Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kara: Sa dulo ng kagubatan, sa isang lugar na halos abot mo na ang kalangitan.

Isang grupo ng tao ang


natagpuang naninirahan sa kweba noong 1971. Nakabahag, primitibo, walang muwang sa modernong
sibilisasyon. Isang mangangaso sa pangalang Dafal ang nakadiskubre sa kanila. At ang negosyanteng si
Manda Elizalde ang nagpakilala sa kanila sa mundo. Tinawag silang "Tasaday".

Dalawampu't anim lang ang mga Tasaday noon nang ibinida sila ni Elizalde at ni dating pangulong
Ferdinand Marcos sa mga dayuhang mamamahayag, anthropologist at iba pang personalidad. Sila ang
nagsabing mula pa raw sa panahon ng stone age ang mga Tasaday. Nalathala sa dyaryo ang kanilang
mga mukha sa mundo ng karahasan at kasakiman, ang mga mahiyaing Tasaday ang naging imahe ng
kapayapaan. 1986, isang dayuhang mamamahayag ang bumalik sa lugar ng tribo at nakita nyang
nakadamit na ang mga ito.Kasama ang ilang anthropologist, idineklara nilang peke ang mga Tasaday.
Mga magsasaka raw sila na pinagbihis lang ng bahag ni Elizalde para umarte sa harap ng camera.
Kinutya, pinagtawanan, tinawag na sinungaling ang mga Tasaday.

Kara: Makalipas ang higit dalawangpung taon, binalikan ko ang kweba ng mga Tasaday at ang misteryo
ng kanilang pagkatao. Mula Coronadal, South Cotabato, limang oras aaming naging byahe sakay ang
motorsiklo patungo sa pinakamalapit na bundok. At dun ko natagpuan si Dul.

Kara: Ito si Dul ang isa sa nabubuhay pang purong Tasaday. Dekada otsenta raw nung lisanin ni Dul ang
kweba. Nakapag asawa raw kasi ng Manobo Blit, isang tribo sa South Cotabato, ang kanyang mga anak.
Pero di sya nakakalimot sa nakagisnang buhay. Kasama si Dul, tinahak namin ang daan patungong kweba
ng mga Tasaday. Kwebang matagal na nilang iniwanan. Mahigit limang oras ang aming naging
paglalakbay patungo rito mismo sa kweba.

Kara: Kasama ko rin ngayon si Mafalo Dudim. Siya yung isa sa mga unang nagdala kasama ni Dafal kay
Manda Elizalde no? Kayo po ang nag guide sa kanila?

Mafalo: Oo (sabay tango)

Kara: Pero sila...? Nag helicopter?

Mafalo: Oo (sabay tango)

Kara: Kayo?

Mafalo: Naghike kami

Kara: Naghike kayo. So, kumbaga kayo yung isa sa mga unang nakakita sa Tasaday?

Mafalo:Oo, si Dafal ang kasama namin

Kara: Si Manda Elizalde, dinadala nyo doon?

Mafalo: Oho pero nakahelicopter siya (imaktong helicopter na lumulipad ang kamay)
Kara: (Tango)

Kara: Kabisado ni Dul ang iba't ibang kwarto sa loob ng kweba. Sa pinakamataas na parte raw ng kweba,
rito mismo, natutulog si Bilangan, ang lider ng mga Tasaday.

Kara: So, ito yung lugar ni Bilangan?

Dul: Oho

Kara: San ho umuupo si Bilangan?

Dul: Gayni (sabay turo sa kanan)


Agayni Itet (sabay turo kaliwa)

Kara: Dito ho si Bilangan tapos dito si Itet? (sabay turo kanan kaliwa) Yung asawa ho nya?

Dul: Oho (sabay tango)

Kara: Ito yung litrato na kinuha dito sa kwebang to nung 1971. Isang litrato ni Bilangan at ng kanyang
pamilya, eksakto sa inilarawan ni Dul ang nakita ko sa larawan.

Kara: Si Bilangan at Itet hu ba ito? (Turo sa larawan)

Dul: Oho (Tango) Ta si atibong kwa, tubong adiyay anak, agayni. (Turo)

Kara: Ahh dito rin nanganak Itet? (Turo)

Dul: Opo (sabay tango)

Kara: Kung titignan natin parangang ito yung lugar (turo)


: San naman ho natutulog si Bilayam?

Dul: Gayni (turo) Nung di pa sya nagaasawa, rito. Pero nung nagasawa na sya lumipat na sya dun sa
kabila. (Turo)

Tanong ko sa aking sarili, kung sinungaling ang mga Tasaday at hindi sila tumira sa kweba? Bakit
kabisado parin ni Dul ang bawat sulok nito, gayung mahigit tatlungpung taon na ang nakalipas. Kung
magsasakang Manobo Blit sila tulad ng sabi ng ilang eksperto, bakit kakaiba ang kanilang mga salita?
Ayun sa eksperto ng mga wika, magkaiba ang dialect ng mga Tasaday at Manobo Blit. Maraming teyorya
na ang umusbong ukol sa katauhan ng mga Tasaday. Pero sino nga ba sila kung mismong Tasaday ang
tatanungin?

Dul: Kami, Manobo Tasaday


Kara: Kayo po? Ano po kayo? (Turo kay Mafalo)

Mafalo: Manobo Blit.

Kara: Kayo, Manobo Blit. Pero ngayon pag sinabi?

Mafalo: pag tinanong kami, halimbawa tanungin nila kami. Taga san ka? Taga Blit. Pero hindi nila
maalam na Manobo Blit.

Kara: Ahh pero kayo, Manobo Blit talaga. Pero pag tawag nila sa inyo Blit lang?

Mafalo: Oo (sabay tango)

Kara: Sila? (Turo kay Dul)

Mafalo: Tasaday

Kara: (Tango)

Sa kwento raw ng kanilang mga ninuno, may sakit daw na sumalanta sa tribo ng mga Manobo noong
unang panahon. Para takasan ang sakit, ilan sa kanila ang nanirahan sa kweba mahigit isang daang taon
na ang nakalipas. Natakas nga nila ang sakit pero napagiwanan din sila ng panahon. Sa kweba na
ipinanganak si Dul, ito lang ang kilala nyang mundo. Walang ibang tao kundi sila, hanggang dumating si
Dafal at Elizalde na nagpabago raw ng kanilang mundo. Kung si Dul ang tatanungin? Mas mabuti pang di
nalang sila natagpuan.

Kara: Pag nalulungkot daw si Dul, bumabalik daw siya sa kweba kasama ang kaniyang apo, si Bikini
Silungan. So, habang naglalaro sya kanina, naalala ko ang isang litrato. Litrato ng isang bata. Lobo raw
ang pangalan ng batang ito. Tama hu ba?

Dul: Oho (tango)

Makalipas ang tatlong dekada, nasan na kaya sya? Labing apat na taong gulang lamang si Lobo nang
malathala sa mga pahayagan ang kanyang mukha. Sinundan siya ng camera san man magpunta. Habang
nagbabaging, sa oras ng pagkain, pati pagkamangha sa mga bagay na bago sa kanyang paningin. Anak ng
lider na si Bilangan. Si Lobo ang naging mukha ng mahiyaing tribong Tasaday noong 1971. Makalipas ang
higit tatlungpung taon, ito na si Lobo ngayon.

Kara: Kumusta po? (Shakehands)


Kayo po si Lobo?

Lobo: Oo (sabay tango)

Kara: Ako po si Kara.


Kara: So after more than 30 years, ito na si Lobo ngayon. Sa isang bahay kubong ito. Dito sa Sitio
Tasufuko, natagpuan si Lobo. Kung di nyo alam ang kanyang nakaraan, hindi nyo iisiping isa pala syang
Tasaday. Nagsasaka na sya ngayon, nakadamit tulad ng karaniwang Manobo. Nagbago man siya ng bihis,
hindi nito hinubad ang kanyang pagka Tasaday (Tingin sa camera).

Kara: May mga litrato hu ako rito. Dito po, bat hu kayo umakyat dyan?

Lobo: Umaakyat kami para gayahin ang mga unggoy.

Kara: Ito, natatandaan mo pa ba ito?

Lobo: Oo, Momodakan

Kara: Ano si Momodakan sa inyo?

Lobo: Tutulong daw sya sa mga mahihirap.

Tulong, ito raw ang pirming pangako sa kanila ng lahat ng bumibisita sa kanila. Pero lalo lang daw
gumulo ang kanilang buhay sa pagpasok ng bisita.

Lobo: Matagal na yun na may nagpunta rito para tumulong sa amin. Tapos may nagpunta na naman ulit
na bago at sinabi sinungaling na kami. Sabi magsasaka raw kami talaga at sinungaling daw kami. Si
Oswald ang nagsabing hindi kami totoo.

Ang tinutukoy ni Lobo ay si Oswald Iten, ang dayuhang mamamayag na bumalik sa kanilang tribo noong
1896. Siya ang nagsabi sa buong mundo na peke ang mga Tasaday. Nung 1898, sa kainitan ng isyu na
peke raw ang tribo, dinala sa Maynila si Lobo kasama ang ilang pang Tasaday, Takot na takot daw sya
noon at galit na galit.

Kara: Bakit po kayo nagpunta sa Maynila?

Lobo: Nagpunta kami ng Maynila para patunayan na kami ay totoo. Bakit ayaw nilang maniwala sa
amin?

Kara: Ang sabi po kasi nila, e hindi naman daw po talaga kayo nakaganyan (turo sa picture). Pinagbihis
lang daw kayo ng ganyan. Totoo ba yun o hindi?

Lobo: Hindi yan totoo. Dati wala talaga kaming suot. Nakabahag lang kami. Ganun talaga ang Tasaday.

Kara: (tango)

Pero wala raw nakinig sa kanila. Tila naging mga bingi raw pagkatapos silang pakinabangan. Ngayon, sa
tuwing may bibisita sa kanila, takot na syang magtiwala.
Kara: Sabi nila natatakot daw po kayo sa tao?

Lobo: Hindi ako nasanay sa maraming tao. Natatakot ako na baka patayin ako.

Dalawang dekada na lumipas mula nang tawagin silang peke ng ilang mamamahayag at anthropologist.
Pero hanggang ngayon dala parin ni Lobo ang matagal nang kinikimkim na galit.

Lobo: Kung gusto nila sabihin na sinungaling kami, patumayan nila. Masama ang loob ko na sinasabing
kami ay sinungaling. Huwag nyo kami tawaging sinungaling.

Kara: Nawawalan na hu ba kayo ng pag asa?

Lobo: Naghihintay parin kami. Mahirap ang taong walang pinag aralan. Lagi ka nalang naghihintay.

Wala siyang ibang naging hangad kundi ang baguhin ang kapalaran nila at kung kailangan nyang
magsaka, kimita ng pera at yumakap ng bagong kultura? Ay gagawing nya sa ngalan ng kanyang tribo.

Lobo: Kami ang tao ng lugar na Tasaday. Kami ng mga Manobo. Kami ang huling tribo na pinakamahirap.
Sana may makarinig na malaking tao at tulungan kami.

Kara: Hindi ako Anthropologist. Hindi ako eksperto sa mga katutubo at hindi ko alam kung ano ang tunay
na nangyari nung 1971. Peke nga ba sila o totoo? Wala akong ilusyon na sagutin ang tanong na ito.

Ang alam ko lang, ang mga taong nakita ko sa mga lumang litrato ay pareho parin sa nakilala ko ngayon.
Pareho parin ang kanilang kwento. Sila ay mga Manobo Tasaday na kweba ang kinilalang mundo.

Ang tanging hangad ko lang bilang isang mamamahayag, mabigyan sila ng pagkakataong makapagsalita.
Bagay na ipinagkait sa kanila ng mahabang taon. Kinuqhanan sila ng litrato, pinagusapan, pinag aralan,
pinangakuan, hanggang sa tuluyang kinalimutan.

Bago pa man sila ibinida sa mundo, malinaw sa mga Tasaday kung sino sila. Sino ba naman tayo para
ipagkait sa kanila ang tunay nilang pagkatao. Ako po si Kara David at ito po ang iWitness.

You might also like