Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADE 8
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.1
Panitikan : Panitikang Popular (Komiks, Magasin,
Pahayagan)
Wika : Antas ng Wika: Di-Pormal (Balbal, Kolokyal,
Banyaga)
Bilang ng Araw : 8 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IIIa-c-28)
 Nabibigyang reaksyon ang narinig na opinyon ng kausap
tungkol sa isang isyu.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIIa-c-29)


 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:
(1)paksa (2)layon (3)tono (4)pananaw (5)paraan ng
pagkakasulat (6)pagbuo ng salita (7)pagbuo ng talata
(8)pagbuo ng pangungusap

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIIa-c-29)


 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo
ng multimedia.

PANONOOD (PD) (F8PD-IIIa-c-29)


 Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa
temang tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon
o video clip

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IIIa-c-30)


 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa
pananaliksik.

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIIa-c-30)


 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga
ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIIa-c-30)


 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit
sa impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga).

Ikatlong Markahan | 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IIIa-c-28)


 Nabibigyang reaksyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol
sa isang isyu.

II. PAKSA

Panitikan : Panitikang Popular (Komiks, Magasin,


Pahayagan)
Teksto : “Ang Tradisyunal at Modernong Panitikan sa
Kulturang Popular ng mga Filipino” ni Paolo
Acabado
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
biswal
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Babasahing Popular (Komiks, Magasin,
Pahayagan)
Wika : Di Pormal na Antas ng Wika

AKTIBITI
3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : POKUS WHEEL
Isakay sa Wheel ang mga pokus na tanong na nais ninyong
malaman sa aralin upang umandar ang talakayan ng leksyon.
tanong
tanong tanong

tanong tanong

Ikatlong Markahan | 2
Pokus na Tanong ng Aralin 3.1
 Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na
panitikang popular?
 Paano nakatutulong ang di-pormal na antas ng wika sa pag-unawa
sa panitikang popular?

4. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : CROSSWORD PUZZLE
Tukuyin mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba.
Pagkatapos, isulat mo ang mga letra ng iyong sagot sa mga kahon
upang mabuo ang crossword puzzle.

MGA BUGTONG

4 1 - Pinipilahan ng mga manonood,


2 5
sa pinilakang tabing ito’y
. . .
itinatampok!
2 - Kahong puno ng makukulay na
larawan at usapan ng mga
M 6 T D tauhan. Tunay na kinagigiliwan
ng kabataan!
.
3 L 3 - Kuwadradong elektronikon
. kagamitan.Tampok ay iba’t
1 P ibang palabas na kinaaaliwan!
. 4 - Sa isang click lang mundong
B
ito’y mapapasok na para mag-
Fb, Twitter o magsaliksik pa.
5 - Musika’t balita ay
T
mapapakinggan na. Sa isang
7 G galaw lamang ng pihitan, may
. FM at AM pa!
6 - Maliit na diyaryong inilalako sa
daan; balita, tsismis at iba
paang laman.
7 - Pabalat nito’y may larawan
pang sikat na artista. Nilalama’y
mga artikulong tumatalakay sa
iba’t ibang paksa.

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.


 Pagbasa sa teksto “Ang Tradisyunal at Modernong
Panitikan sa Kulturang Popular ng mga Filipino” ni
Paolo Acabado.

Ikatlong Markahan | 3
“Ang Tradisyunal at Modernong Panitikan sa Kulturang
Popular ng mga Filipino”
ni Paolo Acabado

Ang tradisyunal na panitikan ay madaling makikita sa lipunan ng


Pilipinas. Ang gusto ng masa ay mga programa na nakaaaliw o kaya
naman ay nakapabibigay-pag-asa. Isang halimbawa nito ay ang mga
“soap opera” o mas kilala ngayon sa katawagang “telenovela”.
Kadalasan itong pinapanood ng mga tao sapagkat gusto nilang maaliw
at makasubaybay sa mga programang ito. Katulad nito ay ang
“telenovela” na “Walang Hanggan” ng ABS-CBN ngayon.
Ang “telenovelang” ito ay ipinapakita ang nakasanayan na
nating mabuti laban sa masama kaya naman ito naging tradisyunal
(“Good vs. Evil”). Ang bida sa palabas (Coco Martin, Dawn Zulueta) ay
mayroong mga hinaharap na mga kontrabida (Madam Margaret,
Miguel) at alam naman natin na sa huli ay palaging ang mabuti ang
nagwawagi. Kahit di pa nagtatapos ang programa ay alam na natin na
ganito ang mangyayari dahil nga sa gawi ng mga ganitong uri ng
programa na magtapos ng masaya at positibo.
Ngunit ang kulturang popular ng Pilipinas ay kakikitaan din ng
Modernismo. Kadalasan ay nakikita ito sa mga “indie films” na
nagpapakita ng totoong kalagayan ng ating lipunan. Realidad ang
ginagawang pundasyon, kuwento, at istruktura ng mga ganitong
palabas. Hindi naman ibig sabihin nito na ang mga “indie films” ay mga
totoong kuwento bagkus ay ipinapahayag lamang ng mga ito ang isang
aspeto ng realidad ng ating lipunan. Halimbawa nito ay ang “indie film”
na “Kinatay” na pinagbidahan ni Coco Martin. Ito ay nagpapakita ng
korapsyon ng ating pulisya na totoo nga naming nangyayari sa ating
lipunan. Ipinasisilip nito sa atin at ipinababatid ang mga nangyayari sa
ating ginagalawang komunidad.
Ang tradisyunal at modernong panitikan ay naglipana sa ating
kulturang popular. Madami ang tumatangkilik sa tradisyunal kaysa sa
moderno sa ating lipunan. Ngunit, tayo pa din ang magpapasya kung
ano ang mas makabuluhan para sa atin. Kahit na parehong importante
sa atin ang dalawang uring ito, hindi pa rin nating maiiwasan na medyo
humilig sa isa. Kahit ano pa man ang ating mapili, hindi natin
maikakaila na patuloy pa ring hinuhubog ng mga ito ang ating pagka-
Pilipino.

Sanggunian: https://paoloacabado.wordpress.com/2012/07/13/ang-
tradisyunal-at-modernong-panitikan-sa-kulturang-popular-ng-pilipino/

Ikatlong Markahan | 4
ANALISIS

1. Sang-ayon sa may-akda, “Ang gusto ng masa ay mga programa


na nakaaaliw o kaya naman ay nakapabibigay-pag-asa.” Sang-
ayon ka ba dito? Ano ang iyong reaksyon hinggil sa opinyon
niyang ito?

2. Ano ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri


ng panitikan?

3. Bakit malaki ang hatak ng popular na panitikan sa panlasa ng


nakararaming mambabasang Pilipino?

4. Patunayang may malaking magagawa ang babasahing popular


sa pagpapalaganap ng pambansang kamalayan at
pambansang kultura.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

MGA POPULAR NA BABASAHIN


Masasabing nagpatuloy ang tradisyunal na panitikan sa kabila
ng modernisasyon dulot ng pag-unlad ng teknolohiya. Marahil,
nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa
kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin
gaya ng komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang
paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung
susuriin, naiiba lamang sa estilo, pamamaraan, at kaalamang teknikal
ang panitikang popular.

May iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng


impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan
o napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan.
Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo
at telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa
kulturang popular ng mga Pilipino sa ngayon.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al.

Ikatlong Markahan | 5
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : FLOWCHART


Bumuo ng pagpapaliwanag kaugnay ng mga ideyang nakapaloob
sa flowchart upang makabuo ng isang konsepto.

Panitikan

Tradisyon

Modernisasyon Teknolohiya

Babasahing Popular

Pagsagot sa pokus na tanong: Bunsod ng pagpapalit sa kultura at


tradisyon, kapangyarihan ng teknolohiya at modernisasyon ng
pamayanan, nagkaroon ng transpormasyon ang Panitikang Pilipino
mula sa tradisyunal tungo sa popular.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : POSTER-IFIC!


Ipakita ang sa pamamagitan ng isang poster ang pinaka-popular na
panitikan para sa iyo.

IV. KASUNDUAN

1. Magdala ng mga halimbawa ng panitikang popular sa inyong


tahanan.

2. Alin ang pinakapatok na panitikang popular? Bakit?

Ikatlong Markahan | 6
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIIa-c-29)

 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:


(1)paksa
(2)layon
(3)tono
(4)pananaw
(5)paraan ng pagkakasulat
(6)pagbuo ng salita
(7)pagbuo ng talata
(8)pagbuo ng pangungusap

PANONOOD (PD) (F8PD-IIIa-c-29)

 Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang


tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon o video clip

II. PAKSA

Panitikan : Panitikang Popular (Komiks, Magasin,


Pahayagan)
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
biswal
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

Ikatlong Markahan | 7
AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : IGUHIT MO!
Iguhit mo ang mga bagay/ impormasyon na makikita mo sa mga
popular na panitikan.

Sanggunian: (larawan)https://image.issu.com/16062023524538e09252ca
41dc545b8b9d56c8a02b09/jpg/page_1.jpg

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin (popular na


panitikan)

 Pagsusuri, pagpapakita ngmga halimbawang panitikan


(komiks, pahayagan, magasin)

 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya
Going Bulilit!
2 Mungkahing Estratehiya
Paghambingin ang tabloid at Game Show
broadsheet sang-ayon sa Suriin ang nilalaman ng
nilalaman nitong impormasyon, komiks at magasin.
layunin
at paraan ng pagkasulat.

3 Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing Estratehiya


The Voice/ Tawag ng
Talk Show
tanghalan
Suriin ang nilalaman ng komiks
Sa pamamagitan ng awit,
at magasin.
ibigay ang tono/damdamin ng
mga babasahing popular.

Ikatlong Markahan | 8
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangaila
Mahusay ngan ng
Pagpapabuti
Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di
Nilalaman naipahatid ang nilalaman o naiparating naiparating
at Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang ang
ng mga Kaisipan kaisipan na nais iparating nilalaman o nilalaman o
o Mensahe nais iparating sa manonood kaisipan na kaisipan na
(4) sa manonood (3) nais iparating nais iparating
(4) sa manonood sa manonood
(2) (1)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan
kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng ng
kasiningan ang pamamaraang kasiningan kasiningan
pamamaraang ginamit ng ang ang
Istilo/Pagkamalik ginamit ng pangkat sa pamamaraan pamamaraan
hain pangkat sa presentasyon g ginamit ng g ginamit ng
(3) presentasyon (2) pangkat sa pangkat sa
(3) presentasyon presentasyon
(1) (0)
Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di
nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas nagpamalas
Kaisahan ng pagkakaisa ang bawat ng ng
Pangkat o bawat miyembro sa pagkakaisa pagkakaisa
Kooperasyon miyembro sa kanilang ang bawat ang bawat
(3) kanilang gawain (2) miyembro sa miyembro sa
gawain (3) kanilang kanilang
gawain (1) gawain (0)

 Presentasyon ng bawat pangkat.

 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat


na nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan
batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Bakit malaki ang hatak ng pahayagan lalo na ang tabloid sa


panlasa ng nakararaming mambabasang Pilipino sa kabila ng
malaganap na pag-unlad ng internet?

2. Sa iyong palagay, alin sa mga babasahing popular ang higit na


nakaiimpluwensya sa buhay, pag-uugali,at pag-iisip ng mga
Pilipino? Bakit?

Ikatlong Markahan | 9
3. Bakit kaya higit na tinatangkilik ng masa ang mga babasahing
popular kaysa mga tradisyunal na panitikan?

 Pagbibigay ng input ng guro sa popular na panitikan.

ALAM MO BA NA…

Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag


na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na
imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may
espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o
lingguhan.

MGA BAHAGI O PAHINA NG PAHAYAGAN


Pangmukhang Pahina – makikita rito ang pangalan ng pahayagan at
ang mga pangunahin o mahahalagang balita.

Balitang Pandaigdig – mababasa sa pahinang ito ang mga balitang


nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Balitang Panlalawigan – mababasa rito ang mga balita mula sa mga


lalawigan sa ating bansa.

Pangulong Tudling/ Editoryal – sa pahinang ito mababasa ang kuru-


kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong
paksa o isyu.

Balitang Komersyo – dito mababasa ang mga balita tungkol sa


kalakalan, industriya, at komersyo.

Anunsyo Klasipikado – makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’t


ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan, at iba pang
kagamitang ipinagbibili.

Obitwaryo – ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay


na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang
namatay.

Libangan – ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista, pelikula,


telebisyon, at iba pang sining. Naririto rin ang mga krosword, komiks, at
horoscope.

Ikatlong Markahan | 10
Lifestyle – mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong may
kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba
pang aspeto ng buhay sa lipunan.
Isports – naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan.

KOMIKS

Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita


at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo
sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring
maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na
makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang
katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng
anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre),
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at
popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng
iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino.

MGA BAHAGI NG KOMIKS

Pamagat ng Larawang
kuwento guhit ng
mga tauhan
Kahon ng sa kuwento
Salaysay-
Pinagsusula-
Lobo ng
tan ng
usapan-
maikling
Pinagsusula-
salaysay
tan ng
tungkol sa
usapan ng
tagpo
mga tauhan;
Kuwadro- may iba’t
Naglalaman ibang anyo
ng isang ito batay sa
tagpo sa inilalarawan
kuwento ng dibuhista.
(frame)
Sanggunian: Komiklopedia.wordpress.com

Ikatlong Markahan | 11
MAGASIN

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin


sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod
na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang
kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga
kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang
Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga
namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan
rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga
nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting
humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga
Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang
bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na
tinatangkilik sa bansa.

1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo


bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na
nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang
maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang
pag-aalinlangan.

2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo


dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan
tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan,
kultura at aliwan.

3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina.


Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila
upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging
mabuting maybahay.

4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman


nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan
at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista
sa bansa.

5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping


at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin


ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

Ikatlong Markahan | 12
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol
sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.

8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito


ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito.
Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-
aalaga ng mga gadget.

9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais


magtayo ng negosyo.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. Al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : VENN DIAGRAM


Sa tulong ng diagram, ibigay ang lagom o pangkalahatang
konsepto ng akdang tinalakay.

A
Pahayagan

A&B A&C

B ABC
C
Magasin B&C
Komiks

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : SINE-LISIS


Panonood ng isang video clip. Pagkatapos ay suriin at iugnay
ang temang napanood nito sa tema ng alinmang komiks, magasin o
pahayagan.

Ikatlong Markahan | 13
EBALWASYON

Panuto : Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang


letra ng tamang sagot.

1. Ang __________________ ay isang uri ng paglilimbag na


naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang
na imprenta sa mababang halaga.Maikling kwento
a. pahayagan
b. dyaryo
c. peryodiko
d. lahat ngnabanggit

2. Alin sa mga sumusunod ang higit na tinatangkilik ng masa dahil


higit itong mura at naglalaman ng makamasang balita na
nakasulat sa wikang Filipino ?
a. Broadsheet
b. Tabloid
c. Pahayagang Pangkampus
d. Komiks

3. Ang _______________ ay isang grapikong midyum na ang


mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento.
a. pahayagan
b. komiks
c. magasin
d. broadsheet

4. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na


mga nobela.
a. pahayagan
b. komiks
c. magasin
d. tabloid

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panitikang


popular?
a. Pahayagan
b. Komiks
c. Magasin
d. nobela

SUSI SA PAGWAWASTO

1.D 2.C 3.C 4.B 5.A

Ikatlong Markahan | 14
INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

IV. KASUNDUAN

1. Sa tulong ng T-CHART ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba


ng tradisyunal at popular na panitikan.

Tradisyunal P Popular
a
g
pagkakaiba k pagkakaiba
a
k
a
t
u
l
a
d

2. Magsaliksik tungkol sa antas ng wikang ginagamit ng Filipino,


magbigay ng mga halimbawa.

Ikatlong Markahan | 15
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIIa-c-30)


 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon
a. Balbal
b. Kolokyal
c. banyaga

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIIa-c-29)


 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng
multimedia.

II. PAKSA

Wika : Antas ng Wika – Di Pormal (Balbal, Kolokyal,


Banyaga)
Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Alma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

ANTAS NG WIKA – Di Pormal

Ikatlong Markahan | 16
AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PIC- CONNECT!
Bigyang kahulugan ang mga salita sa ibaba sa
pamamagitan ng pagkonek nito sa angkop na larawan.

PHOTO BOMBER – MULTIMEDIA –


taong nakuha sa litrato ang pagsasama-
na dapat ay hindi sama ng iba’t ibang
kasama/kabilang klase ng
teknolohiya.
WWW – international
na network na pang- CYBERNETICS –
computer na nag- agham ng
uugnay sa mga komunikasyon at ng
indibidwal nanasa iba’t awtomatikong
ibang panig ng mundo. sistema ng
pagkontrol kapwa
TECHIE - Taong sa makina at buhay
eksperto sa teknolohiya na nilalang

Sanggunian: (larawan)www.google.com
(kahulugan ng mga salita) Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin (popular na


panitikan)

 Pagbasa ng lunsarang teksto


SOCIAL MEDIA AT ANG MODERNONG FILIPINO
Ano na lang ang buhay kung wala ang social media? Maraming Pilipino na
ang natulungan at patuloy na tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito: mga
nalulungkot na OFW, mga bagets n hindi masyadong outgoing, mga madlang pipol
na gustong magtipid sa entertainment, mga gustong makahanap ng sideline
income,mga naghahanap ng bagong info at mga gustong umepal.
Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social
media sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura
natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan.
Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng
komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipag-
talastasan sa mga online forums at sa pagtambay sa friendster.
Ngayon ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook at iba pang social
networking sites. Basta isang website ang may komunikasyong maaaring gawin (kahit
comment portion lang), malamang may Pilipinong dumadayo doon.
Kung kaya’t hindi nakakapagtaka na napakataas ng porsyento ng mga online
na Pinoy sa social networks.

Sanggunian: http://visual.ly/global-map-social-networking-2011

Ikatlong Markahan | 17
ANALISIS

1. Bakit sinasabing ang Filipino ay nasa modernisadong mundo?


2. Gaano kaepektibo ang social media sa aspeto ng kultura ng
mga mamamayan?
3. Anong antas ng wika ang mga salitang may salungguhit?
4. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang
maipahayag niya ang kaniyang saloobin o paniniwala?
Patunayan.
5. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na
komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

Mga Salitang Ginagamit Sa Impormal Na Komunikasyon


Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-
araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at
kaibigan ay kabilang sa mga impormal na salita. Ang impormal na
salita ay nauuri sa apat.
3. Lalawiganin (Provincialism)- ito ang mga salitang kilala at saklaw
lamang ng pook na pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin ang
mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas , may kakaiba
pang tono ito.

Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud (Ilokano)

4. Balbal (slang)- ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na


slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng
matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang
pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang
kanto o salitang kalye.

Halimbawa:
Erpat - tatay
Tsikot - kotse
Sikyo - security guard
Lispu - pulis
Yosi - sigarilyo
Praning - baliw

Ikatlong Markahan | 18
3. Kolokyal (colloquial)- ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabul-
gar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasalita.

Halimbawa: Pormal Kolokyal


Aywan ewan
Piyesta pista
Nasaan nasan

4. Banyaga- ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika
ay mayaman sa wikang banyaga. Karamihan sa mga ito ay
pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham,
simbolong pangmatematika o mga salitang banyagang walang
salin sa wikang Filipino.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. Al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : ILOG NG KAALAMAN


Hulihin mula sa ilog ang isdang nagtataglay ng kaalamang natutunan
mo mula sa aralin, pagkatapos ay bumuo ng konsepto gamit ang
mga salitang nahuli mo.

nakatutulong Pag-unawa Antas ng wika Di - pormal

Walang
wika Napapanahong katumbas
balita mambabasa

Panitikang paggamit
popular

Ikatlong Markahan | 19
Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Nakatutulong ang paggamit ng
di pormal na wika sa pag-unawa sa panitikang popular sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang napapanahon at mga
salitang walang katumbas sa wikang Filipino.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : ROLE PLAYING


Gamitin ang mga sumusunod na salita sa iba’t ibang sitwasyon sa
paaralan, tahanan, o pook pasyalan.
a. Syota e. gora i. facebook
b. Erpat f. chakadal
c. Datung g. yosi
d. Ewan h. praning

EBALWASYON

Mungkahing estratehiya : HALAWIN MO!


Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw
ng iba’t ibang antas ng wika. Ihanay ito sa table 3.1.3

ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA


Jayson Alvar Cruz

Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais


niyang maranasan ang kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol
sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang mga
gusali. Gusto niyang malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na
nang makarating sa Maynila si Boyet. Sinundo siya sa terminal ng
kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa
kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng bus.
BOYET: “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at
lubhang napakarami ng kalat.”
TIYO: “Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang
buhay dito sa Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo
umuwi ng bahay.”
Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng
isang pangkat ng mga kabataan.
BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!”
BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy
ako kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka-jam
ako kahit konti.”

Ikatlong Markahan | 20
BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts
na ko eh.”
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata.
Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-maya’y biglang
naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya ang impit na tili ng
dalagitang estudyante.
Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya
ng kaniyang tiyuhin.
TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo.
Hayaan mo na sila.”
BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae.
Kailangan niya tayo.
TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.”Nagpatuloy sila sa
paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga babae. Nakapustura
at puno ng kolorete ang mga mukha nito.
BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.”
TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang
pamangkin ko.”
BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng
kanilang pananamit?”
TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit
sila nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito
sa Maynila.”

Table 3.1.3
KOLOKYAL BALBAL BANYAGA

SUSI SA PAGWAWASTO

KOLOKYAL BALBAL BANYAGA


Bwiset Tropa Mall
Amats Waisted
Dubi Jam
Tobats Shortime
Tsibog Boss
tomguts Wow
brod

Ikatlong Markahan | 21
INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index

IV. KASUNDUAN

1. Tumbasan ng impormal na salita ang mga sumusunod na salita:


a. Aywan
b. Piyesta
c. Ama
d. Kapatid
e. Pulis

2. Humanda sa sariling likhang balita/ komentaryo.

Ikatlong Markahan | 22
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIIa-c-30)


 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga
ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.1


Kagamitan : Pantulong na biswals, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : KOLABORATIBONG
GAWAIN
Ipakita ang mga ideya/paraan sa pagsulat o pagbuo ng balita o
komentaryo

1 Mungkahing Estratehiya:
INTERBYU
2 Mungkahing Estratehiya:
FACE TO FACE

3 Mungkahing Estratehiya: 4 Mungkahing Estratehiya:


TALK SHOW ROLE PLAYING

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

 Pagbibigay ng input at halimbawa ng guro sa pagsulat ng


komentaryo.

Ikatlong Markahan | 23
 Pagtalakay sa awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S

GOAL- Nakabubuo ng isang napapanahong balita/komentaryo.

ROLE- Ikaw ay isang reporter sa Pahayagang Pangkampus

AUDIENCE- Mga mag-aaral ng Batangas National High School

SETTING- Programa sa paaralan /School presscon

PRODUCT- Balita/ komentaryo

STANDARD–

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
A. Malikhain
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasalamin sa
lipunang ginagalawan)
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng
mga salita at bantas)

LEYENDA
20 – 25 ---------- Napakahusay
15 – 20 ---------- Mahusay
10 – 15 ---------- Katamtamang Husay
5 – 10 ---------- Hindi mahusay
0–5 ---------- Nangangailangan ng rebisyon

 Pagkuha ng mga output na ginawa ng bawat mag-aaral.

IV. K A S U N D U A N

1. Ano-ano ang mga halimbawa ng broadcast media?

2. May naitutulong ang mga ito sa pagkakaroon ng kamalayang


panlipunan at sa pagpapalago ng kulturang Filipino?

Ikatlong Markahan | 24

You might also like