Professional Documents
Culture Documents
EKOKRITISISMO
EKOKRITISISMO
EKOKRITISISMO
Kung gayon ayon kay Garrard, ang ekokritisismo ay “an avowedly political mode of
analysis, as the comparison with feminism and Marxism suggests. Ecocritics generally tie
their cultural analyses explicitly to a ‘green’ moral and political agenda.”
Ayon kay Santos, kaakitbat ng ekokritisismo ay ang mga sumusunod: ekotula,
ekopanulaan, ekomakata, ekofeminismo, at eko-sublime.
Si Honesto M. Pesimo, Jr. ang isa sa mga makatang Bikolano na binanggit ni Santos
sa kaniyang panayam. Heto ang isang tula ni Pesimo mula sa kaniyang librong Bagyo sa
Oktubre:
Hayagang sinasabi ng tula na tayo naman talagang mga tao ang dahilan kung bakit
mayroong pagbabago sa klima ng daigdig, kung bakit kahit tag-araw ay bigla na lamang
babagyo o bubuhos ang malakas na ulan. Hindi na nga natin alam ngayon kung kailan nag-
uumpisa at nagtatapos ang tag-ulan at tag-araw. Kung binabaha tayo nang bonggang-bongga
o walang pakundangan ang lakas ng mga sunod-sunod na bagyo, nagtataka pa tayo. Gamit
tayo nang gamit ng gasolina upang magkaroon ng tayo ng kuryente upang makapagbabad
tayo sa panonood ng TV at hindi na tayo mabubuhay kung wala tayong ref at ercon, mga
aplayanses na mapanira sa kalikasan. Gustong-gusto ko ang imahen ni Pesimo na
“nakikipagtalik sa aircon.” Napakatalas na paglalarawan ito sa halos manyakan na relasyon
natin sa teknolohiya na mapanira sa kapaligiran. Parang sex kaya nasasarapan tayo masyado
at naaadik na rito.
Ganito ang sinasabi sa kasabihang “kapag hangin ang itinanim, bagyo ang aanihin.”
Dahil ayaw ng taong isuko ang maluhong pamumuhay kahit na mapanira sa kapaligiran,
nasisira ang kapalagiran natin. At kapag mangyari ito (at nangyayari na nga), lahat naman
damay. Lalong nabubuko na tayong mga tao ay may pagkatanga o mga tanga na nga. Wala
tayong natutunan sa ating masasamang karanasan. Binaha ang malaking bahagi ng Metro
Manila noong 2009 dahil sa Bagyong Ondoy. Baha ito na pinalala ng mga basurang itinapon
natin sa mga ilog, estero, at kanal. Natuto ba tayo? Hindi. Tuloy pa rin ang pagtapon ng mga
plastik at iba pang di-nabubulok na bagay sa mga ilog, estero, at kanal. Pagkatapos kung
bumaha na naman, isisisi natin ito sa Diyos. Tatawagin nating “acts of God.”
Ang masaklap pa nito, ang mga mayaman lamang ang mahilig gumamit ng mga
bagay na itong nakakasira sa kalikasan. Ang mga mahirap, na marami sa kanila ni walang
bahay, ay nabibiktima rin ng abnormal na panahon. Sa larangang internasyonal, ang mga
mayayamang bansa katulad ng Estados Unidos ang mas mapanira ang lifestyle sa kalikasan.
Sa kapal ng mukha ng mga Amerikano, sila mismo ang ayaw pumirma sa internasyonal na
kasunduan na bawasan ang pagsusunog ng langis para maparahan ang pag-iinit ng mundo.
Sila ang kontrabida sa Earth Summit sa Copenhagen noong 2009.
Panahon na nga upang balikan natin sa paglikha at pag-aaral ng ating literatura ang
sagradong ugnayan nating mga tao sa kalikasan. Sa ganitong paraan lamang natin maisalba
ang ating sarili at ang ating pisikal na kalibutan.
•Tiningnan niya ang kalikasan bilang isang indibidwal na may sariling entidad at may
malaking papel sa akda.
•Tinitignan niya ang kagandahang dulot ng kalikasan.
•Binibigyang-tuon ang paglimi sa mga distraksyon o panganib dala ng tao sa kalikasan.
•Mga suliraning dala ng krisis pangkapaligiran.
•Sinusuri niya ang ugnayan at pagpapahalaga ng tao sa kalikasan.
Talasanggunian
https://www.google.com/search?rlz=1C1GGRV_enPH815PH815&q=TALAMBUHAY+NI+
HONESTO+M.+PESIMO+JR&spell=1&sa=X&ved=2ahUKEwje4vKwvqrnAhWsGqYKHe
1hD3EQBSgAegQIBxAm&biw=1360&bih=663