Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Ang nagsulat o may akda ng ibong adarna ay si Jose dela Cruz.

Jose dela Cruz - Siya ay binansagan bilang "Huseng Sisiw", isang dakilang pilipi-
nong manunulat sa Panahon ng pamumuno ng mga Espanyol. Siya ay
ipinanganak noong ika dalawampu't isa ng Disyembre taong 1746 at namatay sa
edad ng walumpu't dalawa noong ika labindalawa ng Marso taong 1829.

Si José de la Cruz o Huseng Sisiw ang binigyan ng karangalang Hari ng mga Ma-
kata sa katagalugan. Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong 20 Disyembre 1746.
Hindi siya nakapag-aral ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto ng Katon at Car-
tilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya at Teolohiya. Kinilala siya sa kahusayang su-
mulat ng mga tula kaya marami ang nagpaturo sa kanya ng pagtutugma ng
mga salita. Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may
nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang
kabayaran ay sisiw. Siya ang guro ni Balagtas sa pagtula. Isa ang kanyang pan-
galan sa tatlong pangalang kakabit ng Korido sa kasaysayan ng Panitikan. Ang
dalawa niyang mga kasama ay sina Francisco Balagtas at Ananias Zorilla. Mula
sa kanyang panulat ang mga koridong Clarito, Adela at Florante, Flora at
Clavela, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Fa-
moso de Bernardo Carpio.
Ang Haring Don Fernando ng Kahariang Berbanya ay napamahal sa kaniyang nasasakupan dahil sa kanyang matalino at mahusay na pamamahala.
Siya ay may tatlong magigiting na anak. Si Don Pedro ang pinakamatanda sa lahat, si Don Diego ang panganay at ang bunso ay si Don Juan. Mahal
na mahal ng hari ang bunso niyang anak.

Nagkasakit ang hari dahil sa masama niyang panaginip. Isang manggagamot ang nagsabi na ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang awit ng Ibong
Adarna na matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor.

Inutusan ng hari si Don Pedro na hanapin ang ibong Adarna. Nang hindi nakabalik si Don Pedro, sumunod si Don Diego sa kanya. Nang hindi naka-
balik ang dalawang nakatatandang kapatid ay humingi naman ng pahintulot si Don Juan sa ama na siya na ang hahanap sa Ibong Adarna at sa
kanyang dalawang kapatid. Bagama't labag sa kalooban, pinayagan ng hari si Don Juan.

Dahil sa matapat at malinis na kalooban ni Don Juan, nahuli niya ang Ibong Adarna. Ang dalawa niyang kapatid ay natuklasan niyang naging bato
dahil naiputan ng Ibong Adarna. Parehong nakatulog sa ilalim ng puno ang magkapatid dahil sa nakakaantok na tinig ng Ibong Adarna. Subalit nab-
uhay ni Don Juan ang dalawang kapatid nang buhusan niya ng mahiwagang tubig na ipinakuha ng ermitanyo. Habang naglalakbay ang tatlo pabalik
sa kanilang kaharian, nakaisip ng kataksilan si Don Pedro. Naisip niyang kahiya-hiya siya sa amang hari kung hindi siya ang makapag-uuwi ng
Ibong Adarna kaya hinikayat si Don Diego na patayin ang kanilang kapatid. Sa pakiusap ni Don Diego na huwag patayin ang kapatid ay binugbog
na lamang nila si Don Juan at iniwan sa kaparangan, Umuwi ang dalawang nakatatandang magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego na dala ang
Ibong Adarna ngunit matamlay ang ibon at ayaw umawit nang dumating ito sa palasyo Sa tulong ng matandang ermitanyo ay gumaling si Don Juan
hanggang sa siya ay makauwi sa kanilang kaharian. Pinatawad ng hari sina Don Pedro at Don Diego dahil na rin sa kahilingan ni Don Juan.

Mahigpit na pinabantayan ng hari ang Ibong Adarna sa kaniyang tatlong anak. Sa pagkakataong ito ay nakaisip na naman ng kabuktutan si Don
Pedro. Binalak ni Don Pedro na pakawalan ang Ibong Adarna sa oras ng pagbabantay ni Don Juan. Nakatulog si Don Juan kaya't napakawalan ang
Ibong Adarna. Sa takot ni Don Juan na mapagalitan ng hari umalis siya ng palasyo upang hanaping muli ang Ibong Adarna. Sa utos ng hari ay
hinanap nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan, Nang magkita-kita ang magkakapatid, natagpuan nila ang isang balong malalim. Sa loob nito ay
may kaharian. Nailigtas ni Don Juan ang magkapatid na sina Donya Leonora at Donya Juana sa kamay ng higante at ahas na may pitong ulo. Hu-
manga ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa kagandahan ng dalawang prinsesa. Nang balikan ni Don Juan ang singsing na naiwan ni Leo-
nora sa ilalim ng balon, may pumutol sa lubid na gamit ni Don Juan sa paglusong sa balon. Pinakawalan ni Leonora ang kanyang lobo na siyang
gumamot at nag-ahon kay Don Juan.

Hindi malaman ni Don Juan kung siya ay uuwi o hahanap ng bagong kapalaran. Sa kaniyang pagod at hirap ay nakatulog siya sa ilalim ng isang
punongkahoy. Nagising si Don Juan sa awit ng Ibong Adarna. Sinabi ng ibon na may magandang kapalarang naghihintay sa kanya sa Reyno ng de los
Cristales. Doon daw niya makikita si Donya Maria, isa sa tatlong anak ni Haring Salermo.

Nilakbay niya ang malayong lugar na patungo sa Cristales sa tulong ng mga ermitanyo Sa tulong ng isang malaking agila ay nakarating siya sa har-
din nina Donya Maria, Naliligo noon ang tatlong prinsesa. Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni Donya Maria. Nauwi ito sa pagmamahalan nina Don
Juan at Donya Maria.

Pinagbilinan ni Donya Maria si Don Juan na huwag haharap sa kanyang amang hari sakaling siya ay ipatawag sa palasyo. Ginagawang bato ng hari
ang sinumang pangahas na pumasok sa kanilang kaharian. Sinunod ni Don Juan ang bilin ni Donya Maria. Sinabi ni Don Juan sa sugo na hindi siya
makahaharap sa hari subalit handa siyang gumalang at sumunod sa ipag-uutos nito. Humanga ang hari kaya binigyan siya ng maraming pagsubok Si
Donya Maria ang gumagawa sa lahat ng ipag-utos ng hari kay Don Juan. Mas malakas ang agimat o karunungan (mahika blanka) kaysa mahika
negra ng hari. Nang hindi matalo ng hari si Don Juan, naisip ng hari na ipatapon o ipapatay siya. Subalit tumakas sina Donya Maria at Don Juan
nang malaman nila ang balak ng hari.

Iniwan ni Don Juan si Donya Maria sa isang kubo na malayo-layo sa kanilang kaharian. Nalimutan ni Don Juan si Donya Maria nang dumating siya
sa palasyo. Hindi kasi niya sinunod ang bilin ni Donya Maria. Nagalit si Donya Maria nang mabalitaang ikakasal sa Don Juan kay Donya Leonora.
Dali-dali siyang nagpunta sa palasyo sakay ng isang magarang karwahe. Nakabihis si Donya Maria ng magarang damit na tulad ng isang empera-
tris.

Nagkaroon ng palabas si Donya Maria sa pamamagitan ng Negrita at Negrito sa loob ng isang parasko. Pagkatapos ng tugtog ng musiko ay mag-
sasalita ang Negrita. Pinaalalahanan ng Negrita ang Negrito tungkol sa nakaraang buhay ni Don Juan kay Donya Maria. Papaluin ng Negrita ang
Negrito kapag hindi naalala ng Negrito ang Negrita. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Sa galit ni Donya Maria ay babasagin na ang parasko ng tubig
upang pabahain at palalimin ang tubig sa palasyo subalit pinigilan siya ni Don Juan at humingi ng tawad kay Donya Maria.

Ikinasal sina Donya Maria at Don Juan. Umuwi sila sa kaharian nina Donya Maria. Silang mag-asawa ang namahala sa kaharian nang malaman
nilang patay na ang amang hari ni Donya Maria. Ikinasal si Don Pedro kay Donya Leonora. Ang mag-asawang Don Diego at Donya Juana ay nag-
ing maligaya rin sa kaharian.
4th Grading
4th Grading

Ibong Adarna

Talaan ng Linalaman

Talambuhay ng may akda

Tauhan

Kasaysayan

Buod

You might also like