Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

T – tulay. Nagdurogtong sa kamangmangan at karunungan.

Tulay patungong kaunlaran at


kaginhawahan.

E – epektibo. Mabisang gamit sa anumang larangan lalo na sa larangan ng edukasyon.

K – kaalaman. Isang produkto ng kaalaman ng kahapon, imbakan at pinagkukunan ng kaalaman ngayun.

N – natatangi. Masasabing ang gawaing ito ng sangkatauhan ay siyang pinakanatatangi sa lahat sapagkat
ito ang nagsilbing patunay ng kakayahan ng tao – ang gamitin at patuloy na linangin ang kaalaman.

O – oportunidad. Isang napakaganda at napakalaking oportunidad hindi lamang sa mabisang pagkatoto


kundi higit sa lahat ay oportunidad sa mas maginhawa at magandang kinabukasan ng mga mag-aaral at
maging ng mga guro.

L – lohikal. Mahusay at comprehensibo ang pagkalapat ng kaalaman mula sa pagpapaplanong hindi


maipagkakaila ang kalidad na siyang pinag-isipan at malinaw na malinaw ang layunin nitong maging
instrumento ng tao o kayay kaagapay sa praktikal na buhay at higit sa lahat, sa pag-unlad.

O – organisado. Ang bawat kaalamang nailapat ay organisado at ditalyado ano pa’t hindi maipagkakaila
ang tagumpay ng kagamitan nito sa kasalukuyan.

H - hiram. Ang teknolohiya ay hiram lamang. ‘Yan ang masaklap na katotohanan sapagkat hindi lingid sa
ating kaalaman na hindi ito nanggaling mismo sa ating bansa kundi sa kanluran subalit, kahit na gayun ay
nagkaroon parin tayo ng oportunidad na gamitin ito alang-alang sa ikabubuti natin.

I – instrumento. Ito ay hindi sagut sa lahat suliranin at mga katanungan kundi instrumento na
nagdudulot o nagbibigay ng kaalaman upang masagut hindi man lahat ng suliranin at katanungan sa
lipunan natin ngunit isang napakalaking tulong parin.

Y – yaman. Isang bagay na pinaka-aasam ng mga taong maangkin na walang halagang maitutumbas at
bagay na maihahambing. Ito ay yamang hindi nanakaw niniman. Ito ay kaalaman – tangi nating yaman.

A – akademiko. Ang teknolohiya ay pang-akademiko. Ito ay tumutulong sa pagtuklas ng bagong


kaalaman, paglilinang ng kaalaman sa kasalukuyan upang magamit sa magandang kinabikasan.

You might also like