Notes 12

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

 Talumpati

Talumpati
 Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay
sa isang partikular na paksa.
 karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
 Apat Uri ng Talumpati
1. Biglaang Talumpati (Impromptu)
 Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda
 Ang susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong
kailangang maibahagi sa tagapakinig.
2. Maluwag (Extemporaneous)
Ang talumpating ito ay nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa
paksang ibinibigay bago ito ipahayag.
3. Manuskrito
Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon,seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-
aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati
 Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin
1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
 Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa,isyu, o
pangyayari.
2. Talumpating Panlibang
 Layunin nitong magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig
3. Talumpating Pampasigla
 Layunin nitong magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig
4. Talumpating Panghikayat
 Pangunahing layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng
mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.

5. Talumpati ng Pagbibigay-galang
 Layunin nitong tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
 Ginawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin

6. Talumpati ng Papuri
 Layunin nitong magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan.
 Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati
1. Uri ng mga Tagapakinig
2. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
 A. Mga Uri ng mga Tagapakinig
Ilan sa mga dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig
2. Ang bilang ng mga makikinig
3. Kasarian
4. Edukasyon o antas sa lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
 B. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
1. Introduksiyon
 Ito ang naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop
ang pambungad sa katawan ng talumpati.
Bakit mahalaga ang isang mahusay na panimula?
 mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga nakikinig
 makuha ang kanilanng interes at atensiyon
 maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa
 maipaliwanag ang paksa
 mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
 maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe
2. Diskusyon o katawan
 dito makikita ang pagtalakay sa mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig
 Mga katangiang kailangang taglayin:
2.1. Kawastuhan
 Dapat na totoo at maipaliwanag nang mabisa ang lahat ng kailangang detalye upang
maipaliwanag ang paksa.
2.2. Kalinawan
Mahalagang dapat tandaan:
a. Gumamit ng mga angkop at tiyak na salitang mauunawaan ng mga makikinig
b. Umiwas sa madalas na paggamit ng mahahabang hugnayang pangungusap
c. Sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasang magpaligoy-ligoy sa pagpapahayag ng paksa
d. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa mga tagapakinig
e. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag ng paksa
2.3. Kaakit-akit
 Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa
 Sikaping makabuo ng nilalaman na kaugnay sa paksa at gigising sa kaisipan at damdamin ng mga
makikinig
 Sikaping mapaniwala ang mga nakikinig sa mga katotohanang inilahad sa talumpati
3. Katapusan o Kongklusyon
 Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati
 Kalimiting maikli ngunit malaman, maaaring ilagay rito ang pinakamatibay na paliwanag at
katwiran upang mapakilos ang mga tao sa layunin ng talumpati
4. Haba ng Talumpati
 Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan o oras ang inilaan para sa pagbigkas o
presentasyon nito (Pagtitiyak sa nilaang oras)
 Pictorial Essay
 Pictorial Essay
 Isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat.
 May pagkakataong kaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay-sanaysay
ay may kasamang larawan.
 Dapat tandaan sa pagsulat ng ng pictorial essay
 Ang paglalagay ng larawan ay dapat isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuuan ng kuwento o kaisipang nais ipahayag
 Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t
hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at
mapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito
 Dapat tandaan sa pagsulat ng ng pictorial essay
 May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga
larawang may ibang kaisipan I lihis sa paksang nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa
kabuuan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng pictorial essay
 Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga bata, kabataan.
Propesyunal o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay
gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga caption

You might also like