Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Urdaneta City University

1 San Vicente West, Urdaneta City


College of Teacher Education

Pangangailangan ng Panunuri at Kahalagahan ng Pagsusuri


Ang isang katha ay mananatiling karaniwang akda lamang ngunit kung ang mapanuring
mambabasa ay naglalahd ng maganda at kapaki-pakinabang na reaksyon, ang katha'y
nagiging kanais-nais at katanggap-tanggap.
Ang manunuri ay dapat na:
1. Magkaroon ng likas na kuru-kuro. Hindi siya nadadala ng kabantugan ng may-akda.
Kailangan din na bukod sa pagiging matatag ay maging tiyak din sa ginawang
pagpapahalaga o pamumuna.
2. Ang pinagdadaanan at kasalukuyang buhay ng may-akda ay kailangangmaliwanag sa
manunuri upang lubos niyang maabot ang mensahe, mga pangyayari at mga
damdaming taglay ng katha.
3. Ang manunuri ay kailangan maging tapat, nagtataglay siya ng obhektibong pananaw.
Ang pagsusuri ay proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas
maliliit na mga bahagi at upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkakaunawa
dito.

Kahalagahan ng Pagsusuri
1. Ang bunga ng pagsusuri ay ang pantay na paghuhusga sa akda na kung saan ang
mambabasa ay nakakalikom ay nakakalikom ng higit na kaalaman tungkol sa likhang
sining.
2. Naipaliliwanag sa pagbabasa ng mensahe ang layuning nakapaloob sa akda.
3. Magiging sandigan ng higit pang pagpapalawak at pagsulong ng manunulat at ng
panitikan.
4. Maging istilo ng manunulat ay natutuklasan sa pamamagitan ng pagsusuri.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan


1.) Ang Pagsusuri ng akda ay dapat may katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob
ang damdamin.
2.) Sa Pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o
balangkas ng lahok.
3.) Sa Pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan
ang wika at organisado ang paglalahad.
4.) Sa Pagsusuri ng tula, ang pananatili sa pananagisag ng tula ay hindi dapat panaigin.
Ang katangian ng kakasining na tula ay ang sikad nang damdamin at lawak ng pangitain
nito.
5.) Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan
ng maka.
6.) Ang Pagsusuri ng akda ay kaylangang napapanahon, may matibay na naisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan.
7.) Ang susuriing akda ay kaylangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga
sangkap ng pagsulat.

Batayan ng Pagsusuri
- Ito ang nagbibigay ng dagdag kaalaman upang mas mapalawig ang iyong
bokabularyo.

Ang ilan sa kahalagahan at batayan ng pagsusuri ay:


1.) Akda- Sa pamamagitan ng pagsusuri ang akda ay mauunawaan ng guro kung may
naintindihan ba ang isang mag-aaral sa araling tinalakay nila. Ang batayan sa pagsusuri
sa isang akda ay banghay na dapat ay malayang mapahayag ng mag-aaral ang kwento
gamit ang mga elemento nito.
2.) Komunidad o Kalikasan- Sa pamamagitan ng pagsusuri sa isang komunidad ay
maiiwasan natin ang mga sakuna na maaaring mangyari. Ang batayan sa pagsusuri ng
isang komunidad ay maaaring weather forecasting, pagsasarbey at iba pa.
3.) Sitwasyon o Krimen- Sa pag susuri ng sitwasyon o krimen ay nareresolba natin ang
isang kaso o di- pagkakaunawaan. Dapat na magkaroon ng malawak na kaisipan kapag
nasa ganitong uri ka ng pagsusuri. Nararapat na isa-alang-alang mo ang isang maingat
na paghuhusga. Ang mga batayan sa pagsusuri ng ganitong sitwasyon ay ang mga
ebidensya at pahayag ng bawat isa.
4.) Sa sinasagotang papel- Mahalagang isuri natin ang ating sagot bago mantalapat sa
sinasagotang papel. Ang batayan sa pagsusuri nito ay ang natutunang kaalaman sa
talakayan.

MAPANURING PAGBASA

Mapanuring Pagbasa
 Ang Tekstong Akademiko ay nangangailangan ng maingat, aktibo, replektibo at
mapamaraang pagbasa. Makatutulong ang mga ito upang higit na maunawaan
ang binabasang akda.

1. Maingat dahil kailangang usisahin at busisiin ang mga ebidensiya at suriin kung
gaano kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka-haka lamang.
2. Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala ng anotasyong ginagawa ang
mambabasa upang maging malinaw ang ipinapahayag ng teksto.
3. Replektibo dahil nagbibigay katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga
kaalaman at sariling kaalaman ng mambabasa.
4. Maparaan dahil maaring gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang
mabuti ang teksto.
Mga Estratehiya

Skimming
 Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titignan ang mga
pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong
binabasa.
Brainstorming
 Ito ang kalayaan ng grupo upang makapagbigay ng input ang bawat miyembro at
magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto
Previewing
 Ang estratehiyang ito ay ang pasimpleng pagsilip sa nilalaman ng
introduksiyon, ang paggamit ng skiiming at pagtukoy sa sitwasyong
retorikal.
Contextualizing
 Ito ay ang pagsasaayos ng teksto sa paraang historical, biograpikal at nakabatay
sa kontekstong kultural.

Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay


ng Kahulugan (Context Clue)

Context Clue
 Pagsusuri sa mga salitaat pangungusap sa konteksto nito.
- Depinisyon - Contrastat
- Halimbawa - Muling pagbanggit
 Ito ay ang mga pahiwatig o palatandaan na nakikita sa pamamagitan ng
pagsusuri at pag-uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod na di-
kilalang salita.
1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na nakapaloob din sa
pangungusap.
Halimbawa:
 Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may
kalayaan ka sa pagkilos at pagsasalita.
2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita.
Halimbawa:
 Masugid si Renato na makatapos ng hayskul ngunit tila matamlay naman
ang kanyang amana tustusan siya dahil sa kakulangan ng salapi.

Balangkas ng Pagsusuri

May tatlong balangkas na maaaring gamitin sa pagsusuri sa mga akdang pampanitikan :


Balangkas A
Pamagat ng Akda:
May-akda: (Ilahad ang talambuhay kung may nalimbag)

Mga Tauhan: (Bigyang paglalarawan)

Buod o Lagom ng Katha: (maikli lamang)

Pagsusuri:

1. Panahong Kinabilangan
2. Sariling Puna
3. Gintong Kaisipan/Balyus na nakapaloob sa katha.
4. Mga Mungkahi ( kung mayroon upang lalong mapaganda at mapaunlad ang
katha).

Balangkas B

I. A. Pamagat ng Katha – May-akda


B. Sanggunian o aklat na Pinagkuhanan

II. Buod

III. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan
Pagbibigay ng uri at paliwanag tungkol dito (uri ng tula, uri ng dula, uri ng nobela atbp)

B. Istilo ng paglalahad
Paraan ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari.

C. Mga Tayutay

1. Mga halimbawa ng bawat tayutay na natagpuan sa kathang sinuri.

2. Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na hinalaw.

D. Sariling Reaksyon

1. Teoryang Pampanitikan

2. Mga Pansin at Puna

a. Mga Tauhan
b. Galaw ng Pangyayari

3. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

b. Bisa sa Damdamin

c. Bisa sa Kaasalan

d. Bisa sa Lipunan
Balangkas C

I. Sanligan

II. Buod

III. Kahulugan ng Pamagat

IV. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman

1. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan

2. Kulturang Pilipino

3. Pilosopiyang Pilipino

4. Simbolismong Pilipino

V. Pananalig/Teorya Pampanitikang Nakapaloob sa Akada


VI. Implikasyon

1. Kalagayang Panlipunan/Pambansa

2. Kalagayang Pangkabuhayan

3. Kalagayang Pansarili

Group 2
Oliver Arrieta
Remy Rose Mangaoang
Mus Merah Mae Tambaoan
Mark Chester Cerezo
Dexter Bumatay
Arlyn Orihines

You might also like