Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

QUIZ

1-6. Ano ano ang mga Uri ng Panghalip

Panghalip Patulad

Panghalip Panao

Panghalip Panaklaw

Panghalip Pananong

Panghalip Pamatlig

Panghalip Pamanggit

7-10. Magbigay ng mga Halimbawa ng Panghalip na Panao

ako (me), ko, akin (mine), amin, kami (we), kayo, atin, inyo, kita, kata, mo (you), siya (he/she), kanila (theirs), at
kanya (hers/his).

11-15. Magbigay ng mga Halimbawa ng Panghalip na Pamanggit

daw, raw, umano, diumano, ani, sa ganang akin/iyo.

16. Kilala ito sa wikang Ingles na demonstrative pronoun. Ito ay inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar
na kinalalagyan ng pangngalan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na pamatlig ang mga salitang ito, iyan,
iyon, nito, niyan, niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan, doon, narito, nariyan, at naroon.

Ans. Panghalip Pamatlig

17. ito ay inihahalili sa pangngalan sa paraang patanong. Maari itong isahan o maramihan. Ito ay kilalang
interrogative pronoun sa wikang Ingles. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ay
ang mga salitang ano (what), anu-ano, sino (who), sino-sino, nino, alin, at alin-alin.

Ans. Panghalip Pananong

18. ito ang panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan. Mula ito
sa salitang saklaw na may pahiwatig na pangsaklaw o pangsakop. Ilan sa mga halimbawa nito ang lahat,
madla, sinuman, alinman, anuman, pawang, saanman, ilan.

Ans. Panghalip Panaklaw

19. Mula ito sa salitang “tao”, kaya’t nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao”. Ito ay kilala rin sa Ingles
bilang personal pronoun. Panghalili ito sa ngalan ng tao at ila sa mga salitang halimbawa ng panghalip panao
ay ang ako (me), ko, akin (mine), amin, kami (we), kayo, atin, inyo, kita, kata, mo (you), siya (he/she), kanila
(theirs), at kanya (hers/his).

Ans. Panghalip Panao

20. ang panghalip na inihalili sa itinutulad na bagay. Nagpapakilala rin ito ng pagkakawangis ng dalawang
bagay.

Ans. Panghalip Patulad

You might also like