Professional Documents
Culture Documents
SPELL L O V E SPELL Script
SPELL L O V E SPELL Script
YURI: Brad, kung papipiliin ka, anong mas gusto mo? To love or to be loved?
Ang dalawa ay nakaupo sa isang parihabang upuan, parehong may dalang softdrinks na nasa
plastic.
YURI: Gusto kong magmahal. Kahit walang kapalit, gusto kong magmahal.
GAB: Cheesy, brad! Nababaklaan ako sayo! Pero di bale, may nakapagsabi sa akin na effective
daw dito.
YURI: Sigurado ka ba talagang gusto mong manggayuma? Ang daya naman no'n, Gab!
GAB: You'll do the same thing kapag hindi ka minahal ni Faith. Hindi naman malalaman ni
Marie 'to kung walang magsasabi.
YURI: Bahala ka sa buhay mo. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa natin dumayo rito
sa Quiapo para dito!
Pumasok ang isang babaeng may edad, makulay ang mga damit at may dalang bag.
YURI: (Nahihiya) Ay, siya lang po. (Nilingon at tinuro si Gab) Sumama lang po ako rito.
Saka pumasok ang isang babae, mukhang napadpad lang para magsimba sana.
Tumuloy nga si Daisy, dumanay sa linya nila Gab pasaglit-saglit na sumisilip sa phone at iniikot
ang paningin sa booth ni Marites.
Pumasok ang isang bakla, babae ang pagkakaayos ng mukha pero pormadong bakla.
GAB: Hi!
Bumati pa si Gab sa mga bagong dating. Yumuko lang si Daisy at ngumiti habang umirap
naman si Louie.
GAB: Hindi ba po, nagbebenta kayo rito ng gayuma? Ano pong puwede para magkatuluyan kami
ng babaeng mahal ko?
MARITES: Hinahaluan yan ng tubig na unang buhos mo sa sarili mo sa pagligo. Tatlong patak
lamang. Ihinahalo yan sa inumin ng mahal mo, kinagabihan ay iilalim sa unan at banggitin sa
isipan ang pangalan ng iyong minamahal.
GAB: Ikaw, brad? Sayang naman ng ipinunta natin dito kung sasamahan mo lang ako. Eh paano
kung dumating sa puntong di ka talaga niya kayang mahalin habang hulog na hulog ka na?
Paano kung—
YURI: Oo na! No buts, no ifs! Isa lang po, ate. Backup lang 'to. Ang kulit kasi eh!
DAISY: Manang, sorry po. May emergency po kasi. Saka na lang po.
LOUIE: Ate naman eh. Baka naman kalokohan to ah? Baka natatatakot ka lang masaktan ako
dahil magkakilala tayo.
LOUIE: Pasmado bibig mo, ate. Ang aga-aga magkakawrinkles ako sayo! Ineexpect ko pa naman
sasabihin mong yayaman ako o di kaya magugustuhan ako ng isang sikat ng soccer player.
Jusko! Mauna na po ako!
Biro pa ni Marites.
LOUIE: Jusko naman. Magbibigay na lang ng salamin, yung malabo pa! Magagamit ko kaya 'to?"
Naglalakad si Louie dala-dala ang salamin nang makabangga ang isang ina.
LOUIE: Ay!
Naupo si Mercy.
MARITES: Ano pong nakikita niyong mangyayari sa akin? Mabubuo pa po ba ang pamilya ko?
Hindi na kumibo pa si Marites at agad na inilabas ang bolang kristal. Dinadama niya ito habang
nakapikit. Inalok ang kamay ni Mercy upang humawak rin.
MERCY: Opo!
MARITES: Mahal ka ng anak mo. Nararamdaman ko. Ito ang batang tutulong sayo balang araw.
May kinuha ito sa bag niya. Ibinigay niya kay Mercy ang isang kwintas.
MARITES: Ipasuot mo 'yan sa anak mong ito. Matutulungan ka niyang na muling mapalapit sa
kan'ya.
MARITES: Nanay din ako, Mercy. Ramdam ko ang kalungkutan mo. Nawa'y maging ilaw ka ng
madilim ng mundo ng batang 'to sa pangalawang pagkakataon.
Saka nito inabot ang bayad. Pero ibinalik sa kanya ito ni Marites.
MARITES: Huwag na. Ipambili mo ng pagkain yan para sa mga anak mo. Inaantay ka na nila.
---
GAB: Inaya ko ng coffee date si Marie, buti pumayag. Okay na rin tong potion.
GAB: Ikaw lang naman ang kabado dyan. Di naman droga tong ihahalo ko sa inumin ni Marie
pero masisigurong maaadik siya sa akin!
Nagtungo si Gab sa coffee shop. Mayamaya'y dumating na nga si Marie at naka-order na.
Napaayos ng damit si Gab dahil sa kaba.
GAB: Oh, I thought naunahan kita.
MARIE: Nag-order na ako coz I was kinda bored awhile ago ang bagal mo kasi.
Mabilis na tumango si Gab. Nang mawala na sa paningin niya si Marie ay agad nitong inilabas
ang garapon at pinatakan ang inumin ng dalaga.
Umupo si Marie.
GAB: Hmm. Bonding lang! I want to hangout with you nang mas madalas starting today.
MARIE: (nakangiti) Well that sounds great! Alam mo talaga weakness ko.
MARIE: Oh boy, no! It's the coffee! I can't live without it, alam mo 'yan!
Pilit inaalis ni Gab ang sarili sa kahihiyan kaya naman natawa na lamang si Marie.
MARIE: I hope you're not trying to impress me again, Gab. You know, I'm not yet ready to love.
GAB: I'm willing to wait. Let's just have coffee every Sunday. No buts, no ifs. That's the deal.
Itinaas ni Gab ang kape niya kaya napabuntong hinga na lang si Marie.
JEFF: Napapadalas ang labas ni Gab at Marie ah. Are they feeling the same thing, Yuri?
MELISSA: Share it naman, Yuri! Di porket bestfriends kayo, kayo-kayo lang nagkaka-alaman
dyan. We're friends too!
HERSHEY: Plastic mo naman ghorl. Huling sabi mo sa akin, crush mo si Marie. Are you
threatened?
MELISSA: Oh shut up! The loyal bestfriend of Gab slash masugid na manliligaw ni Faith is
hearing us. He might pour the tea.
JEAN: Osige, maiba na lang. What's the real score between you and Faith? Naabot kayo ng radar
ko sa Manila. Ang lakas maka-boyfriend goal mo sa pagbitbit ng mga gamit at pag-aantay kay
Faith sa shooting nila. Kayo na?
MELISSA: At paano ka nakarating ng Manila, aber? I bet you had a date with your so called
"review buddy".
YURI: Eh anong magagawa ko? Mapipilit ko ba siyang mahalin ako? Mapapalitan ba ng kung
sino dyan yung saya ko kapag kasama siya? Faith makes me happy despite of the absence of
her love for me.
Para namang isang great idea ang naisip ni Melissa na ikinapanting ng tenga ng mga kasama.
MELISSA: OH FFFFFFFFFFFF.
Bakas ang pagkabigla ni Melissa na gawa ng biro niya na halatang sineryoso ni Yuri.
Jeff: Better to be in love with a gay than being in love with my Daisy. A good decision, bro! Pfft!
Biro ni Jeff na hindi rin mapigilan ang tawa kaya't nakipag-high five na lang.
---
VICTOR: Buwan na rin ang lumipas, anak. Sabi ng doctor, makakalabas na siya. Maghihilom na
rin ang mga sugat niya.
DAISY: Mabuti naman. Kumain na ba siya, Pa? May dala ako dito.
VICTOR: (mahinahon) Hindi ko alam, Daisy. Iniwan ko kasi sila para makapag-usap.
DAISY: Baka kumain na. Tara, Pa! Tayo na lang kumain nito. Binili namin to ni Jeff sa Makati,
dinayo pa namin.
VICTOR: Nako, busog pa ako, anak. Ikaw na muna ang kumain dyan. Bantayan mo muna tong
kapatid mo, maninigarilyo lang ako sa labas.
Ginulo ng ama niya ang buhok ni Daisy saka ito nilagpasan at nakaalis ng kwarto.
Akmang kakain na si Daisy nang bumangon bigla si Rose na parang hindi nagpatihulog kailan
lang.
ROSE: Eh kaysa dito. Wala akong maaasahan sa inyong lahat. Dapat nga hindi na ako nabuhay.
DAISY: Alam mo dapat nagpasalamat ka na lang dahil nabuhay ka pa. Siya nga pala, dumating
daw si Mama?" Banggit ni Daisy sa usapan nilang mag-ama kanina.
ROSE: Eh ano naman? Kung bangkay na ako ngayon baka nagpakalayo-layo na naman 'yon. Kaya
lang naman siya nagpapabalik-balik dito dahil sa nabuhay pa ako't inuusig siya ng konsensya
niya. Pero kung deds na? Baka nakipagbuntisan na yon sa mga kano!
DAISY: Pero bumabawi na siya, Rose. Saka nagpaliwanag na siya diba? Kinulong siya ng amo
niya kaya hindi siya nakauwi at nakakapagpadala. May Pilipinong tumulong sa kanya para
makatakas at makapagtago! Hindi pa ba sapat—
ROSE: Hindi, Daisy! Hindi. Simula pa lang, mas pinili niya ang sarili niya kaysa sa atin!
Nagpupumilit ako noon na wag na siyang bumalik doon dahil nakapag-ipon na tayo at
kinakailangan natin siya pero tinakbuhan niya tayo! Pati kay Papa hindi siya nagpapigil! Anong
klaseng ina yan?! Anong klaseng pagmamahal ba ang naibigay niya?!
Sinubukan ni Daisy na abutin ang isa pang nakakuyom na kamay ni Rose ngunit inilayo ni Rose
ang kamay at sarili niya sa kapatid.
ROSE: Mahal? Pinakain lang ba tayo para masabing naalagaan? Sinuhulan ng pera para
masabing mahal? Inakong anak sa Facebook para masabing mahalaga? Daisy, ayoko na!
Nmagmula nang mawala siya nang tuluyan, natuto akong sumaya nang mag-isa! At ngayong
bumalik siya? Bumalik yung galit. Bumalik lahat kaya ayoko na!
ROSE: Wala kang dapat ihingi ng tawad. Hindi kita nanay. Wala akong nanay!
MERCY: Anak, ano bang pwede kong gawin para maibalik natin ang—
ROSE: Sana hindi ka na lang bumalik. Mas masaya yon para sa akin.
Inaalalayan ni Daisy ang ina palabas ngunit nagpupumilit itong lapitan pa si Rose.
ROSE: Hanggang dyan ka na lang! Subukan mong lumapit, kakalimutan ko nang kakilala pa kita!
Nagkalakas si Daisy para samantalahin ang pagkakataon at ilabas ang umiiyak na ina.
---
Biro ni Louie.
Panunubok ni Melissa.
LOUIE: There's no such thing as that. Besides, I am beautiful, I can do whatever I want with or
without love. I'd rather be alone. Tamang inom lang sa bar counter—
MELISSA: Si Yuri, kaibigan ko. Para kasing tangang habol nang habol sa babae di naman siya
gusto.
LOUIE: So you think, I might fulfill the love the he deserves? What a wrong choice of a friend,
Melissa. Nonsense. Bakla ako pero hindi ako desperado.
LOUIE: I have a bunch of problems to deal with. I have to treat myself bigtime after. Ikaw na
bahala sa kaibigan mong tanga.
MELISSA: Hoy bakla! 4pm sa coffeeshop malapit kila Gab next Saturday!
LOUIE: Hakdog!
Naghiyawan ang mga tao. Masayang masaya si Gab at halos tumalon muna bago mayakap ang
bagong nobya.
Sigaw ni Ryan, isa sa mga kaibigan ni Gab. Naghiyawan na naman ang lahat.
JEFF: Bakit?
DAISY: Ikaw yung lalaking nasa Quiapo noon diba? Bumili ka ng—
Sumigaw si Yuri sa likuran, napaturo rin si Daisy sa kinaroronan ni Yuri. Napatingin ito kay
Marie. Kumunot ang noo nang mapagtanto ng nangyayari.
YURI: Oo kami yung nakita mong bumibili ng kandila noon! Ito na yung pinagdasal namin,
girlfriend na ni Gab!
Wala nang iba pang nasabi pa si Daisy dahil naintindihan na nito ang pagsisinungaling ni Yuri.
JEFF: Anong nakita sa Quiapo? Alam kong nagsisinungaling ka. Anong binili ng kumag na 'yon?
DAISY: Gayuma. Love, wag mo nang sabihin—
Napatingin sa likuran si Daisy at napasapo sa ulo nang makitang kasama pala nila sina Melissa
at Hershey.
DAISY: Please, wag niyong ikalat. Panigurado magkakagulo ngayon at pareho silang masasaktan.
Wala naman akong patunay na ginamit niya talaga kay Marie 'yon.
MELISSA: Gab is our friend. Maloko lang yan pero di naman gagawa ng kagaguhan yan.
MELISSA: Hershey's right. Pero tara na balik na tayo dahil paghihinalaan tayo ng mga yon na
may tinatago.
---
Naglalakad si Yuri at ang apat niyang kasamang sina Seira, Clyde, Austin at Eric. Ang
makakasama niya sa audition para sa battle of the bands ng eskwelahan.
SEIRA: I-claim na natin! "The Seizmic", the grand winner of interschool competition for the
battle of the bands! Tapos madidiscover tayo from division to regional, nationwide and to
worldwide! Nararamdaman niyo ba?
Tuwang tuwang sabi ni Yuri, male vocalist ng banda. Saka ito bumalik sa pagkakalikot ng
cellphone habang nakikinig.
AUSTIN: Nako, mukhang dadami ang fangirls mo dito, Yuri. Makakalimutan mo na si Faith!
SEIRA: Hoy, Yuri. Ano na? You're zoning out! Wag mong sabihing di ka tutuloy ah? Kukuyugin
ka namin!
YURI: C-can we not attend today? Bukas na lang para last day?
SEIRA: Aba! Grabeng katangahan ah! Wag mo kaming idamay, utang na loob, Yuri wag ngayon.
ERIC: Alam mo kung hindi ka lang vocalist, kahit itulak kita kay Faith ngayon din, gagawin ko!
We'll wait for you for an hour only. Kapag di ka nagpakita, wala kaming magagawa kundi
tanggapin si Ion agad-agad. Hindi tayo pwedeng magsayang ng oportunidad, Yuri. Hindi mo
lang pangarap 'to. Pangarap din namin.
YURI: Then choose your dream, guys. I think Faith really needs me. I gotta go.
Nauna nang umalis si Yuri habang dismayadong naglakad ang kanyang mga kabanda.
FAITH: Hindi mo naman dapat ginawa 'yon eh. I can deal with my own problems, Yuri. In fact,
hindi kita kailangan dahil naguguilty ako dahil feeling ko ang unfair ko and at the same time
gusto kong protektahan yung image ko dahil chismis na dito sa school na tayo na.
YURI: Then let that be real, Faith. What they see is what they get. Subukan mo lang ulit, Faith.
We're good friends after all."
Natahimik si Yuri.
FAITH: Sinagot ko na si Dylan pero iniisip ng mga tao na tayo na. I'm quiet popular in this
campus, alam mo ang impact ng chismis.
FAITH: And what makes me more problematic is... I need to get rid of you. Hayaan nating isipin
nilang we're not in good terms. Sabi mo nga, what they see is what they get.
Ngumiti si Yuri.
FAITH: Audition?
---
Tmango si Daisy.
Tinakpan ni Jeff ang bibig ni Jean kaya itinuloy ni Hershey ang panlalaglag.
Nagmakeface si Melissa.
MELISSA: Meron naman, tanga nga lang. Si Yuri, matino yun kaso kapag involved si Faith,
gameover!
DAISY: Uy, speaking of Yuri! Nakapasok daw sila sa final round ng audition for battle of the
bands!
DAISY: Jeff, bibig mo. Trust your friends. Hindi natin alam ang lahat ng nangyayari.
DAISY: Rose!
DAISY: Rose, alam mong walang trabaho ngayon si Mama. Ipon niya na lang ang natitira tapos
gagastusin mo para dyan?
ROSE: Eh, ano naman? Ibinigay niya eh! Hindi ako namalimos, kusang loob to. Ni wala nga
akong binanggit. Hindi ka ba nabigyan kaya kumukuda ka?
DAISY: Ang akin lang, sana iniipon mo para may panggastos ka sa mas importanteng bagay.
ROSE: Bakit kung makapagsalita ka parang ikaw ang panganay? Bastos ka—aray.
Akmang aalalay na si Daisy nang magsalita si Rose. Kinuha niya sa bulsa niya ang kwintas.
(Yung binigay ni Marites kay Mercy.)
ROSE: Saka ito pala, ibalik mo sa nanay mo o sayo na. Pinatingin ko yan sa alahera sa mall, wala
naman palang halaga kaya walang silbi—aray!
Napaupo si Rose dahilan para alalayan siya ni Daisy at mapatakbo si Jeff sa kinatatayuan nila.
JEFF: Daisy...
DAISY: Hindi.
ROSE: Pwes malalaman niya to kapag pinaalam mo sa nanay mo at kay Papa ang buong
nangyari ngayon.
MELISSA: Hoy para sa kaalaman mo, high maintainance si Yuri. Laging nakaka-uno, loyal saka
teh, lead vocalist ng banda nila sa school!
GAB: Melissa!
MELISSA: Brader!
MELISSA: Excuse me, ah! Si Yuri lang ang sinabihan ko bakit isang kumpol kayong nandito?
Sinama niyo pa yung masamang damo na yan!
RYAN: Tibo!
MELISSA: Bayot!
Papatulan pa sana ni Melissa si Ryan pero mas pinili nitong unahan sina Gab para maituro ang
pwesto nila ni Louie.
Gulat ang reaksyon ni Gab at Yuri habang nakakunot ang noo ni Louie.
LOUIE: Sana wala sa inyo yung Yuri na sinasabi ng kaibigan ko.
LOUIE: Sis, hindi naman ako nainform na puro masasamang damo ang nandito.
LOUIE: Yung dalawa dyan nakita ko sa Quiapo bumili ng gayuma. Kung sino man sa kanila si
Yuri, palayasin mo kasama ng kasama niya.
MELISSA: Hoy dalawang tukmol, magsi-uwi na raw kayo. Jeff, may jowa ka, umuwi ka na rin.
Ryan.
RYAN: Tabi tayo, asarin natin si Melissa. Hindi tayo pauuwiin niyan hanggang di niya nakikitang
close tayo.
LOUIE: Bingo?
Dumating si Melissa.
MELISSA: Sabi na barbie, eh! Harot! Jusko dai, aasar-asarin mo pa akong tibo kanina eh ikaw
naman pala tong bakla!
MELISSA: Palusot mo bulok! Ngayon pa lang binabalaan na kita, mas may toyo yang si Louie
kaysa kay Jean! Goodluck sayo!
Tumayo si Louie.
LOUIE: Melissa...
MARIE: Wag mong mabanggit-banggit yang lalaking yan! No buts, no ifs pa siyang nalalaman!
Nakakuha na ng hint si Melissa at napasipol na lang sa kawalan. Ganoon din si Louie na alam
ang naiisip ni Melissa.
RYAN: Bili?
LOUIE: Sabi ko bili na ako ng kape kasi kanina pa tayo nakaupo dito.
Umalis na si Louie.
Pabirong sabi nito kaya nilingon pa siya ulit ni Louie. Bumalik ang atensyon ni Ryan kay Marie.
RYAN: Mukhang naipasa na ni Yuri ang karupokan sa 'yo ah.
MARIE: Alam mo? Kung gusto mong masolo ako, sana binili mo na lang ako! Napakaseloso mo!
MARIE: Protecting me?! Kausap ko yung client namin dahil may problema sa schedule tapos
aagawin mo yung phone, sisigawan yung client at papatayan ng tawag because you're protecting
me?! Ang babaw mo!
MARIE: Kasi nga may problema! Ang kulit mo naman! Kung sana pinayagan mo akong umalis
edi sana mas mabilis kaming nag-usap!
MARIE: You're impossible! You're over reacting! Gab, wala kang tiwala sa akin! Paulit-ulit akong
nag-eexplain! I hate you! I HATE YOU!
Melissa: Parang... Parang gusto ko nang itawag sila kay Raffy Tulfo?
---
Dumating si Daisy sa bahay nila sabay naabutan niya ang inang may hinahanap.
MERCY: Alam mo ba kung saan naglalagi ang kapatid mo? Lagi na lang wala dito dati naman
hindi yan ganyan.
DAISY: O-oo naman po. Masama lang talaga ang loob noon dahil sariwa pa sa memorya niya ang
lahat ng nangyari.
MERCY: Sana nga. Gusto ko na ulit mayakap si Rose. Naalala ko, noong bata yon, laging
nakakapit yun sa braso ko para makatulog. Tapos noong nagkinder siya, unang araw pa lang
umiiyak na kasi ayaw magpaiwan sa school. Sobrang nakakamiss ang lambing ng kapatid mo.
Kailan ko kaya ulit mararamdaman yon?
Halos mawasak si Daisy habang nagkukwento ang ina. Nangingilid ang luha nito dahil sa
emosyong itinatago niya.
DAISY: E-eh... A-ako , Ma? A-ano ako noong bata? A-anong naaalala niyo sa akin?"
Nawala ang ngiti ni Mercy. Pilit naman itinatago ni Daisy ang emosyon niya.
MERCY: Ah... ikaw? Papa mo ang madalas magbantay sa 'yo eh. Saka bata pa lang, independent
ka na kaya wala kaming problema sayo.
Tumalikod si Daisy kay Mercy para huminga nang malalim at punasan ang luha. Si Mercy
naman, bumalik sa pag-hahain ng pagkain.
MERCY: Oo naman. Pero mas namimiss ko na si Rose kasi ikaw, nakakatawagan kita pero yung
kapatid mo laging umiiwas.
DAISY: Eh maiksi lang naman yung tawag. Kapag walang balita kay Rose, sasabihin mong busy
ka na.
DAISY: Hindi, Ma eh. Ayoko mang ikumpara ang sarili ko kay Ate pero pakiramdam ko siya lang
ang kinikilala mong anak. Kung masama rin ba ang loob ko sayo, kung hindi ako nagpatawad,
kung hindi ako nagpakumbaba, kung naging bastos ako, kung hindi ako nagpaparaya... Ma,
ituturing mo rin ba akong anak?
Daisy: Pero bakit laging si Rose lang? Porque ba kinakaya kong mamuhay nang mag-isa? Lagi na
lang po akong nasa gitna niyong lahat. Naitanong niyo po ba kung kumusta na ako? Eh ni
minsan hindi ko nga naranasang paghandaan mo ng pagkain eh. Anong klaseng anak ako sayo,
Ma?
Kumunot ang noo ni Mercy, mayamaya ay iniling-iling niya ang kanyang ulo na tila kinalimutan
ang nangyari.
MERCY: Nako, malaki ka na, wag mo na akong dramahan ng ganyan ngayon pang gabi na't wala
pa ang kapatid mo. Please, wag ka nang dumagdag sa problema.
Dismayado ng mukha ni Daisy na tila napahiya at naisawalang bahala ang seryosong paglalabas
niya ng damdamin sa ina.
MERCY: Pahingi ng number ng kapatid mo, tatawagan ko na. Lalamig na yung pagkain niya rito,
wala pa siya.
---
Kakanta ang The Seizemic ng kahit anong soft metal song, pa-outro na.
HOST 1: Again, let's give a round of applause, the 2020 Battle of the Bands winner...
Nagpalakpakan ang mga audience, may ilan pang nagtaas ng banner at logo ng banda.
AUSTIN: I am Austin na handa kang haranahin kahit mapitikan pa ng string. I'm the lead
guitarist at kung minsan dancerist. *wink*
Ngumiti lamang ito pero mas malakas ang nakuhang hiyaw nito sa audience.
SEIRA: Anong sasabihin ng nanay sa anak niya kapag paparating na ang eroplano?... Seiraaaa
(Say ah so aact si Seira na para bang may sinusubuan)
SEIRA: Okay, corny. My name is Seira, the female vocalist of the Seizemic~ (like Mimiyuh) char!
Seize the mic, everyone!
YURI: Ako po si Yuri, male vocalist ng banda. P-pwede po ba akong tumugtog ng isang kanta
para sa isang taong nandito ngayon?
Kinanta nga ni Yuri ito at halos kiligin naman ang mga audience maliban kay Faith na nagpunas
ng luha at umiling. Tumingin ito kay Yuri saka tumakbo palayo.
HOST 1: Ayan! So nakilala na natin sila! Later on, The Seizemic will serenade us with another
masterpiece so dyan lang kayo.
Dahan dahang umexit ang lahat maliban kay Yuri na nakipag unahang bumaba.
Nagtataka ang mukha ni Seira na tinanong ang mga kasama kung saan pupunta si Yuri ngunit
wala ring alam ang mga ito dahilan para sundan niya si Yuri.
---
Naglalakad si Faith palabas nang habulin siya ni Yuri at higitin ang braso.
FAITH: Pagod na ako, Yuri. Please! Pwede bang tigilan mo muna ako?
Habang naguusap sila Yuri ay siya ring pagsalubong si Dylan na hinahatak ang isang babae
pabalik.
FAITH: Dylan...
Dumating si Seira.
DYLAN: Sing kapal ng mukha mong suntukin ako eh wala naman akong atraso sayo.
Dumating ang mga kabanda ni Yuri maging ang mga kaibigan niya.
Inalis ng mga babaeng kaibigan ni Yuri si Faith sa gulo ngunit sumusugod pa rin ito.
FAITH: Sana inisip mo rin na girlfriend mo ako bago ka naglabas ng ibang babae.
Sinuntok muli siya ni Yuri. Inilayo ni Yuri si Faith kay Dylan, pumwesto ito sa unahan ng mga
babae.
FAITH: Yuri! (Bumitaw ito sa mga kaibigan) Pwede ba wag kang mangialam?! Pwede bang
pabayaan mo kami?! P-pwede bang umalis ka na?! H-hindi ka namin kailangan.
Halos mamutla si Yuri sa narinig. Sa gitna ng gulo at pagmamagandang loob niya, mas pinili pa
rin ni Faith na samahan si Dylan.
Hinila ni Faith si Dylan sa mga kamay ng mga kabanda ni Yuri. Nang madaanan nito si Yuri ay
nagsalita itong muli.
JEFF: Sige na pare, hayaan mo na si Faith. Marami ka na ring ginive up sa kanya, wala namang
nangyayari.
ERIC: Sisirain mo ba ang gabing to nang dahil dito? Tara na, tatawagin na tayo.
HERSHEY: Sumama ka na, Yuri. Kami na bahala kay Faith. Sayang yung performance niyo dun.
DYLAN: I think it's over. Hindi naman talaga kita minahal eh. I'm doing this for the image but I
think can't take this any longer.
DYLAN: No. Totoo to. I don't need to explain too long kasi I guess ramdam mo naman. Thanks
for riding, goodbye.
Walang pusong umalis si Dylan kahit nakailang pigil, yakap, habol at abot ni Faith sa kanya.
Akmang lalapit na si Yuri kay Faith nang higitin siya sa braso ni Austin.
FAITH: Yuri...
YURI: Hmm?
YURI: Hindi na ako makakabalik. (Bumaling ito kina Jeff) Pre, patulong kay Faith, yung
sasakyan.
---
3 months later...
RYAN: Babe, do you want a vacation? Kahit outside Metro Manila lang.
LOUIE: That would be great lalo na kapag hindi mo ako tatawaging babe.
RYAN: But—
RYAN: I am asking you kung may pag-asa ba but you have no response. Daig mo pa ang babae.
LOUIE: If that's what you think, bahala ka sa buhay mo. Did I force you? Hindi naman diba?
LOUIE: Motibo ba yon o binibigyan mo lang ng kahuluhan ang lahat ng bagay? Ako? Gugustuhin
ka? Kailan pa?
LOUIE: You are crazy! Isipin mo, nagce-claim ka nang walang permiso!
LOUIE: Hoy! Sinabi ko lang yon at ikaw ang nag-bigay at nag-insist. Wag mong isisi sa akin.
Kasalanan ko bang uto-uto ka? Kaya kong bilhin at gawin ang lahat ng yon para sa sarili ko.
LOUIE: Hindi ko alam! Ghorl, pinapakisamahan ko na nga siya tapos ako pa raw tong nagbibigay
ng motibong gusto ko siya? Wow!
MELISSA: Eh Louie, gusto ka ni Ryan, madalas kayong magkasama edi aakalain naming mutual
kayo.
LOUIE: Diba sinabi ko na sayo? I don't believe in love! I prioritize myself. Kayo lang naman tong
pain nang pain sa akin sa iba. Did it work? Hindi naman eh!
MELISSA: Eh ano bang ikinagagalit mo? Ang akin lang naman sana nilinaw mo noong una pa
lang para walang nag-assume.
MELISSA: Because you're so full of yourself! Laging ikaw ang ganito, ikaw dapat ganyan! Paano
magwowork kung hindi ka marunong tumingin sa iba?
LOUIE: Melissa, nagtitimpi na ako sayo ah! Alam mo? Hindi ko talaga maisip bakit kita naging
kaibigan eh. Feeling ko nga nakikipagplastican ako sayo!
LOUIE: Wag mo akong maduro-duro dyan babae ka! Feeling mo may karapatan kang
pagmataasan ako dahil nasa Dean's List ka? Pwes wala!
LOUIE: Eh siya tong sumasabat eh! Hoy, walang kinalaman ang rank mo dito! Wala kang—
HERSHEY: Melissa, sobra na yang kaibigan mo. Tara na bago ko mahambalos yan.
MELISSA: I treated you as my real best friend, Louie. I always wanted to understand you pero
sobra ka na. We're not friends anymore. You gave me so much pain that I can no longer handle.
MELISSA: You're self centered, Louie. Malayo sa mga baklang kilala ko. Yes, priority mo ang
sarili mo pero hindi ko yon maituring na self love. Ni hindi mo kami ma-appreciate, hindi ka
marunong magconsider ng iba. Kawawa kaming mga nagmamahal sayo, Louie pero mas naaawa
ako sa sarili ko dahil pinahalagahan ko yung isang taong all this time nagdodoubt kung bakit
ako naging kaibigan.
Naiwan si Louie na tulala at hindi makapaniwalang iniwan siya ng dalawang taong malalapit sa
kanya.
LOUIE: N-naging totoo ako... N-naging totoo ako! Bakit nila ako iniwan? B-bakit nila ako natiis?
LOUIE: Pero hindi... Dapat okay lang. Sino ba sila? Iwan nila akong lahat! Lahat! Wala akong
pakialam! Wala! Ayoko na...
[Insert song here with monologue ni Louie. Yung parang pasuspense type na nagpapakita ng
confusion kasi nalulungkot si Louie pero pride ang umiiral sa kanya.]
[If kakayaning biglang ng switch ng setting, please make it happen during Louie's performance,
sa apartment niya]
LEA: (boses lang muna) Hoy Louie, buksan mo ang pinto! Nagagalit na si Mama, hindi ka na daw
umuuwi ng bahay!
Makalat na ang hitsura ni Louie. Smudged na ang eyeliner at lipstick, maging ang buhok magulo
na.
Parang gulong-gulo ito sa sarili niya hanggang sa nakakuha ng matalim na bagay at itinusok sa
dibdib niya.
---
Sa usual tambayan...
Nakatingin sa lupa si Melissa, hindi nagsasalita pero paisa-isa ang patak ng luha na pinapahid
niya agad.
JEAN: Nako, kung tayo ang malalagay sa sitwasyon malamang hindi na rin natin hahayaan pa.
Ngayon ko lang nakita yung bruhang yun pero pinakulo agad ang dugo ko.
HERSHEY: Ang toxic niyang friend, Daisy. Melissa doesn't deserve that. Siya lang ang nakita
kong bakla na ganun umasta.
JEFF: Mukha naman siyang mabait noong nakita namin siya. Yun nga lang, masungit.
DAISY: Sinundan ni Mama si Rose sa ospital eh. Alis muna ako. Jeff, wag mo nang tangkaing
sumunod.
----
Sa isang park...
MERCY: Eh sinubukan ko siyang tanungin tungkol dito, wala akong nakuhang sagot at tinaasan
pa ako ng boses kaya wala akong magawa kundi sundan siya. Anak, nag-aalala ako.
DAISY: Ma...
DAISY: A-ako?
MERCY: Sige na, anak. Gusto ko lang makampante.
DAISY: Haay. Oo. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Hindi ka na pumapasok pero laging wala ka
sa bahay.
ROSE: Dito ang tambayan ko. Mas kalmado rito. Kapag may masakit, dito lang ako. Ayoko lang
talaga sa bahay.
ROSE: Utang na loob wag mong ipagsasabi kahit kanino. Sa inyo na lang ni Papa ang tiwala ko.
ROSE: Sus! Wag na! Gusto ko nang mamatay, eh! Kung hindi pagpapatihulog ang papatay sa
akin, baka—
DAISY: Wag mong sabihin yan. Tara, ipapatingin kita. Baka dahil yan sa pagkakahulog mo.
ROSE: Sinusundan niyo ba akong mag-ina? Ano? Hindi niyo ba talaga ako lulubayan?
ROSE: Pwes hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Matagal ka nang wala, kaya ko sarili ko. At
ikaw, Daisy? Hindi ka ba talaga natatakot? Akala ko pa naman—
Bigla na lang tumakbo palayo si Rose, sapo-sapo ang ulo at napapasigaw sa sakit at sa sobrang
sakit nataranta na ang lahat lalo na si Daisy at Mercy.
DAISY: Rose!
MERCY: Rose! Anak! Jusko, tulong! Daisy, tumawag ka ng sasakyan, dali! Tulong!
Campus
YURI: Thank you, thank you. Manood kayo ulit ng gig namin this Saturday ah.
Natahimik si Yuri.
GAEL: Gab?
GAEL: (pabiro) Nako, Marie kung ako sayo, iwan mo na agad tong kapatid ko. Chickboy yan!
Napalingon si Marie. Nang makita nito ang dalawang lalaki ay napangiti siya at nilapitan.
MARIE: Uy, kayo pala yan! Wala naman akong event ah?
LALAKI 2: Ah, taga dito rin kasi kami tapos nakita ka—
Nilapitan agad ni Gael ang kapatid habang inilayo nila Yuri si Marie sa gulo.
GAB: Eh bakit hindi kayong tatlo ang mahiya?! Ano, niloloko niyo ako? Ha?!
YURI: Brad!
Hinabol ng tatlo sila Gab ngunit parang wala itong naririnig hanggang sa nakaalis ito.
GAEL: Yun na nga ang iniisip ko. Tulungan niyo ako para mailayo si Marie kay Gab. Delikado.
---
Sa isang kwarto
MARIE: Para kang tanga! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Ang babaw mo palagi! Wala akong
ginagawang masama pero sa paningin mo hindi ako mapagkakatiwalaan!
MARIE: Eh, hindi naman nila ako inaagaw! Fans yon, Gab! Nag-iisip ka ba?!
GAB: Marie, walang event tapos nakasunod pa rin sayo? Taga-doon? A lame excuse! May gusto
yon sayo at ikaw naman, ineentertain mo!
MARIE: Ang OA mo naman, Gab! Paikot-ikot tong walang kwenta nating usapan! Hindi ka
marunong makaintindi! Akala ko na mahal mo ako?
GAB: Oo, mahal kita! Hindi ako magkakaganito kung hindi kita mahal!
GAB: Please, Marie. Please. Gusto kong ayusin natin to. Iwasan mo na sila, Marie. Okay? No buts,
no if—
MARIE: Yan ka na naman eh! No buts, no ifs! Palagi na lang! Lagi na lang ikaw nasusunod! Lagi
na lang ikaw! Ako? Ano ako?! Alipin mo? Ha? Gab, sabihin mo nga! Pagmamahal pa ba to o
pananakal na?
Tila napanting ang tainga ni Gab at sinugod si Marie. Sinungalgal ito at sinampal.
Nagpupumiglas si Marie ngunit tumindi lamang ang galit ni Gab at bumaba ang kamay nito sa
leeg ng dalaga.
MARIE: Hindi na ikaw yung Gab na nakilala ko! Alam mo—alam mo minsan napapaisip ako.
Minamahal mo—ba ako? Kasi parang hindi.
GAB: Akin ka lang. Alam mo ba, ginayuma pa kita para mapasaakin ka? Kaya bawiin mo!
MARIE: Ni minsan hindi ako nag isip ng masama sayo—pero ako... ni minsan hindi naging tama
sa paningin mo. Ayoko na, Gab! Bi—bitaw—
MARIE: Ma—G-gab—
GAEL: Matagal ko nang sinabi sayong itigil mo na! Sobra na yang pagmamahal mo! May sira ka
na sa ulo!
---
Sa ospital...
Dumating si Jeff at sinalubong nito si Daisy na walang tigil sa pag-iyak. Hawak-hawak nito ang
pendant ng suot niyang kwintas ni Rose.
DAISY: Jeff, si Rose... Anytime, mawawala na siya sa amin. Hindi ko na alam, Jeff.
Hindi na rin mawala ang pag-aalala ni Jeff dahil bitbit pa rin nito ang pangyayari kanina.
DAISY: May namuong dugo sa utak ni Rose dahil sa pagkakahulog niya, Jeff... Jeff, hindi siya
nagsasabi sa akin, kapatid niya ako! Jeff, nagkulang ba ako sa kanilang lahat? Sinakripisyo ko
na nga lahat ng akin para sa kanila eh!
JEFF: Shh, Daisy... Daisy, alam kong hindi okay ang lahat but please let me tell you that you are
enough. Siguro ayaw na talaga ni Rose—
DAISY: Jeff, hindi pwede! Hindi pa sila nagkakaayos ni Mama! Hindi niya pa nakikitang
nagkabalikan sila Papa. Jeff, ayokong mawala si Rose. Kapatid ko yon eh! Kahit anong sigaw
nun sa akin, kaya kong tiisin! Kahit siya na lang ang pagtuonan ng pansin ni Mama, kaya kong
tiisin!
Niyakap pa siya nang mas mahigpit ni Jeff.
JEFF: Hindi natin kontrol ang lahat, Daisy. Kahit anong gusto nating mangyari, hindi natin
kontrol ang lahat. Ang mahalaga may ginawa ka, mahal ko. Ang mahalaga hindi ka sumuko.
Umiiyak pa rin si Daisy nang dumating sina Melissa. Umiiyak ito, walang tigil ang luha at agad
na niyakap si Faith.
MELISSA: Faith! Please, wag ka nang umiyak mas lalo akong nahihirapan.
MELISSA: Faith ang tanga-tanga ko. Dapat hindi na ako nagalit, Faith! Dapat tinulungan ko
siyang umintindi ng sarili niya!
Mas lalong umaligawngaw ang iyak ni Melissa. Napatulala na lang din si Jeff at niyakap ang
dalawang babae.
JEFF: Kaya natin to, okay? Please, be strong, guys. Kaya natin to.
Hindi na nga napigilan pa ni Jeff ang pagluha at dahan-dahang napa-iling. Parang sinakluban ng
langit at lupa ni Daisy at parang hindi na maiproseso ang mga nangyari.
DAISY: A-Ano?!
Mula sa pagkakayakap, umalis ito at nagtatatatakbo na para bang alam na ang sasabihin ng ina.
MERCY: Anak, anong hindi ko nagawa sa kanya, anak? Iniwan na niya tayo...
Tuluyan nang napasalampak sa sahig si Daisy at ibinuhos ang lahat ng luhang meron siya.
Tumakbo agad si Jeff sa nobya upang tulungan makatayo habang nakatayo lang si Mercy, iyak
nang iyak.
---
NISSA: Nako, matagal nang nagsara at tumigil sa pagbebenta at panghuhula si Manang. May
kailangan ka ba?
NISSA: Nako, hindi ko sigurado ah pero minsan kasi dumadaan yon dito. Pwede mo siyang
antayin.
NISSA: Si Manang Marites? Dito muna kayo. Baka dumaan yon dito tutal araw ng Linggo.
MERCY: Marites! Marites, bakit ganun yung nangyari? Bakit namatay si Rose? Bakit?!
Marites: Bakit parang malaki ang kasalanan ko? Bakit nandito kayong lahat?
Mercy: Marites, ginawa ko ang lahat pero hanggang sa huli, hindi ako napatawad ng anak ko!
Marites, anong mali?!
Lea: Dati na po akong nakaranas ng serbisyo niyo kaya nang makita ko ang salamin na 'to sa
kapatid ko, alam kong galing sayo. Gusto ko lang pong ibalik sa inyo tutal wala na po si Louie.
Lea: Louie Ambrocio. Naabutan namin siya sa apartment niya, walang malay. Hindi ko alam
kung anong nangyari.
MARITES: Kilala ko kayong magkapatid, Lea. Yang malabong salamin na yan ay ibinigay ko para
ipaintindi sa kanya na hindi lang dapat repleksyon niya ang nakikita niya. Dapat siyang
tumingin at magpakumbaba sa iba. Pero sa tingin ko ay maging yan ay hindi niya
pinahalagahan.
MERCY: Eh, sa akin? Wala kang ibinigay! Nagpahula ako at nagtiwala ako doon! Pero bakit
kailangan mamatay ng anak ko?
MARITES: Walang sinoman ang may gusto ng pagkawala niya sa mundo. Oo nga at marami kang
naisakripisyo para bumalik siya pero hindi mo nakita ang sakripisyo ng iba para lang manatili
ka.
MARITES: Sinabi mo sa akin na dalawa ang anak mo. Ni minsan, kinamusta mo ba ang isa?
Natanong kung ayos lang ba siya o kahit kung kumain manlang ba? Pinahalagahan mo ba ang
alaala niyong dalawa? Humingi ka ba sa kanya ng tawad? Ang batang yon ang naging sandalan
at katuwang mo noong iniluluwa ka ng lahat. Ang anak mong yon ang tinutukoy ko sa hula.
Kung oras na ng nauna, may pagkakataon ka pa para bumawi sa natitira. Ikaw (Gael), bago ka sa
paningin ko.
GAEL: Sinama po ako dito ni Yuri, kapatid po ako ni Gab. Ginagamot ang kapatid ko at malayo
na sa amin. Napatay niya kasi ang girlfriend niya.
MARITES: Ang batang yon. Siguro iniisip niyang totoo ang ibinigay ko sa kanya. Hindi niya alam
na siya na mismo ang nalalason ng sarili niyang pag-iisip at hindi ng kahit na anong likidong
maibibigay dito sa Quiapo.
GAEL: May sakit po ang kapatid ko pero hindi ko alam na ito ang magtutulak sa kanya para
makagawa ng masama.
MARITES: Mabuting tao ang kapatid mo, alam ko yon. Sadyang ang sobrang pagsunod niya sa
kagustuhan niya ang nagtulak sa kanya upang makapanira ng iba. At ikaw (Yuri)?
YURI: Sinamahan ko lang po si Gael. Hindi ko rin nagamit ang potion. Isang lang din ang
nagpatunay sa akin na hindi ako dapat maging martyr sa pagmamahal.
MARITES: Mukhang ikaw lang ang nagtagumpay. Pero sino ang taong yon? Yung matagal mo
nang gusto?
YURI: Hindi po, sarili ko lang. Masaya na po ako dahil mas pinili kong magtiwala sa sarili ko at
hindi sa ibang tao.
MARITES: Yan ang dahilan kung bakit hindi ko na itinuloy pa ang panghuhula. Maraming
dumepende rito ngunit walang pagkilatis sa sarili.
MARITES: Walang may gusto ng lahat ng nangyari, Mercy. Ang tanging makukuha lang natin
dito ay ang aral. Sana ay magsilbing gabay ang lahat ng ito sa inyo. Mauna na ako sa simbahan.
DAISY: Manang, hulaan mo po ako. May pag-asa pa po bang magkaayos ang pamilya ko kahit
wala na ang kapatid ko?
Lumapit ito para aninagin ang anak. Tumabi si Marites, hinawakan ang kamay ni Daisy.
MARITES: Tumigil na ako sa panghuhula, hija. Pero gusto kong dito tapusin ang nasimulan ko,
sayo... sa inyo. Sa tingin ko hindi na ako mabibigong sabihin sayo na magkakaayos kayo.
MERCY: Sorry, anak. Sorry. Masyado akong nadala sa takot para sa kapatid mo. Masyado akong
naging kampante para sayo.
DAISY: Ma, ayos lang po. Wala naman pong nagbago, mahal ko pa rin kayo.
MERCY: Salamat! Salamat sa hindi pag-iwan sa anak ko, sa pag-alalay, pagdamay at pag-intindi
habang nakakalimot kami sa presensya niya. Salamat!
Sumabat si Marites.
MARITES: Ibang klase ang pagmamahal, Mercy, mga anak. Wala itong kahit anong ritwal o
formula. Marami tayong pagpapakahulugan dito, marami tayong basehan... Nasa atin na kung
mas pipiliin natin ang tama o ang dapat.
JEAN: Daisy! Jeff! Ang tagal niyo naman! Magsisimula ang ang misa!
AUSTIN: Nasabi na sa akin ni Gael to. Hanapin na lang natin, may dadaanan lang daw sila.
ERIC: Ayon oh! Yuri! Tara na! May gig pa tayo, anong oras na!
SEIRA: Nako, Yuri wag mo gagayumahin mo si Melissa ah! Melissa! (Kumaway ito kay Melissa) Si
Yuri, gagayumahin ka!
Natawa si Melissa. Lumapit na sila sa gitna. Tumayo na rin sina Gael sa upuan.
MELISSA: Matagal na akong nagayuma niyan! Sa akin yata tumalab yung gayuma para kay Faith!
AUSTIN: Speed laaangs, no Melissa? Ikaw yata lalaki sa madumi niyong relasyon eh.
MELISSA: Hoy, hindi pa kami! Bugaw kita kay Jean, pareho kayong ma-issue.
YURI: Hindi mahirap magmahal kung dalawa kayong may pantay na ambag.
MARITES: Nako ang laki nating harang dito. Mabuti naman at may naiwang aral ang mga taong
nang-iwan sa atin. Sige na, iwan na natin si Nissa dito.
---wakas---