Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan PDF
Lesson Plan PDF
Lesson Plan PDF
5.Paglalapat:
A.Basahin ang salita at salungguhitan ang diptonggo.
okoy payaso awit bahay langaw
duyan baboy diwata saliw buhay
daloy ayungin kulay kasoy agiw
ilaw kahoy kaway lumitaw away
B.Bumuo ng mga salitang may diptonggo
1.aw
2.iw
3.oy
4.ay
C.Sabihin kung ang diptonggo ay nasa unahan,gitna o hulihan.
1.kawayan 6.reyna
2.ilaw 7.malaya
3.sabaw 8.bayan
4.sakay 9.tibay
5.daloy 10.bughaw
IV.Pagtataya:Kilalanin ang mga nasa larawan at salungguhitan ang dip-
tonggong ginamit.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1.
Banghay Aralin sa Filipino 4
I.Layunin:Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang;
a.Malaman kung ano ang pangngalan,
b.Matukoy ang pantangi at pambalana at
c.Malaman ang wastong gamit ng pangngalan.
II.Paksang Aralin:Pangngalan
Sanggunian:Hiyas sa Filipino 4, pp.30-35
Kagamitan:manila paper, flashcards
Pagpapahalaga:Mapagmasid
III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1.Awit:
2.Balik-aral:Itanong sa mga bata
a.Ano ang tatlong kayarian ng pangungusap?
b.Ano ang kahulugan ng payak, tambalan, at hugnayan?
B.Mga Gawain sa Pagkatuto:
1.Pangganyak:Sabihin sa mga mag-aaral na magbigay ng halimbawa ng;
a.pangalan ng tao
b.pangalan ng lugar
c.pangalan ng bagay
2.Paglalahad:Ipabasa sa mga mag-aaral ang nakasulat sa manila paper.
3.Pagtatalakay:Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang nakasulat sa manila paper.
Pangngalan- tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lunan, gawa, at pang-
yayari.
2 Uri ng Pangngalan
1.Pantangi-tiyakang ngalan ang tinutukoy.
– nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa:
tao- Aileen, Fe, Austria, Bb. Perez
bagay- Gintong Pamana
lunan- Magallanes, Cavite
pangyayari- Araw ng Maynila
2.Pambalana-karaniwang ngalan ang tinutukoy.
-hindi ito sinusulat sa malaking titik.
Halimbawa:
babae, guro, aklat, paaralan, aksidente
Dalawang uri ng pangngalan ayon sa nakikita at di-nakikita.Konkreto ang
pangngalan kung nakikita at di-konkreto kung di nakikita.