundo ngunit hindi pala. Nalungkot at umiyak ang munting prinsipe at

sinabing “kung ganun ay isang karaniwang rosas lang pala ang aking rosas

na nasa planeta ko”.

WAKAS

Napaamo niya ang alamid at sinabi nito na bumalik siya sa hardin at

pagmasdan ang mga rosas, pagbalik ng munting prinsipe ay sinabi ng

alamid ang kanyang sikreto. Sinabi ng alamid, “ang pinakamahalagang

bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga, puso

lamang ang nakakakita”. Matapos ang araw na iyon ay nagpaalam na ang

munting prinsipe at muling bumalik sa kanilang planeta upang maalagaan

ang kanyang rosas kaya’t nagpaalam na siya sa piloto at sinabi siya ang

bituin kumikinang dahil lagi siyang ngingiti mula sa kanilang planeta.

7
D. MGA TAYUTAY O IDYOMA

 “Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat

ang tunay na halaga, puso lamang ang nakadarama o nakakakita”

Ito ay isang halimbawa ng tayutay na pagsasatao dahil sa salitang puso

lamang ang nakadarama o nakakakita.

E. PAKSA O TEMA

Ang lahat ng bagay ay may pakinabang, maliit man o malaki ito ay may

kadahilanan kaya ito ginawa. Lahat ng mga bagay na importante sa'yo at

nakapagpapasaya sa iyo ay iyong pangalagaan at ingatan dahil may panahong

kayo'y magkakahiwalay. Iparamdam mo sa iyong alaga na mahal mo siya dahil siya

ay iyong alaga at kakaiba siya sa lahat na mga bagay sa iyong paligid.

F. SIMBOLISMO

Rosas sa planeta ng munting prinsipe

Ang halaga na binibigay niya sa rosas ay hindi karaniwan o hindi matatagpuan sa

ibang rosas. Ang rosas ay sinisimbolo ng asawa ng may akda na si Consuelo de

Saint Exupery.

Pagkakaibigan ng Munting Prinsipe at Alamid

Sinisimbolo nito ang pagkakaisa na kahit magkakaiba tayo ng lahi ay maaari

tayong maging magkaibigan.

8
VI. BISANG PAMPANITIKAN

A. BISA SA ISIP

Nang aking mabasa ang akdang ito, natutunan kong pahalagahan ang ating

kaibigan dahil kahit sila ay maraming katulad bilang tao at kahit ilang libo pa

ang katulad niya ay siya ay iisa lamang sa ating puso dahil siya ang nakapagpa-

amo sa ating puso. Huwag natin isipin na hindi sila mahalaga dahil sila ay

karaniwan lamang bagkus ay itatak sa isip na ang halaga ay hindi nakikita ng

ating mga mata ngunit nararamdaman ng ating puso.

B. BISA SA DAMDAMIN

Matapos ko mabasa ito ay nakaramdam ako ng kaliwanagan at kasiyahan dahil

ipinarating ng akda sa akin na hindi natin nakikita ang halaga bagkus ang puso

lamang ang nakakakita nito.

C. BISA SA KAASALAN

Ang asal o aral na nakapagpabago sa aking pananaw ay ang alamid dahil siya

ay di hamak na mapanganib para sa munting prinsipe ngunit nagging kaibigan

niya ito. Itinuro niya sa akin na ang kahulugan ng kaibigan ay hindi dahil siya

iisa lamang sa buong mundo bagkus ang kaibigan ay iisa lamang sa ating puso.

D. BISA SA LIPUNAN

Maaari nating maiugnay sa lipunan ang istorya lalo na mga taong hinahanap

ang kahulugan ng pagkakaibigan sa lipunan. Ang lipunan ay binubuo ng mga

mamamayan na mayroong magkaka-pamilya, magkakaibigan at iba pa.

VII. PUNA AT REAKSYON

9
Magaan sa puso ang aral na pinahatid sa akin ng akdang ito dahil pinatunayan dito na

hindi karaniwan bawat indibiduwal kung may magtuturing sa kanila bilang espesyal na

nilalang. Nakakatuwa dahil kahit alam natin na mapanganib ang isang nilalang ay

sinusubukan pa din natin itong gawing kaibigan dahil ang kaibigan ay isa sa ating

makakasama sa hirap at ginhawa.

10
11

You might also like