Professional Documents
Culture Documents
Ferdinand Marcos
Ferdinand Marcos
Ferdinand Marcos
Nasa puwesto
30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986
Nasa puwesto
12 Hunyo 1978 – 30 Hunyo 1981
Assemblyman
Nasa puwesto
12 Hunyo 1978 – 30 Hunyo 1981
Pansariling detalye
Honolulu, Hawaii,
Estados Unidos
Irene Marcos
Trabaho Tagapagtanggol
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang ika-
10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang
abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang
1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas
noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang
paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health
center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at
noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman,
ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino.
Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang
1969 kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan.[1] Nagkaroon din ng isang
pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na
mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan.
Ang NPA ay nabuo noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas
ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga
pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa
bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang
pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang
popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago.
Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido
Liberal sa Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang
sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos
upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke. Noong 23
Setyembre 1972 ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial Law at binuwag
ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng
Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973,
pinalitan ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay
nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas na pinagtibay noong 1976 na nagbibigay
sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng
1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at Punong
Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa
iangat ang Batas Militar.
Sa ilalim ng Batas Militar ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000 politikong oposisyon, mga
bumabatikos na mamamahayag at mga aktibista kabilang si Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Mula
1973, ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong negosyo at naging pag-aari
ni Marcos o ibinigay sa kanyang mga crony o kamag-anak.[2] Itinatag ni Marcos ang kapitalismong
crony at mga monopolyo sa mga mahahalagang industriya gaya ng buko, tabako, saging,
pagmamanupaktura, asukal at iba pa na nagbigay ng malaking pakinabang sa kanyang mga crony.
Si Marcos ay mabigat na umutang sa dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar noong mapatalsik si
Marcos noong Pebrero 1986 mula kaunti sa 2 bilyong dolyar noong maluklok si Marcos bilang
pangulo noong 1965.[3][4] Kanyang hinirang ang mga opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang
mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at
media.[2]
Ang mga hukumang sibilyan ay inalisan ni Marcos ng kapangyarihan at autonomiya.[2] Ang mga
sahod ng mamamayan ay nangalahati at ang pambansang sahod ng Pilipinas na hinahawakan
lamang ng pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay tumaas mula 27 % to
37%.[2] Ang kritiko ni Marcos na si Benigno Aquino, Jr. ay natagpuang nagkasala ng hukumang
militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan ni Marcos noong 1977 at hinatulan ng parusang
kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang nakabilanggo at pinili ni Aquino na
tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor na nag-atubiling masangkot sa
kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso ng Papa na dumalaw noong Pebrero
1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang rehime, inangat ni Marcos ang Martial law noong 17 Enero
1981 bagaman ang lahat ng mga kautusan at atas na inilabas noong Martial Law ay nanatiling may
bisa.
Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981 kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na
taong termino bilang pangulo. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas
noong 21 Agosto 1983 kung saan siya pinaslang sa ng paliparan na kalaunang tinawag na Ninoy
Aquino Intenational Airport. Natagpuan ng komisyong hinirang ni Marcos na ang sabawatang militar
ang nasa likod ng pagpaslang kay Ninoy ngunit mga nasangkot na kasapi ng militar kasama
si Fabian Ver ay pinawalang sala sa isang paglilitis ng pamahalaan ni Marcos.
Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong si Corazon Aquino na tumakbo sa 1986
snap election laban kay Marcos. Ang mga iniulat na pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986 halalan
at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile
at military vice-chief of staff Fidel Ramos. Ito ay humantong sa Himagsikang People Power na
nilahukan ng mula isang milyon hanggang 3 milyong katao noong 1986 dahil sa kawalan ng
pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamumuno ni Marcos. Ito ay nagtulak kay Ferdinand Marcos at
kanyang pamilya na lumikas sa Hawaii, Estados Unidos kung saan siya namatay noong 1989.
Sinasabing mula 5 bilyon hanggang 10 bilyong dolyar ang nakamkam ni Marcos mula sa kabang
yaman ng Pilipinas sa 20 taon niyang panunungkulan.[5][6] Ang mga 4 bilyong dolyar lamang ang
nagawang mabawi ng pamahalaan ng Pilipinas kabilang ang $684 milyon na itinago ni Marcos sa
mga Swiss bank account.[7]
Mga nilalaman
1Talambuhay
o 1.1Bilang isang sundalo
o 1.2Karera sa kongreso
1.2.1Kinatawan
1.2.2Senado
o 1.3Personal
2Bilang Pangulo ng Pilipinas
o 2.1Unang termino (1965–1969)
o 2.2Ikalawang termino (1969–1981)
2.2.1Ang pagbomba sa Liwasang Miranda
o 2.3Ang Saligang Batas ng 1973
o 2.4Punong Ministro
o 2.5Bagong Lipunan
o 2.6Ikatlong termino (1981–1986)
2.6.1Mga akusasyon ng korupsiyon at pagtatangkang impeachment kay Marcos
3Pagpapatalsik sa kapangyarihan
o 3.1Pagpaslang kay Ninoy Aquino
o 3.2Snap Election
o 3.3Himagsikang People power
o 3.4Dalawang inaugurasyon ng pangulo
o 3.5Paglisan ng pamilya Marcos mula Pilipinas tungo sa Hawaii
4Kamatayan
5Legasiya ng pamumuno ni Marcos
6Ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos (1965–1986)
o 6.1Kapitalismong crony at pagtatag ng mga monopolyo
o 6.2Kahirapan at hindi pantay na sahod
7Mga paglilitis laban sa pamilya Marcos
8Mga nabawing kayamanan ng pamilya Marcos
o 8.1Mga inaangking pinagmulan ng kayamanan ni Marcos
9Mga panlabas na kawing
10Mga sanggunian
30 Disyembre 1965- Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas.
Noong 30 Disyembre 1965, nanumpa si Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng
Republika ng Pilipinas.
North Luzon Expressway, isa sa mga proyektong imprastraktura sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.
Noong 1969, si Marcos ay muling naihalal bilang Pangulo ng Pilipinas para sa isa pang apat na
taong termino laban sa 11 mga kandidato. Ang halalang ito ay nabahiran ng malaking karahasan,
pagbili ng boto at pandaraya sa panig ni Marcos[21][22] at ginamit ni Marcos ang 50 milyong dolyar ng
kabang yaman ng Pilipinas upang pondohan ang kanyang kampanya.[23] Ang ikalawang termino ni
Marcos ay minarkhan ng kaguluhan sa ekonomiya na dulot ng mga parehong panloob at panlabas
na mga paktor. Noong 1969, ang Pilipinas ay nakaranas ng isang mas mataas na rate
ng implasyon at debaluwasyon ng piso. Sa karagdagan, ang pagbabawas ng mga bansang Arabo
ng produksiyon ng langis bilang tugon sa tulong sa Israel ng mga hukbong Kanluranin sa alitang
Arabo-Israel ay nagresulta sa mataas na mga presyo ng langis sa buong mundo. Sa panahong ito
nang ang mga imprastruktura ng Pilipinas gayundin ang mga pananim at mga sakahang hayop ay
nasalanta ng mga kadalasang natural na kalamidad at sinamahan ng mga panloob at panlabas na
pwersang ekonomiko na humantong sa walang kontrol na pagtaas ng mga presyo sa mga
pangunahing komoditad.
Noong 1969, ang New People's Army ay nagsagawa ng mga pananalakay, bumaling sa mga
pagdukot at lumahok sa iba't ibang mga insidenteng marahas na pumaslang sa 404 katao. Ang
karahasan sa pamayanan sa Mindanao ay humantong sa 100,000 refugee, pagsunog ng mga
bahay at kamatayan sa mga daan daang Kristiyano at Muslim sa Cotabato at Lanao. Ang karahasan
ay nakapagbigay pansin sa atensiyong internasyonal at simpatiya mula sa Organization of Islamic
Conference (OIC) gayundin ang ibang mga bansang Mulsim tulad ng Libya na nagbigay ng
pagsasanay militar at lohistika sa mga rebeldeng Moro. Ang sesesyonismong Muslim ang isa sa
mga dahilan sa pagdedeklara ni Marcos ng martial law. Noong 3 Marso 1970 nag-aklas ang mga
nagmamaneho ng pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang
tuligsain ang pangingikil ng mga pulis at upang hilinging pagtibayin ng lupon ng Palingkurang-Bayan
ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep. Noong Marso 23–24, 1970, ang mga estudyante
at mga pasahero ay nagdaos ng isang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep
at bus.
Ang mga estudyante ay nagkaroon ng sunod sunod na demonstrasyon na sa simula ay bilang
protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan ngunit hindi naglaon ay
humihiling ng mga reporma sa pamahalaan. Noong 26 Enero 1970, sa araw ng pagbubukas ng
regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na
pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas ng Kongreso
upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng isang Kumbensiyong
Konstitusyonal ng taong 1971 na humantong sa mga kaguluhan sa pagitan ng kapulisan at mga
estudyante. Noong 30 Enero 1971 sa tinaguriang "Labanan sa Mendiola" o "First Quarter Storm" o
Sigaw ng Unang Sikapat ay nagdaos ng panibagong demonstrasyon ang mga aktibistang
estudyante kung saan nasawi ang apat na demonstrador at maraming nasugatan. Ang mga
estudyante ay nagtungo sa Malacanang pagkatapos magtungo sa Kongreso at pinagpilitang
makapasok sa loob ng Malacanang. Naghagis sila ng mga pillbox at mga sariling-gawang bomba
(Molotov) sa bakuran ng Palasyo. Ito ay humantong sa isang labanan sa pagitan ng mga aktibistang
estudyante at bantay ng seguridad ng Malacanag na tumagal hanggang makalipas ng hatinggabi.
Nang sumunod na araw, ipinahayag ni Marcos sa radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa
Mendiola ay isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang kanyang pamahalaan.
Ang pagbomba sa Liwasang Miranda[baguhin | baguhin ang batayan]
Nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng rally ng pangangampanya sa Plaza Miranda sa Quiapo,
Maynila noong 21 Agosto 1971 na dinaluhan ng 4,000 katao upang ipakilala ang mga kandidato ng
Partido Liberal para sa Senado at mga kandidato para sa Maynila mula Punong-Lungsod hanggang
sa mga konsehal. Nang mag-iika-9:00 ng gabi, ang dalawang granada ay inihagis sa entablado at
magkasunod na sumabog. Malubhang nasugatan sina Jovito Salonga, Sergio Osmeña, Jr., John
Henry Osmeña, Senador Gerardo Roxas, Kinatawan Ramon Mitra, Ramon Bagatsing, Senador Eva
Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie Ilarde, Martin Isidro at iba pa. Siyam na katao ang nasawi kabilang
ang potograpo ng pahayagang Manila Times na si Ben Roxas at 95 na katao ang nasugatan. Sa
simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana nito ngunit makalipas ang ilang
taon ay idiniin ni Major General Victor Corpus si Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang
kilusan na Partido Komunista ng Pilipinas bilang may utak nito ngunit ito ay itinatanggi ni Sison.
Sinisi rin ni Marcos ang mga komunista sa balak na pagpapahina ng kanyang pamahalaan at ilang
oras pagkaraan ng pagpapasabog ay ipinalabas ng Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang
889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus. Noong 7 Enero 1972 ganap na binawi
ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus.Maling
banggit (Naawawala ang pansarang </ref> na para sa tatak na <ref> ); $2 Inamin
rin ng isang kasapi ng Klaseng '40 ng PMA na ang kanyang malapit na kamag-anak na isa sa mga
diputado ni Heneral Fabian Ver sa Presidential Security Unit ay nag-organisa sa ilang mga
pambobomba sa bansa upang hikayatin ang mga tao na may krisis ng kaguluhan at ang
demokrasya ay hindi gumagana.[24] Ang opiser na ito ay itinaas ni Marcos bilang Heneral mga ilang
araw bago ang pagdedeklara ng Batas Militar.[24]
Sa bisa ng General Order No. 1, inutos ni Marcos ang pagdakip at pagpapabilanggo sa mga
sumusunod na politiko at mamamahayag na bumabatikos kay Marcos: ito ay kinabibilangan nina
kinatawan Roque Ablan, Jr. at Rafael Aquino, mga Senador na sina Benigno Aquino, Jr., Jose W.
Diokno at Ramon Mitra, Jr., mga Gobernador na sina Rolando Puzon at Lino Bocalan, dating
Senador Francisco Rodrigo, mga delagado sa Kumbensiyon Konstitusyonal na sina Napoleon
Rama, Enrique Voltaire Garcia, II, Teofisto Guingona, Jr., Bren Guiao, Alejandro Lichauco, Jose
Nolledo, Jose Concepcion, Jr., at Jose Mari Velez, mga mamamahayag na sina Joaquin "Chino"
Roces, Maximo Soliven, Teodoro Locsin, Sr., Amando Doronilla, Renato Constantino, at Luis
Mauricio. Pinatalsik rin ni Marcos ang ilang mga kawani ng tanggapan ng pamahalaan sa bisa ng
Presidential Decree No. 1 o ang "Integrated Reorganization Plan". Tanging ang pahayagang Daily
Express at mga estasyon ng pamahalaan ang pinahintulutang magpatuloy ng kanilang operasyong
pamamahayag. Kalauna'y pinahintulutan ding magbukas ang pahayagang Manila Bulletin Today (na
pag-aari ng Hans Menzi na malapit kay Marcos), mga estasyon ng Radio Philippine Network at
Intercontinental Broadcasting Corporation na pag-aari ng crony ni Marcos na si Roberto Benedicto,
at ang estasyon ng Republic Broadcasting System na kilala sa tawag na GMA Networks, na ang isa
sa mga nagmamay-ari ay si Gilberto Duavit na malapit sa Pangulong Marcos. Binuwag rin ni Marcos
ang Kongreso ng Pilipinas at naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng
Batas Militar, nagkaroon si Marcos bilang Pangulo ng bansa ng kapangyarihang lehislatibo o
paggawa ng batas. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (Presidential Decree),
Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga
ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang
Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso.
Bukod tangi ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi tulad ng ibang mga bansa na
nagpapairal ng Batas Militar. Hindi ang hukbo ang nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga
pinunong sibilyan rin.
Ang Saligang Batas ng 1973[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973
Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa kadahilanang binuo ito
habang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos at kaya ay gawa ng impluwensiyang
Amerikano at hindi na napapanahon ang mga tadhana nito sa paglutas ng mga suliranin at
pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Pinagtibay ng Kongreso noong 24 Agosto
1970 ang Batas Republika Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kumbensiyong Konstitusyonal
sa taong 1971 at ginanap noong 10 Nobyembre 1970 ang halalan ng 320 delegado sa
Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang Kumbensiyong Konstitusyonal ay nagtipun-tipon noong unang
araw ng Hunyo 1971 ngunit bago matapos ang Kumbensiyon ay idineklara ni Marcos ang Batas
Militar noong Setyembre 1972 at ipinabilanggo ang ilang mga delegadong laban kay Marcos. Noong
19 Mayo 1972, binunyag ng delegadong si Eduardo Quintero (na dating embahador ng Pilipinas sa
United Nations mula sa Leyte) ang panunuhol ng ₱11,150 ng isang pangkat upang
impluwensiyahan ang kanyang pagboto sa panukala sa Kumbensiyon ng nagbabawal sa muling
pagtakbo sa halalan ng Pangulo at nagbabawal sa asawa ng pangulo na tumakbo bilang pangulo.
Tinukoy ni Quintero na ang pangkat na nanuhol ay kinabibilangan ng 12 delegado mula sa Samar-
Leyte kasama nina Imelda Marcos at Paz Mate na asawa ni Rep. Artemio Mate ng Leyte.
Ang balangkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong 29 Nobyembre 1972.
Kabilang sa mga tadhana ng binuong Saligang Batas ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan
mula sa pampanguluhan (presidential) patungo sa parlamentaryan kung saan ang Pangulo ang
siyang kakatawan sa pamumuno ng estado, ang Punong Ministro ng Pilipinas na inihalal ng
Pambansang Asembleya ang gaganap ng kapangyarihang pampamahalaan kasama ng kanyang
Gabinete, at ang isang Pambansang Asembleya na binubuo ng isang kapulungan (unicameral) ang
may kapangyarihan sa paggawa ng batas.
Nagpalabas si Marcos ng Kautusuan pamapanguluhan 73 noong 30 Nobyembre 1972 na
nagtatakda ng plebisito na idadaos sa 15 Enero 1973 upang pagbotohan ang iminungkahing
Saligang Batas. Nagpalabas si Marcos ng isang kautusang pampanguluhan 86 na lumilikha sa
bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng mga Asembleya ng
mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng paglahok ng mga
mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko. Noong Enero 10–15, 1973, pinagtibay ng mga
Asembleya ang Saligang Batas. Nagkabisa ang bagong saligang Batas noong 17 Enero 1973 sa
pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ni Marcos na may botong pabor na 14,976,561 at
botong pagtutol na 743,869. Ang balidad ng pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas ay tinutulan sa
ilang mga kasong isinampa sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Kabilang sa mga puntong
itinaas laban sa balidad ng pagpapatibay nito ang: ang pagboto ay sa pamamagitan ng bibig
samantalang ang artikulo 15 ng Saligang Batas ay nag-aatas ng pagboto, ang mga bilang ng
pagboto na binanggit sa proklamasyon 1102 ay nilikha nina Benjamin Romualdez samantalang ang
mga komisyoner ng COMELEC na tumangging lumahok sa proseso ng pandaraya ay pinaalis, at
walang malayang ekspresyon ang mga tao dahil sa klima ng takot na nalikha ng Batas Militar. Ang
petisyong kumukwestiyon sa balidad nito ay ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman sa botong 6-
4.[25]
Ayon sa mga probisyong paglipat ng Saligang Batas, dapat tipunin agad ni Marcos ang Interim
Pambansang Asemblea sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas at ang Asembleang ito ay dapat
namang humirang ng interim Pangulo at interim Punong Ministro. Gayunpaman, ito ay hindi ginawa
ni Marcos at sinuspinde ni Marcos ang pagpapatupad ng 1973 Saligang Batas sa kadahilanang may
panahon ng emerhensiya at kinailangan niyang ipagpatuloy ang Batas Militar.[25] Sa halip, si Marcos
ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa isang reperendum noong 16 Oktubre 1976 na pinagtibay
noong 1976 na kinabibilangan ng mga tadhanang: paghalili ng Interim Batasang Pambansa sa
Interim Pambansang Asemblea, na ang kasalukuyang Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng
mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang
ipinagkaloob sa Pangulo ng Pilipinas at Punong Ministro ng Pilipinas ng 1973 Saligang Batas, at ang
Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa
iangat ang Batas Militar.
Punong Ministro[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 7 Abril 1978, idinaos ang unang halalan para sa Batasang Pambansa kung saan nakuha ng
partido ni Marcos ang 152 ng 165 upuan nito na gumawa kay Ferdinand Marcos na Punong Ministro
ng Pilipinas mula 1978 hanggang 1981. Inakusahan ng oposisyon si Marcos ng pandaraya sa
pagbilang ng mga balota.[26]
Bagong Lipunan[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga ilang buwan bago ipahayag ang Batas Militar, tinunton ng Pangulo ang sakit ng bayan sa
pagkakaroon ng isang "lipunang may karamdaman." Ang bagay na ito'y kanyang ibinibintang sa
mga pangkating makapangyarihan na kanyang tinaguriang oligarkiya (kapangyarihan sa
pamahalaang nasa kamay ng iilang tao) at mga maka-Maoistang Komunistang naghahangad ba
ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng subersiyon at paggamit ng karahasan. Upang
mabago ang di umano'y mga di kanais-nais na naging dahilan ng mga paghihirap, paghihikaos at
kriminalidad sa bansa, isinulong ni Marcos ang pagtatag ng isang bagong uri ng pamumuhay na
kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga taumbayan kundi sa bansa at sa buong mundo. Ito ang
simula ng Bagong Lipunan - isang lipunan na binubuo ng mga bagong Pilipino. Sa pagpapatupad ng
Bagong Lipunan, kinumpiska ni Marcos ang mga negosyo ng "oligarkiyang Tsino at Espanyol"
ngunit ang mga ito ay napunta naman sa mga kasapi ng pamilya Marcos at mga malapit na kaibigan
na gumamit ritong mga pronta upang pagtataguan ng mga nakuha nila sa korupsiyon. Itinatag ni
Marcos ang "kapitalismong crony" kung saan malaking nakinabang ang kanyang mga crony ni
Marcos na naging bagong oligarkiya.[27][28] Sa ilalim ng Martial Law, ginawang pambansa o pag-aari
ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong malalaking korporasyon gaya
ng PLDT, PAL (Philippine Airlines), Meralco, Fortune Tobacco, San Miguel Corporation at iba pa na
naging mga pag-aari ng mga pamilyang Marcos at Romualdez.[29] Sinasabing ang PAL o Philippine
Airlines ay ginawang pribadong sasakyan para kay Imelda Marcos at mga kaibigan niya para sa
kanilang mga pagshoshopping sa New York at Europa.[30] Ang mga monopolyo sa mga
mahahalagang industriya ay itinatag ni Marcos gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura,
asukal at iba pa. Ang mga magsasaka ng asukal at buko ay napilitan lamang magbenta ng kanilang
mga produkto sa mga monopolyong itinatag ni Marcos sa mas mababang presyo kesa sa presyong
pandaigdigan. Sa pagitan ng 1972 at 1976, pinalaki ni Marcos ang sukat ng militar mula 65,000
hanggang 270,000 katao. Ang mga opiser ng militar ay inilagay niya sa lupon ng mga korporasyon
at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.[2] Napapaloob
ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang "PLEDGES" na ang ibig sabihin ay: P-
eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic
Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral values Government Reforms (Mga
Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng
Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan). Noong Oktubre, 1972, isang buwan
makaraan ipahayag ang Batas Militar, nagpalabas ng Kautusang Pampanguluhan Bilang 27
(Presidential Decree No. 27) si Marcos kung saan ang mga magsasaka, sa halip na kasamá lamang
sila ng may-ari ng bukid, ay magmamay-ari na ng bahagi ng bukid. Kung wala pa silang salaping
ibabayad, tutulungan sila ng Land Bank of the Philippines na magbabayad ng kaukulang halaga sa
may-ari ng lupa at sa bangko naman magbabayad ang mga magsasaka. Ang isa pang paraan
upang mabigyan ng lupa ang mga magsasakang walang sariling lupain ang pagpapadala sa kanila
sa mga pook gaya ng Nueva Vizcaya, Southern Leyte, Lanao del Sur, Davao del Sur, at Sultan
Kudarat na kanilang sasakahin at ang bawat magsasaka ay bibigyan doon ng anim na ektaryang
lupa. Pahihiramin sila ng salapi para sa kanilang sinasakang bukid na babayaran sa loob ng tatlong
taon. Nang mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986, ang 50,000 hanggang 70,000 hektarya
lamang ng lupain ang naipamahagi sa mga maliliit na magsasaka mula sa 10.3 milyong hektarya ng
pribadong lupain at mula sa 17 milyong hektarya ng lupaing pampubliko.[31]
Kabilang sa mga palatuntunang ipinatupad ng administrasyon ni Marcos ang Masagana 99 na
naglalayong maging masagana ang ani ng mga magsasaka ng kanin at makaani ng 99 na kabang
palay o higit pa sa bawat ektaryang taniman. Upang matamo ito, pinatupad ang paggamit ng mga uri
ng bigas o kanin na may mataas na ani na nilikha ng International Rice Research Institute. Ang mga
magsasaka ay tutulungan na umutang ng salapi sa bangko na pambili ng mga binhi gayundin ng
mga kailangang pataba at pesticide upang mapataas ang ani nito. Ang Masagana 99 ay gumawa sa
Pilipinas na sapat sa kanin sa mga simulang taon ng pagpapatupad nito ngunit nabigong palakihin
ang real na sahod ng pagsasaka dahil ang pagtaas ng kabuuang suplay ay nagpasidhi sa pagpiga
ng gastos-presyo na nag-alis ng mga nilayong tubo sa pagsasaka ng kanin.[32]; ang Masaganang
Maisan na nauukol sa pagtatanim ng puting mais, dilaw na mais, batad at balatong sa 43 lalawigan;
ang Gulayan sa Kalusugan na naglalayong paramihin ang mga tanim na gulay; Biyayang
Dagat o Blue Revolution na naglalayong ang mga mangingisda ay makauutang ng pera at upang
mapabuti ang kanilang hanapbuhay at upang mabayaran naman ng mangingisda ang kanilang
inutang, ang pamahalaan ni Marcos ay nagsagawa ng hakbang upang maging higit na malaganap
ang mapagdadalhan ng mga nahuli ng mga mangingisdang ito. Kasama rin sa programa ng
Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng
palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak ng
pamilihan. Kabilang rin sa mga palatuntunan ng pamahalaan ang pagdaragdag ng produksiyon ng
mga pananim na nailuluwas at naipagbibili sa loob ng bansa. Pinarami rin ang produksiyon ng mga
sumusunod na pang-komersiyong produktong ramie, goma, abaka at bulak. Isa sa pinakamalaking
pinanggagalingan ng kuwartang pumapasok noon sa bansa ang pagmimina ng tanso, ginto, nickel,
carbon at iba pa at unti-unti ring umunlad ang industriyang pang-elektroniks sa Pilipinas. Ang mga
bagay na yari sa kamay ay siyang bumubuo ng malaking bahagi ng mga produkto ng Cottage
Industries na kinabibilangan ng mga produktong mga bag at maletang balat, patis, ceramics,
burdadong mga damit, sumbrerong buntal, muwebles na nara, mga kaldero, mga lamparang yari sa
tela at kapis, gitara, banig, telang hablon, at mga produktong yari sa tanso na galing-Marawi. Noong
mga maagang 1980, ipinakilala ni Marcos ang golden kuhol sa Pilipinas upang dagdagan ang
protina ng populasyon ngunit kalaunang naging mga peste para sa magsasaka sa mga taniman ng
kanin.[33]
Ikatlong termino (1981–1986)[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 16 Hunyo 1981 anim na buwan pagkatapos na alisin ang martial law, ang unang halalan sa
pagkapangulo ay idinaos para sa isang anim na taong termino. Gaya ng inaasahan, si Marcos ay
tumakbo at nanalo sa isang malaking pagkapanalo laban sa iba pang mga kandiato. Ang mga
pangunahing partidong oposisyon na United Nationalists Democratic Organizations (UNIDO) na
isang koalisyon ng mga partido at LABAN ay bumoykot sa halalang ito bilang tanda ng
pagpoprotesta sa mga halalan noong 1978 para sa isang interim na Batasang Pambansa na
kanilang kinondena bilang pandaraya. Sa ikatlong termino ni Marcos, ang kanyang kalusugan ay
mabilis na bumagsak sanhi ng mga karamdaman sa bato na kadalasang inilalarawan bilang lupus
erythematosus. Ang rehimeng Marcos ay sensitibo sa publisidad ng kanyang kondisyon. Ang isang
doktor ng Malacanang na si Potenciano Baccay na nagsaad na sa mga panahong ito ay sumailalim
si Marcos sa isang transplant ng bato ay kalaunang dinukot at natagpuang pinatay.[34] Maraming
mga tao ang nagtatanong kung may kakayahan pa siyang mamuno dahil sa kanyang malalang sakit
at papalaking kaguluhan sa politika.[35]
Mga akusasyon ng korupsiyon at pagtatangkang impeachment kay
Marcos[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Ferdinand Marcos at ang kanyang asawang si Imelda Marcos at mga crony ay inakusahan ng
korupsiyon at pagnanakaw ng mga bilyong bilyong dolyar mula sa kabang yaman ng
Pilipinas.[36] Kabilang sa inilalarawang maluhong pamumuhay ni Imelda ay kinabibilangan ng limang
milyong dolyar na mga pagshoshopping sa New York, Rome at Copenhagen noong 1983 at
pagpapadala ng isang eroplano upang pulutin ang mga puting buhangin ng Australia para sa isang
bagong beach resort. Bumili siya ng ilang mga ari-arian sa Manhattan noong mga 1980 kabilang ang
$51-million Crown Building, ang Woolworth Building (40 Wall Street) at ang $60-milyong Herald
Centre.[37][38] Ang kanyang New York real estate ay kalaunang binawi ng pamahalaan at ipinagbili
kasama ng karamihan ng kanyang mga alahas at karamihan ng kanyang 175 pirasong koleksiyon
ng sining na kinabibilangan ng mga sining nina Michelangelo, Botticelli, at Canaletto. Kanyang
sinagot ang mga pagbatikos ng kanyang maluhong pamumuhay sa pag-aangking kanyang
"katungkulan" na maging "isang uri ng liwanag, isang bituwin na magbigay [sa mahihirap] ng mga
gabay."[6][39][40][41][42][43]
Noong 13 Agosto 1985, ang 56 Assemblymen ay lumagda ng isang resolusyon na tumatawag
sa impeachment ni Marcos para sa inaakusang paglilihis nito ng tulong na pang-salapi ng Estados
Unidos sa Pilipinas para sa pansariling gamit.[44] Kanilang binanggit ang paglalantad noong Hulyo
1985 ng San Jose Mercury News ng multimilyong dolyar na mga pamumuhunan at pag-aari ng
pamilya Marcos sa Estados Unidos. Kabilang sa mga ari-ariang sinasabing nalikom ng pamilyang
Marcos ang Crown Building, Lindenmere Estate, at isang bilang mga matitirhang mga aparment sa
New Jersey at New York, isang shopping center sa New York, mga mansion sa London, Rome at
Honolulu, ang Helen Knudsen Estate sa Hawaii at tatlong mga condominium sa San Francisco,
California.[45]
Kabilang sa mga kaso ng korupsiyon na inakusa kay Ferdinand Marcos ang: pagnanakaw o paglihis
nito ng 800,000 troy ounces ng ginto mula sa mga reserba ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa
sariling paggamit,[46] pagtanggap ng mga kickback ng higit 53 milyong US dolyar sa mga kontrata
mula sa mga 7 kompanyang Hapones,[46] pagkomberte ng 27 milyong dolyar mula sa PNB para sa
sariling paggamit, at pagbili ng higit sa 52 milyong pisong halaga ng mga bagay sa mga Duty Free
Shop sa Pilipinas upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis.[46] Ninakawan rin ni Marcos ang mga
pondong tulong pananalapi ng Estados Unidos at mga kabayarang reparasyon para sa digmaan ng
mga Hapones.[46]
Si Marcos ay inakusahan ng pagtanggap ng mga kickback mula sa kontrata ng Bataan nuclear
power plant.[2] Ang crony ni Marcos na si Herminio Disini ay kinasuhan ng Sandiganbayan noong
2004 dahil sa umano'y pagkuha ng mga suhol na 18 milyong dolyar kapalit ng paggamit ng kanyang
impluwensiya upang ibigay ang kontrata ng pagtatayo ng Bataan nuclear power plant para sa mga
kompanyang Amerikano na Burns and Roe at Westinghouse Electrical Corp.[2][47]
Sina Marcos, Danding Cojuangco, Juan Ponce Enrile at Lobregat ay nagsabwatan upang buwisan
ang mga magsasaka ng buko sa tinatawag na Coco Levy Fund Scam. Ang nalikom na buwis na
nagkakahalagang P9.7 bilyong piso ay ginamit para sa pansariling kapakinabangan.
Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa
pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi
sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon
sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang
pangkalakalan (commercial) na paglipad sa Manila International Airport na kalaunang
pinangalanang Ninoy Aquino International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.[48] Ang kanyang
asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa
administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga
pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang
humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod.[49] Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na
lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy
Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan ng
Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay
naging bangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay
umurong ng 6.8% noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985. [50]
Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique
Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay
inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa
sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Ang
pamahalaan ni Marcos ay lumikha ng isang reenactment video ng kanilang bersiyon ng pangyayari
na ipinalabas sa telebisyon na nagpapakitang si Galman ay nakatago sa ilalim ng hagdan at bumaril
kay Ninoy sa tarmac at pagkatapos ay binaril naman ng mga sundalo si Galman.
Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava
upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang
komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong
mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar.
Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng
nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at
nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot
kabilang si Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang
kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag
na pinili ng tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at
nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa
pagbibitiw ni Marcos. Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay
napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy.[50] Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas
ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na
pagkabilanggo. Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa
kanyang pagdating sa bansa.[51]. Batay sa mga testigong sina Rebecca Quijano, Jessie Barcelona at
iba pa, nakita nilang ang sundalong si C1C Rogelio Moreno na nasa likod ni Ninoy habang bumaba
sa hagdan ng eroplano si Ninoy ang bumaril sa batok ni Ninoy. Ito ay umaayon sa autopsiya kay
Ninoy na ang bala ay pumasok mula itaas ng mastoid ng bungo at lumabas sa mababang panga na
nagpapakitang ang pagbaril ay ginawang mas mataas sa ulo ni Ninoy.
Snap Election[baguhin | baguhin ang batayan]
Simula 1983 pagkatapos ng pagpaslang kay Ninoy, ang mga opisyal ng pamahalaan ng Estados
Unidos ay hindi na sumuporta sa rehime ni Marcos[52] at naghanap sila ng mga paraan upang
mapatalsik na si Marcos sa kapangyarihan.[52] Sa mukha ng papalalang kawalang kasiyahan ng mga
mamamayang Pilipino, pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na
may natitira pang higit sa isang taon sa kanyang termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17
Enero 1986 at pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na
kasamang tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang ang balo ni
Ninoy na si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3
Disyembre 1985 kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition (UNIDO) na
sinuportahan ng oposisyon ni Marcos.[53][54] Sa snap election na idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang
mga insidente ng pandaraya, pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan ay iniulat gayundin ang
pakikialam sa mga election return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay
nagpapakita na si Marcos ang nangunguna samantalang ang National Citizen's Movement for the
Free Elections (NAMFREL) ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna sa isang
komportableng margin. Idenaklara ng opisyal na canvasser na COMELEC si Ferdinand Marcos na
nanalo sa halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si Marcos ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban
sa 9,291,761 boto ni Aquino. Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free
Elections (NAMFREL), si Aquino ay nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni
Marcos.[55] Ang mga 29 mangggawa ng komputer ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta
sa pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay Marcos.[50] Ang oposisyonistang dating
Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay pinaslang sa harap ng kapitolyo ng lalawigan kung
saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto. Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling
bantay ng isang lokal na pinuno ng Kilusang Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of
the Philippines (CBCP) ay naglabas ng isang pahayag na kumokondena sa halalan bilang
pandaraya. Ang Senado ng Estados Unidos ay nagpasa rin ng isang resolusyon na kumokondena
sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng pahayag na
tumatawag sa mga ulat ng pandaraya na "nakakabagabag".[56] Bilang tugon sa mga protesta,
inihyag ng COMELEC na si Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito
ay sinalungat ng NAMFREL na si Aquino ay nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto laban kay
Marcos.[57]
Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa bilang nanalo sa
gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng Parliamento ay lumayas sa
pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag
na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang parehong "mga nanalo" sa pagkapangulo na sina Aquino at
Marcos ay nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay
tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at
media na pag-aari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media
ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan at ang kanilang mga bahagi sa stock market ay
bumagsak.
Himagsikang People power[baguhin | baguhin ang batayan]
Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng
isang pagtatangkang coup d'eta laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin
ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay kokontrol sa mga
stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang
GHQAFP sa Kampo Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo
ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na
sasalakay sa Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak
na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito[58] at itinanghal sa lokal at internasyonal na
press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj. Saulito
Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[59][60]
Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa
nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen Fidel Ramos na
hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na
magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga
6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press
sa Kampo Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa
Gabinete ni Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos
ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na
sumuko na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang ito".[61] Sa isang mensaheng
isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga
Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon
ng EDSA sa pagitan ng Kampo Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga
pagkain at iba pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA.[61][62]
Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang
sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law.[63]
Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating upang
patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa pagsasahimpapawid sa
mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang standby transmitter na may isang
limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid.[62] Ang himpilan ay pinuntirya ni Marcos dahil ito ay
naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan
sa mga rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng
mga mensahe para sa pagkain, gamot at mga suplay.[61]
Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong
hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay
nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga
pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift
na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA.
Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga
pangkat ay umaawit ng Bayan Ko[64] na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon.
Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN[65] na may nabuong "L" sa kanilang
hinlalaki at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile
na palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo
Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao.[61] Sa gitnang
katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa
mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5 na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang
kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni
Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa
mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao.[66] Ang mga madreng humahawak ng mga
rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang
harangin ang mga hukbo.[67] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi gumalaw
ang mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok ng baril na
nangyari.[61] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos
ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang
pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa
bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo
ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay
naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay
pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Kampo Aguinaldo.[61] Kalauna, ang mga
helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay
inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Kampo Crame.[68] Sa lihim, ang squadron ay
dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Kampo Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang
mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell 214 na piniloto
ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni
Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga
rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at
Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan.[61] Sa
katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM
officer at mga tao ay naghihintay.[68]
Samantala, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay nabahala na baka atakihin at
patayin ni Marcos ang mga nagpoprotesta na masasaksihan sa telebisyon ng buong mundo.
Naglabas ng pahayag ang administrasyon ni Reagan na kung gagamit si Marcos ng dahas ay
"magsasanhi ito ng hindi masabing pinsala sa ugnayan sa pagitan ng ating dalawang
pamahalaan.[52]
Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang
Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at
kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman,
ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa telebisyong kinokontrol ng
pamahalaan na Channel 4,[69] na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo.
Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat
ng masa maraming mga depeksiyon.[61] Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang
naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano
Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly
Punzalan na ang "Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao". Sa
mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon.[61] Ang
pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang
beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong
pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde
ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo.
Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at
nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine
Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga
Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig.[61]
Dalawang inaugurasyon ng pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa
pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga
rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel
9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan noong 25 Pebrero 1986
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang
seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si
Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang
Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino,
ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote
bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta
ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang
panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga
taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni
Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-
7.[61] Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa
kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga
3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin ang mga Ahas!".[70] Pagkatapos ng
panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang
pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi
kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo.
Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag
maging marahas.[61]
Paglisan ng pamilya Marcos mula Pilipinas tungo sa Hawaii [baguhin | baguhin
ang batayan]
Ang Pangulong Ronald Reagan ay naglabas ng isang pagsusumamo kay Marcos na magbitiw
na: Ang mga pagtatangka na patagalin ang buhay ng kasalukuyang rehime sa pamamagitan ng
dahas ay walang kabuluhan. Ang lunas sa krisis na ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng
isang mapayapang paglipat sa isang bagong pamahalaan.".[52] Binasa ni Marcos ang mensahe ni
Reagan noong alas 3 ng madaling araw (oras ng Maynila) at agad na tinawagan ni Marcos ang
Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxalt, para humingi ng payo mula kay
Reagan.[70] Iminungkahi ni Marcos kay Laxalt ang pagsasalo ng kapangyarihan kay Aquino o
manunungkulan bilang nakakatandang tagapayo ni Aquino.[52] Tumawag si Laxalt kay Marcos ng
alas singko. Tinanong ni Marcos kay Laxalt na Senador, ano sa tingin mo? Dapat na ba akong
magbitiw?".[52] Sumagot si Laxalt na "I think you should cut and cut cleanly. I think the time has
come. (Sa tingin ko dapat mo nang putulin at putulin ng malinis. Sa tingin ko dumating na ang
panahon)" na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa
kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaalyado gaya ni
General Ver. Sa hating gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E Rescue helicopter ang pamilya ni
Marcos sa Clark Airbase Pampanga mga 83 kilometrong hilaga ng Maynila bago sumakay sa mga
eroplanong US Air Force DC-9 Medivac at C-141B patungo sa Andersen Air Force Base sa Guam,
at papunta naman sa Hickam Air Force Base sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26
Pebrero 1986.[61]
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng
Malakanyang, na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang dekada.
Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan
binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang
estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos democracy;
well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang
nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.")
Kabilang sa mga bagay na itinala ng bagong pamahalaan ng Pilipinas na naiwan ng pamilyang
Marcos sa Malacanang Palace nang lumikas ito patungo sa Hawaii ang 15 mink coat, 65 parasol,
508 mga gown, 888 handbag at 71 pares ng mga sunglass at mga 1,060 pares ng sapatos.[71] Iniulat
na nang tumakas si Marcos, natuklasan ng mga ahente ng U.S. Customs ang 24 maleta ng mga
brick na ginto at diamanteng hiyas na itinago sa mga diaper bag. Ang mga sertipiko ng gintong
bullion na nagkakahalaga ng mga bilyong dolyar ay sinasabing kasama sa mga ari-ariang personal
na dinala ni Marcos at kanyang pamilya at mga crony nang bigyan sila ng ligtas na daanan ng
administrasyong Reagan patungong Hawaii.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya ay naging isang opisyal sa armadong pwersa ng Pilipinas. Ang pag-
angkin ni Marcos na siya ay naging lider sa kilusang gerilya ng Pilipinas ay isang mahalagang kadahilanan sa kanyang
tagumpay sa pulitika, ngunit ipinahayag ng mga tala ng gobyerno ng Estados Unidos na siya ay may maliit papel o
hindi talaga bahagi sa mga gawaing kontra Hapon noong 1942-1945.
Mula 1946 hanggang 1947 si Marcos ay naging technical assistant ni Manuel Roxas, ang unang pangulo ng malayang
republika ng Pilipinas. Siya ay miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (1949-59), ng Senado (1959-
65) at nagsilbi bilang pangulo ng Senado (1963-65). Noong 1965, si Marcos, na isang kilalang miyembro ng Liberal
Party na itinatag ni Roxas, ay tumiwalag dito matapos mabigo na makuha ang nominasyon ng kanyang partido para
sa pagka pangulo. Pagkatapos ay tumakbo siya bilang kandidato ng Nasyonalista para sa pangulo laban sa pangulo
ng Liberal, si Diosdado Macapagal. Nanalo si Marcos at itinalaga bilang pangulo noong Disyembre 30, 1965. Noong
1969 siya ay muling nahalal at naging unang pangulo ng Pilipinas na naglingkod sa ikalawang termino. Sa panahon
ng kanyang unang termino ay nagawa niyang mapabuti ang estado ng agrikultura, industriya, at edukasyon. Ngunit
ang kanyang administrasyon ay magulo dahil na rin sa dumaraming demonstrasyon at marahas na mga aktibidad ng
mga gerilya.
Noong Setyembre 21, 1972, ipinataw ni Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas, dahil na rin sa pagkilos ng mga komunista
upang pabagsakin ang gobyerno. Ipinabilanggo ni Marcos ang mga oposisyong pulitiko at ang armadong pwersa ng
Pilipinas ay naging armado ng rehimen. Si Marcos ay binatikos ng mga lider ng simbahan at sinalungat ng mga lider
ng politika- lalo na ni Benigno Aquino, Jr., na ibinilanggo at ipiniit sa loob ng halos walong taon. Sa mga lalawigan ng
mga komunistang Maoist (Bagong Hukbong Bayan) at mga separatistang Muslim (lalo na ng Moro National Liberation
Front) nagsagawa ng mga girilyang pagkilos upang pabagsakin ang sentral na pamahalaan. Sa ilalim ng batas militar
ang pangulo ay nagtatag ng mga pambihirang kapangyarihan, kabilang ang kakayahang isuspinde ang "writ of habeas
corpus". Ipinahayag ni Marcos ang katapusan ng batas militar noong Enero 1981, ngunit patuloy siyang namamahala
sa isang awtoritarian na paraan sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng saligang batas. Nanalo siya sa halalan sa
bagong nalikhang poste ng pangulo noong Hunyo 1981.
Ang asawa ni Marcos mula 1954 ay si Imelda Romuáldez Marcos, isang dating beauty queen. Si Imelda ay naging
isang makapangyarihang pigura pagkatapos simulan ang martial law noong 1972. Madalas siyang mabatikos dahil sa
kanyang pagtalaga sa kanyang mga kamag-anak sa mahahalagang posisyon sa gobyerno, habang siya naman ay
gobernador ng Metropolitan Manila (1975-86) at ministro ng mga pamayanan ng tao at Ekolohiya (1979-86).
Ang mga huling taon ni Marcos sa kapangyarihan ay nasira dahil sa laganap na korapsyon sa gobyerno, ekonomiyang
hindi umuunlad, patuloy na hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at ang tuluyang
paglago ng rebolusyonaryong gerilyang komunista na aktibo sa mga rural na lugar sa iba't ibang sulok ng Pilipinas.
Noong 1983 ang kalusugan ni Marcos ay nagsimulang bumagsak, at ang mga sumasalungat sa kanyang pamamahala
ay dumami. Noong Agosto 21, 1983, bumalik sa Maynila si Benigno Aquino, Jr. upang magbigay ng alternatibo laban
kay Marcos at sa lalong lumalakas sa New Poeple's Army (NPA). Ngunit siya ay binaril at napatay sa pagbaba niya sa
eroplano. Ang pagpatay ay nakita bilang gawain ng pamahalaan at naging sanhi ng malawakang protesta laban sa
gobyerno. Isang independiyenteng komisyon na hinirang ni Marcos ang nagpatibay noong 1984 na mga matataas na
opisyal ng militar ang responsable sa pagpatay kay Aquino.
Upang muling ipahayag ang kanyang mandato, nagtawag si Marcos ng bagong halalan sa pagkapangulo. Ngunit isang
matinding kalaban sa pulitika ang lumitaw, ang biyuda ni Aquino, si Corazon Aquino, na naging kandidato ng oposisyon
para pagka presidente. Pinaniniwalaan ng marami na nakuhang talunin ni Marcos si Aquino dahil lamang sa
napakalaking pandaraya sa pagboto ng kanyang mga tagasuporta sa halalan noong Pebrero 7, 1986. Habang labis
na pinawalang-saysay sa sariling bayan at sa ibang bansa ang kanyang kahina-hinalang pagkapanalo sa eleksiyon,
mahigpit na pinananatili ni Marcos ang kanyang pagkapangulo habang nahati ang militar ng Pilipinas sa pagitan ng
mga tagasuporta niya at ng lehitimong karapatan ni Aquino sa pagkapangulo. Natapos lamang ang isang matinding
sagupaan na naganap sa pagitan ng dalawang panig noong si Marcos ay umalis sa bansa noong Pebrero 25, 1986,
sa paghimok ng Estados Unidos. Tumakas siya papuntang Hawaii, kung saan siya ay nanatili hanggang sa kanyang
kamatayan noong September 28, 1989.